25

Nakangiti kong pinagmasdan ang bawat pagsayaw ng mga dahon mula sa naglalakihang puno. Unti-unti kong itinaas ang aking kanang kamay upang sambutin ang mga dahon na sabay-sabay nahulog mula sa sanga.

Ngunit kahit isang dahon ay wala akong nakuha. Ibinaba ko na lang ang kamay ko kasabay nang pagsalubong ng malakas na hangin sa mukha ko. Nilipad nito ang ilang hibla ng aking buhok na hindi nakasama sa pagkakapusod ng aking buhok.

Malamig at kalmado ang hanging tumatama sa'king mukha. Hinawakan ko ang nakasabit na bag sa aking kanang balikat upang hindi ito malaglag.

Mabagal ang bawat hakbang ko habang binabaybay ang daanang nakalaan para sa naglalakad at nakabisikleta. Kada isang metrong layo ay may punong nakatanim. Ito rin ang nagsisilbing protekta mula sa init na nagmumula sa araw.

Napatingala ako. Marahan kong iniharang ang aking kamay para takpan ang nakakatakas na sinag ng araw sa puno. Tipid akong ngumiti habang tinitingnan ang muling pagkakahulog ng ilang dahon.

Ang kabila kong kamay ay muli kong itinaas para makasambot ng dahon. Ang sabi nila, kapag daw nakasambot ka ng dahon mula rito ay maaari kang humiling ng kahit anong nais mo.

Pero sa pangalawang pagkakataon ay wala akong nakuha. Napailing-iling ako saka ibinaba ang kamay at tumingin sa daan. Ngunit mabilis na nawala ang ngiti sa 'king labi habang pinagmamasdan ang nasa harapan ko.

Ilang segundo kaming nagkatitigan bago siya humakbang palapit sa'kin. Hindi ko alam kung anong reaksyon ang ipapakita ko sa kaniya. Dalawang linggo na ang lumipas mula ng huli ko siyang nakita. Isang linggo na rin siyang absent sa school.

"Welcome back home, Davido..." narinig ko ang mahina niyang usal. Nakangiti siya ngunit hindi labas ang ngipin. Ngunit, kumikislap ang kaniyang mata habang nakatitig sa'kin.

Bumuka ang bibig ko ngunit itinikom ko rin dahil wala akong mahagip na salitang p'wedeng sabihin sa kaniya.

"Magtititigan na lang ba tayo, mare? Hindi mo ba 'ko yayakapin man lang?" muli niyang untag.

"Isang linggo kang absent sa school," iyon lamang ang nasabi ko.

Bumagsak ang balikat niya at sumimangot.  Nahigit ko ang sariling hininga nang humakbang siya para hawiin ang natitirang distansya namin. Ang kamay niya ay unti-unti at marahang humawak sa baywang ko.

Hindi ako nagreklamo dahil pinangunahan na 'ko sa pagwawala ng kaloob-looban ko. Marahan niya 'kong hinila hanggang sa bumunggo ako sa kaniya. Ang kaniyang labi ay nakasimangot pa rin habang matamang nakatitig sa mukha ko.

"Namiss kita, mare," bumuntong hininga siya bago niya 'ko tuluyang niyakap.

Ilang beses akong kumurap at bahagyang umawang ang labi ko. Tuluyan ng gumulo ang dibdib at isip ko.

"Puta, lalo ka yatang gumanda?" siya na mismo ang kumalas sa pagkakayakap namin bago niya sinakop ang magkabila kong pisnge.

Hindi ko magawang tumingin nang diretso sa kaniyang mata. Tanging sa noo niya dumadako ang paningin ko.

"Uuwi na 'ko," mahina kong saad. Mabagal siyang tumango saka unti-unting bumaba ang kamay niya para hulihin at sakupin ang kanan kong kamay.

Kinabukasan ay maaga siyang dumating sa bahay. Mabuti na lamang at maaga akong nagising at nakapag-ayos ng sarili. Muli ko na namang naramdaman ang malakas na pagkabog ng dibdib ko habang naglalakad palapit sa kaniya.

"Ngayon ko lang nalaman na nakakabusog pala sa mata kapag tinitingnan kita," mahina niya aniya nang makalapit ako.

Idinaan ko sa irap ang pag-iinit ng pisnge ko.

