Chapter 34
#ABNQ34 Chapter 34
I spent the whole night feeling guilty about what I said. Was I too harsh? Did my words seem too ruthless? Was I being too insensitive for merely speaking my thoughts? Kasi 'di ba tama naman? Wala naman talagang kami.
Walang kami dati.
Walang kami ngayon.
At sa takbo ng mga bagay ngayon, ang labo lang.
The next day, I was determined to talk to Matt to explain myself. Ayoko lang kasi na isipin niya na masama ako. I care about what my friends think about me. I didn't want them thinking that I was too cruel and insensitive of Psalm's feelings kasi hindi naman ganon... I just couldn't think about anything else when my own pain was overwhelming me. That even the mere thought of Psalm has me grasping for air.
That's how badly he could affect me.
And frankly, it scares me.
Pagdating ko sa school, plano ko na dumiretso sa gym kasi sigurado ako na nandun sila Matt... but then I decided against it dahil nandun din si Psalm. And it's not like I didn't want to see him, but that I couldn't see him.
His presence was enthralling.
He was too much.
And I couldn't handle too much right now. I needed to remain steadfast on graduating. Kasi tama naman si Mama. I shouldn't let how I feel meddle with my future. Kasi kung para sa 'kin, para sa 'kin. I shouldn't let this distract me from pursuing my dream.
After sending a text to Matt, dumiretso muna ako sa library para ibalik iyong ibang libro na hiniram ko. Nagtext din kasi iyong beadle namin sa class na walang pasok sa first subject kasi may meting si Sir, so doon muna siguro ako tatambay. Kasi kapag pinuntahan ko agad sila Kitty sure ako na magchichismisan lang kami.
Pagdating ko sa lib, binalik ko agad iyong mga libro ko. I immediately proceeded to the Physics section para maghanap ng ibang babasahin nang mapa-hinto ako.
"Are you stalking me?" tanong ko nang makita ko si Marcus na naka-upo sa pagitan ng shelves ng Physics at Chemistry books. May naka-ipit pa na ballpen sa tenga niya tapos may pinapaikot siya na isa pang ballpen sa kamay niya habang naka-tutok iyong mga mata sa pahina ng binabasa niya.
Upon hearing my voice, he looked up. Kitang-kita ko kung paano napaawang iyong labi niya nang makita ako.
Hindi siya nagsalita. Mabilis siyang tumayo. Nalaglag tuloy iyong libro na nasa lap niya dahil sa bilis ng pagtayo niya.
"Yung libro," I said, pointing at the poor book that recklessly fell out of his lap.
"Ah, oo," sabi niya tapos lumuhod para kunin iyong libro at ballpen niya na nalaglag. Gusto kong matawa kasi parang nagpanic siya nung makita ako, pero pinigilan ko iyong sarili ko. But I really like it how he seemed to fuzz over whenever he sees me.
"Ayos ka lang?" I asked, biting my lower lip dahil ngayon naman, nagpapanic siya habang pinapasok lahat sa bag niya.
"Ha? Oo, ayos lang ako," sabi niya. Nang malagay niya na sa loob ng bag niya, sinuot niya 'yung backpack niya tapos tinignan ako. "Ayos lang ako," ulit niya.
"Sure ka?" I asked, still stifling my laughter.
Tinignan ako ni Marcus, tapos nilagay niya iyong kamay sa batok niya. "Bakit ka ba kasi nanggugulat?"
"Di naman kita ginulat."
Nilagay niya 'yung kamay niya sa dibdib niya. "Ang bilis ng tibok ng puso ko," sabi niya. Tuluyan na akong natawa dahil kung anu-ano na naman lumalabas sa bibig niya. At dahil sa tawa ko, naka-rinig kami ng sitsit mula sa kabilang aisle ng shelves.
"Sorry na," I said in a much lower tone. "Nagrereview ka ba? Iwan na kita," I said because I didn't want to bother him if he's studying. Alam ko kasi na mahirap iyong degree niya tapos graduating pa siya kagaya ko...
