Chapter 38
#ABNQ38 Chapter 38
End of the school year was looming. Ramdam na ramdam ko na iyong pagka-agit nung mga students. Pati ako na normally chill lang sa mga bagay, nape-pressure na rin. I mean, feel ko naman sigurado na iyong graduation ko kasi complete units and requirements naman ako, pero sobrang palpable ng stress nung iba kaya nadadamay na rin ako.
Plus NMAT was really near. So near I could almost breathe it. Okay na ako halos sa lahat ng subjects, pero meron pa rin akong subjects na medyo hindi ako sure. No room for mistake kasi sa NMAT. Kapag hindi maganda iyong nakuha kong grade, hindi ako makaka-pasok sa gusto kong school. I mean, okay naman sa ibang school, pero may gusto talaga akong pasukan.
"Member ka na rin?" tatawa-tawa na sabi ni Matt pagkakita niya sa akin sa gym. Lately kasi, nandito na rin ako madalas. It's either nandito ako, or kasama ko si Psalm sa library. Basta gusto lang ni Psalm kadikit ko siya lagi. It's weird, but it's the nice kind of weird. I mean, who would've thought na ganito si Psalm? Clingy pala.
I mimicked his laugh. "E bakit nandito ka rin? Tanggal na kayo, 'di ba?" biro ko sa kanila kasi kagabi iyong turn over ceremony nila sa basketball. Si Austin na iyong official captain. Akala ko nga iiyak si Psalm, e. Sobrang pinaghirapan niya kaya na makapasok sa team! Nung nag-aral kasi siya sa SCA, wala pa namang GDL Bros kung tawagin. Siya kasi iyong pinaka-una kaya siya iyong pinaka-nahirapan.
Sinamaan ako ng tingin ni Matt tapos naupo siya sa tabi ko. "Si Kitty?" he asked.
"Council," tipid at mahina na sagot ko kasi ayoko na marinig ni Psalm. I mean, there's nothing there, but that didn't mean na wala rin kay Psalm. It's his sore spot, and I was trying to be as gentle as I could. Ako rin kasi hindi ako natutuwa kapag binabanggit niya si Kia. Alam ko naman na walang something sa kanila, but I still didn't like it. Kaya I was trying my best to extend the same courtesy to Psalm.
"Anj?" he asked.
I shrugged. "May pupuntahan daw, e," I simply replied. I didn't bother ask Anj kung saan siya pupunta. Basta kuntento na ako na sinasabi niya sa akin na aalis siya, hindi iyong bigla na lang siyang nawawala.
"Science pa rin 'yan?" Matt asked, looking at what I was reading.
I nodded. "Yeah... Exam ko na sa weekend," I replied.
"Hassle naman. Finals na next week."
"Yeah... Tapos may mga 'di pa ako naiintindihan," sagot ko habang si Psalm, nagpupush-up naman ngayon. Sa totoo lang, 'di ko alam kung bakit nandito kaming dalawa sa gym. Wala naman kasi silang training kasi una, kakatapos lang ng championship. Pangalawa, finals na. Rule na sa school na kapag exam week, halt lahat ng practice ng mga varsity. Kasi first and foremost, acads ang priority dapat.
"Paturo ka kay Tito," Simon said. Naupo na rin siya sa tabi ko kaya nasa gitna ako ni Simon and Matt. Si Steele naman, nakaupo sa mas mababang bleacher habang ka-text yata si Andrea. Parang tanga minsan si Steele kasi minsan nahuhuli ko na naka-tingin lang sa picture ni Andrea sa phone niya.
"Busy," sagot ko. May sched si Papa ng opera tapos medyo risky iyong patient kaya halos 'di na siya umuuwi sa bahay. 'Di ko na nga maalala kung kailan ko huling nakita si Papa, e. Buti na lang talaga equally workaholic din si Mama kaya 'di sila nag-aaway kahit ganito na 'di na talaga sila nagkikita minsan. Although sabi naman sa 'kin ni Jax, 'di lang sinasabi ni Mama pero kapag ganito na busy sa operations si Papa, sa hospital din naka-tambay si Mama.
