Kabanata 8 - Poisonous Root

Kabanata 8

Poisonous Root


I FEEL SO weary leaving the facility, kung hindi ko siguro kasama si Gio ay uuwi na naman akong lugmok.


"Ano game ka pa ba?" masaya niya pa ring aya. He keeps on talking to me mula pa kanina, it was like he's making it to the lightest mood huwag lang akong malungkot. And I appreciate it.


I wore my sweetest smile and nooded at him. Para kaming batang magka-akbay nang lisanin ang lugar na 'yon.


Gaya nang nakagawian noon, dumiretso kami ng SM Sportzone at doon nag-ubos ng oras. Para kaming mga bata doon na bawat madaanan ay kakalikutin, lalaruin hanggang sa makapag-ipon nang hindi mabilang na ticket. 


Sa panandaliang panahon, nakalimutan kong muli ang mga problemang dinadamdam ko.


We were panting when we stop in front of the claw machine. This is the last stall, and we did it on purpose. Sabi kasi nila, kapag 50th player ka na... mas malaki ang responsibility na makuha mo ang prize. Sabi lang nila ha, wala naman sigurong mawawala kung maniniwala. Lagi na lang kaming nadadaya ng machine na ito.


I was super excited targetting the big panda inside it. Naalala kong minsan akong inasar ni Tito Ezekiel dahil halos wala na akong mahigaan sa aking kama nang makita niyang mapuno ito ng sari-saring stuff toy. Things about girls that boys could never understand. Ang sarap sarap kaya ng may katabing maraming stuff toy, lalo na kung mag-isa ka lang para kang may katabi.


Naipon na lang din  dahil mula nang magsimula kaming tumambay ni Gio sa sportzone ay palagi akong may naiuuwing stuff toy. Siya na lang palagi ang nananalo at ako, kahit ilang beses akong sumubok ay walang nangyayari.


"I can get it this time," proud kong sinabi habang nag-uunat pa ng braso.


Tinawanan lamang ako ni Gio. Para bang sanay na sanay na siyang marinig sa akin 'yon.


"Go waste your tokens, I'll just end up getting that for you, silly." natatawa niyang sabi matapos suklayin ng kanyang kamay ang kanyang buhok. I find him handsome doing that, katatamtaman lang kasi ang haba ng buhok niya, sapat na para minsang matabunan ang makakapal niyang kilay na madalas naman niyang hinahawi dahil sa iritasyon. Hindi niya alam ang gwapo gwapo niyang tignan tuwing hinahawi niya ang buhok niya.


But when he started to smirk at me like he was challenging me to get the stuff toy by myself, he looks like a jerk. A very cute jerk.


Ilang minuto ang lumipas, nakakawalong token na ako and there were 2 left. Nawawalan na ako ng pag-asa. Kahit gaano ko kagustong makuha ang stuff toy na 'yon, I won't let him do that for me. My pride won't let me, not this time.


Palagi na lang kasi siya ang kumukuha para sa akin. Naisip ko lang, maybe I can do that too. So why can't I try? At least.


"Shit! Malapit na! Malapit na! Come on get that!" gigil kong sinabi nang unti-unting umaangat ang claw bitbit-bitbit ang stuff toy na gusto ko. Ngunit lumaylay ang balikat ko nang mahulog ito at hindi manlang nahulog sa target ko.


"Give me the last token, sumuko ka na! Ako rin naman ang kukuha niyan." tatawa-tawa na namang suhestiyon ng loko.


I rolled my eyes on him and gave the last coin harshly. Halos isaksak ko 'to sa sikmura niya kaya naman hindi maipinta ang kanyang mukha.


"Salbahe ka talaga!" asik niya.


Nang ihulog niya ang token ay seryosong-seryoso niyang hinarap ang machine. Titig na titig siya rito at tila hindi maiistorbo sa kanyang ginagawa.


I can feel my pounding heart when the claw started to catch the stuff toy. Makukuha niya 'yon panigurado, mahigpit ang pagkakakuha at parang hindi na bibitaw.


We both jump when it landed on the target. Hulog na hulog at saktong-sakto. Tuwang-tuwa na sana ako nang maalala ko kung gaano ko nga pala kaayaw na kunin niya ito sa akin para sa araw na 'to.


"Oh, kunin mo na! Nahiya pa." alok niya sa akin ng malaking panda. The toy looks so adorable, gustong-gusto kong yakapin.


"Huwag na, sa'yo na 'yan. Ikaw naman ang kumuha." nagtatampo kong sinabi saka inunahan na siyang lumabas sa sportzone. As usual, tatawa-tawa lang itong sumunod.


