32

Mabilis na umangat ang paningin ko nang bumukas at tumunog ang pinto ng N'N Cafe. Nagmadali akong lumapit sa bagong dating na costumer upang batiin sila. Suot ang isang ngiti sa labi ay bahagya akong yumuko sa kanila.

"Welcome to N'N Cafe, ma'am and sir," sambit ko sa mag-asawang pumasok.

Sabay silang ngumiti sa'kin bago sila dumeritso sa counter kung nasaan si Lilac. Nakangiti akong bumalik sa ginagawa ko ngunit napatigil din nang lumabas si Zira mula sa staff room habang bitbit ang aking telepono.

Aligaga nitong inabot sa'kin ang cellphone ko. Kinuha ko iyon bago itinapat sa aking tainga habang kunot-noong nakatingin kay Zira na nanlalaki ang mata. Gusto kong matawa sa itsura niya pero pinigilan ko ang sarili ko.

"Hello?" ani ko. Inilayo ko ang cellphone upang tingnan ang tumawag, agad akong napangiti nang makitang si Lyka pala ito.

"Lyka, bakit ka napatawag?" nakangiti kong tanong ngunit mabilis iyong naglaho nang marinig ko ang paghagulgol niya mula sa kabilang linya.

Bumilis kaagad ang tibok ng puso at hindi maiwasang makaramdam ng kaba sa pag-iyak niya.

"A-ate..." nahihirapan niyang sambit sa gitna ng paghagulgol. Parang kinukurot at sinasakal ang dibdib ko habang pinapakinggan ang iyak niya.

"Bakit? Anong nangyare? May nangyare bang masama sa'yo? Ayos ka lang ba? Nasaan ka? Pupuntahan kita," sunod-sunod at natataranta kong tanong sa kaniya.

Huminga ako ng ilang beses upang ayusin ang pagiging hestirikal ng dibdib ko. Hinahagod ni Zira ang likuran ko habang nakatingin sa'kin ng mayroong pag-aalala sa mata.

"A-a-ate, s-s-si T-tat-ay," hirap na hirap niyang banggit.

Napatingin ako kay Zira nang punasan niya ang pisnge ko. Hindi ko namalayang tumulo na pala ang luha ko habang hinihintay ang susunod na sasabihin ni Lyka. Tila ay nahihirapan siyang sundan ang sasabihin dahil rinig na rinig ko ang paglakas ng hagulgol niya.

"....n-nasagasaan s-s-sina T-Tatay at N-nanay...a-ate, w-wala n-na s-si T-Tatay..."

Nabitawan ko ang cellphone. Bumagsak ito at nabasag ngunit ang isip ko ay parang biglang naging blangko. Hindi ko maramdaman ang dibdib ko. Sunod-sunod na nag-unahan ang aking mga luha sa paglabas.

Napatulala ako habang nakasalampak sa sahig. Nakuha ko ang lahat ng atensiyon ng lahat. At ang kaninang nasa counter na si Lilac ay nasa harapan ko na ngayon. Pinapaypayan niya 'ko gamit ng kaniyang kamay habang si Zira ay umiiyak na rin.

Tumutulo ang luha ko habang nakatulala sa iisang direksyon hanggang sa unti-unting lumabas ang mga hikbi sa bibig ko. Sinapo ko ang dibdib habang palakas nang palakas ang iyak ko.

"H-Hindi..." ni hindi ko magawang sabihin ang gusto kong sabihin. Parang may bagay na bumabara at sumasaksak sa dibdib ko habang iniisip ang sinabi ng kapatid ko.

Teka...

Kailangan kong pumunta sa ospital pero...hindi ko alam kung nasaan sila. Mas lalo akong naiyak sa naisip.

Kahit nanghihina ang aking tuhod ay pinilit kong tumayo mula sa pagkakasalampak at pinahid ang mga luhang patuloy lang na umaagos.

"Zelle..." magkasabay na sambit ng dalawa kong kaibigan.

Tipid akong ngumiti sa kanila kahit basang-basa na ang mukha ko.

"Pu...pupunta lang ako sa ospital," sa wakas ay nagawa ko rin na makapagsalita kahit nahihirapan ako.

"Sasamahan ka namin," nag-aalalang sambit ni Lilac. Tumango na lamang ako sa sinabi niya.

Tumakbo si Zira papunta sa opisina ni Miss Shasha para siguro magpaalam. Ilang segundo lang ay lumabas na rin siya. Mabilis niya kaming nalapitan at tumango.

Habang nasa byahe ay hiniram ko ang cellphone ni Zira para tawagan si Lyka. Nakailang tawag ako bago niya nasagot. Tinanong ko kung nasaan silang ospital na mabilis niyang sinagot. Katulad kanina ay umiiyak pa rin ang aking kapatid na mas lalong nakapagpabigat ng dibdib ko.

