Kabanata 3 - Protector

Kabanata 3

Protector


"GRABE, KAHIT ONE word or emoji man lang sana ni-reply mo. Wala ka talagang sense of gratitude." nagtatampo kunwaring sinabi ni Gio.



"Napaka-drama mo, kapag hindi ko nasabi ang gusto kong sabihin kung kilala mo ako talaga, matic na 'yon." pagpapalusot ko. Nakalimutan ko naman talagang mag-thank you sa kan'ya.


Ano bang mayroon at nakajacket siya ngayon, ang init-init ng panahon. Ang lakas ng trip niya ha.


Hinampas ko na lang ang kanyang sikmura ng pabiro at saka inunahan sa paglalakad. Ugaling-ugali ko ang unahan siya sa paglalakad para maiwan siya palagi.


"ARAY! Resien, masyado kang brutal!" reklamo niya.


Gusto ko na lang matawa, kapag talaga kaming dalawa ang magkasama ay hindi matapos-tapos ang asaran at kung anu-ano pa.


"Mahirap ba maging freshman psych?" seryosong tanong niya bigla. Inalalayaan niya akong maupo sa isa sa mga nakahilerang bench sa hallway ng reading nook.


Dito kami madalas tumambay, bukod sa malilim dulot ng naglalakihang puno na nakatakip rito, may sariwang hangin na talaga namang kapayapaan ang mararamdaman mo. Bukod pa ron, napapalibutan ang buong lugar ng bermuda grass kaya naman kahit sinong tumambay rito ay komportable.


"Ayaw mo sa bermuda grass?" I asked. Umiling lang ito sa sumandal sa aking tabi.


"Anong sagot mo sa tanong ko?" tanong niya ulit. Napaka-impatient naman, hindi ba puwedeng nag iisip muna ako ng isasagot?


"Ano ulit yung tanong mo?" nagkakamot-ulo kong sinabi. I was, again, mesmerized by the place. Sino ba namang hindi, parang dream place ito ng mga taong kapayapaan ang gusto sa ilang oras na vacant ng bawat araw sa bawat buhay eskuwela nila.


"Hindi ka naman nakikinig eh." medyo inis niyang sagot. Minsan ay inisiip ko kung babae ba 'tong lalaki na 'to, daig pa niya ako sa pagiging iritable at matampuhin. Pero ganoon naman ang nakasanayan niya, wala akong magagawa. Wala naman sa kasarian iyon, ayon sa guro namin.


"Ano nga kasi 'yon?" pangungulit ko. Ang sarap lang niya inisin.


"Ang sabi ko, mahirap ba kako yung kurso mo?" sagot niya nang may kalakasan.


"Eh bakit mo naman natanong?" kunot-noo kong komento. Naiinis na naman niya akong binalingan.


"Eh kung sagutin mo na lang?" aniya.


"Bakit ba ang pilosopo mo?" I fired back. Kung sinasagot niya ako ng maayos edi natapos.


Hindi talaga makausap ng seryoso ang taong 'to.


"Bakit kasi ang dami mong tanong?" dagdag niya pang tanong. Napa-wow naman ang aking itsura dahil doon.


Ako pa talaga ang maraming tanong.


"Ikaw 'tong tanong nang tanong." bwisit kong sagot. Hindi na talaga kami makakapag-usap nang matino.


Sa sobrang inis ko ay nilayasan ko siya at pinili ko na lang magpalipas ng oras sa library. Alam ko namang kasalanan ko rin dahil iniinis ko nga siya pero hindi ko nagugustuhan ang mga pasigaw-sigaw niya sa akin minsan.


Hindi araw-araw ay kaya kong makipagpalitan ng asaran at makipagbiruan sa kaniya. I'm too exhausted for today. I'm burned out to deal with anything right now.


Dalawang subject na mayroong recitation at may isang surprise long quiz. Ganito ba talaga sa college? Hindi ko napaghandaan.


