Chapter 56
#ABNQ56 Chapter 56
I stared at him, unable to believe what he just said, but at the same time, I knew where he was coming from. Galit siya. Alam ko. May karapatan siyang sabihin sa akin iyon. Alam ko. Ako 'yung dahilan kung bakit siya ganito. Alam ko. But still, a little part inside me wanted him to just be mad at me... Hindi iyong ganito na halos hindi ko na siya makilala.
Pain changes people... I guess this one's true.
The sad part was, I changed him for the worse.
"Bagay din kayo ni Kia," sabi ko habang naka-tingin sa mga mata niya. "Gaano na kayo katagal?"
His jaw clenched. It made me want to take a step back, but I didn't. I stayed, and looked into his eyes as he stared at me with such hatred.
"Two years," he replied.
Sinubukan kong ngumiti. "That's... good to hear," sagot ko sa kanya. Ni wala pa sa chorus iyong kanta, pero pakiramdam ko ay masasakal na ako sa mga nangyayari.
"Really?" tanong niya na parang nang-aasar.
Tumango ako. "Yeah, of course. I'm happy that you're happy," sabi ko sa kanya. Bigla kong naramdaman ang paghigpit ng hawak niya sa akin. Bigla akong nakaramdam ng takot sa paraan ng pagtingin niya.
"I find it hard to believe that," he said. "After all the bullshit that you put me through, I find it hard to believe that you want me to be ever happy, Dra. Yuchengco," sabi niya nang may pang-uuyam. As if me being a doctor was the worst thing that could ever happen to him.
Gustuhin ko mang iiwas ang tingin ko ay hindi ko magawa. Nandito siya sa harapan ko. Ni hindi niya magawang ialis ang tingin sa akin.
"Psalm, please—"
"Please what?" he cut me off. "Please forgive you? Please forget what you did? Please—"
I couldn't listen to him say another word. Pakiramdam ko ay sumisikip ang dibdib ko sa bawat segundo na nakikinig ako sa mga sinasabi niya.
So, I took a step back. Wala akong pakielam kung ano ang sasabihin ng iba. Hindi nila alam iyong nararamdaman ko. Hindi nila alam kung gaano kahirap para sa akin na tumayo sa harap ni Psalm, at makipag-usap sa kanya habang isa-isang bumabalik sa alaala ko iyong mga bagay na pilit kong nililimot.
"I... I gotta go," I barely whispered as I exited the dance floor. Diretso akong bumalik sa lamesa. Naka-tingin sa akin lahat ng mga kaibigan ko—lahat ng mga mata nila ay nagtatanong sa kung ano ang nangyari. Pero kahit na gusto ko mang sagutin iyon, hindi ko magawa.
Kasi nakaka-hiya.
Kasi wala na akong mukhang ihaharap sa kanila kapag nalaman nila.
"San ka pupunta?" tanong ni Matt.
"Uuwi," simple kong sagot. Akmang magsasalita pa sana siya nang unahan ko siya. "Today's been a long day for me. Naka-attend na ako ng kasal, naka-punta na ako sa reception. Please... I want to go home."
Alam kong rinig nila iyong pagmamakaawa sa boses ko. Hindi ko na gusto na magtagal pa ng kahit isang segundo sa lugar na 'to. Gusto ko na lang umalis, magpakalayo. Ayokong makita si Psalm dahil siya iyong palatandaan ng lahat ng maling desisyon ko sa buhay.
I just... I just couldn't look at him without hurting.
Nang wala akong marinig na pagtutol sa kanila, mabilis akong lumabas. Halos manginig ang mga kamay ko sa sobrang pagmamadali na makaalis sa lugar na 'to. Why did I even think for a second that seeing Psalm would be okay? That he'd treat me the same after everything that I'd put him through?
Sobrang tanga ko lang.
* * *
The next few days were me just trying to keep altogether. I tried to keep myself busy by helping Jax out kahit na alam ko na wala naman talaga akong maitutulong sa kanya. Ayoko lang talaga na walang ginagawa dahil alam ko na babalik lang sa alaala ko iyong mga nangyari dati.
"Just go. You're not helping," Jax said, obvious annoyed.
