Kabanata 5 - The Other Bestfriend

Kabanata 5

The Other Bestfriend


IT IS A normal day when I came to school. Most of the students like me are busy, especially the seniors. Para silang may karerang palaging hinahabol.


Literal. There was a moment that someone bumped into me. Ang ayos ayos ng lakad ko, nasa tamang lakaran ako... yet nababangga pa.


"Oh my gosh, I'm very sorry! I'm in rush!" gulo-gulo ang buhok at pawisang pagpapaumanhin ng babaeng nakabangga sa akin.


Gustuhin ko mang magreact ay hindi ko tipikal na ugali. Ewan ko ba, siguro kung ibang araw ay maaari pa. Hindi ko rin malaman sa sarili ko kung bakit napaka-unpredictable ng ugali ko.


Anyway, mukha naman siyang mabait... at maganda. I'll let her pass, isa pa, I'm having a good day and I won't let anyone destroy it.


Tinanguan ko lamang ito dahil halatang nag-iintay pa rin siya ng aking reaksyon sa kabila ng pagmamadali niya. Naging hudyat iyon para kumaripas siya ng takbo.


Sandali pa akong napako sa aking kinatatayuan, pinagmasdan ang mga tao sa paligid. Mayroon namang mga freshies na katulad kong chillax lang dahil siguro hindi pa pressured, mayroong grupo ng mga estudyanteng nagtatawanan lang at tila bumuo ng sarili nilang mundo.


Sighed. Ano kayang pakiramdam ng ganoon? Iyong madami kang kaibigan, marami kang makakasama at masasandalan. Parang ang saya saya. I shrug and dismiss my own question.


I may be continuously building walls to protect myself... I sometimes wished to socialize in a very spectacular way. Iyon bang unexpected friendships. But I just can't... I don't know how.


I went to the cafeteria to buy some ice coffee. Plano ko sanang sa mcdo bumili pero naisip kong dito na lang para makamura na rin. Aba, hindi naman ako mayaman.


Habang sinisimsim ang masarap na kape sa isang maaraw na umaga ay kung anu-anong bagay ang aking naiisip.


Masaya naman ako dahil kahit kakaunti, alam kong may mga taong may pakielam at nakaiintindi sa akin. Kaya dapat kong itigil ang pagiging pessimist dahil tumagal naman ako ng ilang taon mapakita lang na masaya ako palagi.


Umupo na lamang ako sa isa sa mga puwesto roon. Hindi naman siguro ipinagbabawal ang pagiging mag-isa rito. I just notice how different I am to every people here. Lahat sila may kasama, tumatawa habang napaliligiran ng mga mahahalagang tao. Samantalang ako, mag-isa.


Alam ko, maraming beses ko ng sinabi sa sarili ko na kaya ko mag-isa. Pero iba pa rin talaga sa mga ganitong pagkakataon, parang mapapaisip ka na lang bakit iba ka sa nakararami.



Kung bakit ba kasi required pumasok nang maaga at mag-attendance kahit na mahaba ang vacant hours ng schedule namin ngayon. Hays, dapat nagpa-late na lang ako eh.


I was about to get my book out from my bag to kill my boredom when a hand put a sandwich in front of me. Kaagad kong tiningala ang may-ari ng kamay na ito na may nakangiting mukha sa akin.


"Good morning, nagbreakfast ka na?" simpleng tanong lamang iyon ni Gio pero dahil siya si Gio, he can make it sound like a young boy. Iyong makulit na nosy, pang-asar pero thoughtful. Sa mga ganitong pagkakataon ko rin nararamdaman ang haplos sa puso ko, na kahit kakaunti... mayroon akong kaibigan. Mayroong tao na hahanap sa akin kung sakaling mawala ako.


"Hindi pa, thanks for this." sagot ko saka kumagat sa sandwich na binigay niya. Kaagad akong napapikit ng malasahan ng aking dila ang sandamakmak na cheese na may kakaunting lasa ng ham sa tinapay.


"Ang saraaaap!" I almost shouted. Pagdilat ng mata ko ay may camerang nakabungad sa akin. My expression changed.


"You're so cute," he complimented that made my cheeks feel the heat. Binobola lang naman ako nito eh! Kita mo, bini-video pa ako. For sure ay pagtatawanan niya ang itsura ko doon.


