Chapter 25
#ABNQ25 Chapter 25
Nung kinagabihan, sa bahay namin nagdinner iyong mga kaibigan ko. Lakas naman kasi ng topak ni Psalm para bilhan kami ng grocery ayan tuloy, nahiya si Mama kaya pinapunta agad dito sila Matt—not that they're complaining. Sila Matt pa ba? Basta free food, okay agad!
"Ano'ng meron?" Matt asked pagdating nila. Si Kitty, kausap si Simon. Si Anj, may ka-text. Nawawala si Steele.
I shrugged. "Basta invite ko raw kayo," I just said. Ayoko na ikwento sa kanila iyong dahilan kung bakit sila nandito. "Si Steele?" I asked dahil akala ko kumpleto sila. Si Psalm kasi nasa loob kausap si Papa.
"Sasakyan," Matt simply said. "Nahihiya ata pumasok."
Kumunot ang noo ko. "Ha? Bakit?"
"Syempre, ginago ka. May hiya naman pala 'yun kaya ayaw pumasok," sabi ni Matt tapos tumawa. Sinamaan ko nga ng tingin. Siya talaga 'yung tipo na unang natatawa kapag problemado iyong kaibigan niya. Siraulo din talaga.
"Baliw," I uttered. "Puntahan mo. Sabihin mo pasok na siya."
"Ikaw na," he replied.
"Ikaw na," I shot back. Umiling siya. "Bilis na kasi."
"Ayaw nga kasing pumasok. Ikaw na lang pumilit kung gusto mo," he said before finally leaving me. Pumasok na sila sa loob tapos ako naman, napilitan na lumabas para ayain si Steele na pumasok sa loob. Paglabas ko, nakita ko siya na nakatayo lang sa labas ng sasakyan.
"Uy," I called. He looked at me. I smiled awkwardly. Okay naman na kami. Medyo nag-uusap na, pero hindi pa rin kagaya nung dati na close kami. Ngayon, sobrang nakakailang lalo na kapag ganito na kaming dalawa lang. 'Di katulad ng dati na umaabot kami ng madaling araw na kung anu-ano lang 'yung pinag-uusapan namin.
Hirap pala talaga kapag naging kayo ng kaibigan mo. Tapos naghiwalay. Sobrang nakakahinayang sa pinagsamahan. Kasi kahit ano'ng gawin niyo, ramdam niyo na may nagbago.
"Pasok ka na sa loob," I said. Steele was still just looking at me. I chewed on my lower lip, thinking of what I'd say wouldn't make things awkward. "Uhh... 'Di naman alam ng family ko 'yung sa 'tin," I said, hoping that that's what he needed to hear. Kung totoo nga iyong sinasabi ni Matt na kaya ayaw pumasok ni Steele sa loob e kasi nahihiya siya sa family ko, wala naman dapat kasi 'di rin naman alam nila Mama.
So, I stood there, hands inside my pocket, waiting for him to say something.
"Joey," he finally said after a few silent seconds.
I looked at him, not saying anything.
"I'm sorry."
Medyo umawang iyong labi ko.
"I won't bother explaining because I feel like nothing I say would change the fact that I was an ass to you, but let me apologize."
Naka-tingin ako sa kanya. Steele looked really serious. Like he really meant every word he'd say.
"I don't know if saying that I'm sorry will change anything, but I'm sorry."
Unti-unting nagkaroon ng ngiti sa labi ko. "Sorry mo lang naman hinihintay ko," I said. Bahagyang umawang iyong labi niya. "Ang hirap din kasi magpatawad sa tao na 'di naman humihingi ng tawad, alam mo 'yun?" I asked, and then guilt quickly washed over his face. I knew he was sorry, ramdam ko naman. Pero iba pa rin iyong sa bibig niya mismo narinig ko na sorry siya sa ginawa niya, sa nangyari.
"Pero okay na ako ngayon. Masaya ka na rin," I continued. "Okay na."
We stayed there, staring at each other. Tinignan ko siya, pero hindi na kagaya nung dati. Na simpleng tingin niya pa lang, kinikilig na ako. Na isipin ko pa lang siya, parang sasabog na ako.
Ngayon? Wala na.
"I'm sorry, Joey."
I smiled. "Sorry din if ilang beses kitang nasampal at nasigawan," nahihiyang sabi ko. "But 'wag na nating balikan. Tara na sa loob, baka inuubos na nila Matt 'yung pagkain," I said, smiling at him.
Steele was still hesitant to go inside, but I finally managed to convince him. Sabay kaming naglakad, pero may pagitan sa gitna namin. 'Di ko alam kung dahil ba aware kami na may past kami, or respeto lang kay Andrea. Either way, it's still way better than pretending that he doesn't exist.
