35
Hindi madaling palipasin ang sakit at bigat sa dibdib sa kaunting panahon lamang. Dahil patuloy itong mararamdaman ng mga taong pilit na ipinapakita ang kanilang sarili na isa silang malakas at matatag sa mata ng ibang mga tao.
Ang sabi ko, kapag ngumingiti ako, pakiramdam ko'y trina-traydor ko ang aking sarili. Pero hindi ko alam na araw-araw ko pa lang tra-traydurin ang aking sarili para lang ipakita sa dalawa kong kapatid na malakas ang ate nila. Na hindi mahina ang ate nila. Na kaya kong maging matatag para sa kanila.
Napalunok ako ng laway nang makita ko ang nagkakagulo sa pook namin. May isang magarang sasakyan na nakaparada hindi kalayuan sa bahay namin. Nakita ko sina Aling Rose na may kinakausap, ngunit mukhang hindi iyon usapang mahinahon.
Mukha silang nagkikipag-away sa isang matandang lalaki na nakatalikod mula sa kinatatayuan ko. Kakatapos lang ng duty ko sa N'N Cafe at hindi ko na hinintay na sunduin ako ni San Agustin kahit na sinabi niyang hintayin ko siya dahil kung ginawa ko 'yon ay baka mamaya pa akong gabi makauwi.
Kunot-noo akong lumapit sa kinaroroonan nina Aling Rose. Saglit kong tinapunan ng tingin ang kanilang kausap bago nagtanong.
"Ano pong problema, Aling Rose?" tanong ko rito.
Sinamaan niya ng tingin ang lalaki, maging ang ibang nakapalibot na kapitbahay namin ay masasama ang tinging iginagawad sa matandang lalaki.
"Nagpapakilala s'ya na siya raw ang may-ari ng lupain na 'to, tapos gusto niya tayong paalisin sa sarili nating mga bahay dahil tatayuan daw ito ng mall at pasyalan," pasinghal na sagot ni Aling Rose ngunit ang kaniyang masamang tingin ay nanatiling nakapukol sa matanda.
Bahagya akong natigilan habang nakaawang ang labi.
"All I want for everyone is to silently leave their house that are illegally built on my land. If you cannot leave within two days, I'm sorry but I will kick everyone in force." Saad ng matanda.
Muling umingay ang mga bibig nila Aling Rose at tila ay hindi nila naintindihan ang sinabi ng matanda. Ngunit hindi ko magawang sabihin sa kanila ang sinabi nito dahil ang isip ko'y malayo na ang narating.
Maraming katanungan ang sunod-sunod na pumasok sa isip ko. Saan kami titira ng mga kapatid ko? Paano ako makakahanap ng tirahan sa loob ng dalawang araw? Saan ako kukuha ng perang kakailanganin ko sa mga gagastusin sa paghahanap ng mauupahan? Anong gagawin ko? Bakit ganito? Ang bilis ng mga pangyayare.
---
Kinabukasan, naabutan ko ang lahat ng mga kapitbahay namin na bakas sa kanilang mukha ang kalungkutan, ang iba ay tahimik na umiiyak habang nakatipon silang lahat sa tapat ng bahay nina Aling Rose.
Papasok na 'ko sa school pero lumapit muna ako sa kanila upang sumagap ng balita. Halos lahat ng nasa pook namin ay narito. Lahat ay bagsak ang balikat at nakasimangot. Walang makikitang ngiti sa kanila.
"Aling Janeth, ano pong nangyayare?" kinalabit ko ang balikat ni Aling Janeth kaya napalingon siya sa akin. Mukha siyang nagulat pero nang makita ako'y napabuntong hininga siya saka niya 'ko sinagot.
"Totoo ngang iyong matanda ang may-ari ng lupa na 'to, Zelle. Gusto niya na tayong umalis bukas na bukas din. Gustuhin man naming lumaban pero kahit anong papeles na nagpapatunay ay wala tayong hawak, siya ay mayroon. Teka, may kamag-anak ka bang pupuwede niyong tuluyan bukas?" tanong niya.
Tipid lang akong ngimiti at umiling sa kaniya. Wala na kaming kamag-anak. Ang mga malalayong kamag-anak namin ay nasa Mindanao pa. Hindi ko alam kung paano namin sila matatawagn gayong wala naman na kaming kumunikasyon sa kanila matagal na panahon na.
"Maghahanap po ako ng paraan. Kayo po ba Aling Janeth, may lilipatan na kayo?" tanong kong pabalik.
"Tutuloy muna kami sa bahay ng aking mga magulang sa kabilang bayan. Maging matatag ka lang iha, ang iyong sakripisyo sa iyong mga kapatid ay may kasukliang maganda sa'yo." Isang sinserong ngiti ang namutawi sa 'king labi dahil sa sinabi niya.