"Burahin mo 'yan Gio! Isusumbong kita!" inis kong singhal.


"Sarap ba ng sandwich ni Mama? She made it especially for you." aniya saka ibinaba ang cellphone niya.


"Burahin mo... muna 'yon!" wika ko habang ngumunguya pa.


"I didn't take a video, not even a picture. Chill!" makulit niyang winika saka sumandal sa upuang kaharap ko.


"Wala kang klase?" he asked.


"Obviously." tipid kong sagot.


He lean to pinch both of my cheeks. "Ang sungit mo na naman, ang aga-aga." usisa niya pa.


"MASAKIT GIO!!" I yelled removing his hands on my cheeks but that causes it to stretch my cheeks more. At mas masakit 'yon.


Peste talagang isip bata na 'to!


I quickly lean on to him to pull his hair. Hindi tipikal na sabunot dahil ang ginawa ko ay hinila ang patilya niya paitaas, gaya ng nakasanayan kong gawin. Sa lakas ng pagkakahila ko ay nabitawan niya ang aking pisngi. Ramdam kong nag-iinit ito at namumula dahil sa sakit ng ginawa niya.


Kalalaking tao mapanakit! Kanino ba ito nagmana?


"Sobra-sobra 'yon hoy! Ikaw na nga 'tong binigyan ng sandwich eh." he said as he behaved. Marunong naman palang pumirmi, nangungurot pa kasi ng pisngi. Ito na naman siya sa pagiging isip-bata niya, mapapailing ka na lang talaga.


"Bawian lang aba!" natatawa kong sinabi.


"Malapit na magstart second class ko, maiwan na muna kita rito ha. Ingat ka, sabay tayo umuwi. Wait mo ko sa 'don sa napagkasunduan nating lugar, 'pag wala pa ako puntahan mo ako sa room." mabilis niyang winika bago umalis. Ni hindi manlang ako hinayaang magsalita.


Loko-loko talaga kahit kailan. As usual, kahit naninibago sa environment at na-culture shock ay minabuti ko na lamang na ubusin ang oras ko sa reading nook. Sana lang ay walang pumeste sa akin roon na kahit na sino.


I am currently reading Lang Leav's The Universe of Us, at nasa chapter 19 na ako. I don't know but a compilation of poems can catch my attention that is why I resorted to reading this.


Medyo na-curious rin kasi ako sa mga book reviews niya—and there... I started reading it.



Choose Love

My mother once said to me there are two kinds of men you'll meet. The first will give you the life you want and the second will give you the love you desire. If you're one of the lucky few, you will find both in one person. But if you ever find yourself having to choose between the two, then always choose love.


The first lines got me stuck. Of all circumstances, why does it have to mention a mother... her mother.


I remember a few of my mother's words. But I was too stupid not to reflect on it. Lang Leav's prose made me think.


Will I ever be able to find love in the future? Or the question is, am I ready? I think not. So before wondering if I'm going to find some love like that... I should be ready first.


Sabi nga nila, mabilis na lumilipas ang oras. Dahil sa mahabang pag-iisip ko sa parteng iyon ng libro ng binabasa kong manunulat ay hindi na ako nakausad pa.


I have to attend my classes kaya naman nagmadali kong tinungo ang classroom namin. Na kaagad kong pinagsisihan dahil sa kalagitnaan ng klase ay buryong-buryo ako sa walang sawang pagkukuwento ng propesor sa kanyang buhay na wala namang relevance sa topic namin.


Buhay estudyante, akala ko sa highschool lang mayroong ganito. Pati pala sa kolehiyo ay dadalhin ko pa 'to. Hanggang college ay may mga guro pa rin pala talagang pala-kuwento ng buhay nila


Kung ako ang magiging guro, hindi ko gugustuhin ikwento ang buhay ko sa lahat. Hindi 'yon ganoon kadali. Bigla tuloy ako nainggit dahil malayang nakapagke-kuwento ang mga propesor na gaya ni Ma'am Tadeo tungkol sa buhay niya. Iyon lang ata ang lumipad sa isip ko buong oras ng klase.


"Class dismiss." Halos pumalakpak ang tainga ko nang marinig ko ang dalawang salitang 'yan mula sa aming propesor.


Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at mabilisang inayos ang aking gamit nang maramdaman kong nagvibrate ang aking cellphone mula sa aking bulsa.


