Kabanata 15 - Worries

Kabanata 15

Worries


"GIA, ARE YOU okay?" maingat na tanong sa akin ni Vince.


Malungkot ko itong tinignan at nginitian.


"Oo naman, bakit naman magiging hindi?"


"Wala, ang tahimik mo kasi. Anong gusto mo?" wika lang nito saka tinuloy ang pagbubuklat sa hawak na menu book.


"Yung kagaya nalang ng sayo." sabi ko dito.


"You don't look okay? May masakit ba sayo?" nag aalala nitong tanong. I stiffened when I felt the back of his hand in my neck. Checking if I have a fever or something.


Tinawanan ko nalang ito.


"Ano ka ba? Ayos lang ako. Gutom lang 'to." I smiled assuring him.


Tinaas nito ang kamay para magtawag ng waiter.


"Two orders of Spanish Steak and Chamomile Tea." pagsambit nito sa order.


"Two orders of Spanish Steak and Chamomile Tea. A minute or two, Sir." pormal na pagkukumpirma ng waiter.


"Okay. Uh... pwede pakibilisan ng konti? Gutom na kasi itong kasama ko." natatawa nitong request sa waiter.


Napalingon ako dito at nakitawa nalang din. May ganito pala siyang personality, I wonder ganto kaya siya sa lahat ng kaclose niya.


"Kaya ko namang maghintay, Vince. Hindi mo na sana pinagmadali pa 'yon."


"Kaya ko rin maghintay sayo." walang connect nitong banat.


Tinawanan ko na lamang ito.


Nang dumating ang aming pagkain ay nagsimula kaming kumain ng tahimik.


Hindi padin mawala sa isipan ko ang konprontasyon namin ni Yvette. Bakit kaya parang galit na galit ito sa akin?


Siguro dahil akala niya ay ginugulo ko sila ng boyfriend niya, without her knowing na ang boyfriend niya ang gumugulo sa akin.


Naisip ko si Ethan, napaka duwag mong peste ka! Kung kailan muntikan na naman akong mahulog sa bitag mo ay saka na nawawala. Hindi ka na talaga nagbago.


Naiiling kong naisip.


Vince snapped his finger on me.


"Okay ka lang ba talaga?" naniniguro nitong tanong.


"You're spacing out. At matamlay ka."


"Sorry, just don't mind me." sabi ko dito.


"I'm worried." he whispered.


"You don't have to. Promise, I'm okay." I said assuringly.


"Hindi mo naman ginagalaw ang pagkain mo. May iba ka bang gusto?" wika niya matapos tignan ang plato kong hindi manlang nagalaw. Pinaglalaruan ko lang pala ang kutsara nito.


"Can I ask a question?" tanong ko.


"Oo naman, ano ba iyon?"


"Nag alala ka na ba sa isang tao kahit hindi mo alam kung bakit?" kumunot ang noo nito sa tanong ko.


"Bakit ka naman mag aalala ng walang dahilan? Kapag nag aalala ako ay laging may dahilan. Bakit nag aalala ka ba? To whom?" sunod sunod nitong sagot.


I smiled weakly. Hindi ko naman nakuha ang gusto kong sagot. Marahan akong umiling.


"Nothing." sagot ko.


Ngumiti lang ito at ginulo ang buhok ko. He diverted the topic and this time I tried to be attentive. Unfair naman kasi kung siya ang kasama ko tapos ay iba ang iniisip ko.


In the middle of our conversation, my phone suddenly rang.


I immediately searched it in my bag. Adela's calling, I don't know why.


Hindi ko rin alam kung bakit mas lalong lumala ang kabang nararamdaman ko sa aking dibdib.


"Ad—" I was cutted off. Rinig na rinig sa kabilang linya ang hagulgol niya.


"Gia! Gia si Mommy!" iyak nito. My heart broke hearing her cries.


"What happened Adi? Where are you?" nagpapanic na ang boses ko.


Vince looked at me also worried.


"I'm here at St. Luke's, si Mommy kasi—" hindi niya na natuloy ang sinasabi niya dahil natabunan na lamang ito ng malakas niyang iyak.

"Okay okay, you need to calm down. Pupunta ako dyan, pupuntahan kita okay? Hintayin mo ako." pang aalo ko dito.


Nilingon ko si Vince.


"Vince. I have to go now. I'm sorry, emergency." natataranta kong sabi.


"Okay lang sige, gusto mo ba ihatid kita?" tumayo ito at inalalayan ako.


"Hindi na, nakakahiya na rin. Magkocommute ako! Kaya ko, kailangan ko lang talaga puntahan si Adela." sabi ko.


"You sure?"


"Oo, sige mauna na ako ha! Babawi ako! I'm sorry." I kissed his cheeks and headed out of his way.


Lakad takbo ang ginawa ko makalabas lamang ng restaurant. Good thing na nasa tabi lamang ito ng highway.


Kaagad akong pumara ng taxi. Hindi ko na hinihintay pa na buksan ng driver ang bintana nito, kaagad na akong pumasok.


"Kuya, sa St. Lukes lang pakibilisan." natataranta kong sabi.


Iniisip ko si Adela, hindi ito umiiyak. Minsan lang, sa mga ganitong pagkakataon. I'm sure she needed someone there! At ako yon! Kailangan niya ako.


Malakas ang kabog ng dibdib ko pagkababa ko sa harap ng ospital. Hindi ko na kinuha pa ang sukli sa driver.


"Miss yung sukli mo!" narinig kong sigaw pa nito.


Lakad takbo kong tinungo ang isa sa mga nurse na maaaring pagtanungan.


"Uh... Miss, anong room number ni Mrs. Rosario Suarez?" agad kong tanong dito.


"Ano po kayo ng pasyente?" tanong nito. Hindi kaagad nagpafunction ang utak ko, pero pag sinabi kong kaibigan lamang ako nito ay hindi ako nito papapasukin. I must be a relative.


"Anak. Oo miss anak niya ko." natataranta kong sabi.


"Ma'am hindi pa po siya naka-admit. Nasa ER palang po." hindi ko na pinatapos ito at agad na tinakbo ang ER ng ospital.


Pagliko ko sa isa sa mga hallway, agad kong nakita si Adi na inaalalayan ng kanyang ama na si Tito Adrian habang may kausap na doktor.


Paglapit ko dito ay siya namang pag alis ng doktor. Adela looked miserable, walang tigil itong umiiyak sa bisig ng ama.


"Tito! Adela w-what happened?" nag aalala kong tanong.


Hinarap naman ako ni Adela at mahigpit na niyakap. Ramdam ko kaagad ang pagkabasa ng suot kong blouse dahil sa kanyang mga luha.


Nang tignan ko si Tito Adrian ay tila tinakasan ng dugo ang buo nitong mukha.



"Gia, wala na si Mommy. Dead on Arrival. Gia, If I'm dreaming please wake me up! Si Mommy, Gia! She's gone!" pag iyak nito sa aking balikat.


Hinagod ko lamang ang likod nito at hinayaang umiyak ng umiyak.



Kahit kailan, sa tagal naming magkaibigan. Hindi ko pa siya nakitang ganito. She's at her weakest point, at alam kong ang magagawa ko sa mga oras na ito ay samahan siya at iparamdam na hindi siya nag iisa.



Maski ako ay nanghina sa nalaman, Tita Rosario.


Sa sobrang close namin ni Adi ay halos anak na rin ang turing sa akin ni Tita. Ngayon ay hindi ko maipaliwanag ang lungkot na nararamdaman ko.


Basta isang bagay lang ang sigurado ako, isa ito sa mga lungkot na ayaw ko ng maramdaman muli.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top