Kabanata 7 - Special Friend

Kabanata 7

Special Friend


GULO-GULO PA ang buhok ko nang buksan ko ang pintuan ng aking apartment. Hindi na ako nag-abalang mag-ayos dahil malamang sa malamang ay alinman sa dalawa kong Tita ang dalaw ko ngayon.


Linggo na naman, parang laging kaybilis ng araw. Mamayang hapon ay dadalaw ako kay Mama, I promised her that... not literally.


Kaagad akong dinapuan ng hiya nang makita ko ang gwapong-gwapo na si Gio sa hamba ng aking pintuan. Matamis itong nakangiti sa akin at may dala-dala pang paper bag.


"Goodmorning!" masaya niyang bati.


"Uy! Pupunta ka pala, hindi ka manlang nagsabi. Jusko, hindi pa ako naliligo." I honestly announced. Kahit naman hindi ko sabihin ay halata. Aish, Resien!


"Ano naman? Para namang hindi pa kita nakitang may panis na laway sa gilid ng labi at muta sa mga mata." natatawang wika niya bago ako nilampasan at tuluyang pumasok sa maliit kong apartment.


Prente at nakadekwatro pa itong nakaupo sa maliit kong sofa. Feel at home na feel at home ang mokong.


"May lakad ka ba ngayon?" tanong niya habang binubuksan ang paper bag na dala. Pakiwari ko'y mga pagkain ito dahil hindi lang naman ito ang unang beses na pumunta siya rito ng ganito kaaga.


Umupo ako sa katapat niyang upuan saka nagsimulang makikuha ng mga dala niya. Tumigil ito sa paglalabas ng mga pagkain ay nagtataka akong tinignan.


Napatingin rin ako sa kanya ng may pagtataka. His forehead creased as he tap the space beside him, telling me to sit there. Kinunutan ko siya ng noo dahil sa kan'yang ginawa.


"Bakit nandyan ka? Dito ka." aniya saka ako hinila, dahilan para sapilitan akong mapaupo sa kanyang gilid. Parang tanga, napaka-clingy.


"Nakakahiya ang baho ko!" bwisit kong sagot. Hindi naman niya ito pinansin at pilit pang dumikit sa akin na para bang wala ng natitira pang espasyo sa kanyang gilid.


Isip bata talaga kahit kailan!


Habang abala siya sa kanyang ginagawa ay palihim ko lamang na pinagmasdan ang kanyang mukha. Nalulungkot na naman ako dahil naisip kong hindi lang ako ng bestfriend ng lalaking 'to.


Ibig sabihin ay lahat ng ginagawa niya para sa akin ay hindi lang niya sa akin ginagawa. Nakakatawa. Iyon bang akala mo ay espesyal ka, pero hindi naman pala.


"May problema ba?" aniya na nakapagpabalik sa akin sa ulirat. Hays, Resien lutang ka na naman.


"W-wala," nauutal ko pang sagot. Bakit mo naman kasi tinititigan, Resien. Isa't kalahating shunga ka rin minsan eh.


"So may lakad ka ba? Puwede sumama?" parang bata niyang sinabi. Kumikislap pa ang mga mata niya sa tuwa.


"Pupunta ako kay Mama, pero hindi ako magpapakita. Sisilipin ko lang siya kaya saglit lang 'yon." sabi ko habang nakikibuklat rin ng pagkain sa dala niya.


"Sama ako, pagtapos natin 'don dating gawi, ano game?" excited niyang sinabi saka ako siniksik pa nang siniksik. Napakakulit talaga, parang hindi tumatanda.


Kinurot ko siya para lumayo sa akin.


"ARAY! Ayan ka na naman ah!" aniya saka ako pabirong kinurot rin ngunit hindi naman masakit.


"Hala wow lasagna!" biglang sigaw ko nang makita ko ang tupperware ng lasagna na halos mapuno na naman ng cheese.