Akmang patalikod na sana ako nang sabihin niya na, "Hindi. Tapos na ko."
I arched a brow. "Sure? Nagbabasa ka pa—"
"Nabasa ko na 'yun. Inuulit ko lang," he said. I just nodded, though it felt like he's lying dahil mukhang seryosong-seryoso siya sa pagbabasa kanina. Ayoko talaga siyang istorbohin kasi sobra na siyang naaabala ni Kitty. One time kasi hinatak siya ni Kitty para sumama sa amin na maglunch. Naka-suot pa si Marcus ng safety goggles nun mula sa lab. Literal na hinatak lang talaga siya ni Kitty.
"San ka pupunta?" he asked.
"Mag-aaral sana dito sa lib kaya lang puno pala, e..." I said. Kaya siguro nasa sahig na si Marcus dahil walang space sa mga table. "Ikaw? San ka?"
Marcus looked at me. Napatitig na naman ako sa kanya. Ang ganda talaga ng skin color niya. Tapos naka-suot lang siya ng white collared shirt, jeans, and dark blue Converse.
"Nasan na 'yung stud mo?" I asked. I had been meaning to ask him this, but I kept on forgetting. Sasagot na sana si Marcus nung maka-rinig na naman kami ng sitsit mula sa kabilang aisle. Grabe, ang sungit!
Without talking, sabay kaming naglakad ni Marcus papalabas. The whole library was filled with students whose faces were buried in their books. Medyo matagal pa pero ramdam na dito iyong finals.
Sabay kaming naglalakad palabas ng lib dahil wala na talagang space dito. Bigla lang kaming napa-tigil nung nag-alarm iyong book alarm system. Sa sobrang lakas, napa-tingin sa amin lahat nung nagrereview.
Nanlalaki iyong mga mata ko. I could feel everyone's eyes on us!
"Fuck," rinig kong mura ni Marcus. He looked at me. "Una ka na," he said.
"Ha? Bakit?"
"Nalagay ko sa bag ko 'yung libro," sabi niya. Hala, oo nga. Basta niya lang pinasok sa bag niya iyong binabasa niyang libro kanina.
"Bakit mo nilagay?" I asked.
He looked at me like he was contemplating, but just said, "Labas ka na. Kakausapin ko lang 'yung librarian."
I bit my lower lip. "Sure ka? Samahan na lang kita..." I said. Ayoko naman na iwan siya kahit na sobrang awkward dahil pinagtitinginan kami. Sobrang lakas naman kasi nung alarm! Akala mo milyones ang presyo ng mga libro dito sa lib.
"No, I'll handle this," seryosong sabi niya kaya wala na akong nagawa kung hindi ang lumabas na. Paglabas ko, naka-silip ako sa glassdoor at kita ko na kinakausap nga niya iyong librarian. I frowned dahil nagtatawanan na silang dalawa, samantalang kapag ako kausap nung librarian na 'yun parang badtrip siya lagi.
While waiting for Marcus, nagreply na si Matt.
From: Matt
Tapos na practice. Ano'ng sasabihin mo?
I stared at his text for a while, thinking about what to reply. Napa-tigil lang ako sa pag-iisip nang marinig ko na bumukas iyong pintuan. I threw my phone inside my bag.
"Ayos na?" I asked.
He nodded. "Nagsorry lang ako," he said.
"Bakit mo ba kasi pinasok sa bag mo?" nag-aalala na sabi ko kasi President pa naman siya ng Student Council kaya syempre kahit papaano may reputation siya na iniingatan.
"Basta..." sabi niya.
I frowned. "Ano nga? Sabay kaya tayo pinagtinginan..."
He looked at me. "Gusto mo talagang malaman?" he asked.
I nodded. "Kaya nga nagtatanong, 'di ba?"
"Natataranta ako kapag nandyan ka. 'Di ako makapag-isip nang tama. Kaya kapag may nasabi akong katangahan, 'wag mo na lang pansinin," sabi niya habang diretso na naka-tingin sa mga mata ko.
