Chapter 60
#ABNQ60 Chapter 60
Nasa kalagitnaan ako ng pag-aayos ng mga damit ko nang bigla na lang bumukas iyong pinto. Agad na kumunot ang noo ko nang makita ko si Papa na naka-tingin sa akin. His expression was unreadable, yet somehow, I knew I was in trouble. Bihira lang iyong ganitong mukha ni Papa kaya naman kinabahan na talaga ako.
Ano na naman ang ginawa ko? Literal na kwarto-ospital na lang ang pinupuntahan ko ng ilang linggo na! Surely, I couldn't have messed things up again!
"Pa?" tanong ko dahil ilang segundo siyang naka-tayo lang doon at hindi nagsasalita.
"Nagvolunteer ka?" tanong niya.
Umawang ang labi ko. Oh, that. Paano naka-rating sa kanya 'yun e sa ibang ospital naka-base si Papa? Pinili ko talaga na doon pumunta sa malayo sa kanya kasi pagod na pagod na ako na kinukumpara sa kanya. I mean, I get it, my dad's brilliant, but stop comparing me. Iba ako sa kanya.
"Paano mo nalaman, Pa?" tanong ko na lang, at saka nagpatulog sa pagtitiklop ng mga damit. Sa isang araw pa naman iyong alis namin, pero gusto ko ng mag-ayos. I needed something to look forward to. I didn't like being sad everyday. It's already taking toll on my health. Malapit na raw akong mag-underweight based sa latest na check-up ko.
"Alam ba 'to ng Mama mo?"
Hindi ako naka-sagot. Hindi rin nagsalita si Papa. Basta ilang segundo ang lumipas, nagulat ako dahil nandoon na rin si Mama sa may pintuan ko.
"Kailan ang alis mo?" tanong ni Mama.
"Sa Friday po," sagot ko.
"Di mo pipigilan?!" gulat na sabi ni Papa.
Instead, lumapit si Mama sa akin at tinulungan ako na mag-ayos ng mga damit ko. Papa looked bewildered... and so was I. I really thought that it was Papa who would be supportive and that I'd have to work on convincing my mom...
Really, life's full of surprises.
"Mas mabuti na 'to," sabi ni Mama. Mas lalong kumunot ang noo ni Papa. "Delikado ang sitwasyon ngayon dahil sa kaso na hinahawakan ni Jax. Mas mabuti na siguro na lumayo muna si Joey."
Pagkatapos nun, nagtalo silang dalawa. Kinuha ko iyong earphones ko para hindi ko na sila marinig. Nagpatuloy lang ako sa pag-aayos hanggang sa finally ay magwalkout na si Papa. 'Di ko nga rin alam bakit pa siya nag-effort na makipagtalo kay Mama e lawyer 'yun. She makes a living by arguing with people.
The next morning, I went by my usual routine. Pumunta muna ako sa coffee shop para bumili ng kape. I limit myself to only one cup a day o baka tuluyan na akong mamatay talaga. Pagkatapos noon ay dumiretso na ako sa ospital.
"Dito daw magreresidency si Dr. Nicolas!" kinikilig na sabi nung isang nurse sa akin. Alam niya kasi na sa iisang school kami galing ni Marcus pati nasa iisang batch lang kami. Malabo na hindi kami magkakilala.
"Ah..." sabi ko. Mabuti na lang at hanggang Friday na lang ako dito. I really needed to get away from everything else. I couldn't continue living like this because I felt like I'd just die one day from all the sadness I was carrying.
I quietly exited myself right after the conversation. Hindi ko alam kung ano ang balak ni Marcus sa residency niya. The last time we talked meaningfully was before the whole mistake. Pagkatapos nun... hindi na kami nag-usap.
I shadowed Dr. Cuesta sa pagra-rounds niya nang magulat ako na kasalubong ko si Marcus sa hallway. All the nurses' eyes were on him. Ako, hindi ko malaman kung ano'ng pag-iwas ang gagawin ko.
"Dr. Yuchengco," he said.
"Yes, Dr. Nicolas?" I asked formally. I didn't want to talk to him, but I still respected him. Mas mataas ang posisyon niya sa akin dahil resident na siya habang nagmu-moonlighting lang ako dito. Ako na walang plano sa buhay. Ang gusto ko lang talaga ay gumaan ang pakiramdam ko.
"Do you have time? I'd like to discuss something," sabi niya.
Tumingin ako kay Dr. Cuesta dahil gusto ko na sabihin niya na busy kami, pero pinayagan niya ako. Wala akong magawa kung hindi ang sumunod kay Marcus hanggang sa makarating kami sa dulo ng hall.
"Ano'ng sasabihin mo?" tanong ko sa kanya. Wala na akong lakas magalit. Pagod na pagod na lang ako sa lahat ng nangyayari sa buhay ko.
