28

Sinipat kong muli ang mukha ni San Agustin. Banayad ang kaniyang mukha habang may maliit na ngiti sa labi. Pareho kaming nakatayo paharap sa papalubog na araw. Nandito kami ngayon sa Henyeon Park upang magdate kuno.

Pero buong isang oras na kaming nakatayo rito. Gusto ko ng umupo pero nang balakin ko ay pinigilan ako ni San Agustin.

"P'wede na ba akong umupo? Ngalay na ngalay na ang paa ko sa totoo lang," pagbabasag ko sa katahimikang bumabalot sa'min.

"Alam mo ba na kapag hindi kita kasama, marami akong bagay na naiisip," marahan siyang lumingon sa'kin. Gusto kong sumimangot dahil hindi niya pinansin ang sinabi ko pero gusto kong malaman kung ano bang mga bagay ang naiisip niya.

"Katulad ng ano?" tanong ko. Inangkla ko ang dalawa kong braso sa kanan niyang braso saka ko isinandal ang ulo sa balikat niya.

Umangat ang kamay niya upang hawiin ang ilang hibla ng buhok na tumabing sa mukha ko. Parang bigla ay nawala ang nararamdam kong ngalay sa paa. Tipid akong napangiti sa simpleng bagay na ginawa niya.

"Naiisip ko kung anong mangyayare sa'tin sampung taon mula ngayon. Mag-asawa na kaya tayo na may tatlong anak? O hindi kaya ay nakamit na natin ang mga pangarap natin?" malalim siyang bumuntong hininga.

Tiningala ko siya habang nakasandal sa balikat niya.

"Bakit mo ba iniisip ang hinaharap? Pagtuonan mo kung anong mayro'n ka ngayon. Walang kasiguraduhan ang hinaharap na mayroon tayo, San Agustin. Malay mo, hindi tayo ang magkatuluyan," wika ko dahilan para tingnan niya 'kong muli.

Kumunot ang noo niya at mukhang hindi nagustuhan ang huli kong sinabi. Natawa ako at nanggigigil na pinisil ang pisnge niya.

"Huwag ka ngang gan'yan. Kung tayo man o hindi, ang tadhana lang ang nakakaalam no'n. Malay mo, sampung taon mula ngayon, hindi na natin mahal ang isa't isa," pagdudugtong ko na lalong ikinakunot ng noo niya. Natatawa kong hinawakan ang kilay niya upang alisin ang pagkakasalubong noon.

"Ang panget ng mga sinasabi mo ngayon. Sigurado naman akong hindi mawawala ang pagmamahal ko sa'yo. Psh, patay na patay nga 'ko ngayon sa'yo. Tanga ba 'ko para pakawalan ka?" irita niyang saad.

Tipid akong umiling sa kaniya.

"Sabi ko nga sa'yo kanina, walang kasiguraduhan ang hinaharap na mayro'n tayo. Oo nga, mahal natin ang isa't isa pero hanggang kailan?" bulalas ko.

"Alam mo, Qalawacan, feeling ko ayaw mong magkatuluyan tayo ten years from now. Feeling ko lang naman ah," puno ng sarkastiko niyang sabi. Binaklas niya rin ang kamay kong naka-angkla sa braso niya.

Natatawa ko siyang sinundan nang padabog niya 'kong tinalikuran. Bumalik siya sa nilatag naming kumot sa damuhan. Para siyang batang nagdadabog na umupo roon.

Humalukipkip din siya at nang magtama ang tingin nami'y inirapan niya 'ko. Lumakas tuloy ang tawang pinipigilan ko. Mas lalong tumalim ang tingin niya sa'kin.

"Pero ikaw naman ang gusto kong maging asawa in ten years eh," sabi ko kaagad pagkaupo sa tabi niya.

Mabilis niya 'kong hinarap. Malawak na ang ngiti sa labi niya. Parang bigla ay nagliwanag ang madilim niyang buhay.

Tumango ako. "Oo, pero kasi hindi natin hawak an— ashsksjdk!" hindi ko natapos ang sasabihin dahil bigla niyang tinakpan ang bibig ko.

Nakabusangot na naman ang mukha niya nang tingnan ko siya.

"Okay na sana eh. May pahabol ka pa. At saka hawak natin ang hinaharap natin, nasa desisyon natin ang kalalabasan ng hinaharap natin. Kung matibay ang kagustuhan kong pakasalan ka in ten years, gagawin ko. Ang kinabukasan na mayroon tayo ay nasa kamay natin ngayon, mare. Wala sa tadhana. Nasa sa'tin 'yon," paismir niyang sabi bago pinakawalan ang bibig ko.

Nakangiti akong tumingin sa kaniya.

