Chapter 30
#ABNQ30 Chapter 30
I didn't let it bother me. I didn't want for it to bother me. I kept on reasoning with myself that it's okay if Psalm's growing closer with Kia... nothing's wrong with it.
At saka wala naman akong karapatan na mainis.
Pero bakit ganito iyong nararamdaman ko?
I was so pissed at myself that I even made up some story para lang hindi ako pumasok sa school. Every day was torture. Iyong nakikita ko silang magkasama. Iyong nakikita ko silang nag-uusap. Iyong nakikita ko silang nagtatawanan.
I even hate it when Psalm's frowning whenever Kia's telling some lame joke.
Hindi ko na talaga maintindihan iyong sarili ko.
"Thought you're going somewhere else?" Jax asked. I sighed. I lay down on the couch, and closed my eyes. I should be all right because everything's happening according to how I wanted things to happen... I asked for this. I begged him for this.
But why did it feel like there's a hollow part inside my chest?
"Are you alright?" he asked when I didn't answer. Sobrang bigat ng pakiramdam ko. Kahit ano'ng pigil ko sa sarili ko, iyon lang ang naiisip ko. Palagi ko silang nakikitang dalawa kapag naka-pikit ako.
"Is it easy to move on?"
Napa-tigil siya sa binabasa niya. "You're so random," he commented. I pulled another pillow, and hugged it tighter. I felt like I needed to comfort myself when it reality, everything's fine.
It should be fine.
This was how I wanted things.
"How do you know if you have already moved on?"
Paano kung naka-move on na si Psalm? Okay lang naman dapat sa 'kin... I rejected him. I asked him to remain as a friend. If he's happy with someone else, I should be happy for him.
I knew I should be, but why was I feeling differently?
"Madali bang mahulog sa iba kapag sinaktan ka nung una?" patuloy na tanong ko kahit alam ko na wala namang sasagot sa tanong ko. Kasi wala naman akong masabihan. Hindi ko masabi kila Matt dahil alam ko na sila iyong nakakita kay Psalm nung sinaktan ko siya. Hindi ko masabi kila Kitty kasi bakit ako ganito?
Why was I contradicting myself when this was exactly what I asked for?
"Oo naman. Kasi bakit ka magpapakatanga sa taong sinaktan ka?"
Napaawang iyong labi ko dahil sa narinig ko.
"Maligo ka na nga. Gala tayo. Nakaka-bagot 'yang mukha mo," narinig kong sabi ni Jax bago niya ako iwan sa sala.
Ilang segundo akong naka-pikit. Paulit-ulit ko na naririnig sa utak ko. Kasi bakit ka nga ba magpapakatanga sa taong sinaktan ka? Kung meron naman na papasayahin ka? Na hindi ka sasaktan?
"Ang tanga lang, Joey," paulit-ulit na bulong ko sa sarili ko. Paulit-ulit na pinapaalala na hindi dapat ako ganito. Na mali itong nararamdaman ko.
Na dapat, bilang kaibigan ni Psalm, masaya ako para sa kanya.
Na kung may iba na siya, dapat masaya ako.
Kasi ito naman 'yung gusto ko. Na maging magkaibigan lang kami.
* * *
I knew Jax was trying his best to cheer me up. Binilhan niya pa nga ako ng frozen yoghurt. Tinatanong niya kung gusto kong manood ng movie, pero wala akong gana. But even then, he didn't force me to speak.
"Wala ka bang pasok?" I asked while we were sitting on a bench inside the mall. Ako kasi, umabsent. I didn't think I had the heart to go to school again.
To hear them talking
To see them laughing.
Iyong mga bagay na hiniling sa akin ni Psalm na 'wag ko nang gawin. Iyong mga bagay na iba na iyong kasama niya.
"I'll ditch," he said.
Napa-tingin ako sa kanya. "Hala. Pumasok ka na. Ayos lang ako dito."
"Okay lang, wala pa naman akong absent," he said, shrugging. Jax didn't even bring any codals with him, to think that that's the staple inside his bag. His sole attention was on me alone. Sobrang lungkot ko ba sa paningin niya?
"Baka matawag ka sa recit niyo," I said. I really didn't want him ditching school just to accompany me. I was a big girl; I could handle a little sadness like this.