From: Tita Gia

Hi Resien sweetie, pasuyo naman na sabihin kay Gio na dumiretso siya sa tinext ko sa kanyang address. Hindi kasi siya sumasagot sa tawag ko, maybe he's in his class kaya ganoon. You may also come if you want. Thank you and take care.


Her messages are so in character. Napaka-sweet ni Tita Gia, I wonder how she will be a mother to a girl like me. Ang kaso lang ay iisang anak at lalaki ang ibinigay sa kanya. Pero sabagay, kahit naman lalaki ang anak ni Tita Gia ay hindi siya pumalyang ipakita kung gaano niya ito kamahal.


Muli kong naalala kung gaano kaalaga at kaingat sa akin si Mama noon. I'm sure she's way sweeter than anyone in this world. She's just too destructed,  andI have to accept that.


I miss you, Mama. This coming weekend, I promise to visit you. Kahit hanggang sulyap lang.


I quickly typed in my reply to Tita Gia saying that I will be telling Gio about her concerns.


Nang marating ko ang classroom nila Gio ay dumiretso ako sa pintuan nito. It seems like hindi ako nag-iisa na may pakay sa lugar na 'to. Incidentally, the girl who bumped me earlier was here beside me. Palinga-linga siya sa loob ng classroom.


Papaano ko natandaan? It was because of her blonde hair. I don't know if that's natural pero bagay na bagay sa kanya ang mahaba niyang buhok. But something is off, kung titignan mo ang mukha niya para siyang may pinagdaraanan. Mahahalata mo ito sa ekspresyon ng kan'yang mukha. Para bang isang kalabit na lang ay iiyak siya.


The door swung open and a guy came out of it. If I am not mistaken, it's the super FC Yazzer Lorenzo... sabi ni Gio sa akin, anak raw siya ni Miss Rebecca Lorenzo. Isang malapit na kakilala ni Mama at ni Papa.


He smiled at me and to the other girl standing beside me. Tumango lang ito sa kanya, bagay na hindi ko ginawa.


Magkakilala sila? Hindi na nakapagtataka, dahil feeling close naman lagi ang lalaking 'to. Para siyang kumakandidato dahil sa dami ng kakilala niya.


"Lavin, bestfriend mo hinahanap ka!" sigaw niya sa loob ng classroom. Nanlalaki ang aking mata ng maisip na baka may teacher pa sila at hindi manlang ako nakapag-excuse ng maayos.


I was about to go peep more and go inside the classroom nang unahan ako ng babae na nasa tabi ko. I was startled, hindi ba siya marunong mag-excuse?


Walang pakielam namang pumasok si Yazzer pabalik sa kanilang classroom. At si ate na nakaupo sa aking tabi ang sumalubong sa taong hinahanap ko.


"Uy Nik—" hindi na natapos si Gio sa pagsasalita nang walang ano-ano'y niyakap siya ng babae. I unconsciously step back. What am I actually seeing right now?


At dahil nakabukas ang pintuan ng kanilang classroom ay nakita ng lahat ang nangyayaring yakapan. Hindi na rin nakatakas sa aking pandinig ang mga impit na tilian at asaran ng mga lalaki at babae roon.


Gio's eyes darted on me. He looked like he froze at mabilisan niyang inalis ang mga brasong nakakapit sa babaeng kayakap. Gustuhin ko mang i-examine ang babae ngunit huli na iyon sa mga bagay na gusto kong alalahanin. I've never heard about her, kaya hindi ko maiwasang magulat at magtaka.


Hindi ko alam kung bakit nananatili pa rin ako sa aking kinatatayuan. Gusto kong umalis ngunit hindi ako makagalaw, para akong napako roon. Gusto kog ihakbang ang mga paa ko pero parang ang bigat, ang hirap gumalaw.


Bumalik lamang ako sa reyalidad nang marahas akong hatakin ni Yazzer paalis roon. Hindi ko napansin ang pagpunta niya sa aking puwesto. Labag man sa aking kalooban ay hinayaan ko siyang hilahin ako at dalhin sa kung saan man... basta malayo roon.


I thought I'm the best friend he's pertaining about. Nagkamali yata ako ng inakala. The feeling is so strange to me, but one thing is for sure.


I don't like what I'm feeling... and I don't want to feel it again.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top