Chapter 26
#ABNQ26 Chapter 26
"Lasing ka na yata," I said, dismissing the seriousness in his voice. I didn't like what was happening. I didn't like how he looked at me. I didn't like the uneasiness he was making me feel.
"I'm not drunk," he answered, staring at me like he wanted to know my deepest thoughts. Sinubukan kong tumawa, pero parang nagmukha lang akong tanga dahil sa sobrang seryoso niya.
I waived my hand. "Naku," I said, "Gusto mo bang tubig? Para mawala ng konti tama mo," I continued then started walking towards the ref. Pero bago ko pa man mabuksan iyong ref, naramdaman ko na naman si Psalm na naka-sunod sa 'kin.
Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko.
Bakit ba niya ako tinitignan nang ganyan?!
"Joey," he said. Sa ilang taon na magkakilala kami, ilang beses niya na tinawag iyong pangalan ko. Joey. Pero iyong paraan ng pagtawag niya ngayon, hindi ko alam pero may ibang dating sa akin.
And I didn't like how it was making me feel.
I tried to laugh it off, masking how restless he was making me feel. How perturbed. How unsettled.
"Bakit ang seryoso mo?" sabi ko habang naka-ngiti pa rin. Pero parang kahit ano'ng gawin ko, hindi maalis iyong ka-seryosohan sa mukha niya. Na nagiging dahilan kung bakit palakas nang palakas iyong tibok ng puso ko.
"Why are you dodging my question?" he asked.
"Ano'ng question ba?" I asked, smiling although my chest felt like it was being drilled by the way Psalm was staring at me. This was one of those times that I hated how intense his eyes were. Na isang tingin pa lang, parang kakapusin na ako ng hininga.
"If you really don't want to. If there's really no chance."
Pumikit ako, at saka huminga nang malalim. Wala lang 'to. Baka isa lang 'to sa mga panahon na seryosong bagay iyong pinag-uusapan namin ni Psalm.
Nanginginig iyong kamay ko nang buksan ko iyong ref, at kumuha ng tubig. My hands started to tremble more as I reached for the glass. At hindi rin naka-tulong na sa bawat galaw ko, ramdam ko na nasa akin iyong mga mata niya.
"Chance ba sa ano?"
"Don't play dumb on me," sabi niya.
Humigpit iyong hawak ko sa baso. "Hindi ko nga kasi alam kung ano 'yung gusto mong sagutin ko," matapang na sagot ko sa kanya, pero ni hindi ko nagawang tumingin sa mga mata niya dahil alam ko na isang tingin ko lang 'dun, talo na agad ako.
"Joey," he said, sounding like he's in pain.
Huminga ako nang mas malalim.
"You said you don't want friends."
Oh, fuck.
"S-so?" I managed to ask although every fiber of my being was begging me to run. To just running fucking far away.
"What..." he trailed, making me curse inside my head because fuck! Bakit ba siya ganito?! Bakit ba niya ginagawa 'to?!
Mabilis kong kinuha iyong baso sa counter, and naglakad. Nanginginig iyong buong sistema ko. Para akong tanga na naglalakad. Na sa bawat hakbang ko, nagdadasal ako na sana 'wag niya ng dugtungan iyong sinabi niya.
Ayos naman na ganito.
Bakit kailangang guluhin?
"What if I want to date you?"
Biglang napatigil ako sa paglalakad.
Biglang parang ramdam ko kahit simpleng paghinga niya.
My hands were trembling. I pursed my lips, and took a deep breath. Pasimple kong pinatong iyong baso sa lamesa dahil alam ko na isang salita pa na lumabas sa bibig niya, mababagsak ko na 'yun.
"Lasing ka lang," sabi ko.
"I'm not drunk."
"Baka ako 'yung lasing. Kung anu-ano na 'yung naririnig ko," mabilis kong sabi. Naglakad ulit ako, pero ramdam ko na naka-sunod siya sa 'kin. Hindi ko na alam kung saan ako pupunta para hindi niya ako sundan hanggang sa makarating na ako sa labas.
Walang tao.
Halos alas-dose na.
"Joey," sabi niya na parang hirap na hirap na.
"Sabi ko naman uminom ka ng tubig. Lasing ka na talaga," sabi ko habang patuloy ako sa paglalakad, at patuloy siya sa pagsunod sa akin. Masyado ng gabi. Malamig na rin. Nilalamig na ako dahil cotton shorts at t-shirt lang ang suot ko, pero wala akong magawa. Mas gusto kong lamigin kaysa kung anu-ano iyong marinig ko.
Hindi ko alam kung ano'ng oras na. Wala akong dalang cellphone o relo. Pero alam ko na sobrang tagal na naming naglalakad nang maramdaman ko na sumasakit na iyong mga paa ko.
Hanggang isang segundo, tumigil din ako.
At nandun pa rin siya.
"Ano ba'ng gusto mo?" I asked him. His face was not as red as before, but his eyes were still as piercing. Na sa simpleng tingin pa lang niya, alam ko na dapat na akong kabahan.
Psalm's never the kind of guy who decides rashly.
Dahilan kaya bakit mas mabilis iyong kabog ng dibdib ko.
"Joey, what if I want to date you?"
Ang bilis. Walang pakundangan. Diretso sa mata.
Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko. Gusto ko siyang tawanan at sabihin na lasing lang siya, pero hindi ko magawa dahil sa sobrang seryoso ng itsura niya.
Na parang ang laking kasalanan kapag hindi ko siya sineryoso.
"Ginagago mo ba ko?"
His jaw clenched.
"Are you fucking serious?" balik niya sa 'kin.
