Kabanata 8 - A Pest

Kabanata 8

A Pest


"YOU DON'T NEED to accompany me. I'm very familiar to this place so stop following me." iritado kong sabi.


He keeps on following me mula ng sumakay ako ng elevator hanggang naglalakad ako patungong office.


"Break time ngayon diba? Let's have some coffee." magiliw nitong pag aya.


What a pester. Wala ba siyang isang salita? Akala ko ba nakikipag interact siya kasi para sa trabaho? Then bakit niya ba 'to ginagawa, peste naman.



Tumigil ako sa paglalakad at humarap sa kanya.


"Ethan please? Don't make me regret chasing you for this project. Kung talaga bang hinabol kita. I want peace." mariin kong pakiusap.


I'm unpredictable when he's around. Parang palagi akong wala sa wisyo. Para siyang pesteng kailangan ma-detox.


"Okay fine, just let me send you to your office."


"I can manage." kaagad kong sagot. What does he think of me? A damsel in distress? Mukha ba akong baldado para ihatid pa.


"Kahit yun lang, Gia." he pleaded.


I just took a sigh and nooded. Napakakulit.


Para akong nahahapo, Monday's are indeed stressful. Idagdag mo pang may investor kang peste, kumag, at kung ano pang bagay na itawag sa makulit at bwisit na lalaking ito.


Sabi ay hatid lang sa office. Ang kapal ng mukhang umupo pa sofa. Seriously, ano bang trip nito?


Hindi ako makapagsimula ng trabaho, hindi ako makapag encode. He's that distracting.


Muli lamang akong nabuhayan ng may biglang pumasok sa pinto. It's Sir Vince. May nagawa ka ding maganda finally.


Kung hindi rin naman dahil sayo ay hindi ito mangyayari. Sino bang tanga ang mag aasign sa head marketing na magpresent ng deal sa isang malaking investor? Siya lang naman, such a weirdo.


Kaagad akong tumayo at hinarap niya. Nakapamulsa itong pumasok ng diretso ang tingin sa akin.


"I heard nagpatawag daw ng urgent meeting?" obvious nitong tanong.


"Kung anong narinig mo, iyon 'yon Sir." pilosopo kong sabi.


He just smirked. "How was it?" he curiously asked. Hindi parin inaalis ang tingin sa akin.


He's examining me from head to toe. It's making me uncomfortable.


I'm wearing my usual sleeveless top and an extra-short pencil skirt na hindi manlang lumagpas sa tuhod ko. My curves are highlighted.


He shifted his weight. Still looking at me. Waiting for a response.


"You're not that busy to come here, huh? Wag ka mag alala Sir, maayos na natapos ang meeting." I confidently said.


Tumango lamang ito at akmang lalapit ng biglang nagpakawala ng tikim si Ethan. Doon napatingin sa gawi ni si Sir Vince.


"Mr. Baustista? What are you doing here?" pormal nitong tanong kay Ethan.


Tumayo naman si Ethan at lumapit sa gawi namin. Tumingin muna siya sa akin bago kay Sir Vince.


"I'm just visiting, Gia." Sir Vince looked surprised.


"You're that close?" Sir Vince asked me.


This is what I didn't expect. Bwisit kasing Ethan 'to. Paano ko ba ieexplain kung bakit siya narito.


Parang mag bumbilyang umilaw sa taas ng ulo ko. An idea came in my mind.


"Actually, he's visiting me for the wine tasting Sir." marahan kong paliwanag.


Tumaas lamang ang kilay ni Sir Vince. Ethan just smirked.


"Is that so?" wika ni Sir Vince.


Pwede bang Vince nalang, ayoko talaga ng may tinatawag na Sir. Parang palaging alanganin ang dila ko sa pagbanggit nito, hindi nabubulol pero naninibago.


Muli ay tumango lang ako dito. Slightly biting my lower lip. Nang tignan ko si Vince ay nakatingin na ito sa mga labi ko ng may mapupungay na mata. My lips suddenly turn to grim line kaya umangat muli ang tingin nito.


At nang si Ethan naman ang nilingon ko, masama itong nagpalipat lipat ng tingin sa aming dalawa.


"I can join you." Vince offered. It is not a question, but statement.


Oh edi sana silang dalawa nalang ang nag uusap tungkol dito. Hindi yung may dalawang kumag na nandirito sa office ko.


When I took a glance on the glass window, may mga empleyadong nakikiusisa at nagbubulungan.


Bakit ba kasi nakataas  ang blinds nito, palagi itong nakababa. Bumuntong hininga na lamang ako at ibinalik ang tingin sa dalawa. Magkaharap na ito at nagngingitian sa isa't isa.


"Mabilis palang nakuha ni Miss Alves ang loob mo Mr. Baustista." paunang wika ni Vince. Ano ba namang klaseng komento 'yan.


"Ah, oo naman. Siya pa ba. I bet your company's extra proud for having an employee like her." kailan ba ako hindi iirap sa pamumuri nito.


Lord, why am I even stucked here with two idiots throwing me praises. I don't like it.


"Of course we are." masiglang sagot ni Vince. Sinungaling.


"Saan ba tayo magpapatikim ng mga alak Sir Vince? Doon nalang sa stock room o magpadala nalang dito?" pag iiba ko ng usapan.


Matamis itong nakangiti ng tumingin sa akin. Bakit ba ang bait mo? Dapat ba palaging kaharap natin si Ethan? Bwisit ka, actually kayong dalawa.


