Chapter 59

#ABNQ59 Chapter 59

I couldn't live with myself. Psalm was right. I just wanted to explain because I wanted to be able to justify to myself that what I did wasn't completely wrong... That I wasn't pure evil for being able to cheat. That I wasn't a hypocrite for hating Steele when I thought he cheated on me... And that I did the same thing myself.

It was all for me.

It was all for self-preservation.

Halos hindi ako maka-labas sa kwarto ko pagkatapos ng mga nangyari. I just wanted to isolate myself and to wallow in my destructive thoughts. Natatakot din akong lumabas dahil alam ko na maraming naka-rinig sa sigawan namin ni Psalm...

I didn't want to be judged for my mistakes... but I still did it anyway. Kahit alam kong mali.

"Get up," sabi ni Mama. Hindi ako gumalaw. Kung pwede lang na dito na lang ako sa kama habang-buhay. "Jocelyn, bumangon ka na."

I groaned. "Gusto ko pang matulog, Ma..."

"Ilang araw ka ng nandito sa kwarto. Alam mo ba kung ano'ng araw na?" Umiling ako. I lost track of time. I didn't open my phone. I just... I just wanted to disappear for a while. To forget how horrible I was. "Makukuha mo na 'yung lisensya mo ngayon."

I automatically opened my eyes. God. Ilang araw na ba akong nandito sa kwarto?

Naligo na ako at nag-ayos. I knew that I should get my license because I almost killed myself by studying, so I deserved every inch of that card. And I didn't want to argue with my mother. She was already going through too much because of Jax. Ayoko na dumagdag pa ako sa sakit niya ng ulo.

Pagdating sa venue, maraming pamilyar na mukha... pero marami ding mga mata na nanghuhusga. Alam ko na alam na nila iyong nangyari... Of course, no secret can remain a secret forever... But I wished that maybe this could be the exception. Because I didn't want to drag Psalm in the mess that I made. He didn't do anything wrong—this was all my fault.

Tahimik lang ako buong ceremony. I just quietly wished that I could get my license and get this over with.

"Wala si Marcus?" tanong sa akin ni Mama.

"Ewan ko," tahimik na sagot ko. Hindi alam ng pamilya ko ang nangyari... Ayoko rin na idamay sila. Because as much as I hated Marcus for what he did to me, I didn't want to mess with his studies. Iba iyon sa problema naming dalawa.

My parents like him... I didn't want to be the reason why that would change.

Mama seemed to have noticed that I wasn't in the mood to talk kaya naman tahimik lang kaming dalawa hanggang sa matapos ang buong programa. Hindi ko na mabilang kung ilan ang nagtanong sa akin kung nasaan si Marcus. Hindi ko alam kung nananadya na lang ba sila dahil alam naman nila na 'di kami nag-uusap ni Marcus.

"Ma..." I groaned when I saw cars parked outside our house.

"What? We have to celebrate!"

"Nagcelebrate na tayo nung pumasa ako," sabi ko. "And it doesn't feel right to celebrate dahil sa sitwasyon ni Jax at Kitty."

My mother shook her head. "Wala ka pang lisensya nun. At isa pa, palaging may dadating na problema, but that doesn't mean that we can't celebrate the victories," sabi niya, at saka bumaba para pumasok sa bahay.

I stayed in the car for a few minutes. Nakita ko na iyong sasakyan ng mga kaibigan ko. I didn't know what to do or what to say in front of them... I was afraid that they caught whiff of what happened during the thanksgiving of my school...

It hurt when strangers judge me for my mistakes... but I didn't know what I'd feel if I see the disappointed looks in my friends' face... God, that would devastate me.

Nang sa wakas ay naka-labas na ako ng sasakyan, para bang napako ang mga paa ko sa semento. Hindi ko magawang humakbang—mas nananaig sa akin ang kagustuhang tumakbo, magtago. I stood there, praying that I'd know what to do.

"Joey?" Hindi ako naka-galaw nang marinig ko ang boses ni Steele. "Hey... Akala ko late na ako," sabi niya habang may dalang microwave. "Regalo ko sa 'yo," sabi niya na natatawa.

