10


Tahimik kong kinuha ang libro sa bag at binuklat sa pahinang sinabi ni Mrs. Hanna, ang Values Teacher namin ngayon.

Hindi ko pinansin ang katabi kong malayo na yata ang nararating sa panaginip niya. Hindi siya napapansin ni Mrs. Hanna dahil nahaharangan ng kaklase ko sa unahan si San Agustin.

Tipid akong napailing habang binubuklat ang libro. Bakit pa siya pumasok kung tutulog lang din naman pala siya sa buong maghapon? Gusto ko siyang gisingin pero naisip kong mang-iinis lang siya kaya nagbago na ang isip ko.

Kapag gising kasi si San Agustin, wala ng ibang ginawa kun’di ang guluhin ang pananahimik ko. Kung hindi magtatanong ng walang kwenta ay hahawakan at aamoy-amuyin ang buhok ko.

Bumuntong hininga ako habang sinusundan ang binabasa ni Mrs. Hanna.

Natapos ang kaniyang buong klase at buong oras ding tulog ang katabi ko. Tahimik kong inaayos ang mga gamit dahil tapos na ang klase sa buong maghapon. Huling subject namin ang Values ngayong hapon.

Napatingin ako kay San Agustin pagkatapos kong maisara ang zipper ng bag. Isinabit ko iyon sa balikat ko nang hindi inaalis ang tingin sa mukha niya.

Ang amo nga ng mukha niya kapag tulog pero ‘di bale na lang kapag gising. Bago ako tuluyang umalis ay tinapik-tapik ko muna ang pisnge niya. Naglakad na ‘ko palabas ng silid.

Hindi kalayuan mula sa room ay sumigaw siya. Nagcutting classes si Mak at Roy kaya wala sila rito. Nagtataka nga ‘ko kung bakit nagpaiwan ‘to si San Agustin. Eh, halos hindi silang maghiwalay tatlp nitong nakaraang dalawang linggo.

Hindi ako lumingon o tumigil. Rinig ko ang mabibilis niyang yabag tanda na tumatakbo siya palapit sa’kin. Hindi mga ako nagkamali nang biglang bumigat ang bag ko.

Napatingin ako sa kaniya. Ang isa niyang kamay ay nakahawak sa bag ko at sadyang pinabibigat ang kamay sa pagkakahawak. Naiinis kong hinampas ang braso niya.

“Aray, pucha!” reklamo niya habang hinihimas ang brasong nahampas ko.

Umingos ako sa kaniya. Mas lalo kong binilisan ang paglalakad pero mabilis din siyang nakakahabol. Tumigil ako para tuluyan siyang harapin.

“Ano bang problema mo?” mahina kong singhal para hindi makakuha ng atensiyon mula sa ibang mga estudyante.

“Wala. Baka ikaw ang may problema,” maang-maangan niyang sagot. Naningkit ang mata ko. Bumuka ang bibig ko para magsalita pero kaagad ko ring itinikom. Inirapan ko siya at muling naglakad.

Hindi mabilis at hindi rin masyadong mabagal. Habang si San Agustin ay sumisipol-sipol habang sumasabay sa paglalakad ko.

“Bakit napapansin ko na ako lang ang tinatarayan mo?” maya-maya ay tanong nito.

“Hindi ako mataray,” maiksi kong sagot.

Narinig ko ang mahina niyang pag-ingos.

“Talaga ba? Hindi ako naniniwala, Qalawacan. Ang bait mo kaya makipag-usap sa ibang kaklase natin pero kapag sa’kin palaging nanlalaki ‘yang ilong mo,” aniya.

“Hindi ‘yon pagtataray, sino bang hindi maiinis kung palagi mong ginugulo ang kamay ko sa pagsusulat, kung palagi mong inaalis ang maayos kong pagkakapusod sa buhok ko, kung palagi kang sumasabay sa pagsasalita kapag nagtuturo ang guro sa unahan, kung palagi mong tinatago ang ballpen at bag ko? Ano? Alam mo na?” mahaba kong litanya.

Mahina siyang tumawa na para bang nakakatawa ang sinabi ko. Ang dami niyang trip sa buhay, sinali pa ‘ko na nanahimik at gusto lang pumasok sa school araw-araw.