Yuck. Nakaka-suka talaga kapag parents mo 'yung nagpapaka-sweet.
"Paturo ka 'dun sa ano—" sabi ni Matt tapos tinakpan ko agad iyong bibig niya. Nanlaki naman iyong mga mata niya tapos parang tinatanong na what.
"Tumahimik ka nga!" I hissed.
"Grabe!" sabi niya nung natanggal iyong kamay ko sa kanya. "Ang alat ng palad mo, Joey!"
Tinignan ko siya nang masama. Bwisit na 'to! Alam naman niya na sensitive si Psalm doon sa topic tapos sasabihin niya pa! Ayoko nga na nag-e-emote si Psalm kasi mukha siyang broccoli na kinawawa, e. At saka patapos na iyong school year. Ayoko naman na puro naka-simangot na Psalm ang maalala ko.
"E matalino 'yun, 'di ba? Nakita ko kanina sa bulletin, siya lang Magna Cum Laude sa buong engineering department," Matt said so casually na akala mo nang-aasar talaga. Si Simon naman, napapailing na lang. Ako lang talaga iyong kinakabahan kasi baka marinig ni Psalm.
"Simon, oh!"
Natawa si Simon kasi para akong bata na nagsusumbong. Pero kasi, e! Parang tanga si Matt! Kaibigan niya si Psalm kaya malamang alam niya na mainit dugo nun kay Marcus tapos sasabihin niya pa na magpa-turo ako? Ginagawan niya ako ng away na aayusin, e!
"Di magagalit 'yun," sabi ni Simon.
"Magagalit 'yun," biglang sabat ni Steele. Himala na wala sa phone iyong attention niya. Lumingon siya paharap sa amin. "Magseselos 'yun."
"Hindi siguro," Simon said. "Parang 'di naman nagagalit si Psalm."
"Galitin natin," parang gago na sabi ni Matt habang naka-ngisi. Ugh. Why was I friends with these jerks again? Porke wala na silang practice sa basketball, dami na naman nilang time!
"Gago," sabi ni Steele. "Di nagagalit sa 'yo 'yun kasi wala namang pakielam sa 'yo."
"Tangina mo napaka-sakit mo naman magsalita," sabi ni Matt.
I bit my lip, pinipigilan ko matawa sa pag-uusap nila. Parang nawala na ako sa usapan kasi silang tatlo na lang iyong nagde-debate kung magagalit ba si Psalm kapag nagpa-turo ako kay Marcus.
"Joey."
Sabay-sabay kaming napa-tingin kay Psalm. Naka-ligo na pala siya kasi naka-suot na lang siya ng white shirt and jersey shorts. Nagpupunas siya ng buhok habang naka-tingin sa akin.
"Psalm, nahihirapan daw si Joey sa Chemistry," sabi ni Matt. Nanlaki iyong mga mata ko. "Papaturo daw siya." Psalm nodded. "Syempre, hindi sa 'yo kasi ano bang alam mo sa Chem?"
Ugh! Bakit ba walang girlfriend si Matt?! Ang dami niyang energy mang-asar!
Napapailing na lang si Simon and Steele sa mga lumalabas sa bibig ni Matt.
"Pwede daw ba paturo kay Marcus?" he freaking asked! Kitang-kita naming lahat iyong unti-unting pagbabago sa mukha ni Psalm. Na para bang hindi niya nagustuhan iyong sinabi ni Matt, but at the same time, he didn't want to lose his cool. Kasi he already promised na 'di na siya maiinis kay Marcus.
I could see Psalm gritting his teeth until an unwilling 'sure' came out of his mouth. I glared at Matt bago ako tumayo, at saka kinuha iyong mga gamit ko.
"Ito ka," sabi ko tapos tinaas ko iyong middle finger ko sa kanya. Mabilis akong lumingon kay Psalm. "Hey," I said para makuha iyong atensyon niya. I could still see how bothered he was. "You done?" He nodded. "Lunch na tayo." Tumayo sila. "Di kayo invited," I said.