"Mas maganda siguro kung dito nalang." Ethan suggested.


"Okay, since wala si Mara ako nalang ang kukuha ng mga sample." I insisted. Para naman makahinga ako kahit papaano. Parang iba ang atmosphere dito.


"Samahan na kita."
"I'll join you."


Sabay na offer nilang dalawa.. Seriously? Hindi makapaniwalang tinapunan ko sila ng tingin. Boys and their egos, and competition. Tsk.


"No, thank you. I can manage." I smiled bitterly.


"No, I insist." Vince said at nauna ng maglakad palabas ng office.


"Let's go." pahabol pa nitong sabi bago sinara ang pinto.


Tumingin naman ako kay Ethan. Seryoso lamang itong nakatingin sa akin ngunit pansin ang nakaigting nitong panga.


Hindi ko na ito kinausap at sumunod na lamang ako sa bossy kong boss.


Naabutan kong nagbubukas ng mga box si Vince ng makarating ako sa stock room. Ang bilis maglakad, palibhasa'y matangkad kaya mahaba ang mga hita.


"Sir, hinayaan niyo nalang sana ak—"


"Gia, Vince nalang. It's tiring being superior everytime." he cutted me off. Marahan lamang akong umiling.


Bakit bigla ka yatang nagbago ng pakikitungo, Sir.

"Bakit naman Sir, diba it's a requirement to call your boss with respect." nagtataka kong sabi.


"You know I always wanted to be friendly to you, like how I approached you. Sa mall, you remember?"


Ang tagal tagal kong hinintay na i-offer niya sa aking wag siya tawaging Sir. Tapos ngayon, sa isang unexpected na pagkakataon? Wow, ano bang nakain nito?


"Pero nasa trabaho tayo, Sir." mapilit ko paring sabi. Don't get me wrong. Gustong gusto ko nga na wag na siya igalang, nagbabaka sakali lamang ako na tama ang hinuha ko sa mga kilos niya at biglang pagbabago.


"Okay, as your boss. I'm commanding you to just call me by my first name." sabi nito.


Ngumiti lamang ako saka pumunta sa hanay ng mga alak na hindi pa niya nakukuha. Nasa taas ang isa sa mga boxes nito at hindi ko maabot, kinailangan ko pang tumingkayad para maabot ito pero hindi parin sapat para makuha.


Nakailang tingkayad pa ako pero hindi ko talaga mahila. Kukuha na sana ako ng maliit na hagdanang bakal ng maramdaman ko sa aking likuran si Vince. I stiffened and I know he felt it.


Siya na ang kumuha ng box na inaabot ko. Dahan dahan niya itong hinihila palabas sa shelf ng nakatitig sa akin.


I became uncomfortable with his presence again. At nang ganito kalapit, I can almost feel him from behind. Dikit na dikit siya sa akin.


Magaan lamang ang mga box kaya inabot niya ito sa akin.


Nang tinanggap ko ito ay halos pati ang kamay ko ang hawakan niya. Sa sandaling 'yon ay kumunot na ang noo ko.


"Thank you Sir, but hindi naman kailangan." iritado kong sabi.


"You are so cold. So fierce when it comes to me. I wonder why." mahina lamang nitong sabi. Sa sobrang lapit niya sa akin ay halos pabulong lamang ito.


Wag kang assuming, ganyan ako sa lahat. Lalo na sa mga lalaki.


Matapang kong sinalubong ang mga mata nito. Ano bang nakain mong kumag ka? Nakakairita ka, tatadyakan na kita. Nasabi ko sa aking isip.


"Sayo lang ako masungit, Gia. Dahil sa lahat ng babaeng nakilala ko ay ikaw lang din ang binabalewala ako." namumungay ang mga mata nitong sabi habang pinagmamasdan ako.


Bigla ay hinawi nito ang buhok na humaharang sa aking mukha. At nakatitig na ito sa aking mga labi.


Pinagmasdan ko lang din itong nakatingin sa akin.


Sa sobrang lapit ng mukha nito sa akin ay ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon na titigan ag suriin ang buo niyang mukha. His hooded eyes are so expressive. Namamangha kong tinitigan ang mga mata nitong kulay abo.


Bagay naman talagang maging masungit ang isang tulad niya. Lalaking may kulay abong mga mata, matangos na ilong at makakapal na kilay. Nang dumapo ang aking paningin sa mga labi nito ay napansin kong unti unti itong lumalapit sa akin.


"Forgive me for this." mahina nitong bulong at saka itinuloy ang paglapit ng kanyang labi sa akin.


Napapikit ako ngunit agad ding napadilat ng biglang bumukas ng pagkalakas lakas ang spring door ng stock room. Sabay pa namin itong nilingon ni Vince.


There I saw Ethan with his angry eyes. Tila ba nagtitimpi itong nakatingin sa amin. His jaw moved.


"Let's go, Gia. We have to talk." para akong nataranta ng nagsalita ito. Ang baritono nitong boses sa nanuot sa aking mga tainga.


Galit ba siya?


Kaagad akong kumilos at ng malapit na ako kay Ethan ay muli akong lumingon kay Vince. Nakatingin lang ito sa amin.


Hindi ko na nagawa pang lingunin siyang muli ng mahigpit akong hinawakan ni Ethan sa kamay at hinila papalayo doon.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top