Umiiyak akong naglalakad-takbo habang hinahanap ang aking kapatid sa dami ng pasyenteng nakasama sa aksidenteng nangyare. Halos sabunutan ko ang aking buhok nang hindi ko pa rin sila makita.

"Zelle! Dito!"

Lumingon ako kay Lilac na sumesenyas. Mabilis akong naglakad palapit sa kaniya hanggang sa unti-unti kong natanaw ang nasa tabi niya. Kumibot ang labi ko at pilit na pinipigilan ang pagkawala ng hikbi sa bibig.

"L-Lyka, n-nasaan s-si T-Tatay?"

Umiiyak siyang umiling sa tanong ko. Nanghihina ang tuhod ko kaya mahigpit akong napahawak sa kamay ni Zira upang hindi tuluyang mapaupo. Huminga ako nang malalim ngunit hindi iyon nakatulong dahil mabilis na muling nag-unahan ang luha ko. Hanggang sa kumawala ang mga hikbi sa bibig ko nang yakapin ako ng aking kapatid.

---

Morgue...

Nasa tapat kami ng morgue. Ako, si Zira at Lilac na kapwa nanginginig sa takot ngunit iba ang nararamdaman ko sa kanilang dalawa. Lungkot at kapighatian. Iyon ang tanging nangingibabaw sa puso at isip ko. Naramdam ko ang muling pagsikip ng aking dibdib habang nakatitig sa pinto ng morgue.

Hanggang sa may dumating na Hospital's Staff. Iginiya niya kami papunta sa loob para kumpirmahin ang pagkakakilanlan ng mga patay na nasa loob. Ang balita ko ay sampu ang namatay sa aksidente habang labing-walo naman ang nagtamo ng mga pinsala, isa na roon ang aking Nanay. Ngunit hindi ko alam kung gaano katindi ang natamo niyang pinsala.

Mabibigat at mabagal ang bawat hakbang ko palapit sa isang bangkay na natatakpan ng puting tela. Parang gripo na umagos ang  luha sa'king mata habang nanginginig ang buong katawan.

Pinaglapat ko ang aking labi upang pigilan ang paghagulgol. Tumapat na kami sa harapan ng isang mahabang mesa. Ramdam ko ang paghigpit nang pagkakahawak ng dalawa kong kasama sa kamay ko. Katulad ko'y nanginginig din sila, ngunit ang kanila ay dahil sa takot.

"Bubuksan ko na po?" tanong ng staff na nag-aassist sa'min.

Isang tango ang isinagot ko sa kaniya at nang hawakan niya ang dalawang dulo ng tela ay tila tumigil ako sa paghinga hanggang sa unti-unti niya iyong tinupi papunta sa dibdib ng bangkay.

"Hindi..." bumagsak ako sa sahig at ang pinipigilan kong paghagulgol kanina ay hindi ko na nagawa. Umiyak ako nang umiyak, nagbabakasaling mawala ang nakatarak na kutsilyo sa dibdib ko ngayon.

Dinaluhan ako ng dalawa kong kaibigan at kapwa na sila umiiyak habang inaalo ako.

Walang tigil na umagos ang luha sa mata ko. Ang paningin ko'y muling umangat para tingnan ang aking Tatay na isa na ngayong malamig na bangkay. Nanginginig ang aking labi habang pilit na ngumingiti.

Hindi ko na ba makikita ang tipid mong ngiti, 'Tay? Hindi ko na ba maririnig ang pagsuway mo sa'kin kapag bumibili ako ng mga bagay na para sa pamilya? Hindi ko na ba masasaksihan ang panglalambing mo kay Nanay at Lianne?

Mas lalo akong napahagulgol.

---

Umiiyak ako nang biglang pumasok si Lyka na animo'y natataranta at nagmamadali. Napatigil ang pag-iyak ko bago tumayo at sinalubong siya.

"Lyka! Anong ginagawa mo rito?!"

Umiiyak niyang hinawakan ang kamay ko at basta na lang ako hinila palabas ng morgue. Nang lumingon ako'y nasa likod ko na ang dalawa kong kaibigan habang ang nakatakip na muli ang puting tela sa buong katawan ni Tatay.

Hinila ako ni Lyka hanggang sa makarating kami sa isang silid na punong-puno ng pasyente mula sa aksidenteng naganap.

Sa dulong bahagi kami tumigil. Pagkakita ko sa taong nakahiga sa hospital bed ay agad akong natulos sa'king kinatatayuan.

"A-anak..."

***

A/N: I changed the title of this story. Yun lang. I hope you are enjoying this story of mine <33

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top