“Pero, inaasar ka rin naman nina Roy at Mak, pero medyo mabait ka pa sa kanila,” parang nanunumbat nitong sambit.

Bumuntong hininga ako. Nakakapagod talagang makipag-usap sa kaniya. Kung hindi lang ako nahihiyang magpapalit ng seating arrangement baka noong nakaraang linggo pa ako nakalipat ng upuan.

“Kasi ikaw ang nangingibabaw. Ikaw lang ang nakakagawang palabasin ang galit ko sa loob, iba ka,” sarkastiko kong sagot.

“Wow, thanks.”

Hanggang ngayo’y naninibago pa rin ako dahil wala na ang mini-store ni Aling Lolita na palagi kong dinideritso tuwing hapon upang magtrabaho.

Hindi ko rin pala naitanong kay San Agustin kung magpapatutor pa siya. Sayang din kasi ang kikitain sa kaniya.

Maaga akong nakauwi sa bahay. Naabutan ko si Nanay na nagwawalis sa maliit naming sala habang nasa kuna si baby Lianne. Abala ito sa paglalaro ng teddy bear na napanalo ko sa isang claw machine noong fiesta ng barangay.

Nagpalit muna ako ng pambahay na damit saka ko binuhat si Lianne palabas ng bahay. Wala akong gagawin dahil natapos na lahat ni Nanay, wala pa rin Lyka dahil cleaners siya buong week sa room nila.

Naglakad ako papunta sa ginawang basketball ring ng mga kalalakihan sa pook namin. May mga batang naglalaro sa gilid habang may nagbabasketball.

Umupo ako sa mga pinasadyang upuan na kahoy. Ginawa ‘to para sa mga gustong manuod. Tuwang-tuwa si baby Lianne habang pinanunuod ang mga batang naglalaro ng habulan.

Habang ako nama’y nanliit ang mata habang tinitingnan ang isang pamilyar na lalaking kasali sa naglalaro.

Nagtama ang tingin namin. Mabilis na ngumisi si San Agustin at magiliw na kumaway. Napatingin tuloy ang ibang kalaro niya. Nakakunot noo ako habang naglalakad siya palapit sa pwesto ko.

Mahina niyang pinisil ang pisnge ni Lianne saka siya umupo sa tabi ko.

“Anong ginagawa mo rito? Ang alam ko mas maganda ang court niyo sa inyong barangay ah?” tanong ko nang mapatingin siya sa’kin.

Hinihingal niyang ipinunas ang damit sa leeg at braso. Walang saplot ang itaas niyang katawan. Ginagaya ang mga lalaki rito na naglalaro ng walang damit sa katawan.

“Masaya kaya rito, saka malapit ka lang,” kumindat siya nang makasagot. Sinagot ko siya ng simpleng pag-irap.

“Ang dami mong alam, bakit hindi ka na lang nag-aral kaysa magbasketball dito? May quiz tayo sa biyernes sa Science, kung nakakalimutan mo,” umingos ako.

Napakamot siya sa batok saka ngiwing ngumiti.

“Idadaan ko na lang sa dasal, mare. Doncha wori, malakas ako kay rold,” tinapik-tapik niya ang dibdib.

“Psh.”

“Nga pala, samahan mo ‘kong bumili ng siopao,” sabi niya habang nilalaro ang daliri ni baby Lianne.

Tumingin ako sa kasalungat na direksyon. Kumunot ang noo ko dahil nandoon lang naman ang nagtitinda ng siopao. Tumaas ang kilay kong lumingon sa kaniya.

“’Yon lang ang siopao oh!” ininguso ko ang nagtitinda.

“Samahan mo na ‘ko mare. Bibigyan kita ng kiss kapag sinamahan mo ako,” nakakalokong ngiti ang lumitaw sa pagmumukha niya.

Hindi ko maitago ang pandidiri sa mukha.

“I-kiss mo mukha mo, ang lapit-lapit n’yan, sipain kita r’yan e.”

“Sus, kumwari ka pa. Crush mo naman ako eh.”

“Ang kapal ng mukha mo. Kilabutan ka nga.”

“Bakit? Gwapo naman ako ah?”

“Talaga ba?” panggagaya ko sa palagi niyang sinasagot sa’kin.

“Dadating ang panahon na magmamakaawa ka para sa halik ko.” Paninigurado niya bago kumindat.

“Psh.”

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top