Inirapan ko siya. "You're obviously in need of help. Bakit ayaw mong humingi ng tulong kay Mama? She can help," sagot ko sa kanya. It's just crazy what he got himself into. Naiintindihan ko naman iyong ginagawa niya... But he's my brother. Of course I worry about his safety.
"Ayoko kayong idamay. Kaya please, iwan mo muna ako. Stop trying to make this case your diversion. Ayusin mo 'yang problema mo," sabi niya bago tuluyang itulak ako palabas ng kwarto niya. Simula nang kuhanin niya iyong kaso, pinabalik siya ng mga magulang namin sa bahay. Kasi pakiramdam ko rin ay bigla na lang aatakihin sa puso sila Mama kapag nasa condo lang mag-isa si Jax. At least dito sa bahay, safe siya... kahit papaano.
Dahil wala na akong ibang magawa, I finally gave in and decided to open my phone. I turned it off for a few days... dahil ayokong may makausap na kahit sino. Sobrang duwag ko lang talaga. Mas gusto ko na magtago kaysa kumprontahin iyong mga problema ko.
Upon opening, my phone was bombarded with different texts. Mayroong mga text galing kina Matt pati na rin sa mga kaibigan ko galing med school. Hindi ko alam kung magrereply ba ako o kung ano.
Suddenly, I wished that I was still in medschool. Kasi kapag ganon, pwede kong gawing dahilan na marami akong binabasa... Pero ngayon, ano pa ba ang pwede kong gawin na dahilan? I had all the time in the world... yet still I wanted to run away.
Nikka: Stef's asking para ma-confirm attendance mo. Di ka pa raw nagrereply.
Me: Attendance for what?
Nikka: Thanksgiving ball ng school pati induction
Nikka: Ano? Di ka pupunta?
Me: Required ba attendance?
Nikka: Kahit sang parte ng Pilipinas ka magtago, magkikita kayo ni Marcus! Nasa iisang profession kayo!!!! Naiinis na ako ha. At kahit di ka pumunta sa thanksgiving ng school, pati ba sa induction sa med assoc di ka pupunta? Pinaghirapan mo rin tong medical degree. Dahil lang kay Marcus dedeprive mo sarili mo ng recognition na pinaghirapan mo naman? Umayos ka nga.
I leaned my head back against the wall as I closed my eyes. Tama naman siya. Kahit saan pa ako pumunta, sigurado ako na makikita ko si Marcus. Swerte lang ako na alam ko kung saan siya nag internship kaya nakapaghanap ako ng ibang hospital...
Pero palagi na lang ba akong iiwas? Kahit hindi lang naman ako iyong may kasalanan?
Me: Fine. I'll go.
Nikka: Thank God! I'll see you, okay? Wag ng tanga masyado, Joey.
Hindi ko mapigilang mapa-ngiti. My friendship with Nikka was a bit peculiar. Nang nasa medschool pa kaming dalawa, hindi natatapos ang isang buwan na hindi kami nag-aaway. Siguro kasi masyado siyang assertive tapos minsan, naiirita ako sa kanya. But at the end of the day, I realized that however harsh her words were, they were true. Ayoko lang aminin sa sarili ko kasi tama siya.
After I confirmed my attendance with Stef, lumabas na ako. Dumiretso ako sa mall para mamili ng damit na isusuot ko. Alam ko na makikita ko si Marcus doon—of course makikita ko siya. Baka nga attendance niya iyong unang ikinonfirm, e.
Topnotcher my ass.
Ilulubog ko siya sa mga libro kapag nakita ko siya.
* * *
The day of the thanksgiving, mas pinili ko na magpa-late. I didn't want to make a grand entrance, but I also didn't want to stay for long. Kung hindi lang ako masyadong tinamaan sa sinabi ni Nikka, hindi ako pupunta. Pero tama naman siya, e. Ako na lang ba palagi ang mag-a-adjust?
Upon arriving, nakita ko na kumakain na iyong mga tao. Tahimik akong pumunta sa pwesto ni Nikka. Thankfully, she really did reserve a seat for me.
"You're late!"
"Traffic," I reasoned out.
