38
"Eh, ano ngang pipiliin mo kung sakali?" untag ko sa kaniya, makalipas ang ilang minutong katahimikan.
Nakatitig ako sa kaniya kaya nang lumingon siya'y kaagad na nagtama ang tingin namin. Tipid akong ngumiti nang bahagyang kumunot ang noo niya.
"Hindi ko alam. Ayokong mamili, saka na siguro kapag nasa totoo na 'kong sitwasyon," aniya at saka napakamot sa likod ng kaniyang tainga.
Aking noo naman ang nangunot sa sagot niya. Marahas akong napabuntong hininga.
"Isipin mo na nasa totoo kang sitwasyon, anong pipiliin mo?" pag-uulit ko at hindi siya hinayaang hindi sumagot.
Gusto ko lang malaman ang magiging pananaw niya sa ganitong sitwasyon. Baka sakaling, mahanap ko ang dapat kong gawin sa sasabihin niya. Kahit alam kong tutol ang nararamdaman ko, kailangan ko pa rin gawin dahil hindi lang naman ako ang may kinabukasang nakasalalay dito.
Saglit pa siyang nag-isip at tumingin sa langit na may kakaunting bituin ngayon. Pagkatapos ay muli niya 'kong nilingon.
"Pipiliin ko ang bagay na makakapagbigay sa'kin ng magandang kinabukasan. Siyempre, kung ang dalawang tao ay para sa isa't isa, sila at sila pa rin ang magkakatuluyan sa bandang huli. Pero ang magandang pagkakataon para sa pangarap ay mahirap at madalang dumating sa buhay ng tao. Iyon ba ang gusto mong sabihin ko? Pero kung nasa totoo akong sitwasyon, ikaw palagi ang pipiliin ko, mare," sambit niya saka ngumisi nang nakakaloko dahilan para mapatawa ako at mahampas siya sa kaniyang kanang braso.
"Hindi mo nasagot na maayos yung tanong ko," naiinis kong sabi sa kaniya.
Narinig ko ang mahina niyang tawa bago ko naramdaman ang pagtabi niya sa'kin at ang marahan niyang paghila upang ikulong ako sa mga braso niya.
"Sinabi ko ng ikaw palagi ang pipiliin ko, 'di ba? Kaya nasagot ko na ang tanong mo, mare."
Saglit akong tumahimik at napatitig sa magkadaop kong kamay sa kandungan. Ang totoo ay hindi ako makahanap ng salitang sasabihin sa kaniya. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko sa sinabi niya.
Oo, inasahan ko magiging ganoon ang sagot niya pero naguguluhan pa rin ako. Hindi ko alam.
"Masyado pa tayong bata para piliin ang isa't isa kaysa sa magandang kinabukasan natin, paano kung hindi pala tayo ang para sa isa't isa?" tanong ko bago sinilip ang mukha niya.
Kumunot ang kaniyang noo habang nakatitig sa mata ko.
"Huwag kang nega, mare. Alam ko sa sarili kong ikaw na ang para sa akin kahit sabi mo nga, bata pa tayo. Kung mas pipiliin mo ang maganda mong kinabukasan, ayos lang. Basta hayaan mo akong manatili sa tabi ko, sa buhay mo. Promise, hindi ako manggugulo, i-che-cheer pa kita eh."
Hindi ko magawang sumagot sa sinabi niya. Pakiramdam ko sa ano mang oras ngayon ay babagsak na ang luha ko kung ipagpapatuloy ko pa ang ganitong paksa sa kaniya. Kaya mas pinili kong manahimik na lang.
Hinayaan ko ang sariling kong makulong sa kaniya, hindi ko alam kung ito na ba ang huling pagkakataon pero humihiling ako na sana ay hindi pa.
---
"Nakapagdesisyon ka na ba, Zelle?" mabilis akong nag-angat ng tingin kay Ate Heart at dalawang beses na napakurap.
"Po?" naguguluhan kong anas.
Malamyos siyang ngumiti. "Isang linggo lang, Zelle at apat na araw na ang lumipas, you only have three days to decide. Naayos ko na ang lahat, desisyon mo na lang ang kulang," mahina niyang aniya. Saglit akong natahimik at nanatiling nakatingin sa pagkain.
Wala ngayon ang dalawa kong kapatid dahil nasa eskuwelahan sila. Wala akong pasok ngayon kaya naiwan kaming dalawa ni Ate Heart dito sa bahay. Mamayang alas-cinco pa kami pupunta sa N'N Cafe.
"Wala pa ate... hindi ko pa po alam. Naghahanap pa rin po ako ng magandang sign para tuluyan kong piliin ang desisyon ko," halos pabulong kong sambit.
Marahang napatango si Ate Heart habang mahinhin na ngumunguya ng pagkain.
"Naiintindihan ko," aniya.