Ilang segundo siyang naka-tingin lang sa akin. Ilang segundo din akong naghihintay lang sa sasabihin niya. Naghintay ako dahil alam ko na pagkatapos nito, hindi ko na ulit siya makakausap... At least for a while. I didn't plan on contacting anyone else other than my family and my closest friends habang nasa mission ako.
"May sasabihin ka ba talaga?" kalmado kong tanong nang hindi pa rin siya magsalita pagka-lipas ng ilang minuto.
Naka-tingin siya sa akin. Parang bigla niya na lang akong gustong hawakan, pero hindi niya ginawa dahil alam niyang hindi ako papayag.
"Hindi na kita kakausapin, hindi kita guguluhin, iiwas ako sa lalakaran mo... Hindi mo naman kailangang umalis, Joey," puno ng pakiusap niyang sabi.
Napa-pikit ako. Why did everyone think that I was leaving for reasons other than my own? Hindi ako aalis dahil gusto kong umiwas. Aalis ako dahil kailangan ko. Dahil kailangan ko 'tong gawin. Dahil kailangan kong maniwala sa sarili ko ulit. I wasn't going just to please somebody other than my self. Bakit ba ang hirap paniwalaan nun para sa ibang tao?
"Buo na 'yung desisyon ko," sabi ko sa kanya. "Congratulations sa board exam. Congrats sa lahat ng mararating mo sa buhay. Masaya ako para sa 'yo, pero hanggang doon na lang 'yun."
Mabilis ko siyang tinalikuran. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin siya kayang makita. Parang sinasakal ako tuwing nakikita ko si Marcus. Paulit-ulit na bumabalik sa akin iyong pangyayari nang makita kami ni Psalm.
And I hated that.
I hated that so much that I couldn't bear being around Marcus. It was all too much. It was more than what I could handle.
"Joey naman—" sabi niya habang sinusundan ako.
"I'm not doing this for you or for anyone. I'm doing this for myself," I told him.
"I'm sorry."
Napa-hinto ako.
"I'm sorry kung sa tingin mo bigla kitang binitawan dati," sabi niya. Pumikit ako, at huminga nang malalim. I didn't want to hear this, but I knew that I needed to hear this. Ilang beses akong nagalit kay Psalm dahil ayaw niya akong bigyan ng pagkakataon na magpaliwanag, kaya bakit ko ipagkakait ang pagkakataon kay Marcus?
Why would I deprive him of something I badly wanted for myself?
"Para kasing hindi tama. Hindi tama na habulin kita dahil alam ko na nasasaktan ka dahil sa nangyari kay Psalm. Kapag ganon, ang pangit lang ng simula natin. Ayoko ng ganon. Hindi ganon iyong gusto ko para sa 'tin, Joey."
I pressed my lips, and looked at him with my tired eyes. "Wala namang sa 'tin, Marcus. Wala noon, wala ngayon. Tanggapin na lang natin na wala talaga kahit kailan."
Umiling siya. "Hindi. Ilang taon akong naghintay, Joey. Dahil gusto kong bigyan ka ng panahon, gusto ko na kapag humarap ulit ako sa 'yo, may ipagmamalaki na ako. Alam mo ba kung gaano kahirap sa akin na hindi ko kayang ipaglaban ka kasi alam ko na walang-wala ako? Na umaasa ako sa tatay mo? Ang liit-liit ng tingin ko sa sarili ko. Pakiramdam ko wala pa rin akong karapatan sa 'yo."
Hindi ko alam kung ano ang gusto niyang gawin ko. Ilang taon na iyong lumipas; ang dami ng nangyari. Wala na akong magagawa pa sa mga paliwanag niya bukod sa pakinggan ito.
Iyon lang.
Hanggang doon na lang.
"I'm sorry... But maybe it's time for you to realize that maybe it's just not meant to happen."
* * *
Marcus didn't follow me. Hindi ko rin alam kung ano pa ang pwede kong sabihin sa kanya kung sinundan niya ako. Buong araw ay ginugol ko na lang sa pagta-trabaho. Kapag break ko ay doon ako tumatambay sa NICU dahil nakakalma ako kapag nakaka-kita ako ng babies.
The next few days rolled fast. I was so busy na hindi ko namalayan na aalis na ako mamaya. Nasabi ko na sa mga kaibigan ko na aalis ako. Ayoko rin naman kasi na isipin nila na bigla na lang akong mawawala.
"Nakausap mo na lahat?" tanong ni Anj. Pumunta siya dito para tulungan akong mag-ayos ng gamit kahit ayos naman na talaga iyong mga gamit ko. Konti lang naman iyong dadalhin ko dahil remote area iyong pupuntahan namin.
I nodded. "Yeah. I already said my goodbyes."
Anj glared at me. "Goodbye ka d'yan. Isang taon lang naman 'yan, 'di ba?" tanong niya. Umoo na lang ako. My plan was still indefinite. Basta babalik lang ako kapag maayos na iyong pakiramdam ko. I knew I just needed to get away from everything else and just be with myself.