Napaawang iyong labi ko. Gusto kong bumitiw sa tingin niya, pero hindi ko magawa. Parang paulit-ulit na naririnig ko iyong bawat salita na lumalabas sa bibig niya.
Paulit-ulit.
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko o kung paano ko puputulin iyong tinginan namin. It felt like I was stuck in a continuum, and there's no escaping it.
"Joey!"
Natigil ang tinginan namin ni Marcus nang may maramdaman akong umakbay sa akin. I turned my head, and saw Matt grinning at Marcus. Napa-pikit ako. God, wala akong energy mangsaway ng mga lalaking nagpapayabangan ngayon.
"Bakit ka nandito?" I asked.
"Di ka agad nagreply. Hinanap na kita," he said, then turned his attention to Marcus again. "Nandito ka na naman?"
Kinurot ko si Matt sa tagiliran niya tapos inalis ko iyong akbay niya sa akin. I looked at Marcus apologetically. "Ah... una na kami?" I said, instead. I didn't want to cause him more trouble. Muntik na nga siya pagkamalan na nagnakaw ng libro dahil sa 'kin tapos aawayin pa siya nila Matt? No way.
I didn't know if it was a look of disappointment, but Marcus just nodded. I bit my lower lip as I watch him get farther and farther from my sight.
"I know mas boto ka kay Psalm, but please 'wag naman ganon, Matt. Ang bastos lang," seryosong sabi ko sa kanya. Kasi kahit 'di nila sa 'kin ginagawa, parang nararamdaman ko kapag niyayabangan nila si Marcus. Tapos iyong isa 'di naman lumalaban. Naiinis ako.
Matt just shrugged. "Ano 'yung sasabihin mo?"
Umiling ako. "Wala."
"Come on, ano nga? Tumakas pa ako sa practice para dito," he said.
I sighed. "Magsosorry lang sana ako 'dun sa huling nasabi ko sa 'yo. I thought I was too harsh with what I said. Gusto ko lang i-clarify..."
Matt nodded. "Gusto mong bumawi?" he asked.
"Ha?"
He grinned. "Championship na bukas. Nood ka?"
I was about to say yes kasi syempre kaibigan ko pa rin naman sila. Of course I'd watch. Kahit ano mang mangyari sa amin ni Psalm, 'di naman madadamay sila Matt doon. I'd try my best para hindi sila madamay.
"That's our last game, Jo," sabi ni Matt na nagpapaawa.
Natawa ako. "Manonood naman talaga ako, but go on, beg."
Natawa din si Matt tapos ginulo iyong buhok ko. Sabay naglakad papunta sa classroom. Habang naglalakad kami, nakita ko na nakaupo sa isang bench si Kia. She was listening to something while reading a book.
"Nasa gym pa si Psalm," Matt suddenly said.
"Di ko naman tinatanong."
"Obvious mo, e," he replied. "Weekly report. Birthday ng Papa ni Kia nung isang araw at invited ang buong GDL, pero 'di pumunta si Psalm."
"So? May nagtatanong ba?"
Tumawa si Matt. "Sobrang halata mo, Joey," sabi niya. Inirapan ko siya. "Alam mo kung bakit 'di pumunta si Psalm?"
I shrugged. "Malay ko? At saka pakielam ko?"
"Sabi kasi namin, kung ano iyong nararamdaman niya kapag nakikita niya si Marcus at ikaw na magkasama, malamang ganoon din 'yung nararamdaman mo kapag nakikita mo sila na magkasama."
"Ang kapal!" sabi ko.
He laughed. "Pero seryoso, 'di na kinakausap ni Psalm si Kia. Minsan na lang kasi ang kulit 'din nun, e."
I glared at him. "Sinabi mo talaga sa kanya na nagseselos ako kay Kia?!" tanong ko dahil nag-init bigla iyong ulo ko kay Matt. Gusto ko ulit siyang kalbuhin kagaya nung hairstyle niya nung first year niya sa basketball team!
"Siya na lang tanungin mo kung sinabi ko nga," Matt said, pointing at my back. Bago pa man ako maka-lingon, narinig ko na iyong boses niya.
"Joey, can we talk?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top