1
Hindi ako nanunumbat kung bakit ganito ang buhay ko. Naglalakad ako araw-araw ng halos limang kilometro para lang makarating sa eskwelahan habang ang mga kaklase ko ay hinahatid gamit ang kanilang mga sasakyan. Tinitiis ko ang bawat paghapdi ng tiyan habang ang iba ay ay abala sa pagnguya ng pagkain nila.
Pinapalipas ko ang bawat break time sa pagbabasa ng mga libro.
Sa edad na thirteen, nagtrabaho na ako bilang isang tindera sa mini store ni Aling Lolita. Isang daan ang binabayad niya sapat na para makabili ako ng panggawa ng project para sa English.
Ang tira ay gagawin kong baon para sa isang buong linggo.
Tumigil ako sa paglalakad para magpahinga. Umupo ako sa nakita kong shed. Dalawang matanda ang kasama ko at abala sila pagkekwentuhan.
Nakatukod ang dalawa kong kamay sa tuhod habang marahan kong ipinapadyak ang dalawang paa. Tumingin ako sa paligud bago dumako ang tingin ko sa aking suot na tsinelas.
Tipid akong ngumiti habang tinitingnan ang magkaiba kong tsinelas. Napulot ito ni Tatay sa basurahan noong nangangalakal siya. Ayaw ng kapatid ko kaya ako na lamang ang nagsusuot. Tapos binigay ko sa kaniya ang binili kong tsinelas sa tsangge noong isang araw na nabili ko sa presyong singkwenta.
Ilang minuto lang akong nagpahinga dahil baka abutin ako ng gabi sa daan. Kakagaling ko lang sa mini store ni Aling Lolita. Bumili ako ng dalawang kilong bigas at ng isang biscuit para ipasalubong sa bunso kong kapatid.
Nadatnan ko si Nanay kina Aling Rose na naglalaba. Nakita ko ang ilang balde na damit na hindi niya pa nalalabhan. Ngumiti siya sa'kin nang makita niya ako pero agad din siyang nagpatuloy sa paglalaba.
Malalim akong bumuntong hininga saka naglakad papunta sa bahay. Wala si Tatay nang makapasok ako. Tanging si Lyka at Lianne lang ang naabutan ko sa bahay.
Pinanuod ko ang bawat paghaplos ni Lyka sa likod ni Lianne upang patahanin ito ngunit patuloy na umiiyak ang aming bunso. Nilapag ko sa maliit na lamesa ang dala kong supot saka ko nilapitan ang umiiyak kong kapatid.
Binuhat ko siya at hinile. Ilang minuto bago siya nakatulog sa braso ko. Samantalang si Lyka ay kinuha ang bigas na binili ko para isaing Hindi ko pa alam kung anong iuulam namin mamaya.
Marahan kong nilapag ang isang taong gulang kong kapatid sa duyan bago ako dumeritso sa kwarto para magbihis.
"Ate, anong ulam?" tumigil ang kamay ko sa pagbabaklas ng butones. Lumingon ako kay Lyka na nasa pintuan, nakasandal siya sa hamba habang hawak-hawak ang kurtinang nagsisilbing pinto ng kwarto namin.
"Hindi ko alam. Itanong mo kay Nanay," sagot ko bago ipinagpatuloy ang pagbibihis.
"Sabi ni Nanay sa'yo raw ako magtanong e," narinig ko ang papalapit niyang yabag. Napabuntong hininga ako saka ko isinara ang naglalangitngit na pinto ng cabinet.
Kinuha ko sa hinubad kong palda ang natitirang forty-five pesos na natira nung bumili akong bigas. Binigay ko sa kaniya ang buong bente.
"Bili ka na lang ng sardinas," tinago ko ang natitirang bente singko sa bag ko.
Umalis si Lyka para bumili mg sardinas. Lumabas ako ng kwarto para maglinis sa bahay. Pero napatigil din ako dahil biglang nagising ang bunso naming kapatid.
Binuhat ko siya at muling hinile. Dumating si Tatay pagkatapos ni Lyka maghain sa mesa. Nagbihis siya ng isang may malaking punit na damit galing sa aparador nila.
"Bumili ka na naman siguro ng bigas, Lezelle? Dapat ay tinatago mo ang kinikita mo para pangkolehiyo mo," sabi ni Tatay.
Tumigil sa ere ang kamay ko sa akmang pagsubo dahil sa sinabi niya. Tipid akong ngumiti sa kaniya bago marahang umiling.
"Kaya ko naman pag-ipunan 'yon, 'Tay. Nakita kong wala ng laman ang bigasan natin kaya bumili ako, dalawang kilo lang naman,"
Magkaiba si Nanay at Tatay pagdating sa pagbili ko ng mga kailangan namin sa bahay. Si Nanay ayos lang sa kaniya kung walang-wala siyang perang pambili pero kung mayroon naman ay hindi niya 'ko hinahayaang gumastos.
Samantalang si Tatay, kahit minsan wala siyang kinikita sa pangangalakal, naghahanap talaga siya ng paraan para makahanap ng pera dahil ayaw niyang bawasan ang sinasahod ko sa pagtitinda.
Kaya minsan, bumibili na lang ako ng kusa kapag nakikita kong walang bigas, asukal, kape, gatas at ulam sa bahay.
Sa edad na trese, pinangako ko na sarili ko na magtatagumpay ako sa buhay pagdating ng araw para maibigay ko ang maginhawang buhay sa pamilya ko.
Sa edad na trese, nakaplano na ang bawat hakbang na gagawin ko sa buhay ko para umangat mula sa laylayan.
Gusto kong pagdating ng araw, ngingiti na lang ako kapag maalala ko ang mga panahong ito, kung kailan hirap-hirap kami sa buhay.
Ako si Lezelle Qalawacan, isang nangangarap na kabataan para sa isang maginhawang buhay sa kinabukasan.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top