Chapter 42

#ABNQ42 Chapter 42

I texted Kitty. To text Marcus. Bago ko pa man mabasa iyong reply ni Kitty, parang ramdam ko na na maraming kasama iyon na roll-eyes emoji.

Kitty:

What time daw? And sa bahay niyo ba talaga?

Me:

If okay lang maaga mga 8am. And yes, nandito naman sila Manang. And... ano di ba tutor ko siya? Magkano ba binabayad dun?

Hindi na nagreply pa si Kitty. Hindi ko na rin hinintay kasi dalawa lang naman ang mode ni Kitty—either magrereply agad or mamumuti na iyong mata ko kakahintay sa reply niya. Instead, nagsagot na lang ako ng practice exercise sa quantitative part ng NMAT. Bukas na lang iyong sa Science kay Marcus.

Paggising ko kinabukasan, halos mahulog ako sa hagdan nang makita ko na magkausap si Papa at Marcus! At dahil muntik na nga akong mahulog sa hagdan, naagaw ko iyong atensyon nilang dalawa.

"Good morning," bati ni Papa sa akin.

I smiled, and steadied myself. "Morning, Pa..." sabi ko sabay baling kay Marcus. "Good morning," I greeted with a confused look on my face. Naiwan ko iyong phone ko sa kwarto kaya hindi ko alam kung ano'ng oras na, but most definitely, sigurado ako na wala pang 8am!

"Maghihintay sana ako sa labas, kaya lang nakita ako ng Papa mo," sabi ni Marcus sa akin kahit na wala naman akong tinatanong sa kanya. Napa-tingin ako kay Papa na may binabasa naman ngayon sa phone niya.

"Nakita ko nung naglalakad ako sa labas kaya pinapasok ko na," Papa said, then stood up. "Alis muna ako," Papa said.

Napailing na lang ako. Paano kung gangster pala si Marcus tapos pinapasok na lang bigla ni Papa sa bahay namin? Minsan talaga masyadong trusting si Papa—kabaliktaran ni Mama na walang tiwala sa lahat ng tao.

"Turuan mong mabuti ang anak ko," sabi niya nang naka-ngiti kay Marcus. Marcus smiled back at my father. Ako, naka-kunot lang iyong noo ko dahil kung mag-usap silang dalawa e akala mo nakapagbonding na sila nang todo.

Nang makaalis si Papa, tinignan ko si Marcus. Hindi ko alam kung paano ba ako tumingin sa kanya dahil bigla na lang napatayo si Marcus sa kinauupuan niya. Like I was a teacher, and he was a student who I caught cheating. Masyado siyang tensed kapag nakikita ako.

"Uh... Sige, tapusin mo muna 'yung breakfast mo," I said, as I noticed that he was eating breakfast with Papa before I interrupted. I was kind of jealous na naka-sabay niyang kumain si Papa kasi lately, hindi ko na nakikita si Papa. He's almost living in the hospital...

Tsk. Naalala ko na naman tuloy iyong pinag-usapan namin ni Psalm. About how busy I'll get. About how less time I'll be able to give him. I hated, but it's true. Totoo naman na kapag nagsimula na akong magmed school, magiging busy ako. Magkakaroon ako ng ibang mundo, but he should know that wherever I may wind up, I'd always want to come back to him.

Umiling si Marcus. "No, tapos na ko," he said, tapos may kinuha siya sa bag niya. Lumapit siya sa 'kin tapos may inabot siya na mga reviewer. "Kain ka munang breakfast tapos simula na tayo."

I nodded tapos naupo kaming dalawa. Tinitignan ko iyong mga binigay niya sa akin nang mapansin ko na hindi siya kumakain. Binaba ko iyong mga papel, tapos tinignan siya.

"Kain ka muna," I said.

He nodded. "Hindi ka kakain?"

I shook my head. "Hindi pa ko gutom," I replied. He still wasn't eating. "Kinakabahan kasi ako sa NMAT kaya hindi ako makakain masyado," I explained kasi baka isipin niya na ayaw ko siyang kasabay kaya hindi ako kumakain. I just didn't want him to be more tensed around me than he already was.

Tumango na naman siya. Mabuti na lang at nagsimula na siyang kumain. I guessed that that was a good start. Meron pa kasi kaming ilang araw na magkasama kaya mas mabuti kung magiging okay ulit kami. I mean, okay naman kami ngayon, but I'd rather that we'd be more comfortable. Like friends.

After Marcus was done eating, doon kami sa salas pumunta. Nagpaalam lang ako sandali na kukunin ko iyong mga gamit ko sa kwarto. Nang papaakyat ako, nakasalubong ko si Papa na naka-bihis na para pumunta sa hospital. I guessed that I wouldn't see him for days again.

"Alis ka na, Pa?" I asked the obvious.

He nodded. "Mukhang mabait iyong si Marcus," he said.

I nodded. "Yeah... Nag-iisang Magna Cum Laude sa engineering department 'yun, Pa," I said. I just felt the need to tell him kasi nakaka-proud naman talaga si Marcus. I mean, paano niya napapagsabay lahat ng mga ginagawa niya? Ang hirap na nga ng degree program niya tapos ang dami pa niyang extra-curricular activities!