Sa pagiging abala natin sa araw-araw na buhay ay hindi natin namamalayan ang mabilis na paglipas ng panahon. Malakas akong nagpakawala ng malalim na buntong hininga saka ipinagpatuloy ang pagpupunas sa table.

Mahigit dalawang taon na simula ng magtrabaho ako rito sa N'N Cafe. Ngayon din ang huling taon ko sa Senior High. Hindi ko nga lubos akalaing sa wakas ay matatapos na ang buhay ko bilang isang high school student.

Nagpunas ako ng pawis saka nilingon si Lilac sa counter. Naging matalik ko na silang kaibigan simula ng magtrabaho kami rito. Si Zira ay mukhang nasa loob ng staff room. Siguradong kausap na naman niya si Mak na kaniyang nobyo.

Oo, sila na. Nagulat ako noong umamin siya sa'kin na may gusto siya sa isang kaibigan ni San Agustin. Pero mas lalo yata akong nagulat dahil ilang buwan lang ang lumipas ay naging sila na.

"Out na natin mga beb," anas ni Lilac na nakatingin sa relos sa kaniyang palapulsuhan.

Si Miss Shasha ang palaging nandito sa Cafe dahil bumalik si Miss Heart sa Switzerland upang asikasuhin ang kaniyang ibang negosyo roon. Ang alam ko, isang wedding store ang mayroon siya sa Switzerland. Wedding planner sa maiksing salita.

Magkasabay naming nilingon si Zira na kakalabas pa lamang sa staff room. Nakabihis na rin siya at may malapad na ngiti sa labi.

"May date kami kaya uuna na 'ko mga beb," masaya niyang bulalas. Nakipag-beso pa siya sa'min bago tuluyang umalis sa Cafe. Parehas kaming napailing ni Lilac nang magtama ang tingin namin.

"Nandito na ang sundo ko, Zelle. So, pa'no? Una na me," ginawaran niya 'ko nang marahang tapik sa balikat bago sinalubong ang kaniyang long-time boyfriend.

Tipid akong ngumiti at kumaway sa kanila. Pagkaalis nila ay napagpasyahan kong magbihis na bago pa dumating susundo sa'kin.

Pagkalabas ko sa staff room ay mabilis na sumuot sa ilong ko ang pamilyar niyang amoy. Mabilis na kumurba ang ngiti sa labi ko bago siya nilingon. Nakangiti akong lumapit sa kaniya.

"Kanina ka pa?" tanong ko ngunit imbis na sagutin ay marahan niyang hinila ang kamay ko palapit sa kaniya. Maingat niya 'kong ginawaran ng mainit na yakap.

"Nakatulog ako kanina ta's paggising ko akala ko gabi na, mabuti na lang sakto lang sa off mo," aniya habang nakakulong ako sa braso niya.

Ni hindi maalis sa labi ko ang pagngiti. Mukha nga siyang bagong gising lang. Pumupungas-pungas pa ang mata niya kanina nang makita ko.

"Kaya ko naman umuwing mag-isa kung hindi mo 'ko masusundo," ako na mismo ang kumalas mula sa yakap niya. Sinapo ko ang dalawa niyang pisnge at nanggigigil na pinagkiskis ang tungki ng ilong namin.

Nakita kong pumikit siya habang may ngiti sa labi.

"Tara na nga. Baka mahalikan pa kita," natatawa niyang banat saka ako hinawakan sa kamay para hilahin palabas ng Cafe.

Natatawa akong nagpahila sa kaniya. Hindi ko lubos akalaing ang pagtanggap ko sa kaniya ay magbibigay ng maliligayang araw sa buhay ko. Mula sa school hanggang sa trabaho ay para akong nakatapak sa ulap.

Siya rin ang tagapag-alis nang pagod ko kada matatapos ang trabaho ko. Ang pagod mula sa pag-aaral at pagtatrabaho ay naaalis niya sa kaniyang magagaan ng yakap.

"Mahuli, hahalik sa pisnge!" nagulat ako sa biglaan niyang pagbitaw sa kamay ko at sa mabilis niyang pagtakbo.

Tipid akong napailing saka humabol sa kaniya.

"Ang daya mo, San Agustin!"

"Catch me if you can, mare!"

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top