Chapter 48
#ABNQ48 Chapter 48
The days passed by quickly. Psalm and I spent time as much as we could—which wasn't much because he's always too busy with work. Kadalasan, puro madaling-araw kami nagkikita kasi iyon ang tapos ng mga ginagawa niya. Ang dami niyang functions na pinupuntahan gabi-gabi. I didn't want to complain because he was so patient with me nung ako naman iyong busy.
But I wished we could've spent more time.
"Are you sure?" I asked Psalm.
"Yeah, I'm sorry," he said, sounding really apologetic. I planned this weekend getaway for all of us—since I was pretty sure hindi ako papayagan ng parents ko kung kaming dalawa lang ni Psalm ang aalis. I did all the research. Walang signal sa pupuntahan namin sa Bolinao, so I was pretty sure that I could hog Psalm all to myself. Sobrang busy na kasi talaga niya. Akala ko masosolo ko siya habang hindi pa nagsisimula iyong pasukan, but clearly, I thought wrong. Mas nasosolo siya ng trabaho niya.
"Kahit one day lang?"
"It's a nine-hour drive, Joey," he said. I knew I shouldn't be competing with his job, but I really missed him! Swerte na iyong makapagdinner kami twice a week! Swerte na kapag nasasagot niya iyong text ko ng wala pang isang oras!
I sighed. "Sige."
"Joey," tawag niya sa pangalan ko. Hindi ako sumagot agad. Hindi ko alam kung ano'ng sasabihin ko sa kanya. "Joey, you know I'd rather be with you than work, right?"
I nodded, although he couldn't see me... kasi nasa trabaho na naman siya. We were supposed to have dinner tonight, but he cancelled on the last minute kasi biglaang kailangan siya. Hindi ko nasabi na kanina pa ako nasa resto. Na kumain na lang akong mag-isa kahit na kitang-kita ko kung paano naawa iyong server sa akin kasi siguro mukha na akong iiyak kanina.
"Okay lang," sabi ko matapos humugot nang malalim na hininga.
"Joey, please don't be like this."
I bit my lower lip. "Okay lang talaga," I said in an attempt to make my voice a little jollier. I didn't want him to worry about me because I knew that I'd power through this. Maybe I was just missing him too bad... but I knew I'd be okay once I see him again.
"I'll just call in sick."
"No," I quickly said. "Just... work, okay? I'll be fine."
Hindi agad nagsalita si Psalm. Alam ko na kung pwede lang, gusto niya ring samahan na lang ako... Pero hindi pwede. Kasi may trabaho siya. Siguro ganoon talaga. Na habang tumatanda, mas ma-re-realize mo na hindi pwede na love lang. Maraming bagay iyong dapat i-consider. Maraming aspeto ng buhay iyong dapat alagaan—hindi pwede na pagmamahal lang lagi.
"Next week, I promise," sabi niya.
I smiled. Sa isang araw na lalabas iyong resulta ng NMAT. Pagkatapos nun, mag-a-apply na ako sa school. Sigurado ako na magiging busy na ulit ako. Baka nalimutan na ni Psalm iyon dahil sa sobrang busy niya.
"Yeah, sure," I replied. "Ingat ka," sabi ko bago ibaba iyong tawag.
I stared at the clothes in front of me. I was already packing before Psalm called. Sobrang excited na ako kasi akala ko talaga at least dalawang araw ko siyang masosolo.
But life happened.
* * *
"Nahihilo na ako sa 'yo," sabi ni Jax. Ngayon naka-schedule iyong release ng grades para sa NMAT. Ngayon ko malalaman kung pasok ba ako sa cut-off ng gusto kong school.
Nitong mga nakaraang linggo, sobrang random ng mga bagay na ginawa ko. Lahat siguro ng lugar na pwedeng magvolunteer, sumali ako. I just needed to do something to get my mind off of things. Laging wala si Psalm dahil busy sa kung anumang ginagawa niya sa trabaho niya. Si Kitty busy sa LAE. Si Anj, balak yata mag-aral abroad kaya busy sa application. Sila Matt naman, busy tumulong sa family business nila.
This vacation sucked so hard.
"Kinakabahan ako!" masungit kong sabi sa kanya. I felt like biting off my nails and to just run around the house screaming dahil sa sobrang kaba ko! Ni hindi ko nga magawang buksan iyong site dahil nanginginig iyong mga daliri ko!
"Lumabas na raw," sabi ni Jax.
I stopped pacing. Huminga ako nang malalim. Pakiramdam ko maiiyak na ako o maiihi sa sobrang kaba.
With my heart beating wildly inside my chest, I watched as Jax carefully typed the details. Gusto ko siyang sakalin dahil pakiramdam ko ay binabagalan niya lalo iyong pagta-type!
"Leche naman, Jax!" sabi ko tapos tinulak ko siya paalis sa upuan. I was ready to type down the details, when my eyes widened.
Fuck.
I passed.
I passed!
"Congrats, future doctor," naka-ngisi na sabi ni Jax habang ginugulo iyong buhok ko. Hindi pa rin ako maka-galaw. Ilang beses akong pilit kumurap kasi baka biglang magbago iyong score sa harap ko.
Biglang tumawa si Jax nang pindutin ko iyong para sa screenshot. I just needed proof! Baka biglang magbago iyong grade ko!
"Shit..." bulong ko. "Oh, my god. Totoo na talaga 'to." Tumingin ako kay Jax. Ngumiti ako. "Pasok ako sa cut-off!" sigaw ko.