I would've laughed if the situation was any different... but it was not. And I didn't want to see Steele dahil alam ko na siya ang best friend ni Psalm. Alam ko na alam niya. Alam ko na galit din siya sa akin dahil sa mga ginawa ko.

"Okay ka lang?" tanong niya nang mapansin niya iyong ekspresyon sa mukha ko. He continued to stare at me, as if he was trying to know what was wrong with me... Pero ang daming mali sa akin. Ang dami kong mali.

Umiling ako. "No."

Kumunot ang noo niya. "Uhh... Do you wanna go inside?"

"Tell me... Galit ba sa akin si Psalm?"

Umawang ang labi ni Steele nang marinig niya ang tanong ko. By then, alam ko na na alam niya kung ano ang nangyari sa aming dalawa. And I suddenly wanted to disappear because I didn't have the pride to face him.

"Gusto mo ba 'yung totoong sagot?" tanong niya. "Of course he's mad at you. You cheated on him. Sino ba'ng matutuwa doon?"

Hindi agad ako naka-galaw. Pakiramdam ko ay biglang nanghina ang mga tuhod ko kahit na alam ko na naman ang sagot sa tanong ko... Pero iba pa rin kapag narinig ko. Kapag ako mismo ang naka-rinig na galit sa akin si Psalm.

"If you knew that he was mad at me, bakit mo pa ginawa iyong nung kasal mo? Just to mock me? Just to guilt me further?" tanong ko sa kanya habang nagsisimulang manginig ang buong pagkatao ko.

I was losing it already just by talking to Steele. Hindi ko alam kung ano pa ang mangyayari sa akin kapag kaharap ko na ang iba pa naming mga kaibigan. Hindi ko alam kung ano'ng mukha pa ang ihaharap ko sa kanila pagkatapos na malaman nila kung ano ang dahilan kung bakit bigla na lang akong umiwas at hindi nagparamdam.

"Gusto ko lang mag-usap kayo," sabi niya.

"Ayaw niya akong maka-usap."

"Kailangan ka niyang maka-usap kung gusto niya talagang magmove on," sabi niya na parang hindi ako nasasaktan sa bawat salitang lumalabas sa bibig niya. Kaswal na naka-tingin lang siya sa akin. "Bakit? Akala mo hindi magmu-move on si Psalm?"

Nagsimulang sumikip ang dibdib ko.

"Joey, Psalm may have loved you, pero may respeto sa sarili 'yung tao. Alam natin pareho iyong kwento ng magulang ni Psalm, so what made you even think na may chance pa na magbalikan kayo?" tanong niya habang diretsong naka-tingin sa mga mata ko. "Kaya ko ginawa iyon, kasi gusto ko lang na mag-usap kayo. Tanda na natin. 'Di pwede 'yung para kayong tangang dalawa na nagtataguan."

Mabilis kong pinunasan iyong luha na nagbabadya pa lamang na tumulo. Pinilit kong pantayin ang hininga ko dahil alam ko na tama siya. Alam ko na pagkatapos ng ginawa ko, kahit ano'ng paghingi ko ng tawad, kahit na magmakaawa ako sa kanya, hinding-hindi niya ako mapapa-tawad.

Psalm would've forgiven me for anything... but cheating was one thing he'd never forgive.

"Masaya ba siya? Kay Kia?" tanong ko habang mabilis na inaagapan iyong mga luhang kumakawala.

Steele shrugged. "I don't know... But one thing's for sure, Kia's loyal as hell," sabi niya bago ako tinapik sa balikat ko at nagsimulang pumasok papunta sa loob.

Ilang segundo pa akong nanatili sa labas, pilit na kinu-kolekta ang sarili ko pagkatapos ng pag-uusap sa pagitan namin ni Steele. Hindi ko alam kung gaano katagal akong naka-tayo sa labas bago ko nagawang pumasok sa loob.

"Congrats!" sigaw nila habang may mga pekeng ngiti na naka-dikit sa kanilang mga mukha. I knew they all knew about Psalm and me. I wanted to vomit because of the guilt that I was feeling...

Nakita ko sina Anj na nasa isang gilid. They were all smiling at me, but I could also see the disappointment in their face. Kaya naman mabilis akong pumunta sa bar para kumuha ng dalawang bote ng Jose Cuervo.

