Kabanata 28 - Everything's Normal

Kabanata 28

Everything's Normal


"BAKIT SANAY NA sanay kang humalik ha?" nang aakusang tanong sa akin ni Ethan. I looked at him with disbelief and then laughed at his weird question.


"Seriously? You're asking me that?" bumangon ako mula sa pagkakahiga sa kanyang dibdib.


"Marami sigurong nanligaw sayo at mga naging nobyo mo habang wala ako." mahinang bulong nito.


Tinawanan ko lang siya at tinignan.


"Does it matter now?" marahan kong tanong habang pinapatakan ng maliliit na halik ang kanyang mukha.


"How can I stay angry and devastated if you keep on giving me your sweet kisses, huh?" pag usisa nito saka hinuli ang aking labi at binigyan ako ng isa ngunit malalim na halik.


Mabuti na lamang ay kami lang ang nandito sa kanyang kwarto, maya maya ay makakauwi na siya.


I let out a deep long breathe when he stopped kissing me. When I look at him, he is handsomely grinning at me.


"Sarap." he remarked.


Napayuko naman ako sa kahihiyan. Siraulo talaga.


"Gia, if I ask you out to go with me for an outing in Batangas, sama ka?" tanong nito na nakapukaw sa aking atensyon.


Nanlalaking mata ko itong tinignan?


"Outing? Oh my gosh, of course!" nae-excite kong sabi. Ang tagal ko ng hindi nakakapag outing, at kapana-panabik ito ngayon lalo na at siya ang makakasama ko.


Tumango ito sa akin at saka ngumiti. "Paalam muna tayo kay Mama." wika pa niya.


•••


"Nak, kauuwi mo lang aalis ka na agad?" malungkot na sabi ni Tita.


"Ma, napag-usapan na natin ito diba?" I can feel his chest vibrating dahil nagsasalita siya. Nakayakap lang ako dito habang siya ay nakaharap at nakikipag usap kay Tita dito sa living room.


I looked at Tita Marjorie with puppy eyes. "Payag ka na Tita, dalawang araw lang naman 'yon." I pleaded.


"Mag-uusap muna kami ni Ethan, nak." she replied. I stood straight to face them.


"Sige po, I'll just prepare the food." wika ko saka pumunta sa kusina. Naiwan silang dalawa doon na seryosong nag uusap.


Sana naman ay payagan ni Tita si Ethan, mabilis lang naman 'yon at saka gustong gusto ko talagang magbakasyon kahit na dalawang araw lang, na si Ethan ang kasama.


Pinagmamasdan ko silang mag usap sa malayo, tila seyosong seryoso ang kanilang pinag uusapan. Hindi ko naman ito naririnig dahil may kalayuan ang aking banda, bukod pa doon, of course I want to give them privacy. Hindi ako mahilig mag-eavesdrop.


Inayos ko na lamang ang mga pagkain sa lamesa at hinintay na matapos sila.


I heard my phone rang in the living room. Kaagad ko itong pinuntahan.


"You know your condit—" Tita Marjorie stopped talking when she saw me. Kunot noo ko silang tinignan.


Ethan stiffened when I took a glance on him. Tinaasan ko lamang ito ng kilay na nakapagpabago sa kanyang ekspresyon. Para naman silang nakakita ng multo.


"Uh... kunin ko lang po phone ko. Someone's calling." mahina kong sabi at saka agad na kinuha ang aking cellphone na nasa center table.


Lakad takbo akong bumalik sa kusina, baka isipin ni Tita ang bastos ko. It was Mom calling me.


I sat on the sink and then answered the call.


"Hi, Mom!" bungad ko dito.


"Nak, kamusta ka? Are you going home for lunch? Maghahanda ako." she said on the other line.


Umiling ako na para bang makikita niya ito. "Uhm, Mommy si Ethan kasi nakalabas na ng hospital. Would you mind if I'll just eat my lunch here. And nga pala, papaalam ko po sana na if ever payagan ni Tita Marjorie si Ethan, we'll go for a 2-day outing in Batangas, sa resthouse nila." tuloy tuloy kong sabi. I can feel my heartbeat running so fast, I am holding my breathe also.


"Oh, he is? Mabuti naman kung ganoon anak. Dumalaw ka ulit dito at isama siya, namimiss ka na ng Dad mo. Hindi mo na naman kami naaalala." nagtatampo kunwari nitong sabi. Hindi naman siya sinagot ang paalam ko.


"Mom, what about the outing?" umaasa kong tanong. Sana ay hindi niya lang ito binalewala.