"Pati kami?" sabi ni Simon habang tinuturo silang dalawa ni Steele.
I nodded. "Magde-date kami," sabi ko, tapos hinatak ko si Psalm. 'Di ko na pinakinggan iyong sinisigaw nung mga lalaki sa likod ko. Mabilis kong hinatak si Psalm, tapos nilingon ko lang siya nung malapit na kami palabas ng gym. Nakita ko siyang naka-ngisi. "Ano?" I asked because he was grinning still.
"Nothing," he said while still wearing his grin.
"Parang tanga."
He bit his lower lip, then wrinkled his nose.
"Ano nga?"
He shrugged. "Magde-date tayo?" sabi niya habang naka-ngiti na akala mo sobrang saya niya.
Inirapan ko. "Lunch lang," sabi ko. Nawala iyong ngiti sa mukha niya. Ang transparent talaga ng tao na 'to. Sobrang halata kapag masaya siya, sobrang halata din kapag hindi siya masaya sa nangyayari.
"Fine," sabi niya na parang napipilitan, pero walang balak magreklamo. Hindi talaga siya nagrereklamo kahit obvious na 'di niya gusto iyong ginagawa ko or what. Basta tahimik lang siya tapos naka-tabi sa akin. Na para bang anytime na magkamali ako or may mangyaring masama, nasa tabi ko lang siya, ready umalalay.
Naglakad na siya, tapos sumabay ako. Natawa ako kasi kulang na lang magpout siya.
"Uy, joke lang," I said habang sinasabayan siya sa paglalakad niya. Lugi ako kasi iyong normal na lakad niya, takbo na sa akin! Sino ba naman kasi nagsabi na masaya magkaroon ng boyfriend na giant? I swear, kapag nagalit sa akin si Psalm, pwedeng-pwede niya ako ihagis!
"It's fine," he said. "I know you're not affectionate."
Umawang iyong labi ko. "Paano mo nalaman?" I asked, arching my brow.
He shrugged. "That's who you are. And it's all right."
My brow was still in full arch. Huminto si Psalm. Tumingin siya sa akin, at nang nakita niya kung gaano naka-arko iyong kilay ko, nakita ko na lumunok siya. Sa dalawang linggo naming magkasama, alam niya na na kapag naka-arko na iyong kilay ko, magsisimula na akong magalit sa kanya.
"I-I mean it's f-fine, Joey," sabi niya habang halatang kinakabahan. I could see him opening and closing his fists, as if he was trying to calm himself down.
"Nagrereklamo ka ba?"
"No!" mabilis na sagot niya.
Isang kilay na lang iyong naka-arko sa akin. "Good," sabi ko, tapos naglakad na ako. Ramdam ko na naka-sunod siya sa akin. "Dito ka sa tabi ko," sabi ko kasi nasa likod ko lang siya. Mabilis naman siyang naglakad sa tabi ko. Kita ko na namumutla siya. Pinigilan ko iyong sarili ko na matawa sa kanya. "Takot ka ba sa 'kin?"
"No," sabi niya kahit obvious na hindi.
"Nakakatakot ba ako?"
"No," sabi niya na parang trained na siya sa mga isasagot niya sa akin.
Huminto ako, tapos tumawa. Hindi ko na kasi kayang pigilan kasi ang cute ni Psalm! Parang sobrang tensed na tensed na siya! As in parang takot na takot siya sa akin, which was so funny kasi 'di hamak naman na mas matangkad at mas malaki siya sa akin!
"Were you just making fun of me?" sabi niya habang tawa ako nang tawa. May mga napapa-tingin na sa akin, pero wala akong pakielam sa iisipin nila kasi may gawin man ako or wala, kung gusto nila akong pagchismisan, wala naman akong magagawa.
I nodded, my face red from laughing. But I had to stop when I saw Psalm slowly walking towards me. His face was serious, and his eyes were intently staring into mine.
I gulped.
"H-huy," sabi ko nang naglalakad siya palapit sa akin. "J-joke lang naman kasi."
"You're always making fun of me," sabi niya habang papalapit siya nang papalapit sa akin.