"Ayos lang," he said.
"Ayaw mo ng 60 na grade, 'di ba? Sabi mo mahirap hatakin."
"It's always family over acads, Joey," he simply said. Bigla kong nakagat iyong ibabang labi ko. Naramdaman ko na nangilid iyong luha ko dahil sa sinabi niya. "Ano bang gusto mong gawin? Nagtext na ako kay Mama. Nagpa-reserve na ko sa favorite resto mo. Dinner tayo mamaya."
Gusto kong yakapin si Jax, pero pigilan ko iyong sarili ko. Instead, I bumped my shoulders with his. He, then, tousled my hair.
Tipid akong napa-ngiti dahil sa sinabi niya. Umalis sandali si Jax para pumunta sa CR na nasa kabilang dulo pa ng mall. Tahimik akong naiwan habang pinapanood iyong mga taong dumadaan. Iyong iba na may mga kasama habang naka-holding hands pa.
Ang swerte nung mga tao na unang subok pa lang, nakita na nila iyong para sa kanila. Kasi ang hirap nung naka-ilang ulit ka na. Na ilang beses ka ng nasaktan. Kasi kapag dumating na talaga iyong para sa 'yo, sobrang durog ka na.
Biglang sumikip iyong dibdib ko nang makita ko sila. Sila na naman.
I didn't know why I kept my eyes on them, when I knew that it wasn't good for me. That I was just only hurting myself by watching them.
Them.
Meron na palang sila.
Para lang talaga akong tanga.
Tumayo ako. Sinundan ko sila. 'Di ko alam kung bakit ko 'to ginagawa sa sarili ko kahit alam ko naman na walang mabuting madudulot sa akin iyong panonood sa kanilang dalawa. I knew I should keep my distance, but I couldn't stop myself. My feet kept on following them until they stopped in front of a boutique.
I was only a few steps away.
Kung lilingon si Psalm, makikita niya ako.
Pero hindi siya lumingon.
He didn't even look around. He was only looking at her. The way he used to do with me. Na kagaya nung dati na nasa akin lang iyong mata at atensyon niya. Na ngayon, nasa iba na.
Huminga ako nang malalim, at saka pinilit iyong sarili ko na 'wag umiyak. Kasi hindi ko alam kung bakit. Kasi ayokong malaman kung bakit. Kasi natatakot akong malaman kung bakit.
"Please? Ano'ng color ba ng suit mo?" Kia asked.
"I don't know," Psalm said. He was carrying all these paper bags for Kia. Sumikip iyong dibdib ko. Nanuyo iyong lalamunan ko. Kami dapat iyong magkasama. Sinabi niya sa akin na kami iyong magka-partner sa ball. Na dapat sabay kaming bibili ng susuotin kasi dapat terno kami.
Napalitan na agad ako.
"Wala ka pa bang isusuot? Bili ka na lang ngayon," Kia said. She touched Psalm's arm, and it was like a punch in the gut. I hated how I was feeling, yet I couldn't bring myself to go. To run far from here. To save myself from further hurting.
"Just get whatever you want to wear, okay?"
"Paano pag pink 'yung gusto ko?"
He nodded. "Then I'll get a pink bowtie."
Kia grinned. "You'll do that for me?"
"Anything to shut you up."
Kia laughed. "Right."
Sabay silang pumasok sa loob.
Kasabay ng pagtulo ng luha ko.
* * *
I ended up watching a movie alone. I just needed a place where I could cry with no one seeing me. Where no one would question me if I go out with my eyes swollen.
I made a stupid excuse to get out of the dinner. Ayoko na makita ako nila Mama na ganito. Na umiiyak. Na nagpapaka-tanga. Na nagsisisi dahil ang tanga ko.
Bakit kasi ganon? Na kapag nasa iba na at saka mo mare-realize na gusto mo rin pala? Na kapag nakita mong masaya na siya sa iba, at saka mo maiisip na sana ikaw na lang ulit. Na sana kayo na lang.
Gusto ko siyang habulin.
Gusto kong sabihin na nagbago na iyong isip ko.