Pa smiled. "Mukha ngang masipag na bata," he replied with a fond smile on his face. "Sige, at kailangan na ako sa ospital," he continued before going.

Hindi naman weird sa akin na nagustuhan ni Papa si Marcus kasi masipag si Marcus. Nagsimula rin kasi sa pinaka-baba si Papa bago kami mapunta sa kung nasaan man kami ngayon. Sigurado ako na nakikita ni Papa iyong sarili niya kay Marcus kaya ganoon na natutuwa siya.

Pagpasok ko sa kwarto, inayos ko agad iyong mga gamit ko. Naupo muna ako, at saka kinuha iyong cellphone ko. I was supposed to text Psalm na nandito na si Marcus, but I decided to call him instead.

"Hey," I said when he answered. "Good morning."

"Good morning," he replied. "Breakfast?" he asked.

"Later," I replied. "But I promise kakain ako ng heavy lunch," I said, compromising. Lately talaga ang unang tinatanong niya sa akin is kung kumain na ba ako. "Nasaan ka?" I asked.

"Embassy," he replied.

"Bakit ka nandyan?"

"Papa's wondering if I'd be interested to work here," he said. "Haven't exactly told him about my plans."

"I'm sure they'd support you," I told him. Psalm's really hard working. Kulang na lang sa court na siya tumira. I was sure any team's gonna be lucky to have him. I promise na after ng NMAT ko, I'd be with him every step of the way. I'd support him kagaya ng pagsupport niya sa mga gusto kong gawin sa buhay.

"Hmm..." he just replied.

"Uhm... Just called to tell you na nandito na si Marcus," he said.

"Ah..." he replied.

"Manang's here. Si Jax, natutulog pa, but I can wake him up if gusto mo?" I offered. Alam ko puyat pa si Jax sa pag-aaral, but if ikakapanatag ng loob ni Psalm, I'd gladly wake Jax up.

"No, it's fine," he said although I could sense that he wasn't totally on board with this plan kahit pa gaano niya sabihin sa akin na 'he's fine.' Kasi ganyan si Psalm. He'd probably deny it to his grave basta lang masunod iyong gusto ko.

"I'll text you later?"

"Call," he corrected. Natawa ako. "Study well, Dr. Yuchengco," he said.

"Baka ma-jinx!" I replied, then it was his turn to laugh.

"Nope, you'll be a doctor. And I'll be your first patient."

"Ano namang sakit mo?" I asked, my brow arched.

"I need a heart transplant. Kinuha mo 'yung puso ko, e."

"Psalm, seriously?" sabi ko, pero pinipigilan ko iyong tawa ko kasi iniimagine ko pa lang na nasa harap ko siya nung sinabi niya 'to, pakiramdam ko maiiiyak na ako sa kakatawa. Saan ba niya hinuhugot iyong mga sinasabi niya sa 'kin?

"But I made you smile, right?" he asked.

I smiled even though he couldn't see me, then bit my lower lip. Sana magaling si Psalm sa Science para sana siya na lang 'yung nagtuturo sa 'kin... Ugh, namimiss ko na talaga 'yung broccoli na 'yun! Kaya kailangan talaga na mataas iyong score ko sa NMAT para maka-pasok ako sa cut-off ng SCA.

"Oo na, oo na. Sige, good luck d'yan sa office ng Dad mo," I said before cutting the line. Kahit habang pababa na ako ng hagdan, nararamdaman ko pa rin iyong ngiti sa mukha ko dahil sa ka-korny-han na lumabas sa bibig ni Psalm. Dami talagang alam ng broccoli na 'yun.

Pagbaba ko, nakita ko na naka-set up na si Marcus. Naka-ayos na iyong books na gagamitin naming dalawa.

"Game na?" sabi ko paglapit sa kanya. Naupo ako sa tabi niya. I felt him tensing up. Lumingon ako sa kanya. "Hey, if we're gonna do this, I need you to be comfortable around me."

He smiled. "Okay naman ako."

I eyed him. "Seriously, parang anytime masusuka ka kapag nakikita ako."

Napa-kamot siya sa batok. "Hindi naman."

"Psh. Ako pa rin naman 'to, si Joey. Ikaw pa rin naman si Marcus. Let's just be friends, okay?" sabi ko sa kanya. I knew that I might be hurting him by saying the word friend over and over again, but that's the only way I knew para maging maayos kaming dalawa. Kasi iyon naman talaga iyong pwede. Na maging magkaibigan kami.

Marcus nodded, and then we began. Nagstart kaming dalawa sa Social Science at saka sa Biology kasi sabi niya mas madali daw iyon. Mamayang hapon kami magsisimula sa Chemistry at Physics kasi mas mahirap daw iyong dalawa na 'yun.

Nagsasagot ako ng practice exams ni Marcus nang biglang may tumawag sa kanya kaya lumabas muna siya. Habang nagsasagot ako, napansin ko na may sagot iyong ibang parts ng test—halata na nalimutan burahin.

"Sorry, kailangan ko lang sagutin 'yun," he said.