"Game?" tanong ko habang may pekeng ngiti. Hindi sila sumagot. "Please? I badly need a drink."

Kahit ayaw nila, napilitan silang sumunod sa akin sa garden. Doon ay naupo kami palibot sa isang bilog na lamesa. They were all looking at me like they wanted to ask me why... And I wanted to tell them why, but I couldn't even find a decent explanation to explain why I did what I did.

It just happened.

At that time, it felt right.

But it felt so wrong after that.

"Dahan-dahan naman," sabi ni Anj nang sunud-sunod akong uminom ng limang shot ng Cuervo.

Umiling ako habang uminom ng pang-anim. "No. I need this kung gusto niyong sagutin ko ang mga tanong niyo," sabi ko. I was already starting to feel dizzy, but even that wasn't enough to alleviate the guilt that was weighing me down.

"I cheated on Psalm."

The disappointed look on their faces was enough to make me want to cry and beg for them to stop. I could barely handle strangers judging me, but I was almost losing it by seeing how disappointed my friends were of my actions.

"I'm sorry. I'm sorry dahil hindi ako nagpakita sa inyo pagkatapos nun dahil... dahil wala akong mukhang ihaharap. Nahihiya ako sa inyo. Nahihiya ako sa sarili ko. Hindi ko alam kung paano ko pa kayo titignan sa mata pagkatapos ng lahat ng ginawa ko..." sabi ko habang mabilis na sumiskip iyong dibdib ko.

Mabilis na pinunasan ko iyong luhang tumutulo. Kailangan kong tapusin ito ngayon. Kailangan kong sabihin sa kanila. Kailangan ko na 'tong ilabas mula sa dibdib ko.

"Iyong kay Marcus... Hindi ko sinasadya 'yun... Ayokong gumawa ng excuse kung bakit ko nagawa pero nagawa ko na... Nasaktan ko na si Psalm... I'm sorry..." sabi ko.

Halos hindi na ako maka-hinga. Panay lang ang pag-iyak ko. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Gulung-gulo na ako. Nahihirapan na ako. Nasasaktan na ako. Hindi ko na alam iyong gagawin ko.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal na umiyak. Ang alam ko lang, niyakap ako ng mga kaibigan ko. They didn't say anything; they just told me that it was not their business, and that what happened was between me and Psalm...

But I still felt bad. I wanted them to take Psalm's side. I wanted them to be with him. Kaya hindi ako nagpakita. Dahil alam ko na hindi ko deserve iyong pagiging kaibigan nila. Dahil alam ko na mas kailangan sila ni Psalm.

"I'm sorry. Nakaka-hiya ako."

Anj wiped the tears off of my face. "Joey, I don't approve of what you did, pero sino ba ang hindi nagkakamali? Tapos na, nagawa mo na, but the least you can do is to make it up to Psalm."

Humihikbi pa rin ako. Hindi ako maka-hinga. "I already talked to him. Ayaw niya akong patawarin. Sabi niya, hinding-hindi niya ako mapapatawad."

"All the more reason that you should work harder for his forgiveness. You'll never be able to get over this hanggang hindi ka niya napapatawad," Anj said.

Maya-maya pa ay iniwan niya kami. Naiwan ako kasama sina Matt, Simon, at Steele.

"I'm sorry," sabi ko sa kanila. Pero hindi sila nagsalita... Instead, they just ruffled my hair.

* * *

Days passed and I still wasn't feeling better. Nagsimula akong magtrabaho sa isang ospital habang iniisip ko kung ano pa ang pwede kong gawin sa buhay ko. Bawat araw, parang gumigising lang ako para magtrabaho... I'd volunteer to do things na dapat ay intern ang gumagawa... Gusto ko lang mapagod. Gusto ko lang na pag-uwi ko ay diretso akong matutulog para wala na akong oras pa para mag-isip.

"Doktora," sabi sa akin nung isang nurse. "Pa-disemminate naman po nung listahan," sabi niya habang binabasa ko iyong binigay niya sa akin. "Babalikan ko po mamaya o bukas. Pa-sign up na lang po sa mga interesado."

My lips parted as I read the details of the volunteer program... 'Maybe this was one way to alleviate my guilt. Maybe I should just dedicate my life to volunteering,' I thought as I signed my name up. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top