"Gawa ulit ni Mama, hehe." kamot ulo niyang sinabi.


Alam na alam talaga ni Tita Gia ang paborito ko. Pakiramdam ko kapag kumakain ako ng keso ay para akong dinadala sa langit.


"Napakadaming cheese, Resien. Para kang daga!" pang-aalaska ng loko.


"Wala kang pake!" singhal ko saka sinunggaban ang lasagna. Nang matapos ko itong kainin ay hinihimas ko na ang aking tiyan dahil sa kabusugan. Tataba yata ako ng sobra kung palagi akong lulutuan ni Tita Gia.


"Kaliit-liit mong babae, napakatakaw mo!" asar niya saka inipit ang aking mukha sa dalawang malalaki niyang palad. Naiipit ang aking pisngi!


"Anyu bwa Gwiyow!" parang tanga kong suway. Hindi ako makapagsalita nang maayos. Tuloy ay tawa nang tawa ang loko-loko.


Tinitigan ko lang siya roon habang halos mawala na ang kanyang mga mata katatawa. Singkit amp, nawawalan ng mata kapag bumubungisngis. Kanino kaya niya namana 'yun? Hindi naman gaanong singkit si Tita Gia. Malamang baka kay Tito Ethan.


Gusto ko palagi siyang masaya. Masaya na rin ako kapag masaya siya. Kaya kahit minsan sobrang nakakainis ang mga pangungulit at pang-aasar niya ay hinahayaan ko na lang.


Tumigil rin siya sa katatawa at nakipagtitigan sa akin. Doon ako nagsimulang mailang, dahil hindi lang sa mga mata ko natuon ang kanyang mga tingin. Pababa ito nang pababa hanggang sa naramdaman ko na lang ang pagkibot ng aking mga labi.


Then he started to lean closer which caught me off guard. Ano bang ginagawa niya? Halos maduling ako sa sobrang lapit na ng kanyang mukha sa akin kaya wala akong ibang choice kung hindi ipikit ang aking mga mata.


My eyes remain close until I felt his finger wiping my lips. Then I felt my whole face heated.


What was that?! Jusko, Resien! May iba ka bang inaasahan? Hala ka! Mali ang iniisip mo!


Parang tanga kong kinakausap ang aking sarili sa isip. Nakakatanga!


"You careless eating monster," pabiro niyang sinabi bago ginulo ang aking buhok at lumayo na ng bahagya sa akin at parang wala lang na kumagat sa burger niya.


Hindi naman niya nababasa ang isip ko kaya hindi dapat ako mahiya. Pero kahit na! Bakit ko ba pinag-isipang hahalikan ako ng bestfriend ko? Berdeng utak na 'to.


"Okay ka lang?" tanong niya ng mapansing hindi pa rin ako kumikibo.


Nanlalaki ang mata ko nang lingunin siya. Daig ko pa ang nakakita ng multo sa pagkataranta. Hindi naman siya nakahahalata hindi ba? Huwag naman sana.


"O-oo, ah... a-ano, maliligo na ako." wika ko saka mabilis na nagtungo sa aking kuwarto upang maligo.


"Sige, bilisan mo ha! Reyna ka pa naman ng kabagalan! Maghilamos ka ring mabuti dahil namumula ka!" tatawa-tawa niyang sigaw na hindi naman nakatakas sa aking pandinig. Aba't nang asar pa ang mokong!


Pagkasarang-pagkasara pa lamang ng pintuan ay napasandal ako rito at nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga. Sapo-sapo ko rin ang aking dibdib dahil ayaw nitong tumigil sa labis na pagkabog. Hindi ko maintindihan.


Matapos kong maligo ay normal na ang aking sistema kaya naman kaswal kong hinarap si Gio na nag-aabang sa akin.


"Done?" aniya na tinanguan ko lang.


Siya ang nagprisintang maglock ng pintuan kaya hinayaan ko na lang. I didn't know that he also brought his car kaya ayon na lang ginamit namin papunta sa facility.