"Dali mo kasing matakot," sabi ko tapos umatras na ako. Papalapit na rin siya nang papalapit. "Natatakot na ko," sabi ko kasi sobrang serious niya habang naglalakad palapit sa akin!
"Tama na kasi!" sabi ko sa kanya.
Umiling siya. "You had your fun. Let me have mine."
Lumingon ako sa likod ko. Sobrang dami ko pang aatrasan kaya naman ewan ko kung ano ang pumasok sa isip ko, basta tumakbo na lang ako palayo. Sa sobrang bilis kong tumakbo, nabitiwan ko iyong bag and books ko dahil ayoko talaga na maabutan ni Psalm kasi nakakatakot iyong tingin niya! Nang lumingon akong saglit, nakita ko na naka-sukbit sa balikat niya iyong bag ko tapos hawak niya sa kamay iyong libro ko habang hinahabol ako.
"Tama na kasi!" sigaw ko habang tumatakbo palayo sa kanya.
"Then stop running!" sabi niya. Ramdam ko na palapit na siya nang palapit sa akin kasi fuck ano bang laban ng legs ko sa legs niya! E sanay na sanay 'yang tumatakbo!
"Yung puso ko sasabog na!" sigaw ko habang tumatakbo pa rin kasi 'di talaga ako sanay tumakbo!
Rinig ko iyong tawa ni Psalm habang hinahabol ako. Huminto na rin ako kasi iyong puso ko promise parang sasabog na sa sobrang hingal!
I stopped, and dropped on the floor. I didn't care that the floor was scorching hot. Hindi na talaga ako maka-hinga, for heaven's sake! Naka-hawak ako sa dibdib ko habang nakita ko si Psalm na naka-tingin sa akin. He was standing a few meters from me.
"Leche ka," sabi ko habang hingal na hingal. "Masaya ka na? Mamatay-matay na ako sa hingal?"
He looked at me, and a smile dawned on his face. Slowly, he walked towards me tapos lumuhod siya para magpantay iyong mukha namin.
"Why did you run?" he asked. Nilabas niya iyong panyo niya tapos pinunasan niya iyong pawis sa gilid ng noo ko. Sobrang lakas pa rin ng tibok ng puso ko.
"Parang galit ka kasi, e."
"Why did you think that I was mad?"
"Parang papatayin mo ako sa tingin mo kanina."
Kumunot iyong noo niya. "Really?"
I nodded, then slightly pouted my lips. "Galit ka?"
He shook his head. "I'd never get mad at you, alright? I'd get annoyed, but never mad."
"Kahit lagi kitang inaasar at pinagti-tripan?"
He nodded. "I'd rather you make fun of me, than you making fun of some guy."
I discreetly bit my lip. Before, I thought that I didn't like possessive guys kasi bakit mo ituturing na pag-aari mo iyong babae? But now... it felt kinda nice. I mean, as long as it's within reason.
Ang saya pala.
Na sa kanya lang ako.
And of course sa 'kin lang din siya.
But of course dahil 'di daw ako affectionate sabi ni Psalm, I spread my arms. "Buhat," sabi ko kasi 'di na ako makatayo dahil sa pagtakbo ko kanina. Naka-ngiti lang si Psalm, tapos pinahawak niya sa akin iyong bag ko at libro. He crouched down, and I rode on his back. Nasa likod niya ako habang nasa balikat niya iyong bag ko, tapos hawak niya iyong libro ko.
"What part were you having difficulties in NMAT?" he asked habang buhat ako.
"Chem, bakit?"
"It's it just the basics?"
I nodded. "Medyo, why?"
"Can you send me the coverage?"
Hinigpitan ko iyong yakap sa kanya, tapos sinandal ko iyong ulo ko sa balikat niya. "Bakit?"
"I'll try to refresh my memory," sabi niya.
"Tuturuan mo ako?" tanong ko habang naka-ngiti.
"Yeah, I'll try..."
"Di naman ako magpapa-turo kay Marcus, e."
"I know," he replied. "I just want to be everything that you need."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top