47
5 years later...
“The client wants a cream and dark color theme for their house and they also requested to make it simple but elegant.” Ani ni Anna, my secretary.
“Ms. Zelle, the client want this project to be done as soon as possible. They are a newlywed couple planning to start their journey on living on their new home.” Nakangiti niyang dugtong.
Matipid akong tumango bago humarap sa monitor ng computer. Sa totoo lang ay marami na ‘kong magawang mga interior designs and halos lahat ng iyon ay nagustuhan ng mga clients kaya plano kong gumawa ulit ng mga bagong samples for our upcoming clients.
Kadalasan kasi ng clients namin ay naghahanap na lang sa brochure namin and kung ano'ng magustuhan nila, they will go for it. But, mayroon din naman na may mga request, katulad ngayon sa kliyente namin.
Saglit lang akong napatingin sa monitor bago ko muling tiningnan si Anna. Huminga muna ako nang malalim bago ako nagtanong.
“Did they mention specific time for their desired date for this project? So, I can adjust and make it as soon as they wanted,” ani ko.
Tiningnan ni Anna ang hawak-hawak niyang i-pad at saka pumindot-pindot doon. Pagkatapos ay tumingin ulit siya sa’kin
“They did not mention their desired date, however they wanted it before this month ends,” sagot niya. Napabuntong hininga ako kasabay nang muli kong pagtango.
“Okay, I got it. Uhm, did you take your lunch already? If not, you can leave and grab your lunch now,” tanong ko nang may tipid na ngiti sa labi.
Umiling si Anna bago siya nagpaalam. Napasandal ako sa upuan pagkalabas ni Anna ng opisina. Naramdaman ko ang sakit sa likod ko dahil sa ilang oras na pagkakaupo sa swivel chair.
Makalipas ang ilang taon, nagawa kong maipundar ang maliit na kumpanya na ito sa tulong ni ate Heart at sa pagiging pursigido at determinado ko. Marami akong karanasan na pinagdaanan bago ko narating ang puntong ito. At ngayon ko masasabing lahat ng iyon ay malaking tulong sa naging progreso ko.
Maraming panahon ang ginugol ko para sa negosyong ito. Hindi man gano'n kalaki ang naipundar ko, ngunit alam kong malayo pa ang mararating nito.
Dalawang palapag lamang ang building na ito at halos wala pa sa singkwenta ang tauhan na mayroon ako. Sa ngayon, wala pa kaming natatanggap na malalaking proyekto, ngunit hindi ako/kami nawawalan na pag-asa na balang araw ay magkakaroon din kami.
“Zelle, tanghalian mo!” napapitlag ako sa lakas ng boses ni Chein na kakapasok pa lang sa opisina.
Nagkasalubong ang kilay ko nang makitang kasama niya ang Chinese niyang boyfriend.
Napangising aso kaagad siya sa naging reaksyon ko.
“O! Huwag kang inggetera, friend. Nakakamatay ang inggit. Maraming ng nabiktima n'yan,” mayabang niyang aniya bago nilapag ang dalang paper bag sa taas ng mesa ko.
Bigla ko tuloy naramdaman ang gutom nang maamoy ang pagkain mula sa paper bag. Samantalang, prenteng naupo si Chein sa sofa habang ang nobyo niya nahihiyang nakatayo lang.
Tipid kong nginitian ang boyfriend niya.
“You can sit, XaoXao,” anas ko habang nakaturo kay Chein.
“Halika ka na, intsik. Huwag ka na mahiya sa friend ko, mabait 'yan kapag tulog.” Sabat ng magaling na si Chein.
Tinaasan ko siya ng kilay bago ko pinagtuonan ng pansin ang pagkain na dala niya.
***
“So, kailan mo balak umuwi?” bigla-biglang tanong ni Chein dahilan para mapatigil ako sa pagnguya ng pagkain.
Kumunot ang noo ko. “Mamayang alas-tres ng hapon. Bakit mo natanong?” Nagtatakha kong untag.
Eksaherada naman siyang napatampal sa noo at napailing-iling. “Ay boba. Sa Pilipinas kasi ang tinutukoy ko! Magbabakasyon kami ng XaoXao ko next month sa Boracay baka gusto mong magbakasyon din.”