Pagdating namin sa loob, napatingin silang lahat sa aming dalawa ni Steele.
"What?" I asked because it was so awkward that they were all staring. It felt like they all wanted to ask questions, but they couldn't find the right words. "Wag nga kayong tumitig," I said, waving my hand.
Naupo ako sa tabi ni Kitty. Si Steele naman, naupo sa tabi ni Simon.
"What happened?" Kitty whispered.
I shrugged. "Nag-usap lang kami."
"Tungkol sa?"
"Bagay-bagay," sabi ko na lang. Kaibigan ko si Kitty, but what Steele and I talked about felt personal. Ayokong sabihin sa iba. Okay na ako na nag-usap kami. Ayoko na ikwento.
After that, tinawag na kami ni Manang para sabihin na ready na iyong dinner. Pagdating namin sa dining area, kanya-kanya na kaming upo. Napa-ngiti na lang ako dahil sa dami ng beses na dito na sila kumain, talagang feel at home na mga kaibigan ko.
We said grace first before eating. Tahimik lang akong kumakain, nakikinig sa usapan nila. My parents were asking them questions—si Mama kapag mga seryosong bagay. Si Papa naman iyong nagtatanong nung mga light questions lang. Kahit sobrang baliktad ni Papa at Mama, somehow, sobrang perfect nila together.
"What are your plans after college?" Mama asked.
Muntik na mabulunan iyong mga lalaki dahil truth be told, wala talaga silang plano. Basketball is life 'yung mga 'yun, e.
"Maybe I'll take up masterals po or baka maglaw din ako," Kitty said. Agad na napa-tingin si Jax nung marinig 'yun. Sus, may kinilig na naman na kuting.
Mama nodded in approval. Si Papa naman, tungkol sa lovelife ang tinanong.
"Wala pa rin?" natatawang tanong nila Papa kila Matt. "Ang hihina niyo naman."
"Grabe naman, Tito! Ouch!" Matt said, faking a hurt.
"Aba'y nung ka-edad niyo ako e nabuo na namin si Jax," tatawa-tawang sabi ni Papa. Nilakihan siya ng mata ni Mama.
The guys laughed.
"E, Tito, kung pagbuo lang, madali lang 'yun," Matt said. Muntik na akong mabulunan sa sinabi niya. Baliw talaga!
"E bakit nga wala pa kayong mga girlfriend? 'Di naman kayo panget," sabi ni Papa. Grabe. Kung ano kina-seryoso ng nanay ko, 'to namang si Papa nakiki-bagets sa mga tanong.
"E wala pa talaga, Tito," Matt said. "Pero si Steele, under de saya na 'yan. Si Psalm... tsk, 'wag na nating pag-usapan, Tito, at medyo sensitive pa."
Papa laughed. "Nako. Basted ba?"
"Ayun nga, Tito, 'di pa nagsisimula, sinuko na agad," sabi na naman ni Matt. Akala niya 'di ko napapansin na pangatlong serving na ng rice iyong nasa plato niya. Dapat pala pinabili ko na rin si Psalm ng isang sako ng bigas.
"Aba'y mahina naman pala," kumento ni Papa.
Tinukso si Psalm sa table hanggang sa matapos iyong kainan. After that, dumiretso sa garden iyong mga lalaki. Iinom yata, ewan. Okay lang naman kila Mama na uminom kami ni Jax, basta in moderation lang daw sa lahat ng bagay. Ayaw naman nila kaming pagbawalan kasi baka mas lalo lang daw kaming ma-curious.
Kaming mga babae, nagvolunteer na tulungan sila Manang na magligpit ng pinagkainan. May dessert din kasi na cake na inuwi si Mama, so hinati namin 'yun.
"Sino 'yung sinasabi nila na kay Psalm?" I asked while Kitty was busy slicing the cake. Perfectionist kasi 'yun kaya gusto niya proportionate 'yung hati ng bawat part.
Anj shrugged. Kitty winked.
Grabe, sobrang informative nilang dalawa.
Nauna kong ihatid iyong cake sa labas dahil inaayos pa nila Kitty iyong chips and cheese dip. Paglabas ko, narinig ko na nag-uusap iyong mga lalaki.
"Pa-graduate na tayo. 'Di ka talaga gagalaw?" Matt asked.
"Torpe 'yan, e," Simon said, then sipped on his beer.
"Grabe, wala ka man lang bang namanang galaw kay Saint? Naunahan ka pa nung kapatid mo sa crush niya," Matt said, shaking his head in disapproval.
"That's different," Psalm said. His voice was serious. Ibang-iba sa kapag kausap niya ako. Alam ko minsan seryoso din kaming mag-usap, pero iba iyong ngayon.