Dumiretso ako ng greenwich at umorder ng dalawang lasagna. I payed for it, siya nanlibre ng token eh. Hindi na niya pinilit na siya ang magbayad because he knew that I am unstoppable.


Gutom na gutom ako kaya naman excited ako nang ihain ng waiter sa amin ang inorder. Agad namang ibinigay sa akin ni Gio ang tinapay na parte ng kanyang lasagna. He knows how much I love that combination, dati rati ay ayaw niyang ibigay sa akin 'yon kaya umaabot pa kami ng ilang oras sa pamimilit ko sa kanya. He volaruntarily did it today.


"'Diba gusto mo 'yan?" I asked.


"Mas gusto mo eh." he just answered and started eating his lasagna. Palihim akong napangiti at umiwas ng tingin. Ibang-iba si Gio noon sa kung ano siya ngayon, madalas ay inuuna niya munang asarin at pagdamutan ako bago ibigay ang gusto ko. 


I am about to eat the last bite of my lasagna when a loud voice called Gio's name. Gusto ko nga sanang takpan ang tenga ko sa katinisan ng boses nito kung hindi lang ako magmumukhang OA.


"LAVIN!!!" the girl shouted. Napatayo naman si Gio at nakangiting sinalubong ang babae.


My eyes widened when they shared a hug... in front of me, again. The girl's blonde, so I assume that it was the same girl that I saw before. His other bestfriend. Muli akong umiwas ng tingin, para bang may kirot sa puso tuwing nakikita ko silang magkasama.


"Nika!" ani Gio nang maghiwalay sila mula sa yakap.


"I texted you, sabi ko dito tayo sa mall magkita. Hindi ka naman nagreply." the girl said, I can imagine her pouting.


Aish.


"A-Ahhh," awkward na sinabi ni Gio nang dumapo ang paningin niya sa akin. I was just looking at them plainly.


Ibinaling ng babae ang kanyang atensyon sa akin at ngumiti. "May kasama ka pala," aniya. Hindi ba obvious?


"A-Ahh, uhm. Resien si Anika. Nika, si Resien." he introduced. Nickname basis, how close.


"Hi!" bati ng babae saka inialok ang kamay niya sa akin na malugod ko namang tinanggap.


Ngumiti lang ako at tumango. Wala ako sa mood magsalita.


"Uhm, can I join you?" the girl asked. I immediately look at Gio, waiting for his response. I don't think I have the right to answer that, baka hindi niya pa magustuhan ang sagot ko. 


"Sure, sure." agad na sagot ni Gio saka hinila ang isa pang upuan sa kanyang tabi. I told you, he is some kind of a gentleman. Minsan gusto ko siyang ipagdamot, gusto ko sa akin lang niya ginagawa ang mga ganiyang bagay... pero hindi naman 'yon puwede.


"Aww, this toy is so fluffy." walang pasabing kinuha ni Anika ang manika na inilagay ni Gio sa aking tabi at niyakap. Napatikhim ako nang gawin niya iyon ngunit tila hindi naman natinag.


I am starting to get irritated. But I am trying to control myself. Seeing them for the first time before caused some negative feeling in me, and now that they are in front of me. I don't think what's more to happen. 


"You can have it." pormal kong sinabi at saka walang ano-anong isinubo ang huling parte ng aking lasagna. Last bite is the happiest sabi nila, bakit parang ang pait pait at nakaiirita ang huling subo ko sa lasagna?


"Pero sa—" Gio was cutted off.


"Really? Thankyouu!" maarte niyang pagpapasalamat. I don't know if it's just me but I find her voice so irritating. Para bang nananadya at nang-aasar, ako naman itong si tanga... asar na asar.


Kunot ang noo ni Gio nang lingunin ko siya ngunit ipinagsawalang-bahala ko na lang 'yon. 


I excused myself and told them that I am going to the restroom. Kahit na wala naman na talaga akong balak na bumalik, they were so happy. At inis na inis ako. That girl just simply stole our moment. It's our fun time, so dapat hindi siya nakikisali.


Bwisit na bwisit kong pinagmasdan sila sa malayo habang hawak ni Anika ang manikang dapat sa akin. Nauna pa kasi niyang yakapin kaysa sa akin, I'm not a fan of being the last or the second. If something is for me, I should be the first one to use it, to have it. Ayaw na ayaw kong may kakompetisyon o kaagaw dahil naisip kong masyado na akong pinagkakaitan ng mundo para doon.


I am kind. I know that to myself. But I have my limits, my boundaries. So I have to step myself out of the picture, to keep my composure before a poisonous root for bitterness and jealousy contain me and I don't know how am I going to control it, once it explode.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top