41

Kunot-noo kong pinagmasdan ang malapad na ngiti ni San Agustin habang nilalantakan niya ang sorbetes na kaniyang binili. Sa kaniyang bawat pagsubo ay sinasabayan niya ng mahinang pagtawa nang walang dahilan. Mukha siyang baliw sa totoo lang.

"Ano bang nangyayari sa'yo?" hindi na 'ko nakatiis at nagtanong na sa kaniya.

Nakangiti pa niya 'kong nilingon kasabay nang pagkibit ng kaniyang balikat. Nanatiling nakakunot ang aking noo habang nakatitig sa maaliwalas niyang mukha. Kahit ang mata niya'y nakangiti rin.

"Mare, nahuhulog ako..." mahina niyang sabi. Bahagyang tumaas ang kaliwa kong kilay habang nakatingin sa kaniya.

"Ang gulo mo ngayon," naiirita kong wika ngunit hindi ko rin mapigilang mapangiti sa mukha niyang mukhang ewan.

"Eh ba't kasi ang ganda mo ngayon?" aniya. Mas lalo yata akong naguluhan sa gusto niyang sabihin.

"Araw-araw naman akong maganda sa paningin mo," pa-ingos kong litanya sa kaniya. Ang kaniyang ngiti ay naging nakakaloko habang nakatingin sa akin.

"Ikaw ah, masyado kang confident. May araw din kayang nagiging dugyot ka sa paningin ko," nang-aasar niyang sambit kaya inirapan ko siya.

Hindi ko talaga malaman ang takbo sa isip niya kahit na matagal na kami. Hindi ko nga alam, mahirap hulaan kung anong magiging sagot niya sa bawat salita na ibabato ko sa kaniya. Minsan ay seryoso ngunit madalas ay nakakaasar at nakakapikon, katulad ngayon.

"Nga pala, tapos na ang finals n'yo, 'no?" untag niya makalipas ang ilang segundong pananahimik namin.

Tumango ako. "Oo, last week," sagot ko.

"Eh 'di bakasyon niyo na? Araw-araw na ba tayong magdedate nito, mare?" magiliw at masaya niyang tanong habang nilalaro ang daliri ng aking kamay.

Hindi agad ako nakasagot. Nanatiling tikom ang bibig ko habang pinagmamasdan ang kamay niya sa kamay ko. Gusto kong sabihin sa kaniya ang totoo pero alam kong kapag sinabi ko ay may magbabago ang isip ko. Lalo na kapag makikita ko ang malungkot niyang mukha habang ang mata'y nagmamakaawa.

Ayoko 'yong masaksihan kaya napag-isipan kong huwag na lang ipaalam sa kaniya ang lahat. Itong ginawa ko ay para sa ikabubuti ng lahat, para sa kinabukasan namin. Gusto ko lang naman na piliin niya rin ang magandang pagkakataon na mayro'n siya, katulad ng pagpili ko sa magandang pagkakataon na mayro'n kami.

"Bakit nanahimik ka?" untag niya nang manatiling tikom ang aking bibig. Napatingin ako sa kaniya at tipid na umiling.

"Wala. May naalala lang ako," sagot ko kasabay nang marahan kong pag-iling.

"So, ano nga, araw-araw na tayong magde-date, mare?" muli niyang nilaro-laro ang daliri ko. Kaya wala sa sarili akong napabuntong hininga saka tumingin sa mga taong dumadaan sa harap namin.

"Magdate tayo bukas ulit pero huwag mo na 'kong sunduin. Hintayin mo na lang ako rito sa Henyeon. Okay ba?" anas ko nang hindi tumitingin sa kaniya. Ramdam ko ang pagsikip ng dibdib ko at pinilit kong inaalis ang nagbabadyang luha sa aking mata.

"Bakit naman? Gusto nga kitang sunduin eh, baka 'di mo ako siputin dito," pabiro niyang sambit ngunit palihim kong nahigit ang aking hininga. Kahit alam kong biro lang iyon ay napatigil pa rin ako dahil alam ko sa sarili kong totoo ang sinabi niya.

Mahina siyang natawa kasabay nang pag-akbay niya sa'kin dahil hindi agad ako nakasagot sa sinabi niya.

"Sige mare, hihintayin kita dito bukas kagaya ng sinabi mo. Masunurin akong boyfriend eh, " anas niya dahilan para mapatingin ako sa kaniya at taasan siya ng kilay. Natawa siya sa naging reaksyon ko at nanggigil na pinisil ang tungki ng aking ilong. Mabilis at baiinis kong iniwas ang mukha ko sa kaniya.

