30

Pasado alas-nueve ng gabi umalis ng bahay si San Agustin. Kung hindi pa siguro ako nagalit ay hindi pa siya uuwi. Hindi madala sa maayos na pakiusap kaya sininghalan ko na lang at hindi kinausap. Uuwi rin naman pala, gusto pa 'kong magalit muna.

Bumaba na ang lagnat ko pero nanatili akong nakahiga kahit lumabas na ang haring araw ngayong umaga. Pakiramdam ko'y wala pa 'kong lakas para bumangon.

Ilang minuto akong tumitig sa bubong at nagpakawala ng buntong hininga. Saktong pumasok si Nanay sa loob ng kwarto para i-ayos ang tinupi niyang mga damit.

Umupo at pinagmasdan ko siya. Nakangiti at maaliwalas ang ang kaniyang buong mukha. Mukha siyang walang problema. Napabuntong hininga akong muli bago tuluyang tumayo. Inayos ko muna ang higaan bago lumabas ng kwarto.

Naabutan ko si Tatay na nagkakape. Tumabi ako sa kaniya.

"Wala kang trabaho, 'Tay?" tanong ko. Saglit niya 'kong sinipat bago sumimsim sa kape.

"Wala. Pinagpahinga ako ng Nanay mo," tipid siyang umiling. Napangiti ako at napalingon kay Nanay na kakalabas pa lang kwarto namin.

"Kaysa naman bugbugin mo 'yang katawan mo kakatrabaho. Aba, hinay-hinay lang, mahirap mawalan ng haligi sa tahanan," nakasimangot nitong litanya saka umirap kay Tatay. Pagkatapos ay dumeritso ito sa kusina para magluto.

Lumingon at tiningnan ko ang naging reaksyon ni Tatay, tipid lamang siyang nakangiti habang nakatitig sa umuusok na kape sa harapan niya. Kumurba ang ngiti sa'king labi bago ako tumayo para magtimpla ng kape.

Buong maghapon akong naglagi sa bahay. Hindi rin kasi ako pinayagan ni Nanay na magtinda ngayon ng puto't kutsinta sa palengke at plaza. Nung pinili ko siya ay nakatanggap lang ako ng matinding kurot sa singit, kaya hindi na 'ko namilit pa.

Umalis din sa Tatay para bisitahin ang mga kapatid niya sa kabilang barangay.

"Hindi ka nagtinda, ate?" nilingon ko si Lyka, kinukusot pa niya ang kaniyang kaliwang mata habang papalapit sa mesa.

Umiling ako. "Hindi ako pinayagan kaya ikaw ang magtinda ngayon," sagot ko.

Akala ko ay magrereklamo siya pero kahit isang pagtanggi ay wala akong narinig mula sa kaniya. Kaya naman sinilip ko nang maayos ang kaniyang mukha.

"Ayos lang?" untag ko. Marahan siyang tumango bago sinalubong ang tingin ko. Malapad na kumurba ang ngiti sa kaniyang labi.

"Oo naman, ate. Huwag kang mag-alala. Wala akong ititira sa paninda mo," masigla at masaya niyang sambit.

Saglit akong napangiwi bago ko siya tinanguan nang marahan.

Naiwan kami ni Lianne sa bahay. Nandito dapat si Nanay kaso nakatanggap siya ng labada kaya wala siya rito ngayon. Nagbilin siya sa'kin na huwag maglinis o kahit gumawa ng anong gawaing bahay dahil baka mabinat ako. Kaya wala akong ginawa kun'di ang humilata rito sa upuang kahoy habang nasa labas si Lianne na naglalaro kasama ng ibang bata.

"Lianne nasa'n ang ate mo?"

Naimulat ko ang aking mata nang marinig ang boses ni San Agustin sa labas. Kumunot ang noo ko bago ako bumangon para tingnan kung siya nga ba 'yon. Pagbukas ko ay bumungad sa'kin ang isang mariposa. Kamuntik pang bumunggo sa mukha ko dahil biglaan niyang itinapat.

Paasik kong kinuha iyon mula sa kamay niya. Sinipat ko ang kabuuan niya bago pumirmi ang tingin ko sa mukha niya.

"Ano'ng mayro'n?" tinaasan ko siya ng kilay.