Napaingos ako. “Ayokong maging third wheel niyo.”
Napailing-iling si Chein.
“Frenny, kailan mo ba balak umuwi para balikan 'yung the one mong iniwan doon? Baka nakahanap na 'yon sa tagal mo rito,” nakangiwi niyang sabi saka maarteng sinandal ang ulo sa balikat ng nobyo niya.
Tinapos ko muna ang nginunguya kong pagkain bago sumagot sa kaniya.
“Babalik ako pero hindi pa ngayon,” maikli kong sagot bago umiwas ng tingin sa kaniya.
Sa totoo lang, naiinip na rin ako. Hindi ko alam kung kailan ko ba magagawa ang lahat ng dapat kong gawin dito para makabalik na 'ko sa kaniya. Pero sa tingin ko, malapit na 'ko. Malapit na ang tamang panahon para bumalik ako sa kaniya.
“Grabe, for the past years na kasama kita, never ko talaga nakita ang happiness sa mga mata mo, Zelle. They were always longing for something or someone.” Nakasimangot na saad ni Chein saka muling umupo nang tuwid.
Tipid akong ngumiti at tumango.
“Pero naging masaya naman ako rito, Chein because I have you, I have ate Heart, and I have my sisters with me. Kaya hindi ko rin masasabing hindi talaga ako naging masaya ng lubusan dito. This is my second home,” ani ko.
“But your eyes were always lying when you smile, Zelle.”
***
Abala ako sa paghahanap ng mga pinabibili ni Lianne sa isang convenient store nang may biglang bumunggo sa'kin na isang bata. Maybe he's 4 or 5 years old.
Napaupo ito at nakasimangot akong tiningala.
“Can you stand?” marahan kong tanong bago ko binitiwan ang basket na dala-dala.
Inalalayan ko ang bata upang makatayo ito bago ko pinagpagan ang suot nitong pantalon.
“Are you okay?” muli kong tanong ngunit nanatili lang siyang nakatingin sa’kin.
Bahagya akong ngumiti dahil baka natatakot siya sa seryoso kong mukha. Napabuntong hininga ako habang nakikipagtitigan sa bata. His eyes feels so familiar. Pero kaagad ko iyong iwinaksi. Kung ano-ano na ang naiisip ko dahil sa puyat at pagod.
“Who’s with you? Are you with your mom?” Muli kong tanong pero umiling ito bilang sagot.
Mukhang bakasyonista ang batang ito sa lugar na ‘to.
Tumayo ako para kunin ang basket bago ko kinuha ang kamay ng bata para madala siya sa counter. Nang makarating kami, nagulat ako kasi bigla-bigla na lang bumitaw ang bata sa‘kin at tumakbo palapit sa isang babae.
Pero mas lalo akong nagulat nang makita ko ang mukha nung babae. Bahagya nanlaki ang mata ko habang nakatingin sa kanila habang bahagyang nakaawang ang bibig.
“Kung saan-saan ka na naman galing na bata ka. Kanina pa kita hinahanap. Malapit na ‘kong magsumbong sa Tatay mo kung ‘di ka agad nagpakita sa akin,” rinig kong sabi nito sa bata.
Hindi ko malaman kung dapat ba ‘kong lumapit o magtago at umalis na lang. Pero wala na akong napagpilian nang magtama ang tingin namin ni Zira.
Nakita ko kung pa’nong nanlaki ang mata niya kasabay nang eksaherada niyang pagsinghap. Mayamaya ay takip-takip niya ang bibig habang naglalakad palapit sa‘kin. I had no choice but to take step closer to her.
“Zelle?! Lezelle?! OMG! Gaga ka!” puno ng gulat niyang sabi.
Tipid akong napangiti bago ito nauwi sa pagngiwi.
“Long time no see, Zira,” tanging sagot ko.
Bigla niya ‘kong hinampas sa balikat bago ako kinabig para yakapin. Nagugulat akong napayuko sa kasama niyang bata.
“Anak mo ba ‘to, Zira?” Tanong ko pagkatapos niya ‘kong pakawalan.
Napalingon siya sa bata bago umiling.
“Hindi ‘no! Kay Davido ‘to!”
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top