"Need a companion, Madame?" mahinang tanong ng lalaking sumulpot sa aking harapan. I took a deep breath and gathered my last patience. I can't deal with a pest today.


"If you are going to pester me today, Mister. Please, serve that for the other day. I'm not in the mood." matamlay kong sinabi saka tinakpan ng dalawang palad ang aking mukha.


"Hindi naman kita pepestehin, Madame. Sasamahan lang kita kasi mag-isa ka. Hindi kaya masayang mag-isa." he reasoned out.


I silently dropped the book I'm holding and gave him my full attention. Since first day, medyo kumapal ang mukha niya para kausapin ako. I can say that he's some kind of 'FC' schoolmate.


"Mali ka sa part na 'yan, minsan mas masayang mag-isa. No explanation." nakalabi kong sagot.


Yazzer Lorenzo. The boy next door, as they say. Third year Bussiness Ad student, the one and only rival of the legendary Lavin Geoffrick Bautista.


Kaya rin siguro iwas ako sa kanya dahil magkatunggali sila ni Gio. Nasanay na ako sa ideaya na kapag kaaway ni Gio, kaaway ko na rin. Kasi ganoon siya sa akin, ganoon kami sa isa't isa. Alam ko namang hindi maganda ang kaugalian naming 'yon pero nakasanayan na namaing dalawa yun dahil kami lang palagi ang magkakampi.


"Where's your buddy? Bakit missing in action?" pag-uusisa niya na lumingon-lingon pa sa paligid na animo'y naghahanap.


"Anong kailangan mo?" I asked dismissing his question.


"Ang sungit." he whispered but enough for me to hear.


"Hulaan ko? LQ? Misunderstanding? Qua—"


"THERE YOU ARE!" malakas na sinabi ni Gio saka tumabi sa akin dahilan para matigil sa pagsasalita si Yazzer.


"Shush!" kaagad na pagpapatahimik sa amin ng masungit na librarian. Well, mayroon bang mabait na librarian? I guess none.


"Why aren't you answering my calls?" Gio asked but I kept my poker face. Wow ha, makaarte parang hindi nangulit ng sobra kanina. Nakakapikon.


"Uy, Yazzer bro, nandyan ka pala." biglang aniya saka tinapik si Yazzer sa balikat. Para namang ang liit ni Yazzer para hindi niya mapansin kanina. Halos isang kilometro lang yata ang layo niya sa akin. At hindi ko alam kung ako lang ba ang nakapansin 'non pero parang ang lakas naman yata ng pagkakatapik niya.


"Uh, yes. Resien and I are uhm... just discussing some things." he commented. I looked at him cluelessly but he just shrugged.


"Oh, nakakaistorbo ba ako?" mahinang tanong ni Gio, at bilang kababata niya, masasabi kong hindi iyon natural sa kan'ya.


"Actually yes!"
"No!" magkasabay naming sagot ni Yazzer. Kunot-noo ko siyang binalingan. Ano bang problema ng lalaking 'to? May palabas ba?


"I see, sige Resien. See you na lang mamaya. Bye!" sabi ni Gio na biglang nagbago ang mood at walang anu-ano'y nawala na lamang sa aking paningin.


"What are you up to?" nagpipigil kong bulong kay Yazzer. Nakapagtataka naman kasi ang ikinikilos niya, hindi ko mahulaan kung may palabas ba siya o ano. Nag-iimbento ng kung anu-ano.


"I'm just trying to challenge the guy." pigil tawa niyang bulong pabalik.


"Ewan ko sa'yo," I commented and lost in his sight. Whatever he's up to, the hell I care. I'm getting a life and he should too. Itong mga lalaki na 'to, parang hindi mga college. Pang-highschool ang mga trip nila sa buhay.


"Tapos na kayo mag-usap? Agad-agad?" napaatras ako pabalik nang marinig ko ang masungit na boses ni Gio. Nilingon ko siya at nakita kong prente lamang itong nakasandal sa pader sa gilid ng pinto ng library.


