48
Parang isang malakas na hangin ang tumama sa mukha ko nang marinig ang sinabi ni Zira. I was dumbfounded and shocked at the same time.
Hindi ko rin magawang bigkasin ang gusto kong sabihin. Tila ba’y tumigil ang lahat sa paligid ko, ni hindi ko magawang ikurap ang aking mga mata.
“K-Kay San Agustin?” Nakaramdam ako nang pagsikip sa‘king dibdib. Parang may kung ano’ng tumutusok sa puso ko dahilan para maramdaman ko ang sakit doon.
Tumango-tango si Zira bilang sagot sa tanong ko habang malawak ang ngiting nakatitig sa‘kin. Hindi ko mapigilang mapalunok habang nakatingin din sa kaniya.
Bakit ganito? Parang may kung ano’ng nakabara sa lalamunan ko. Hindi ko magawang ibuka ang bibig ko para magtanong pa sa kaniya.
Nagulat na lamang ako nang bigla niyang tapikin ang kaliwa kong balikat. Napapitlag ako‘t saka napakurap.
“Free ka ba ngayon? May gusto akong subukan na resto rito na nakita ko lang kanina. Ano, go ka ba?” marahan niyang binunggo ang balikat ko habang hawak-hawak ng kaniyang kanang kamay ang kamay nung bata.
Gusto kong tumanggi kay Zira dahil pagod at inaantok na rin ako. Isa pa’y parang hindi ko kaya ang mga nalaman ko ngayon lalo na’t nakikita ko ang anak niya.
Ibig sabihin ba rin nito ay may asawa na siya?
Parang piniga ang puso ko sa sarili kong naisip. Naramdaman ko ang panunubig ng aking mata kaya naman mabilis akong tumalikod kay Zira pagkatapos ay kaagad akong tumingala.
“Hoy, ano?” untag niya nang makitang tumalikod ako.
“Oo, sige na.” Maikli kong sagot.
“Parang labag pa sa loob ah? Magtatampo na ba ako nito?” natatawang tanong nito dahil sa maikli kong sagot.
Mahina akong natawa bago ulit humarap sa kanila. Tipid akong ngumiti at napailing-iling.
Nakarating kami sa sinasabing resto ni Zira makalipas ang ilang minutong biyahe. Medyo pamilyar sa’kin ang lugar, marahil ay dinala na ako rito ni Chein.
Si Zira ang nagpresintang mag-order para sa’kin kaya naiwan kaming dalawa nung bata sa table.
“Uhm, ano’ng pangalan mo?” nakangiti kong tanong nang makita kong titig na titig siya sa akin.
“Sabi ni Mommy, I should not disclose any personal information to strangers.” Diretso nitong sagot nang hindi inaalis ang tingin sa akin.
Napamaang ako at hindi kaagad nakasagot. Ngunit ilang segundo lang ay mahina akong napatawa.
“Grabe, napakabait at masunurin mo namang bata, however I’m not a stranger kiddo. I’m a friend of your father.” Sa sinabi kong iyon ay kumunot ang noo ng bata.
“Daddy doesn’t have a girl friends because he’s a loner.” Muli nitong saad nang magkasalubong ang kilay.
Napatigil ako. “Oh?” Nakagat ko ang pang-ibabang labi habang matamang nakatingin sa bata.
“What’s your name po?” Napakurap ako sa tanong ng bata.
Mahina akong tumikhim bago sumagot. “My name is Lezelle. They often call me, Zelle.”
Tumango-tango ito na tila nakuha ang sinabi ko. “My name is Davies San Agustin.”
Napatitig ako nang marinig ang sinabi ng bata. Muli ko na namang naramdaman ang milyon-milyong kutsilyo na tumutusok sa puso ko. Sa pagtagal ay mas lalo kong nakikita ang pagkakapareho ng batang ito kay San Agustin.
“Why are you crying po?” Naguguluhang tanong ng bata dahilan para mapahawak ako sa magkabila kong pisnge.
Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha sa mata ko. Tipid akong umiling bago ngumiti sa kaniya.
“I thought you’re an obedient kid. You have just told me your name.” Pag-iiba ko.
“Because you told me your name first.” Kaagad nitong sagot.
Bago ko pa magawang sumagot ay saktong dumating na rin si Zira dala ang mga in-order niya. Malawak ang ngiti niyang nilapag ang mga pagkain.
“Sayang, dapat pala pinilit ko si Lilac na sumama rito. Edi sana may reunion tayong tatlo rito sa Switzerland.” Litanya niya habang inaasikaso ang pagkain para sa bata.
“Zira, may tanong lang ako?” Mahina kong sabi.
Saglit niya ‘kong tinapunan ng tingin bago sumagot. “Go, huwag lang math dahil hindi ‘yan kaya ng brain ko.” Aniya.
Nangingiti akong napailing sa mga sinabi niya.
“Nasaan pala ang magulang ng batang ‘yan?” Pagtutukoy ko sa batang katabi niya.
Napabuntong hininga ito sa naging tanong ko.
“Ayon, nagliliwaliw dahil pagod na raw mag-alaga sa englishero niyang anak.” Sagot niya nang hindi ako sinusulyapan.