Pero hindi ko magawa... kasi paano kung masaya na siya? Magiging selfish ba ako kahit na ang sama ko kasi sinaktan ko na siya? Na sarili ko lang 'yung iniisip ko? Na kasi ayoko siyang makita na may kasamang iba? Na gusto ko sa 'kin lang siya?
Para kasing tanga.
Alam ko sa sarili ko na ayoko pa. Na hindi pa ko handa. Pero alam ko rin sa sarili ko na ayoko siyang nakikita na may kasamang iba. Na ginagawa iyong dati sa 'kin niya lang ginagawa.
Kasi paano kapag mas lumalim?
Paano kapag nakalimutan na talaga ako?
Ang daming paano.
Nagulat ako nung paglabas ko, nakita ko si Jax na naghihintay sa akin. Agad niya akong inabutan ng isang roll ng tissue at sunglass. No words came out of his mouth, but his presence was already calming enough.
"Paano mo nalaman na nandito ako?" I asked as I wore the sunglass he gave me. May nakita pa akong pricetag.
"Sinundan kita habang sinusundan mo si Psalm," he said.
I bit my lower lip. I didn't want to cry again. Pagod na ako.
"Gusto mo ba?" he asked.
I nodded, a tear falling from my eye. "Yata. Hindi ko alam. Pero ayoko na nakikita siya na may kasamang iba, Jax... Ang sikip dito," sabi ko sabay hampas sa dibdib ko.
He sighed. "Sinabi mo ba?"
Umiling ako. "Natatakot ako." Natatakot ako na paano kung ako naman iyong ayawan niya? Kaya ko ba? Kaya ko bang pagdaanan iyong ginawa ko sa kanya?
I was scared of my own doing.
I was being haunted by my own ghost.
"Dalawa lang 'yan, Joey. Either you tell him and face the consequences, or keep it to yourself and die a little every time you see him. You decide."
* * *
Kakausapin ko si Psalm. Sasabihin ko sa kanya iyong nararamdaman ko. Ipapaliwanag ko sa kanya kasi kahit ako 'di ko maintindihan kung bakit ako nagkakaganito.
Maaga akong nag-ayos para maka-punta agad ako. Para makausap ko agad siya. Kasi ayoko na na ganito. Parang laging may sumasakal sa dibdib ko tuwing nakikita ko sila, tuwing naiisip ko sila.
I was wearing a black dress, and kept my hair down. I wore a simple necklace and earring. I just wanted to see Psalm. To talk to him. To tell him about how I feel—no matter how complicated my feelings were.
Pagdating ko, agad kong nakita sila Kitty. She was fuming red.
"Ano'ng meron?" I asked. I looked around, but Psalm was nowhere to be found. Wala rin si Kia.
"Long story short, nag-away na naman si Kitty at Kia," Matt said, scratching the back of his head.
I nodded, though my mind really couldn't comprehend what he was saying. My eyes kept on roaming around, but I really couldn't see Psalm. Mabilis akong nagpaalam kay Matt. Naglibot ako para hanapin sila, pero wala sila dito sa loob ng ballroom.
I wanted to call him, but I knew that he wouldn't answer my call. It's not like I didn't try before. I tried calling him, and saw with my own eyes how he waited until the call gets dropped.
It felt like I was dropped, too.
Ganoon pala iyong pakiramdam na wala na siyang pakielam sa 'yo. Na hindi na kagaya ng dati na makita pa lang niya iyong pangalan mo, nagmamadali na siyang sagutin iyong tawag o iyong text mo. Na ngayon, hinihintay niya na lang na matapos iyong tawag.
Ganoon na.
Patuloy ako sa paghahanap sa kanya hanggang sa makita ko siya. Isang tingin pa lang, alam na alam ko na na siya 'yun. Sumikip iyong dibdib ko kasi ganoon ko na siya kakilala. Na ganoon na siya kalapit, pero pinakawalan ko pa.
I walked towards them.
My heart was beating furiously with every step.
"Let's get back in," I heard him say. "Your dad will look for you."
"Ayoko. Galit sa 'kin si Kitty. Ano bang ginawa ko sa kanya, bakit ganon siya sa 'kin?"
His eyes softened.
It hardened the pain inside my chest.
"She's... she's just like that. Let's go back, okay?"