He's even crossing his arms across his chest. He looks cool in that position hehe.


"Obviously," walang gana ko namang sagot. I don't know what's with the mood shifting, ang gulo lang rin kasi ng mga tao sa paligid ko so pati sistema ko magulo. Nakakabwisit kasi para silang mga isip bata.


"May dalaw ka ba ngayon?" tanong niya habang nakasunod sa akin saka nag-abot ng sneakers. Kunot-noo ko lang itong tinignan. Ano namang gagawin ko 'ron?


"Nangangalay na ako," reklamo niya.


"Ayoko niyan," pagsusungit ko saka mas binilisan ang paglalakad. This time, I'm not really irritated. I just want to piss him off, like what he did to me earlier. Bawi-bawi lang.


Siguro nga kaya nag-iiba-iba ang mood ko dahil sa period ko. First day pa naman at hindi talaga maganda ang timpla ko.


Paglingon ko ay halos masubsob ako namg maramdaman ang bigla niyang pagyakap sa akin mula sa likod. I felt my heart stopped beating... for a while.


Oh my gosh, ano ba 'tong nangyayari sa dibdib ko? Ano ba kasing ginagawa niya? Parang tanga naman 'tong si Gio, bakit bigla biglang nangyayakap?


"AYIEEEEEE!" rinig kong impit na sigaw at pang-aasar ng mga iilang kapwa estudyante namin sa hallway.


"Hoy, PDA kayo! Bawal 'yan!" sigaw pa nung isa na akala mo'y walang barber shop sa buong mundo. Emo style pa ang buhok at may nakasukbit na headphones sa leeg. Hindi ko na lang ito pinansin at tinignan na lamang ng masama.


"Gio! Ano ba 'yang ginagawa mo!?" bwisit kong tanong sa kanya. Pinipigilan ko ang sarili kong huwag ng sumigaw dahil sobra-sobrang atensyon na ang nakukuha namin.


Hindi pa rin siya sumasagot kaya kahit nananakit ang leeg ko ay pilit ko siyang nililingon. "Gio, ano ba? Nakakahiya!" inis kong bulong sa kanya.


Sa halip na sagutin ako ay mabilis niyang itinali ang jacket na nakasabit pala sa gilid ng kanyang bag sa aking baywang.


Malakas talaga ang kabog ng dibdib ko sa hindi ko malamang kadahilanan. Siguro ay dahil ito sa kahihiyan pagka't hindi ako sanay sa atensyon ng marami.


Nang tingalain ko siya ay matamis lang itong nakangiti sa akin na may bakas ng pag-aalala sa mga mata.


I have no idea about what he's doing. Sa inis ay hinampas ko ang dibdib niya at saka siya inirapan na naman. Bakit ba ang thoughtful niya?


"ARAY KO HA! Nakakailan ka na!" he remarked.


"Ano ba 'to? May payakap-yakap ka pang nalalaman." pilit kong tinatago ang tuwa sa aking boses.


"You've got leak from behind. I had to put my jacket so that no one will see it. Hindi na lang magpasalamat, tss." bigla ay masungit niyang sinabi saka ako naman ang nilagpasan niya.


I felt my cheeks heated for a sudden. Nakakahiya! Nakita niya 'yon? Jusko! Tapos nagagalit pa ako sa kanya. Nakakakonsensiya naman.


Nagpatuloy siya sa paglakad nang hindi manlang ako nilingon. Pero wala pang ilang segundo ang lumilipas ay parang bata itong umatras pabalik.


"Tara na, bibili tayo sanitary pad. Magpalit ka. Ihahatid na rin kita, may gusto ka bang kainin?" malambing niyang sinabi saka marahan akong inalalayan sa paglalakad. See? Sino ba ang may period sa amin? Sino ang mas moody?


At teka lang, ano na namang malambing? Why am I describing him in that way? Bakit hindi na lang siya mang-asar ulit? I took a deep, deep sighed. Pakibalik 'yung Gio na makulit... please.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top