"Congrats, Joey," he said, smiling. "Told you you were worried about nothing," he continued. I jumped and hugged him. Kahit na nanginginig ang mga daliri ko, nagawa kong tawagan sina Mama at Papa para sabihin sa kanila na pasok ako sa cut-off para sa school na gusto kong pasukan. I also tried to call Psalm to tell him about the good news, but he wasn't answering the call.
To: Eldest Broccoli
Hey. Call me if you read this, okay?
Nagsabi na sila Mama na magdidinner kami sa labas ngayon. I wanted Psalm to come with us. Alam ko na alam naman na nila Mama iyong tungkol sa 'min, but I never formally introduced Psalm as my boyfriend. Kilala na nila si Psalm, but they only knew him as my friend.
For the whole day, I was so elated. I told my friends about the news, so we set up a day para magkita kami. Sobrang busy talaga nila kaya ang hirap na magkita kami. They all had their own stuff to do, their own feats to achieve. Kaya kahit gaano pa namin gustong magkita kagaya nung nasa school pa kami, ang hirap magtugma ng schedule namin.
Ganito siguro talaga.
A part of growing up is growing apart.
Nang kinagabihan, dumating si Mama sa bahay. Naka-bihis na kami ni Jax, at hinihintay na lang namin sila ni Papa.
"Joey," tawag ni Mama sa akin. "Invite Marcus."
Biglang nanlaki iyong mga mata ko. "P-po?"
"He helped you with the review, right?" she asked, and I hesitantly nodded. "Invite him to have dinner with us para mapasalamatan," sabi ni Mama bago pumunta sa kwarto niya.
Pakiramdam ko biglang nanlamig iyong mga kamay ko dahil sa sinabi ni Mama. I did all my best to avoid Marcus—I even avoided thinking about him! Alam ko kasi na galit siya sa akin dahil sa ginawa ko at sinabi sa nanay niya! But I'd do it again. Those words needed to be said. Na hindi responsibilidad ng anak na buhayin iyong mga magulang niya. That having kids is not tantamount to having a retirement plan. Nag-aanak dahil gusto mong magka-anak, hindi dahil gusto mo na may bubuhay sa 'yo kapag ayaw mo ng magtrabaho.
"Oh, holy—" Muntik na lumabas sa dibdib ko iyong puso ko nang makita ko iyong pangalan ni Psalm sa phone ko. Nagtataka na naka-tingin sa akin si Jax kaya naman lumabas muna ako bago ko sagutin iyong tawag niya.
"Hey," I said. "Uh... I passed."
"I knew you'd pass!" masaya niyang sabi. "But you sound weird, Joey," Psalm continued. I forced myself to even my breathing. I still felt a little bit weird because how in hell was I supposed to invite Marcus to dinner?! I even deactivated Tinder dahil ayoko talaga makausap o maisip siya!
"Ayos lang ako," sabi ko habang pilit pinapasaya iyong boses ko.
"Where are you? Do you have plans? We should celebrate," dire-diretsong sabi niya.
"Ah-ano," sabi ko. I was supposed to invite him to have dinner with us, pero paano kapag napilit ako ni Mama na iinvite din si Marcus? It would be a freaking tensed dinner! "Magdidinner kami nila Mama..." sagot ko. Hindi agad sumagot si Psalm.
Shit.
I was feeling guilty again. Bakit si Marcus iinvite ko, pero si Psalm na sarili kong boyfriend, hindi ko magawang sabihan? What seriously was wrong with me?
"Gusto mong sumama?" I asked.
"Of course!" he answered. "Are you sure?"
I bit my lip. "Syempre naman," sagot ko sa kanya. Kung ako nga iyong masusunod, magkasama kami sa dinner palagi... "Pero ano..." I trailed. "Mom's asking me to invite Marcus din... Kasi 'di ba tinuruan niya ako?"
Then there was silence.
I really didn't like talking about Marcus with Psalm. Kasi kahit ilang beses sabihin ni Psalm na okay siya, na okay na siya, ramdam na ramdam ko pa rin na hindi siya okay. Kahit ilang ngiti iyong ibigay niya o ilang okay iyong marinig ko mula sa bibig niya, ramdam ko na hindi talaga.
"Yeah, sure," he said.
'Yan na naman kami sa 'yeah, sure' niya.
"Just text me the details, okay? I'll just wrap up this meeting," he said.
"Okay..." tahimik na sabi ko. Ang bilis magbago ng mood ni Psalm nang marinig niya iyong pangalan ni Marcus. Kahit gaano kagaling ang tingin niya sa sarili niya na magtago, nararamdaman ko iyong pagbabago sa tono niya, sa paraan ng pagsasalita niya.
Nang bumalik ako sa loob, tinanong na naman ako ni Mama kung natawagan ko na ba si Marcus. I didn't know what reason to give and I didn't want to lie to my mom because she'd know that I was lying, and I really didn't want her on my tail.
To: Marcus
I passed. Tinatanong ni Mama kung gusto mong sumama sa dinner bilang thank you.
Kulang na lang ibato ko iyong cellphone ko o kaya naman e ibaon sa pinakailalim ng sofa dahil ayokong makita in case na magreply siya. Ilang linggo ko ngang nagawa na 'wag siyang isipin, e!
Tatayo na sana ako para kumuha ng tubig dahil iyong puso ko parang sasabog na sa loob ng dibdib ko nang bigla kong naramdaman na nagvibrate iyong phone ko.
From: Eldest Broccoli
Congrats again, Joey. I miss you. I'll see you later.
And then my phone vibrated again.
From: Marcus
Congrats. And see you.
Shit. Ayoko na yatang sumama sa dinner na 'to.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top