Bago pa ako bumaba ng sasakyan ay hinawakan niya ng mahigpit ang aking kamay na siya namang pinagtakhan ko.


"Ready?" he asked. Nakangiti lang akong tumango bago bumaba ng sasakyan. Pabiro pa itong nainis dahil hindi ko na naman raw siya hinintay na pagbuksan ako ng pintuan.


Masaya si Ate Myrna nang matanaw niyang paparating kami. Sinalubong niya ako ng isang mainit na yakap nang magkaharap kami.


"Long time no see, Resien. Mabuti't napadalaw ka." aniya saka inalalayan ako patungo sa kwarto ni Mama.


Nakita ko rin ang nakangiti niyang pagtango kay Gio na para bang isang mabait na tuta sa aking gilid. Nakapamulsang sumusunod lang sa amin.


"Kumusta po siya?" malumanay kong tanong.


"Ayos naman, may kakaunting progress. Hindi na niya gaanong hinahanap pa ang Papa mo pero bakas pa rin ang lungkot sa mga mata niya." kuwento niya habang dinudungaw si Mama na maliit na salamin ng pinto sa kanyang kuwarto.


Nang silipin ko ito ay halos magtubig kaagad ang aking mga mata. Miss na miss ko na si Mama.


Payapa lang itong nakatanaw sa binta habang nilalasap ang masarap na init na dala ng maliwanag na araw.


"Puwede na po ba siyang makakita ng mga taong parte ng nakaraan niya?" umaasa kong tanong. Gustong-gusto ko nang mayakap si Mama o kahit malapitan manlang. Hindi lang naman ako parte ng nakaraan niya dahil nandito kaming pareho sa hinaharap, bakit kailangang pati ako ay hindi niya puwedeng makita?


Ayos lang sa akin kahit hindi niya pa rin ako makilala o matandaan, basta ba'y hindi ko siya sa malayo lang matatanaw.


"Hindi ako sigurado, hija." malungkot niyang sinabi sa akin. Naramdaman ko ang marahang paghaplos ni Gio sa aking mga balikat. Sapat na para makaramdam ako ng ginhawa sa kabila ng narinig.


"Mabuting kausapin mo ang doktor niya para rin makasiguro ka. Huwag kang sumuko sa'yong ina, Resien. Gagaling rin siya." she said as she motivated me.


I am slowly losing it. The hope. Ilang taon na ang lumilipas ngunit parang wala naman akong nakikitang pagbabago. Parang paulit-ulit. Nakakasawa. O baka masyado lang akong nagpo-focus sa mga bagay na hindi nagbabago at hindi ko napapansin ang iba. Lahat na lang ay kinapapaguran ko. Sa sobrang kasanayan ko sa lahat ng bagay ay lahat rin, hinahanapan ko ng pagbabago.


I was shocked when Gio suddenly pulled me to give me a tight and warm hug. There I exploded, I cried as hard as I can. Tila ba sa isang kalabit ay nagbagsakan ang mga luhang pilit kong pinipigilan.


He hugged me tighter and crouched until I felt his warm breath at the part of my ears.


"Everything will be okay, Resien. Magtiwala ka lang at maghintay." marahan niyang bulong saka hinaplos nang marahan ang likod ng aking ulo habang nakakulong pa rin ako sa kanyang mga bisig.


Sometimes in life, you will find a special friend. Someone who changes your life just by being part of it.


At hindi ko kakayanin kung mawawala si Gio sa akin. He's been there from the start, siya ang naging kasama ko sa pagharap ng lahat. He witnessed how I faced and handled everything, he didn't even let me feel that I am alone in this battle.


Nasa akin lang talaga ang problema kung kaya't nakatatak sa isip ko na lagi akong mag-isa.


Gio's my special friend, he is my best friend. I would trade the world, huwag lang siya mawala sa akin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top