"Wow, ang galing mo naman! Pakiss nga!" ibinuka ko ang dalawang braso sa kaniya. Muling nagliwanag ang mukha niya nang tumingin sa'kin.

"Talaga?" bakas ang katuwaan sa buo niyang pagkatao.

Mabilis kong ibinaba ang kamay ko at sumeryoso.

"Hindi. Asa ka naman," tinaasan ko siya ng kilay.

"Qalawacan naman! Hmp, paasa!"

Dalawang linggo na ang lumipas. Nasundan pa ang pagde-date namin San Agustin sa Henyeon park tuwing linggo pagkatapos kong magbenta. At pakiramdam ko'y mas lalo akong nahulog sa kaniya nitong mga nakaraang araw.

Napapangiti na lang ako kapag naiisip ko ang bagay na ginagawa niya para sa'kin. Nawewerduhan na nga ang mga kaklase ko kapag nakikita nila ang malapad kong ngiti kahit mag-isa lang ako. Minsan pa'y nakarinig ako na nababaliw na raw ako. Ngunit hindi ko na lang pinansin at hinayaan na lang sila.

"Boo!" nabitawan ko ang telang hawak-hawak at bahagyang napatalon dahil sa pagsulpot ng mukha ni Lilac sa harapan ko.

Nang makabawi sa gulat ay hinampas ko siya sa balikat habang siya ay natatawa.

"Tulala ka kasi ta's para kang baliw na nakangiti," aniya matapos tumawa.

Tipid akong umiling. "May naisip lang ako."

Binigyan niya 'ko ng tinging hindi naniniwala. "Talaga ba? Baka naman si Davido lang 'yan. Sabagay, mukha pa lang ng jowa mo, matatawa ka na talaga. Joker na kahit wala pang ginagawa," pagkatapos ay humagalpak siya ng tawa.

Ngumiwi ako habang nakatingin sa kaniya.

"Ang sama mo naman kay San Agustin. Ang gwapo kaya niya," sabi ko. Tumikhim siya at tumigil.

"Wala naman akong sinasabi na pangit bebe mo eh. Ikaw naman, jino-joke ka lang eh," sambit niya. Pabiro ko siyang inirapan.

"Oh girls, tapos na ang duty ah? What are you doing here?" lumabas mula sa kaniyang opisina si Ms. Shasha.

Kasabay niya ay lumabas din si Zira mula sa staff room. Nakabihis na siya.

"Pauwi na nga po kami Ms.," nagkamot sa likod ng ulo si Lilac.

Tumango si Ms. Shasha bago nagpaalam na uuna na siya sa'min.

"Nandito na ang bebeboy ko. Babush mga bebeloves," nagmamadaling lumabas si Lilac nang makita ang paparating niyang sundo.

Magkasabay kaming lumabas ni Zira sa Cafe. Nilock muna namin ang Cafe bago pumunta sa malapit na shed para roon maghintay ng sundo.

"Susunduin ka ba, Zelle?" tanong ni Zira makalipas ng ilang minuto naming katahimikan.

"Siguro," nakangiwi kong sagot.

"Hindi ko rin alam kung masusundo ako ni Mak. Hindi pa siya nagrereply sa mga text ko simula pa kaninang umaga," bumuntong hininga siya.

Hindi ko alam kong anong sasabihin ko sa kaniya. Hindi ko masabing baka abala lang sa mga gawain sa bahay at school pero kasi nabanggit sa'kin ni San Agustin na palagi raw nakatambay sa kanila ang dalawang kaibigan niya.

"Gusto mo, sakay na lang tayo ng tricycle?" pagsusuhestiyon ko.

Umiling siya. "Nand'yan na sundo mo," mahina at natatawa niyang sabi.

Napalingon tuloy ako at tama nga siya dahil saktong tumigil si San Agustin sa tapat namin. Nginitian niya muna ako bago lumipat ang tingin niya kay Zira.

"Mukhang hindi masusundo ng boyfriend mo. Bagsak na eh," natatawa nitong pagbibigay alam.

Tipid na ngumiti si Zira bago tumango.

"Gusto mo—" pinigil niya ang sasabihin ko.

"Magpapasundo na lang ako kay Tatay, Zelle."

Dahan-dahan akong tumango bago tumayo. Hindi pa naman gano'n kalalim ang gabi. Maliwanag pa kaya okay lang iwanan namin siya. Isa pa ay maraming tao ang mga naglalakad.

"Alis na kami," pagpapaalam ko. Tipid siyang tumango habang bagsak ang balikat.

"Let's go Qalawacan. Let's conquer the world!" nagulat ako nang biglang sumigaw si San Agustim habang inaayos ko ang pagkakaupo sa likod ng motor.

Hinampas ko ang balikat niya dahil sa inis.

"Nakakabwesit ka naman!"

Malakas siyang humalakhak.

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top