Sumapit ang alas-sais ng hapon, kasalukuyan kaming abala lahat sa patuloy na pagdami ng customer na pumapasok sa cafe. Hindi ko na alam kung sino ang uunahin kong puntahan. Pasalamat na lang ako dahil lumabas si Ms. Chacha para tumulong sa'ming tatlo.
Pabagsak na umupo si Lilac sa isang upuan habang pinapaypayan ang kaniyang sarili. Kahit naka-airconditioner ang loob ng cafe ay namumuo pa rin ang pawis sa noo namin.
"Ito na yata ang nakakapagod na duty ko sa loob ng ilang taon," hinihingal niyang sambit habang patuloy na pinapaypayan ang sarili.
Tumabi ako sa kaniya habang pinupunusan ang mga pawis sa noo at leeg. Habang si Zira naman ay kaagad na tumabi sa akin.
"True, 'te. Namamanhid na ang kamay ko for the first time in the history," mahina niyang sabi.
"Hindi ko na maramdaman ang binti ko," mahina kong saad din.
Sabay-sabay kaming natawa at napatingin sa isa't isa.
"Haggard ka na, Zelle pero bakit ang ganda mo pa rin?" tila ay naiinggit na sambit ni Zira.
Muli akong natawa, "kayo rin namang dalawa. Maganda kahit puro pawis na."
"Sus, naglolokohan lang tayo rito eh, tigil na 'yan baka umasa pa ako," natatawang wika ni Lilac habang patuloy na pinapaypayan ang sarili.
Ilang sandali pa kaming nagpahinga bago may dumating na costumer. Sabay-sabay kaming napatayo at mabilis na bumalik sa kaniya-kaniyang trabaho. Nakangiti kong nilapitan ang Ginang na naniningkit ang matang nakatitig sa'kin.
"Welcome to N'N Cafe, ma'am!" bahagya akong yumuko.
Ngunit nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang palapulsuhan ko. Iginaya niya 'ko paupo sa malapit na upuan habang nakatingin siya sa mukha ko.
Nakaramdam ako ng pagkailang ngunit hindi ko binawi ang palapulsuhan ko mula sa kaniya. Hinayaan ko na lang siya dahil wala pa naman siyang ginagawang masama.
"Bakit po, ma'am?" nagtataka kong tanong.
Pagkatanong ko ay sumilay ang isang ngiti sa ginang. Saglit akong natigilan dahil parang pamilyar ang ngiti niya pero ipinilig ko na lang ang aking ulo at isinawalang bahala iyon.
"Ikaw ba si Lezelle Qalawacan, iha?" mahina at malamyos niyang boses ang narinig ko.
Wala sa sarili akong napatango at tipid na ngumiti. "Opo, pa'no niyo po ako nakilala, ma'am?" kyuryuso kong tanong.
"Palagi kang kini-kwento ng anak ko sa akin. Ang laki ng pinagbago niya noong nakilala ka niya, iha. Maraming salamat sa'yo ah," ang dalawa niyang kamay ay hinuli ang dalawa kong kamay upang ito'y hawakan.
Anak?
Kumunot ang noo ko. "Anak po? Sino po?"
"Ako nga pala si Dra. Danica San Agustin, mother ni Davido San Agustin. Hindi ba she's your boyfriend?"
Napatitig ako sa kaniyang mukha nang sabihin niya iyon. Malaki ang pinagbago ng kaniyang mukha at katawan mula sa litrato na nakita ko bahay ni San Agustin kaya nga hindi ko kaagad kung sino niya. Ngunit kung titigan, ay siya nga talaga.
Pero sa loob ng ilang taon namin sa relasyon ni San Agustin, ngayon ko lang nakilala ang mama niya nang personal. Hindi ko alam kung bakit hindi niya 'ko pinapakilala pero ayaw kong pag-usapan dahil baka may rason siya. Ayoko namang pangunahan siya.
"Magandang araw po, Tita," mabilis kong bati sa kaniya. Pinigilan niya 'kong tumayo at marahang hinila pabalik sa kaniyang tabi.
"Nakakahiya man sa iyo iha but, I have a favor to ask."
Tumango kaagad ako. "Ano po 'yon?"
"P'wede mo bang pilitin ang anak ko na sumama sa'kin sa Canada? P'wede mo ba siyang kausapin para sa akin? Hmm? I really want to be with him in our new home in Canada, ang tagal ko ng nangungulila sa anak ko eh, but he doesn't want to leave the country, and I know you are the only reason why he don't want to go," aniya habang ang kaniyang mata ay humihingi ng katawaran sa akin.
Hindi kaagad ako nakasagot dahil hindi ko alam kung anong sasabihin.
"Bata pa kayo, both of you were just starting to build your future, mahaba pa ang panahon, iha. If the two of you are really for each other, you will end up together no matter what. Gusto ko lang bigyan ng magandang pagkakataon ang anak ko, I want the best for my son, ikaw din naman hindi ba, iha?" dugtong niya pa.
Marahan akong tumango dahilan upang mapangiti siya.
"Kakausapin mo na siya?"
"S-sige po."
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top