Please, Mom. Pumayag ka please. Mariin kong ipinikit ang aking mata habang iniisip ito.


"Malaki ka na, anak. You can do whatever you want as long it's not harming you." my heart jumped to what she have said. Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko.


Nang tanghaling iyon ay kumain kami ng maayos at masaya. Si Ezekiel ganoon parin, tahimik pero kita mo ang saya sa mga mata niya na makitang maayos na ang kalagayan ng kanyang kapatid.


Si Tita naman ay hindi ko maipaliwanag ang mga ikinikilos, para bang may mali pero isinantabi ko na lamang ang bagay na 'yon. Panigurado naman na kung may problema ay sasabihin niya agad agad.


"Kailan mo ba balak na umalis tayo?" I curiously asked. We are lying in his bed, talking things and such.


"Hmm, hindi ko pa naisip kung kailan. Kung pumayag lang sana si Mama, baka ngayon mismo ay nasa byahe na tayo." he shrugged.


"I badly wanted to relax and get there with you, love." dugtong pa niya. Parang kinikiliti ang puso ko sa mga endearment na tinatawag niya sa akin. Para itong musika sa aking pandinig.


I sighed and turned my head to look at him. "Bakit ba ayaw kang payagan?" nagtataka kong tanong. Akala ko pa naman ay ayos lang kay Tita kung anong gusto namin gawin paglabas niya sa ospital.


"Basta, kapag pumayag na si Mama, ako na bahala sa lahat. I'm sure mapapapayag ko din 'yon." wika niya ng hindi sinasagot ang tanong ko.


Ang mga kakaiba nilang kilos at sinasabi ay dala dala ko hanggang sa makauwi ako. Para talagang may mali pero ayokong isipin ito ng isipin dahil baka magkatotoo lang.


Everything is going back to its normal state so I shouldn't be worrying.


Ayos naman na ang lahat, hindi ba? Masasabi ko namang masaya ako, pero tila ba may mabigat na pakiramdam sa aking dibdib. Hindi ko maipaliwanag.


Now I'm here again, in my unit's balcony. This time, it's different. Mag isa nalang ako, walang kaibigan na tungga ng tungga ng kanyang bote. Walang maingay at malakas na tumatawa habang umiiyak ako.


Kailan ko rin kaya matatanggap ang pagkawala mo, Adi? Tanggap ko naman na, yata. Pero masakit padin, palagi padin kitang naiisip. Palagi ko paring naaalala ang mga oras na magkasama tayo.


Malungkot kong naisip. Pinagmamasdan ko lang ang city lights na natatanaw ko sa aking terasa.


Hindi na yata natin matatakasan ang mga problema, ang lungkot. Maya't maya ka nitong hahabulin hanggang sa mapagod at sumuko ka. Kaya wala kang ibang dapat gawin kung hindi ang magpatuloy... at lumaban.


Alam kong hindi naman niya magugustuhang malaman na lagi akong nalulungkot tuwing siya ang pumapasok sa aking isip. Sa halip na malungkot ay pinili kong punuin ng masasayang ala-ala ang aking isip.


I searched for my phone and called Vince. "Hello." his husky voice greeted. Pakiramdam ko tuloy ay naistorbo ko siya sa pagtulog.


"Uh... I'm sorry did I wake you up?" I apologized. Narinig ko ang matunog niyang pagngiti sa kabilang linya.


"No, you don't have to apologize. Ikaw pa baa, why did you call?" he softly asked. Bigla ay hindi ko maalala ang sasabihin.


"Hey, nag-ooverthink na ako. Have you already realized na ako ang gusto mo?" nakakagulat nitong tanong na nakapagpalaki ng mata ko.


"Ang kapal mo!" sigaw ko dito. My senses woke up.


"Just kidding. Asa naman ako." narinig ko ang tawa niya sa telepono. Umirap ako kahit hindi niya nakikita.


"Ikaw na muna ang bahala sa kompanya, pagbalik ko ay babawi ako. I will be gone for a two-day outing so, take charge." seryoso kong sabi. Narinig ko naman ang pagtikhim niya.



"Alright, no problem. What the CEO wants, the CEO gets." pilyo nitong sabi. Ang nakakaloko niyang tawa ang huli kong narinig bago ko ibinaba ang tawag.


Magtetext 'to panigurado. Wala pa mang isang minuto, nagtext na ito.


From: Vince Epal
I can imagine you rolling your eyes. Ipagkalat ko kaya kung gaano kabastos ang CEO para babaan ang manager niya? Tsk!



Natawa na lamang ako sa ka-isip-bataan nito. Muli akong napairap at hindi na siya nireplyan pa.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top