"Saan ba tayo pupunta?" untag ko nang hilahin niya 'ko paalis sa kinauupuan namin.

"Sa kakainan. Nagugutom na 'ko eh, ikaw ba?" sagot niya.

"Hindi pa ako nagugutom," maikli kong sagot na hindi niya na tinugunan pa hanggang sa makarating kami sa isang karinderya, hindi kalayuan mula sa bench na inalisan namin.

"Kain muna tayo bago natin abangan ang magandang sunset mamaya," sambit niya habang patuloy akong ginigiya papunta sa isang table.

Nagpaubaya ako hanggang sa alalayan niya 'kong umupo. Napatingala ako at tumingin sa kaniya ngunit nakatalikod na siya sa akin at pumunta sa counter para um-order.

Napailing na lang ako at hinintay siya. Ilang sandali lang ay bumalik na siya na may dala-dalang tray na naglalaman ng mga pagkain na in-order niya.

Nakangiti niyang nilapag sa 'king harapan ang isang pinggan ng kanin at isang mangkok ng kare-kare. Hindi niya rin kinalimutan ang tubig na kaagad niyang nilagay sa gilid ng pagkain ko.

"Kain na, mare..." nakangiti niyang paanyaya. Hindi ko tuloy mapigilang huwag ngumiti habang pinapanuod ang bawat galaw niya.

Mukhang napansin niya na hindi ko ginagalaw ang pagkaing nasa harapan ko dahil bigla siyang nag-angat ng nagtatakang tingin dahilan para magkasalubong ang paningin namin.

"Ayaw mo ba?" tanong niya.

Umiling ako habang may tipid na ngiti sa labi. "Hindi. Ang takaw mo lang kumain, baka mabilaukan ka," sabi ko.

"Hindi ako matakaw, gutom lang talaga," maiksi niyang aniya bago muling bumalik sa pagkain. Tipid na lang akong napailing saka kumain na rin.

Natapos kaming kumain at naisip ni San Agustin na bumili ng cottom candy sa labas ng karinderya dahil mayroon doong nagtitinda. Panghimagas daw.

Hindi na ako humindi pa dahil nahila na niya ako palabas sa karinderya palapit sa magtitinda. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko kaya hindi ko magawang kumalas mula sa kaniya.

"Kuya, isang kulay blue at isang kulay pink," malawak ang ngiting sabi ni San Agustin kay manong na nagtitinda.

Bumaling sa akin si San Agustin at isang pag-irap ang ibinungad ko sa kaniya. Kakakain lang namin pero heto't gusto na namang kumain.

Isang ngising-aso lang ang isinagot niya sa pag-irap.

"Kulay pink for my mare slash bebe and kulay blue naman for me," aniya kasabay ng pagbigay niya sa'kin ng cotton candy na kulay pink. Labag sa loob kong tinanggap iyon.

Nakakunot noo ako habang nakatingin kay San Agustin na naniningkit ang matang nakatitig sa akin habang ngumunguya. Hinampas ko ang braso niya nang bigla siyang kumindat sa akin habang kumakagat sa hawak-hawak niya.

"Para kang baliw!"

Ngumisi lang siya. "S'yempre, baliw talaga ako sa'yo eh," walang kwenta niyang sagot.

"Halika ka na nga, malapit ng magsunset oh!" Umirap ako sa kaniya habang natatawa niya namang kinurot ang kaliwa kong pisnge. Inis kong iniwas ang mukha ko mula sa kamay niya.

Pero mabilis niyang hinuli ang malaya kong kamay at kaagad na pinagsaklob ang mga daliri namin.

"Alas-dos pa lang mare, huwag kang excited dahil may pupuntahan pa tayo," sabi niya pa.

Kumunot muli ang noo ko. "Saan na naman?"

"Magrenta tayo ng bike," mabilis na sagot niya bago ako muli hinila papunta kung saan.

"Kakain lang natin, gusto mo bang magka-appendicitis?" lukot ang mukha kong untag sa kaniya. Bigla tuloy siyang napatigil at tumingin sa akin.

Napakamot din s'ya sa kaniyang batok habang nakatingin sa naiinis kong mukha.

"Sabi ko nga uupo muna tayo roon oh," sabi pa niya saka ngumuso sa likuran ko.

Tipid na lamang akong napailing bago muling nagpahila sa kaniya papunta sa itinuro niyang uupuan.

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top