Pagkalipas ng ilang tanong ay umalis na rin ako dahil kailangan kong pumasok sa university. Isang subject lang ang mayroon ako ngayon, kaya magkakaroon ako ng maraming oras para hanapan ng paraan ang tutuluyan namin bukas.
Sa totoo lang, alam ko naman talagang hindi namin pagmamay-ari ang lupa na kinatitirikan ng mga bahay namin. Pero sa paglipas kasi ng panahon ay wala namang lumilitaw na may-ari ng lupa kaya tumagal kami roon ng ilang dekada. Hanggang sa, dumating nga iyong kahapon.
Marami kaming nagawang masasaya at malungkot na alala sa bahay namin kasama sina Nanay at Tatay. Pero, wala akong magagawa kun'di ang lisanin iyon dahil iyon ang dapat. Saka ko na lang siguro ipaliliwanag sa mga kapatid ko kapag nakahanap na 'ko ng bagong titirahan namin.
Mabibigat at mabagal ang bawat hakbang ko habang binabaybay ang daan papunta sa N'N Cafe. Nakailang beses akong nagbuntong hininga habang naglalakad hanggang sa makarating ako sa Cafe. Bagsak ang aking balikat na pumasok sa staff room para magbihis ng uniporme.
Isang matamlay na tango ang iginawad ko kay Zira at Lilac na kasalukuyan ng nag-aayos ng kanilang buhok. Nakita ko kung pa'no sila nagpalitan nang nagtatakang tingin.
Tipid akong napailing at malungkot na ngumiti. Hindi ko na nagawang ayusin ang buhok ko at nauna ng lumabas sa kanila. Lumabas ako nang walang emosyon sa mukha. Wala pa rin naman na customer kaya ayos lang.
"Oh, bakit parang malungkot ang pinakamaganda kong tauhan dito?"
Kaagad akong napalingon kay Miss Heart nang marinig ko ang pamilyar niyang boses mula sa aking likuran. Awtomatiko akong napangiti nang makitang siya nga iyon.
"Miss Heart, nandito po pala kayo?" tanong rito at bahagyang lumapit sa kaniya.
Tumango siya habang nakangiti.
"Nabalitaan ko 'yong nangyare sa parents mo, Zelle. Kumusta naman kayo? Ng mga kapatid mo?" tanong niya. Naging isang malungkot na ngiti ang kumurba sa labi ko at bahagyang yumuko.
"Mahirap, Miss Heart. Pero kaya ko naman po," mahina kong sambit. Nagulat ako nang biglang niyang tinapik ang balikat ko.
"Halika ka nga sa opisina, may proposal ako sa'yo," aniya at bahagyang bumaba ang kaniyang kamay pababa sa aking braso. Pagkatapos ay marahan niya akong hinila papasok sa kaniyang opisina.
Nagpaubaya ako hanggang sa paupuin niya 'ko sa malambot na isahang sofa, pagkatapos ay umikot siya papunta sa kaniyang table at prenteng umupo. Nang magtama ang tingin nami'y nginitian niya 'ko nang matamis.
"As I'd said kanina, I have a proposal to you, Zelle," panimula niya, tumango ako sa kaniya. Nanatili ang ngiti niya sa kaniyang labi. Ang ganda niya talaga, kaya nakakapagtaka kung bakit hanggang ngayo'y wala pa rin siyang nobyo.
"Come with me in Switzerland, pag-aaralin kita roon pero sa isang kondisyon," tumigil siya at pinagdaop ang dalawang palad habang nakatingin sa akin.
Hindi ko magawang i-proseso kaagad ang sinabi niya. Pumasok kasi agad sa isip ko ang mga kapatid ko. Hindi ko silang p'wedeng iwanan dito, ako na lang ang mayroon sila. Hindi puwede.
"Pero, Miss—"
"Of course, your two younger sibling will come too. Alam ko naman na hindi mo sila maiiwan, so, naisip kong pag-aralin din sila but in one condition," nakangiti niyang pagputol sa sasabihin ko. Nakahinga ako nang maluwag pero biglang pumasok sa'king isip ang nakasimangot na mukha ni San Agustin.
"Ano pong kondisyon?" tanong ko na lamang. Pilit kong inaalis ang imahe ni San Agustin sa aking isipan.
"Kapag grumaduate kayo, you will work for me. You have a bright future ahead of you, Zelle. If you are willing, just tell me anytime, I will give you one week to decide. So, I hope you choose what your heart desires. By the way, alis muna ako."
Pagkatapos ay iniwan niya 'kong mag-isa kaniyang opisina, nalilito.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top