Babalik ako kapag ayos na ako.
Kapag kaya ko na.
"Saan ka nga ulit?"
"Bukidnon."
"Talagang sa Mindanao, ha? Wala bang mga remote area dito sa Luzon? Talagang sa malayo pa iyong pinili mo," sabi niya pero ngumiti na lang ako. I really chose to go somewhere far. I think it would be a nice change of environment.
"Naka-usap mo na si Psalm?"
Hindi agad ako naka-sagot. Of course I wanted to talk to him. I wanted to explain myself hanggang sa maintindihan niya ako. But I couldn't force him to understand if he didn't want to listen. Ayokong pilitin siya dahil mas magagalit lang siya sa akin.
Umiling ako. "Di ko alam kung pano. And I doubt if he'd care."
"Of course he'd care. Hindi naman magagalit iyon nang ganon kalala kung walang pakielam sa 'yo 'yun."
Pero hindi pa rin ako sumagot. Hindi ko alam kung paano ang gagawin ko. Hindi na lang ako nagkumento sa sinabi ni Anj. Kinabukasan, naka-ready na lahat ng gamit ko. My parents wanted to drive me to the airport pero hindi ako pumayag. Baka umiyak lang si Papa tapos maiyak din ako. 'Wag na lang.
As I drove myself to the airport, hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko para makarating ako sa embassy. I parked outside for minutes, not knowing what to do. I berated myself because what was I even doing here? Ayaw niya akong makausap... but I was so persistent and desperate for his forgiveness that I knew I'd grovel if he asked me... basta mapatawad niya lang ako.
Ilang malalim na hininga ang hinugot ko bago ako nagkaroon ng lakas ng loob na pumasok. Itinuro nila ako sa opisina ni Psalm. Halos manginig ang kamay ko habang pinipilit ko ang sarili ko na kumatok.
"Yes?" tanong niya habang ang mga mata ay naka-tutok pa rin sa mga papel na binabasa niya. I must've been frozen there for seconds kaya napilitan siyang ibaling ang atensyon sa akin. Kitang-kita ko ang pag-iba ng guhit ng mukha niya nang makita niya ako.
"Do you have time? This will be quick," I said, holding my breath as I held onto his stares. My heart began to race inside my chest as I waited for him to talk. I would be gone for a year... Ayoko na pareho naming dalhin ito ng isa pang taon.
He nodded. Relief flooded through my system, but it was flashed as quickly. Mabilis iyong napalitan ng kaba. Akma kong isasara iyong pinto nang sabihin niya, "Leave it open."
Pinilit kong ngumiti kahit na masyado kong ramdam iyong disgusto niya sa akin. I kept on reminding myself that I dug this grave that I was lying in.
Bahagya akong nanginginig habang naka-upo ako. Naka-tingin siya sa akin. Biglang naramdaman ko iyong lamig ng kwarto dahil na rin sa lamig ng pagtingin niya sa akin.
"I'm leaving," I said. "For a year. I'm doing a medical mission."
Wala akong narinig na tugon mula sa kanya. Naka-tingin lang siya sa akin. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya. He was right in front of me, yet he still felt very far away.
"Gusto ko lang pumunta dito para humingi ng tawad. Walang excuse, walang rason, walang pagja-justify sa nangyari," I said as I held on to his stares. "I'm sorry."
Tahimik akong nagbibilang ng bawat segundong lumilipas habang binabalot kaming dalawa ng nakaka-binging katahimikan.
"Okay."
Isang salita.
Iyon lang ang narinig ko sa kanya.
Pilit kong kinalma ang tibok ng puso ko kahit na nasasaktan ako na ganito lang ang sagot niya kahit pa sinabi ko sa kanya na aalis ako... Kahit na humingi na ako ng tawad... Na siguro kahit lumuhod ako at magmakaawa, hanggang dito lang talaga ang kaya niyang ibigay na sagot sa akin.
Pigil akong tumango, at tinignan siya. "Hindi mo talaga ako mapapatawad."
"How can I? You made me believe that I was a paranoid piece of shit, but you just proved me right."
Tinikom ko ang labi ko. Kahit ilang beses kong sabihin na hindi ko sinasadya iyong mga nangyari, hinding-hindi siya maniniwala sa akin.
"Maybe that's the reason why you kept on asking me to just play basketball. Because you wanted me to stay where you left me... You wanted to find a reason to leave."
Nagsisimula nang sumikip ang dibdib ko kaya tumayo na ako. Ayokong umiyak sa harap niya. Ayokong makita niya kung gaano niya ako nasasaktan sa bawat salita niya... O baka naman dapat niyang makita? Para naman malaman niya na sa bawat sakit na dinulot ko sa kanya, mas doble iyong nararamdaman ko.
"You're here... Successful... Pero masaya ka ba?" I asked him before I closed the door behind me.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top