21
Muli kong tiningnan ang hairpin na nakapatong sa lamesa. Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga bago ko ito kinuha at tinago sa bulsa ng bag. Tipid akong napailing habang inaayos ang mga gamit na nakakalat.
Iniisip ko kung pa'no ko siya haharapin bukas. Iniisip ko rin kung paano ko sasabihin na hindi ako handa sa gano'ng bagay. Magulo ang utak ko. Kaya hindi kaagad ako nakatulog at ilang beses na nagpabago-bago ng pwesto sa higaan. Samantalang itong katabi ko ay malayo na yata ang narating sa panaginip niya.
Nanatiling nakapikit ang mata ko. Nagbabakasaling hihilahin din ako ng antok ngunit unti-unti rin akong nagmulat nang makarinig ng kalabog sa labas ng kwarto. Sinipat ko ang maliit na orasan sa taas ng paanan namin.
Alas dos y trenta na ng umaga nang maaninag ko ang bilog na orasan. Muli akong bumuntong hininga. Pumikit ulit ako at sa wakas ay unti-unti rin akong nahila ng antok papunta sa isang magandang panaginip.
Kinabukasan, kinakabahan kong binuksan ang pinto ng bahay. Pinagdarasal ko na sana ay hindi niya 'ko susunduin. Naka-cross finger ang kanan kong kamay sa likod ng palda habang sinisilip ang labas.
Nanlaki ang mata ko nang bigla akong napahakbang palabas ng bahay, kamuntik na rin akong mapasubsob sa lupa. Nilingon ko si Lyka na siyang tumulak sa'kin. Naguguluhan itong tumingin sa'kin habang inaayos ang pagkakasabit ng bag sa balikat.
"Ano bang sinisilip mo r'yan, ate?" tanong niya, bahagya akong tinaasan ng kilay.
Mahina akong tumikhim saka inayos ang sarili. Tipid akong umiling sa kaniya. Sabay pa kaming napalingon sa tunog ng motor sa likuran ko.
Unti-unting namuo ang pawis sa aking noo habang pinapanuod ang bawat hakbang niya palapit sa'kin. Alam kong malapad ang ngiti niya kahit natatakpan ng helmet ang mukha niya. Base sa mata niyang sumisingkit, sigurado akong nakangiti siya.
Sandali akong lumunok ng sariling laway bago tinanggap ang helmet na inilahad niya.
"Tara na," paanyaya niya. Tipid akong tumango saka sumunod sa kaniya papunta sa kaniyang motor.
"San Agustin?" hindi ko pa sinusuot ang helmet. Ipinatong ko muna iyon sa motor bago siya tiningnan.
"Hmm?" hindi niya 'ko nililingon.
Huminga ako ng malalim. Inipon ko ang lahat ng lakas na loob na mayroon ako.
"Iyong tungkol sa binigay mo kahapon, pasy—" kaagad akong napatigil sa pagsasalita nang harapin niya 'ko. Nahigit ko ang sariling hininga nang kuhanin niya ang helmet at siya na mismo ang nagsuot nito sa'kin.
Parang bigla ay umatras ang dila ko. Umawang nang bahagya ang labi ko habang nakatingin sa mata niya.
"Binibigay ko lang in advance 'yon, mare. Don't worry. Gusto ko munang namnamin ang friendship na 'to. Kapag handa ka na, saka ko ilalampas sa guhit ang mga paa ko," seryoso at kalmado niyang saad.
"Pero... sabi mo ibibigay mo lang 'yon sa babaeng liligawan mo..."
Marahan siyang tumango-tango. Ang kaniyang dalawang kamay ang nanatili sa dalawa kong braso.
"Oo nga. Gusto ko lang malaman mo na balak kong manligaw pero hindi pa sa ngayon. Parang, nagpapaalam lang, gano'n," mahina siyang humalakhak sa sinabi.
Para akong nawalan ng tinik sa lalamunan dahil sa sinabi niya. Pero iyong dibdib ko ay malakas pa rin ang kabog.
Nakarating kami sa school nang walang imikan. Siguro ay masyado pang awkward para sa'min. Pero bigla kong naalala na si San Agustin pala itong kasama ko. Hindi niya alam ang salitang awkward at hiya sa mundong 'to.
"Parang may kakaiba ngayon. Nafe-feel mo rin ba, Mak?" tanong ni Roy kay Mak na abala sa pagda-drawing sa kaniyang kwaderno.