"Happy 2nd anniversary?" tila ay hindi niya siguradong sambit. Napakamot siya sa batok bago nagpeke ng tawa.

Tipid akong napailing bago tiningnan ang bulaklak sa kamay ko.

"Bukas pa 'yon," anas ko nang hindi nakatingin sa kaniya.

"Hindi ba 'yon ngayon?"

"Pero kung gusto mong i-celebrate ngayon, okay lang. Iyon ay kung gusto mong magcelebrate mag-isa," nagkibit balikat ako bago siya tinalikuran. Nilagay ko sa lamesa ang bulaklak bago nagtimpla ng kape para sa kaniya.

Paglingon ko'y nakaupo na siya habang masama ang tingin sa'kin. Tinaasan kong muli ng kilay si San Agustin saka ko inabot sa kaniya ang tasa.

"Kape, pampagising ng natutulog mong diwa," mahina kong saad dahilan para mas lalong tumalim ang tingin niya sa'kin.

Natatawa kong tinakpan ang mata niya pero kaagad niyang hinawakan ang kamay ko para alisin iyon. May tipid na ngiti sa labi ko habang nakatitig sa mata niya. Mataman niyang tiningnan ang buo kong mukha. Walang nagsasalita sa'ming dalawa. Wala rin pumuputol sa pagtitinginan namin.

Maya-maya ay unti-unti niyang inilapit ang mukha sa mukha ko. Hindi ako kumilos para umatras. Naghintay lang ako sa mga susunod niyang gagawin. Hanggang sa ipagdikit niya ang noo naming dalawa.

"Wala ka na bang lagnat?" nakapikit niyang tanong.

"Ano sa tingin mo? Mainit pa ba 'ko?" tanong ko pabalik.

"Hmm...oo. Buhay ka pa eh," walang kwenta niyang sagot. Ako na mismo ang lumayo sa kaniya saka ko tinampal ang noo niya.

Humalakhak siya sa ginawa ko bago ako hinila palapit sa kaniya. Maingat niyang niyakap ang baywang ko bago isinubsob ang mukha sa'king leeg.

"I want you for eternity..."

"Ayaw mo ba 'kong tanungin ko gusto ko ng eternity with you?" seryoso kong saad ngunit sa loob-loob ko'y tumatawa na ako.

Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap niya sa baywang ko. Mahina akong napasinghap nang patakan niya ng halik ang leeg ko.

Bumilis bigla ang tibok ng puso ko at tila bumilis din ang pagtaas-baba ng dibdib ko. Dalawang beses niyang hinalikan ang leeg ko.

"San Agustin," mahina ngunit nambabanta kong usal.

Mahina siyang humalakhak kaya naman ramdam ba ramdam ko ang init ng hininga niya sa leeg ko. Humigpit ang pagkakahawak ko sa laylayan ng aking damit.

"Ayaw mo ba 'kong makasama habang buhay?" imbis na umalis at muli siyang nagtanong.

Nagpakawala akong isang malalim na buntong hininga. Lumuwag na rin ang pagkakahawak ko sa laylayan ng damit.

"Gusto, s'yempre."

"Very good, Qalawacan."

---

Mabilis na namang lumipas ang araw, nakapagtapos na kami sa Senior High School kaya naman abala ang lahat para sa pag-aaply sa iba't iba unibersidad. Ako? Pumasok ako sa isang State University upang makaiwas sa tuition fee.

Kahit magkaiba na kami ng pinapasukan ni San Agustin ay nagagawa niya pa rin na ihatid at sunduin ako papunta sa school, Cafe at bahay. Pakiramdam ko, mas lalong naging matibay ang relasyon namin ngayong tumuntong na kami sa huling kabanata namin bilang estudyante.

Nakakalungkot lang dahil tuluyan nang naghiwalay si Zira at Mak. Hindi ko alam ang buong kwento. Hindi na 'ko nagtanong bilang respeto sa desisyon nilang dalawa.

Tumigil ako sa paglalakad at tipid na ngumiti nang matanaw ko siya sa gate. Unti-unti kong binilisan ang paglalakad papunta sa kaniya.

"Kumusta ang araw, mare?" una niyang bungad pagkalapit ko.

"Maayos ang lahat. Ikaw?" Ngumiti ako sa kaniya.

"Ako? Buong araw kang namiss."

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top