I nodded. "Okay lang, ano ka ba," I replied, smiling. "Sinagutan mo rin 'to?" I asked.

He nodded. "Ah... oo. May mga 'di ba ako nabura?" he asked, reaching for the eraser.

Inabot ko sa kanya iyong page na hindi niya nabura. I understood if Chem or Physics iyong sinagutan niya kasi related naman sa degree niya, but Social Science? Hindi naman yata related sa ChemEng? Ano 'yun? Hobby niya lang talaga magsagot? Ang talino niya lang talaga?

"Bakit mo sinagutan?" I asked, just really curious about him. I'd known him for a while now, pero alam ko na marami akong hindi alam sa kanya. But Marcus is so fascinating... and I guess gusto ko lang malaman kung paano niya nagagawang pagsabayin lahat ng trip niya sa buhay. Kasi alam ko na ganoon din ang kailangan kong matutunan once na nasa medschool na ako.

"Dati pa 'yan," he replied, obvious evading the question.

"So... dati pa lang may NMAT reviewer ka na?" I asked, my brow arched. Marcus seemed more tensed than ever, and hindi ko maintindihan kasi sinusubukan ko lang naman na mag-usap kami. Like normal people.

Marcus nodded while his eyes were glued on the paper. I figured that he didn't want to talk about it, so I decided to drop the topic. Nang matapos ako sa Social Science, Biology naman iyong pinasagutan niya sa akin. Tapos, nung chine-check-an niya na iyong mga sagot ko, he didn't even bother to consult the answer sheet.

But I knew that he didn't want me asking him 'personal' questions, so tumayo muna ako, at saka pumunta sa kusina para maghanap ng pwedeng kainin habang nag-aaral kami. Hindi ako gutom, pero alam ko na nakaka-gutom mag-aral, so baka gutom na si Marcus.

Pagbalik ko, tapos na siyang magcheck.

"Kain ka muna," I offered, sliding in front of him the bowl of chips and cheese dip.

He nodded. "Tignan mo muna iyong mga mali mo, tapos pagkatapos kong check-an iyong sa Biology at saka ko ipapaliwanag iyong mga hindi mo nasagutan ng tama," he said. Nung nagchecheck siya sa Bio part, hindi pa rin siya gumagamit ng answer sheet! Grabe, curious na curious na talaga ako dito! I mean, ganoon ba siya katalino kaya 'di niya na kailangan ng validation ng answer sheet?

Yeah, I guess... Nag-iisa ba namang Magna Cum Laude sa buong Engineering Department, e.

After Marcus was done checking my Bio exam, he proceeded to explain to me the concepts that were vague before but after he explained it, gosh, naintindihan ko na agad! Tama nga si Kitty, iba magpaliwanag si Marcus! He'd use really simple words and analogy para maintindihan ko iyong magugulong concepts. Dapat ganito lahat ng teacher, e! Hindi iyong puro talino lang, dapat magaling din mag-explain.

"Gosh... Ganito lang pala 'yun..." I whispered in awe after I was enlightened. I spent my whole high school life confused, but now I finally see the light.

I caught Marcus smiling at me. Pero nung nakita ko siya, tinigil niya iyong ngiti niya.

I wrinkled my nose. "Ang mahal ng ngiti mo ngayon, ha, Marcus Isaiah Nicolas," I said, before I pulled him so that we could get lunch.

* * *

The days quickly passed. Marcus was in our house everyday para turuan ako. I still didn't know if I'd pay him or what kasi nagsasayang siya ng oras sa akin, but habang hindi ko pa alam ang gagawin, binubusog ko na lang siya. As in kung pwede lang na every hour e kumakain kami, ginagawa ko.

"Marcus!" sabi ko habang hinahabol siya. Kakatapos lang naming magreview. Bukas na iyong last day ng review namin.

Napa-tigil siya.

"Sa 'yo 'yan?" I asked, pointing at the bike. He nodded. "Di ba sa malayo ka pa naka-tira?" tanong ko ulit. Tumango siya. "So... pumunta ka rito ng naka-bike?"

He nodded again. "May helmet naman ako."

We stared at each other for a while. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. I felt like I owed him so much more kasi... I mean, he rode a freaking bike all the way here para lang turuan ako! Tapos gabi pa siya nakakauwi dahil sa dami ng tanong ko sa kanya!

"Hatid kita sa inyo, gusto mo? Lagay na lang natin 'yung bike mo sa likod ng pick-up," I offered. "Kasi napagod yata kita ngayon," I quickly added. I didn't want to offend him in any way. I just felt really indebted to him dahil mas lalo kong naaappreciate iyong ginagawa niya para sa akin. He could be doing other things instead of tutoring me and answering my endless questions.

He smiled, and shook his head. "Okay lang. Saka may dadaanan pa ako, e," he said.

I bit my lower lip. "Sure ka?"

He nodded. "Pahinga ka na. Bukas half-day lang tayo para makapagpahinga ka bago iyong NMAT," he said. I nodded, and then he rode the bike.

"...okay," I replied.

He smiled. "Wag kang mag-alala, makaka-pasa ka," sabi niya bago kumaway sa akin. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top