"Really. Kahit 10 minutes drive lang mula sa bahay niyo?" tanong niya sa akin. Hindi ko na siya sinagot dahil alam naman naming dalawa na magsisinungaling ako. "Tapos na magserve ng food."
"Okay lang. 'Di ako gutom," I said, although I was really hungry. Hindi ako makakain sa sobrang kaba sa pagpunta dito. I tried to eat earlier, but I ended up throwing up everything.
Bakit ba sobrang kabado ko?
"They really didn't spare any expense for this..." I commented as I looked around. I mean, sure, alam ko na mayaman iyong school ko, but to spend as much as this for a party?
Nikka smirked. "For the first time in a decade, naka-kuha ulit ng first place sa boards 'yung schoool, of course 'di sila magtitipid. Alam mo ba kung magkano binigay nila kay Marcus?"
I shrugged, and reached for the glass of wine in front of me. "Not interested."
Nikka rolled her eyes. "You are interested. So, for your in-denial self's sake, the school gave Marcus 500k! Pati binalik iyong lahat ng tuition niya—"
"Ano'ng tuition? Scholar 'yun," sabi ko.
Natawa si Nikka. "Tss. 'Di daw siya interesado," sabi niya kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Anyway, yeah, alam ko 'yun, but still, on top of the 500k, magkano tuition natin per sem? Almost 200? Tapos multiply mo 'yun sa per sem for 6 years! And balita din na sinabihan si Marcus ni Dean na mamili kung saang bansa gusto magbakasyon, basta daw sure na sa hospital niya magreresidency."
Tahimik akong nakinig sa sinabi niya. I was... happy for him. Of course, I was happy for him. I was there. Alam ko na mahirap lahat kaya alam ko na kung anuman ang nakukuha niya ngayon, he deserved that.
But still...
Still, he fucked me over. Hindi ko alam kung mapapatawad ko siya kahit kailan.
Habang nagku-kwento si Nikka sa ibang bagay, sabay kaming napa-tingin sa stage nang may magsalita.
"Every year, we just achieve to get a hundred percent passing rate every board exam. We all know that every student works hard, and for that, as an institution, we just want everyone to become a licensed doctor. That's the dream... But of course, we couldn't help but be proud to have the top place for this year's physician's exam!" masayang sabi ni Dean Romero. "Let's give a round of applause for Dr. Marcus Isaiah Nicolas!"
As I heard everyone clapping for him, I couldn't get my eyes as he slowly gets up the stage. He was wearing a suit and he looked... okay.
"Potah, ang gwapo sana kung 'di lang gago," bulong sa akin ni Nikka. "San ka pupunta?" tanong niya sa akin nang tumayo ako.
"Labas," tipid kong sagot.
Akala ko ay aawayin niya ako, pero nabigla ako nang tumango siya. "You want me to shout boo?" tanong niya.
Natawa ako. "Gaga. Just clap on my behalf," sagot ko bago ako tuluyang naglakad palabas.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Ang alam ko lang, gusto kong umalis. Ayokong makita ang mukha. Ayokong marinig ang boses niya. Ayokong maramdaman ang presensya niya.
I didn't know this hotel. I didn't know where to go. All I knew was that I needed to get away from him.
I stayed in the hall, trying to breathe... To just breathe... Alam ko sa sarili ko na hindi pwede na palaging ganito, na palaging umiiwas. One day, I'd see him. And one day, I'd run out of places to run to.
Pero nang bumukas iyong pinto, biglang bumilis ang tibok ng puso ko.
"Joey."
And as if it was on cue, I took a step back. Him... in front of me... It was all too fucking much.
"Joey, please," sabi niya sa akin.
Umiling ako. "No," sagot ko. "Don't come near me. I don't want to talk to you," sabi ko sabay talikod. Halos tumakbo ako sa pagnanais na maka-layo mula sa kanya. Pero alam ko na nasa likod ko lang din siya.
"Joey, kausapin mo naman ako," rinig kong sabi niya.
"What for? It's five years too late, Marcus! I don't need your fucking apology or your fucking excuse!" I said as I tried to distance myself more from him.
"Joey—" sabi niya. Pero sabay kaming napa-tigil nang makita namin si Psalm sa harap namin... And he looked like he's about to kill us both.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top