Mapait akong napangiti bago yumuko sa pagkain na nasa harapan ko. Ilang beses akong humugot nang malalalim na hinga para pigilan ang pagbugso ng emosyon ko.
“Ako tuloy ang naging instant guardian ng guwapong bebe boy na ‘to,” dugtong ni Zira.
“Nga pala, kumusta naman ang paninirahan mo rito?” tanong nito.
“Noong una, nakakapanibago at mahirap pero sa kalauna’y nasanay na rin naman kami.” Sagot ko habang hinahalo ang kapeng in-order niya.
“Ang laki ng pinagbago mo, Zelle. Mas lalo kang gumanda at tumangkad. Tsk. Tsk. Nakakamatay ang ganda mo ngayon,” iiling-iling nitong komento dahilan para tipid akong mapangiti.
“Hindi naman ako maganda, maputi lang.” Ani ko.
Kaagad niya ‘kong tinaasan ng kilay na para bang masama ang naging sagot ko sa sinabi niya.
“Kung pinanganak lang akong lalaki, ikaw ang magiging tipo ko sa mga babae pero may tahong din ako Zelle. Sad life,” nakasimangot niyang saad. Napailing-iling ako at mahinang natawa.
“Siraulo, kumain ka na nga lang.”
***
“Ihahatid ko na kayo. Saan ba kayo nakacheck-in ngayon?” tanong ko kay Zira habang nasa labas kami ng resto. Kanina niya pa kasi kinocontact ang magulang ni Davies pero out of coverage raw kaya napresinta na ‘ko imbis na magtaxi pa sila.
“Okay lang ba? Medyo malayo ang hotel namin mula rito e,” nag-aalangan na wika ni Zira.
Tumango ako, “okay lang, Zira. Nilibre mo naman ako ng dinner kaya huwag ka ng tumanggi.”
“Sino ba’ng may sabi na tatanggi ako. Sinisigurado ko lang kung maluwag sa dibdib mo ang pag-aalok sa’min.” Aniya bago malakas na tumawa.
“Sira.” Naiiling kong sagot bago ko pinagbuksan ng pinto si Davies sa backseat at para na rin maayos ang pagkakabit ng seatbelt sa kaniya. Samantalang si Zira naman ay pumasok na sa passenger seat bago kami nilingon.
Nakangisi ito. “Bagay kayo maging mag-ina.” Aniya, sakto naman na natapos ko na ang pagkakakabit kaya umikot na ‘ko papunta sa driver seat.
“Give me the direction, please.”
“Diretso lang po.”
“Okay.”
Makalipas ang ilang minuto ay sinabihan ako ni Zira na lumiko pagkatapos ay pinatigil niya na. Napatingin ako sa mataas na building na mukhang mamahalin nang hindi ko namamalayang bumaba na pala si Zira.
Mayamaya ay bumukas ang pinto ng backseat kung saan tulog na tulog si Davies. Buong akala ko’y si Zira ang nagbukas at nagbuhat kay Davies kaya hindi ko na nilingon pa, bumaba ako mula sa driver seat at kaagad na sumalubong sa‘kin ang malamig na simoy ng hangin.
Napatigil ako para tingnan ang buong paligid. Sa tagal ko ng nakatira sa bansang ‘to ay ngayon lang ako nakarating sa lugar na ito.
Wala sa sarili akong napangiti habang nakatingin sa mga nagliliwanag na mga ilaw bago ko naisip na lingunin si Zira.
Ngunit kaagad ding naglaho ang ngiti sa labi ko nang hindi si Zira ang tumambad sa’kin. Napako at natigil ako sa kinatatayuan habang nakatitig sa mukha niya.
Ikang taon na ba ang lumipas mula ng huli ko siyang makita?
Buhat-buhat niya si Davies habang matiim na nakatingin sa’kin. Para akong mawawalan ng balanse habang nakikipagtitigan sa kaniya. Naging blanko ang buo kong sistema at tanging sa kaniya lang nakatuon ang lahat ngayon.
“Salamat sa paghahatid kay Zira at sa anak ko.” Walang emosyon niyang saad bago ako tinalikuran, sakto naman ng pagdating ni Zira na may dala-dalang jacket para sa batang tulog na tulog pa rin.
Napakagat ako sa ibabang labi habang nakasunod ang tingin sa likod niyang papalayo. Ni hindi ko namalayan na lumapit pala si Zira sa akin.
“Salamat, Zelle. Text mo ako kung kailan ka ulit free para labas ulit tayo, tutal ilang linggo pa naman kaming magbabakasyon dito. Ipapakilala rin kita sa fiancé ko. Ingat ka sa pagdadrive ah?” Nakipagbeso siya sa‘kin bago patakbong sumunod kina San Agustin at Davies papasok sa loob ng Hotel.
Nakurap-kurap ako bago pumasok sa loob ng sasakyan. Pagkapasok ko palang ay naging sunod-sunod na ang pagtulo ng mga luha sa mata ko. Tila nag-uunahan sila at ayaw magpaawat kahit na patuloy kong pinupunasan ang mukha ko.
“Ang sakit naman nito.” Natatawa kong bulong habang patuloy na umaagos ang mga luha sa‘king mata.
May mababalikan pa ba ako o wala na?
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top