Kabanata 4 - Good Old Memories
Kabanata 4
Good Old Memories
"TITA ANG AGA niyo na naman dumalaw, hindi niyo manlang ako sinabihan." nagkakamot-ulo kong sinabi habang pinagmamasdan si Tita Iris na sumisimsim sa kanyang kape.
"Nagtext ako sa'yo, you are not just checking your phone." napairap niyang sagot.
Hindi na lang ako nagreact pa dahil ang totoo ay wala naman talaga siyang text sa akin na pupunta siya ngayon. Tuloy ay kape lang ang naihanda ko dahil nga kagigising ko lang rin.
"Kumusta ka?" she asked. I just smiled at her.
"Ang sarap ng kape mo." komento niya. Gusto ko na lamang matawa, kung si Tita Katelyn ang ngiti-ngitian ko ay mabu-buwisit na 'yon sa hindi ko pagsagot sa kanya.
"Instant lang 'yan, Tita. Wag kang oa." natatawa kong sagot.
Maya't maya ang dalaw nilang magkapatid sa akin, noong una'y nasabi ko pang bihira lang si Tita Katelyn na dumalaw ngunit pakiwari ko'y napapadalas ang dalaw niya mula ng magkita sila ni Tito Ezekiel rito.
Hindi pa rin nagbabago ang opinyon ko, para akong isang preso na maya't mayang may dalaw... kahit na hindi naman kailangan. Hindi naman na ako isang bata, bakit kailangan nila akong i-check pa?
"Hindi ka ba nahihirapan, Resien? When I'm at your age, I am still depending on your lolo and lola. Alam mong kaya rin ako nagpapabalik-balik rito ay para pilitin kang sa akin tumira." here she goes again with her sentiments. Sa kaniya na rin mismo galing, "para pilitin ako,' ibig sabihin ay ayaw ko.
I sighed. I already made my decision. Bakit ba hindi nila iyon maintindihan at pilit pa rin nila akong isinasama sa kanila?
"Ayos lang naman po ako rito, ilang taon na rin mula nang magsimula akong mamuhay mag-isa kaya hindi na po ako naninibago pa." sagot ko. Ilang beses ko na rin itong sinasabi. Halos makabisado ko na.
Nag-aalalang tumingin lamang siya sa akin habang umiiling.
Naiintindihan ko naman sila, they just want to make sure that I am doing fine. Pero sana maintindihan rin nila ako. I have my reasons, I am just not brave enough to tell them all about it.
Typical Tita Iris, she didn't stayed long. Lagi lang naman niyang pakay sa akin ay ang pangangamusta at pangungumbinsi na sumama sa kanya.
Good thing that she didn't stay long. May lakad ako. I immediately prepared myself before going to that one specific, memorable place for me.
Our old house.
I don't know why I kept on coming back. Tuwing babalik ako rito ay pare-parehong pakiramdam lang ang nararamdaman ko. Longing and happiness... bittersweet happiness.
"Magandang umaga po, manang!" bati ko sa caretaker na siyang magiliw na nagpapasok sa akin sa hindi kalakihang gate ng bahay. Dito pa lang ay tanaw ko na ang imahe ng bawat parte ng labas ng bahay, ang dami ko kaagad naalala.
"Magandang umaga hija, nag-almusal ka na ba?" nakangiti niyang tanong. Matamis ko itong nginitian at tinanguan.
"Opo tapos na po, salamat po." wika ko saka dumiretso na papasok sa loob ng bahay.
Paghakbang ko pa lamang papasok sa hamba ng pintuan ay nanuot na sa aking ilong ang bawat pamilyar na amoy ng lugar na ito. Magkahalong tamis ng air freshener at mga bulaklak ang maaamoy rito.
Kaagad kong ipinikit ang aking mga mata at tila ninamnam ang sandaling 'yon. I've never felt so home like I ever did when I am coming here. I've never felt so peaceful and serene.
Buntong-hininga.
Iyan ang ginawa ko matapos kong idilat ang aking mga mata. Saka dahan-dahang humakbang at inilibot ang aking mga mata sa bawat sulok ng bahay. Walang pinalalagpas, kailangang bawat sulok ay madaraanan ng aking paningin.
I was like a stranger. A tourist being so unfamiliar with one specific place. How ironic it is? To feel so comfortable and unfamiliar at the same time.
My eyes stopped when it darted into an old picture frame with a family picture in it. Kaagad ko itong kinuha at pinagmasdan. Good old days. Wala pang ilang minuto ay nanlalabo na ang aking paningin dahil hindi ko maiwasang maluha.
Madalas naman na ang pagpunta ko rito pero paulit-ulit lang ang ginagawa ko. Umuuwi ako na para bang dito talaga ako nakatira pero kabaliktaran n'yon ang reyalidad. Pumupunta ako dito dahil nandito ang pakiramdam ng isang tahanan. Puro pagbabalik-tanaw na lang ang puwede kong magawa.