Parang mas seryoso.
Mas malalim.
"Ano'ng pinagkaiba? Pareho lang 'yun. Sabihin mo, mahina ka lang, 'tol," Matt said.
"It's different," he repeated. "I don't want to force myself."
"Force agad? 'Di pwede na sabihin mo muna kung ano nararamdaman mo?"
Psalm shook his head, then grabbed a bottle of beer. Uminom siya. Nangawit na ako dahil ang bigat nung tray na hawak ko.
"What if she doesn't like me? What if she likes someone else? What if telling her completely change everything?" sabi ni Psalm na akala mo problemadong-problemado. "It's just complicated, alright?"
Napailing si Matt. Si Simon, tinapik siya sa balikat. Si Steele, may ka-text.
"So, okay lang sa 'yo na friends na lang?" Matt asked... but Psalm didn't respond.
* * *
I ended up waiting for a minute bago ako lumabas para dalhin iyong cake. They were all looking at me weirdly nung binababa ko sa table iyong cake.
"Ano?" tanong ko dahil naka-tingin sila sa akin.
"Kamusta 'yung Marcus, Jo?" Matt asked.
Kinunutan ko ng noo. "Bakit nasali na naman si Marcus sa usapan?"
Matt shrugged. "Curious lang. Kamusta si Marcus?"
"Okay lang..."
"Nililigawan ka?"
"Hindi."
"Pag niligawan ka, okay lang sa 'yo?"
"Ang weird ng mga tanong mo," sabi ko sa kanya. Tinignan ko iyong mga bote. Ang dami na pala nilang nainom na beer. Mukhang sa guest room bagsak ng mga 'to, ah. 'Di papayagan ni Mama na umuwi kapag gantong naka-inom na, e.
"Sagot na lang, Jo," Matt urged.
I sighed. "Di muna siguro," I replied. "No offense kay Steele, pero time out muna ko sa mga ganyan. 'Di naman ako nagmamadali. Pero kung dadating, e 'di okay."
I looked at them, but they seemed disappointed with my answer. Ano ba gusto nilang sabihin ko? Na magpapaligaw ako kay Marcus? I mean, the idea of Marcus was actually tempting. Matalino. Chemical Engineering Student. Student Council President. Swimmer. Ayun na, e.
But still.
"Pero 'di nga kasi siya nanliligaw, so wala ring kwenta 'yung tanong niyo," I said for the sake of clarifying things. "Okay na ba?"
Akala ko wala na silang sasabihin, pero humabol pa si Matt.
"So, hypothetical question, if may gustong manligaw sa 'yo, basted agad?"
I rolled my eyes. Nasaan ba sila Kitty at ng may ibang mapagtripan mga 'to?
"Ayoko," iyon lang ang sinabi ko, tapos iniwan ko na sila.
* * *
'Di na muna ako lumabas after ko i-deliver iyong cake dahil medyo na-weirduhan talaga ako sa mga tanong nila. Nagstay kami nila Kitty sa loob tapos nanood ng episodes ng FRIENDS habang kumakain ng popcorn. Pero ang totoo, inuupdate ko lang si Kitty tungkol kay Jax.
"Di ba tayo lalabas?" Kitty asked after she was done interrogating me about my brother.
Anj nodded. "Para makausap din natin iyong mga guys."
Kitty nodded, too. "Oo nga. Puro sila Kia nitong mga nakaraang araw, e. It's our turn to shine," she said with a devious laugh. Napailing ako. Mabilis na tumayo silang dalawa, at dumiretso sa garden. Sinabi ko na magccr muna ako.
Paglabas ko sa CR, naka-salubong ko si Psalm.
"Lasing ka na?" I asked, laughing dahil sobrang pula niya na. Beer lang kasi iyong iniinom nila kanina, tapos bigla ba naman silang inabutan ni Papa ng Bacardi and Cuervo! Grabe, sobrang supportive talaga nun.
My laughter was cut short when I noticed that Psalm was just looking at me. Suddenly, I felt tensed.
"Bakit?" sabi ko kasi medyo naiilang na ako sa titig niya.
"Ayaw mo talaga?" he asked.
"Lasing ka na ba?"
"Just answer the question, Joey," he said in a tone that sounded like he's in pain.
I tried to laugh to ease away the tension, but Psalm looked so... serious. That it hurt to even just look at him.
"Ano ba 'yung tanong mo?" balik ko sa kanya.
"If you really don't want to. If there's really no chance."
"Importante ba 'yung sagot ko?"
He looked at me. He nodded.
"Bakit?" tanong ko.
"Because your answer will determine what I'd do next."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top