"Ayoko. Bumalik ka na sa loob. Dito na lang ako. Sasabihin niya na naman na bakit ako nandito e hindi naman ako senior. Hindi ko naman pinilit, pinapunta ako ni Papa—"
"I know," Psalm said. "I'll talk to her, okay? Let's not spoil the night."
Kia looked at him. I hated how she looked at him.
"Why does she hate me? Why does everyone hate me?" she asked, tears brimming in her eyes. "I just want to be friends with them. Bakit ayaw nila sa 'kin, Psalm? Am I that much of a bitch na ayaw sa 'kin ng mga babae?"
"You're not a bitch—"
"Can I like you, Psalm? She doesn't like you, right? Can I like you instead?"
Bumilis iyong tibok ng puso ko.
Alam ko na dapat na akong umalis kasi masasaktan lang ako sa kung anuman ang maririnig ko.
Pero ako na tanga, nanatili.
Ako na tanga, naghintay.
Naghintay ako sa isasagot niya kasi ayoko na umalis na iniisip kung ano iyong sinagot niya. Gusto kong marinig mismo sa sarili ko kung ano iyong mangyayari. Kung saan ko ilulugar iyong sarili ko.
He didn't give an answer. He just patted the top of his head, as she smiled at him.
And fuck if it didn't hurt more.
Mabilis akong tumalikod. Naglakad ako papalayo sa kanila. Alam ko dapat ko siyang kausapin, pero paano ko gagawin 'yun pagkatapos ng nangyari? It felt like he already gave me up. Like he's already contented with someone else.
Ganoon ba ako kasama para ipilit iyong sarili ko?
Na pagkatapos ko siyang itulak, hahatakin ko siya pabalik?
Halos hindi ko makita iyong dinadaanan ko sa pagtulo ng luha galing sa mga mata ko. Ang alam ko lang, dapat akong lumayo. Ayoko na makita nila akong umiiyak.
Ayoko na makita niya akong nasasaktan dahil sa sarili kong kagagawan.
I fucking asked for this!
It was my choice to be friends, so why the fuck was I crying because finally, we just friends again?!
Napa-hinto ako dahil hindi na halos ako maka-hinga. Parang sirang plaka na paulit-ulit sa isip ko iyong mga nakita ko kanina. Na magkausap sila. Na magkasama.
Sila.
Silang dalawa na naman.
Mabilis kong kinuha iyong cellphone ko. I needed to call someone to take me away from here. I didn't think I could last through the night. I didn't think I could stand seeing them together right now.
I felt so selfish for wanting him with me.
I shouldn't be like this.
He respected my decision when I told him I didn't want to be with him. Dapat ganoon din ako. Dapat kung saan siya masaya, doon ako.
Dapat.
Puro dapat.
Kahit ang sakit-sakit, dapat hindi ako ganito. I should be stronger than the pain he was making me feel. I shouldn't hurt so badly like this.
I tried calling Jax, but he wasn't answering. My eyes felt tired from all the crying. I couldn't breathe from all the crying. I was so tired. I was so hurt. I didn't know what to do anymore.
And then my phone vibrated.
Marcus Isaiah Nicolas: Don't trust atoms, they make up everything!
Me: I need to talk to someone. Can you come pick me up?
I was just desperate. I needed someone with me. Pakiramdam ko mababaliw na ako sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Napaupo ako sa isang gilid. Pilit kong kinakalma iyong sarili ko, pero sa tuwing ipipikit ko iyong mga mata ko, nakikita ko sila. Para akong tina-traydor ng sarili kong isip dahil kahit nasasaktan na ako, sila pa rin iyong naiisip ko. Kung paano sila mag-usap, kung paano sila tumawa. Kung paano na okay na siya kahit wala ako.
Ang bilis kong palitan.
Tangina, ang sakit talaga.
Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakaupo. Yakap ko na iyong mga binti ko, patuloy lang sa paglabas iyong mga luha. Patuloy lang sa pagta-traydor ang isip.
Bigla akong napatigil nang may maramdaman ako na lalaki na naka-tayo sa harapan ko. I looked up, and saw him. He was wearing a white shirt, and jeans. There was a black stud in his ear.
"What did the scientist say when he found 2 isotopes of helium?" he asked after he crouched down, now looking straight into my eyes. "HeHe," he continued, then smiled a little.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top