Mga panahong musmos pa lang ang isipan ko, puro paglalaro... walang ibang inaalala. Sobrang saya ko sa litratong 'to habang karga-karga ako ni Papa.
Si Papa. Hanggang ngayon, para pa rin akong nasa isang panaginip. It still feels so unreal, mahabang panahon na rin ang lumipas and I still can't believe I haven't heard his voice or even hugged him. At kahit kailan ay hindi ko na magagawa pa. I miss him... so much.
Nasa larawan din si Mama na maluha-luhang nakatingin sa amin.
"Kamukhang-kamukha mo talaga ang mama mo, Resien." biglang wika ni Manang sa aking tabi. Agaran kong pinahid ang luhang tumulo na pala sa aking pisngi at nakangiting lumingon sa kanya.
"Talaga po?" masaya kong tanong. Tumango ito at inalalayang akong maupo sa malaking sofa ng salang 'yon.
"Bawat reaksyon ng mukha, pagkilos at paraan ng pagsasalita ay talaga namang namana mo sa 'yong ina. Ang nag-iisang nakuha mo sa 'yong ama ay ang mga mata niya. Sa totoo lang ay supladito ang tatay mo pero dahil sa mga ekpresibong mata niya ay tiyak na mahuhulaan mo kaagad kung ano ang nararamdaman niya." she stated.
Malumanay ang mga mata ko nang pinagmasdan ang bawat reaksyong mababasa ko sa kanyang mukha.
She looked very happy remembering my parents. How I wish that I saw them using my present perspective. Iyon bang makukuha ko nang maappreciate kung anong nakikita ko. Tapos kakabisaduhin ko ang bawat detalye para hindi mawaglit sa isipan ko, para hindi ko makalimutan kahit kailan. If only I know... if only.
"Habang lumalaki ka ay paganda ka nang paganda, hija." pamumuri ni manang na nakapagpainit ng aking pisngi. Bihira lang kasi ako makatanggap ng compliments kaya naman hindi ko alam kung papaano ba ako magrereact dito.
"May boyfriend ka na ba?" tanong niya matapos kong hindi sagutin ang pamumuri niya. Sa tanong niyang 'yon ay tila mas uminit ang aking pisngi. Siguradong namumula na ang mga ito. Ano bang mayroon sa mga tao ngayon at masyado silang kuryoso sa buhay pag-ibig ko. Noong nakaraan lang ay si Gio ang nagtatanong nito sa akin.
"W-wala po," Should I get one?
Alam ko sa sarili kong wala, ngunit para bang hindi iyon ang sagot na gusto kong sabihin. Unbelieveable. Wala naman akong nobyo pero pagdating sa aspetong 'yon ay hindi ko naramdaman na isa itong kakulangan.
"Darating 'yan sa pinakahindi mo inaasahang pagkakataon. Malay mo'y matulad ka sa'yong ina." Nakangiti niyang sabi. Doon tila tinakasan ng dugo ang buo kong mukha, hinihiling na iba ang ibig sabihin ni Manang sa pagkakaintindi ko.
I frozed. Sa aling parte ng buhay pag-ibig ni Mama ang kananaisan kong matulad?
She is my role model. My idol. But not in terms of her love story. Walang sinoman ang nagnanais na matulad sa pinagdaanan niya, maski ako.
"Ano po i-ibig niyong... sabihin?" alanganin man ay pinili kong magtanong. Mabuti na iyong sigurado kaysa isip ako nang isip kung ano ba ang nais niyang iparating.
"Nasaksihan ko lang naman kung paano unang nagkakilala ang iyong mga magulang," bungisngis niyang kuwento. It was like she was very happy reminicing the memories. I can't even see her eyes because she's too happy to the point that her eyes weren't visible.
How I wish that I could feel the same way.
The fact that my mother didn't end up with my father is enough for me to realize that no matter how good, no matter how romantic and unexpectable your start was. If you aren't destined to be together, wala kayong magagawa. Kapalaran ang naglalaro at ikaw ang matatalo.
The ending will always be painful and unforgettable. So unforgettable that it will leave a scar in your heart na habangbuhay mong dala-dala.
I can feel my eyes getting teary, again. So I immediately excused myself and searched for the comfort room... hoping to be comforted. How corny?
It's not that I don't want to hear my parent's love story. It's just too much to handle, too painful to bear. I am not yet ready. Halos matawa ako, sa lahat na lang ba ng bagay na may kinalaman sa kanila ay hindi ako handa? Kailan ba ako magiging handa?
Their story for me is like an unopened book. And all I could do is just stare at it and feel nothing. Nothing but a heartbreak, because even if I didn't read every part of it... I was completely aware of how will it end.
Papa's my mother's almost, as Tita Katelyn said. But I can't even understand why is the word "almost" has to exist.
I know I am being too much. It's been years but I can't still accept it. Sometimes, I just want to blame my parents for making me live like this.
Para bang isinilang ako para lamang dalhin ang sakit at pighating hindi ko naman dapat dinadala. But I know to myself that I cannot blame them.
Because one thing is for sure... they didn't want to end like that anyway.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top