"Ang alin ba? Ang amoy putok na kumakalat sa buong room?" takhang tanong ni Mak bago niya kaming tiningnan.
Sinapok ni Roy si Mak dahil sa sinagot nito. Mahina akong tumawa sa kanilang dalawa samantakang itong katabi ko'y nakasubsob at bahagyang nakatagilid paharap sa'kin habang ang kamay niya ay abala sa paglalaro ng mga daliri ko.
Kanina pa ako tinitingnan ni Roy na may halong kislap ng pang-aasar sa mata.
"May something fishy akong naaamoy, p're!" tinapik nito ang balikat ni Mak.
"Ah, baka 'yong baon ko lang 'yon, p're. Tilapia ulam ko eh," kibit balikat na sagot ni Mak.
Bumagsak ang natutuwang mukha ni Roy saka niya inis na binatukan ang kaibigan.
"Tanginang 'to. Nasa harap na ang tsismis, umaayaw pa?" lukot ang mukhang turan niya.
Napailing-iling ako saka tumayo para pumunta sa banyo. Ngunit nang tumapat sa pintuan ay may biglang sumigaw at tinatawag ako. Tumigil ako para humarap sa kaniya.
"Sa'n ka pupunta?" tanong niya.
"Sa CR. Sasama ka ba?" pabulong kong asik sa kaniya. Akala ko ba nakatulog na ang isang 'to?
Napakamot siya sa likod ng ulo habang natatawa.
"P'wede?"
"Siraulo."
Tinawanan niya ang sagot ko. Inirapan ko muna siya bago ako tuluyang lumabas para pumunta sa banyo. Pagkabalik ko sa room ay tulog na si San Agustin habang ang dalawa niyang kaibigan ay hindi ko na makita sa loob ng apat na sulok ng silid.
Siniko ko ng malakas ang braso ni San Agustin pagkarating ng susunod namin na Teacher. Biglaan siyang napatunghay at naguguluhang tumingin sa paligid. Litong-lito ang mukha niya ngunit nang makita ako'y bigla siyang ngumiti nang hindi labas ang ngipin.
Pinalobo ko ang kaliwang pisnge para pigilan ang pagmutawi ng ngiti sa labi ko pero tuluyan din akong napangiti sa kaniya. Bahagya niyang ipinilig ang ulo na para bang sapat na iyon para ayusin ang magulo niyang buhok.
"Four members per group. You will take a short film about your chosen theme and this short film will be served as your final project for this grading. Am I clear everyone? Any question?"
"I will discuss the criteria for the short film if you do not have queries, class? None? Okay..."
Nagtake down notes ako ng mga sinasabi ng guro.
Magkasama kaming apat habang kumakain ng fishball dito sa gilid ng kalsada. Nagdesisyon na rin sila na kami na lang din ang magkakagrupo sa short film na project namin. Hindi na 'ko nagreklamo dahil sila rin naman ang naisip kong makagroup. Wala akong masyadong ka-close sa school maliban siguro sa kanila.
Alas-tres pa lang ng hapon at maagang nagdismiss ang mga guro. Kaya medyo mainit pa ang sikat ng araw at masakit pa sa balat. Pilit kong itinatago ang mukha ko na nasisinagan ng araw.
Maliit lang kasi ang bubong na sakop ng stall ng mga nagtitinda rito kaya hindi kami makasilong.
Naghanap ako ng p'wedeng silungan pero lahat ay ukupado na. Nanliliit ang mata ko habang ngumunguya dahil sa sinag ng araw na diretsong tumatama sa mukha naming apat.
Pero parang wala naman pakialam ang tatlo kahit mainit. Wala silang pakialam dahil may pagkain.
Paminsan-minsa'y inihaharang ko ang kamay ko sa 'king mata pero dahil kumakain ako'y tinatanggal ko rin. Napatigil ako sa ginagawa nang biglang humarang ang kamay ni San Agustin sa sinag ng araw na tumatama sa'kin. Para siyang naka-akbay pero hindi.
"P're baka matapakan mo ang mga langgam." Mak.
"Nilalangaw na tuloy tayo!" Roy.
"Nakakamatay talaga ang inggit mga hampas lupang pinaglihi sa puwet ng kambing." San Agustin.
"Hahaha." Ako.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top