"Minumura mo ba ko?!" I seethed. "Ano ba kasing problema mo?! Bakit ka ba nagtatanong ng ganyan?!"
Iyong dibdib ko, parang sasabog na sa dami ng nararamdaman ko. Sabay-sabay. Nakaka-torete.
"Okay naman tayo, ah! Bakit bigla kang humihirit ng ganyan?! Pinagti-tripan mo ba ko?!"
Psalm looked like he was so fucking pissed at me, but so was I! Akala ba niya masaya iyong ginagawa niya sa 'kin?! He's messing with my head, and I didn't like it!
"Who said I was okay?" he asked, his teeth gritting in annoyance. "Do you know how I feel?"
"Hindi, pero—"
"You don't know how I feel, Joey, but I'm telling you now," he said in a calmer tone. "Joey, I—"
Tinakpan ko iyong dalawang tenga ko, at umiling. "Ayoko," I said. "Wag mong sabihin."
Naka-tingin lang si Psalm sa 'kin.
Simpleng tingin.
Pero bakit ramdam na ramdam ko kung gaano siya nasasaktan?
Like as I shook my head, I was crushing his heart.
Kaya tumigil ako. Kasi 'di ko rin kaya na durugin 'yung puso niya.
Tumigil ako, pero naka-tingin lang ako sa kanya. Ilang metro iyong pagitan namin, pero kitang-kita ko kung gaano siya nahihirapan. Ako rin naman. Pareho lang kami.
Ayoko nito.
"Wag."
Isang salita.
Isang salita, pero parang ang sakit.
"Why?" he asked.
Hindi ko alam kung bakit bigla kong naramdaman iyong tubig sa mga mata ko. Naramdaman ko iyong pagbagsak niya, pero diretso pa rin ako na naka-tingin sa kanya.
"Okay naman tayo, 'di ba?"
Umiling siya. "I wasn't."
"Psalm naman..." A lone tear fell. "Masaya naman tayo. Nag-uusap tayo. Okay naman... Bakit mo 'to ginagawa?"
He clenched his jaw, and stared at me coldly. "I told you I wasn't happy."
"Sinungaling. Masaya tayo. Okay naman."
"Joey, how can I be happy when every time I see you, I have to remind myself not to look at you too much because I might forget?"
Umiling ako. "Wag kang ganyan..."
"Joey, do you know how hard it is to wake up and remind myself that I'm just a friend? Every fucking day?"
Umiling ulit ako. "Psalm, alam mo naman 'yung nangyari kay—"
"I know—"
"Then why are you doing this to me?!"
"Because I'm not him, and I won't hurt you!"
Bigla akong natigilan.
Humakbang siya.
Umatras ako.
"Baka hindi mo naman ako gusto. Baka naaawa ka lang sa 'kin kasi nakita mo ako na umiiyak dahil kay Steele."
"Why do you keep on invalidating my feelings, Joey?"
"Kasi magugulo lang lahat!" sigaw ko sa kanya. Biglang nagsimulang tumulo lahat ng luha ko. "Kasi okay naman lahat. Ayokong magulo. Okay naman na magkaibigan tayo, kaya bakit babaguhin?"
"How about what I feel?" he asked.
I stared at him. "How about what I feel?" I asked him back. "Gusto mo ako, sige... pero paano 'yung feelings ko, Psalm? Paano kung ayoko?"
Kasi nangyari na 'to.
Ganito rin dati.
Nagpakatanga na ko dati kay Steele.
Ano'ng nangyari?
"Yung feelings mo lang ba 'yung mahalaga? Dapat ba kapag gusto mo ko, gusto rin kita? Dapat ba tayo na agad? Ganon ba 'yun?"
Sa tagal ko na nakilala si Psalm, ni isang beses hindi ko pa siya nakikita na umiiyak. Pero ngayon, kitang-kita ko kung paano nagsisimulang mamula iyong mga mata niya hanggang sa tumulo iyong luha.
He smirked, then wiped the tear. "Ang sakit mong magsalita."
I smiled at him. "Gusto mo pa rin ba ako?"
Isang minuto. Isang minuto kaming naka-tingin sa isa't-isa, walang sinasabi. Bawat pag-ihip ng hangin, hinihiling ko na sana tapusin niya na 'to.
"I really like you, Joey," he began. "I don't know when it started, but one day, I just woke up thinking about you. I start my day looking forward to see you. I do things trying to think if I'll make you proud," he said. Tear fell again. Mabilis niya 'yung pinunasan. "It's the first time I felt this way, so please don't tell me that it's not real."
Gusto ko siyang lapitan, at punasan iyong luha niya, pero alam ko na wala na akong karapatan.
"I've thought about this a million of times. If I'll confess... because I know that there's a possibility that you'd say no," he said. Pinunasan niya na naman iyong luha niya. Na parang pabilis nang pabilis iyong pagbagsak.
"And you said no."
He scoffed, and looked at the sky.
"Fuck. Ang sakit pala."
He wiped the tears that fell.
He looked at me again. Parang may tumutusok sa dibdib ko dahil sa tingin niya.
"Well, at least I tried," he said.
"Psalm... I'm sorry."
Umiling siya. "You're right. Just because I like you doesn't mean you should like me, too."
"Ayoko lang maulit 'yung nangyari kay Steele..."
He looked at me. "It sucks that you think I'll treat you the way he did. After everything, Joey? Ganon ba 'yung tingin mo sa 'kin?" tanong niya. Na sa bawat salita na lumalabas sa bibig niya, para akong sinasaksak.
Pero hindi na ako nagkaroon ng pagkakataon na sumagot dahil humakbang paatras si Psalm.
"Three months, Joey. After that, you don't have to look at my face again, and feel sorry because you can't like me."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top