Chapter 23
#ABNQ23 Chapter 23
"Joey naman!" Kitty almost stomped her foot like a kid. Kanina pa niya ako pinipilit na tumambay sa cafeteria, but I chose to stay in the library. One, sumasama lang iyong loob ko sa caf tuwing nag-aaway si Kitty at Kia. Pangalawa, ayokong maipit sa gitna.
"Wala ako sa mood mainis, Kitty," I said. Nasa library ako, and sa sobrang inis niya, wala na siyang pakielam kung mapagalitan siya ng librarian dahil sa ginagawa niya.
"But we need your help!"
Natawa ako ng sandali. "Saan? Para irapan si Kia?"
She nodded. "Precisely!"
Inayos ko iyong libro ko. "Alam mo, sa totoo lang, wala namang ginagawang masama si Kia—"
"Wala?! Na-brainwash niya na iyong boys! Nakita mo ba si Matt at Simon?! Kulang na lang latagan ng red carpet iyong dadaaanan nung mang-aagaw na 'yun!"
Natawa ulit ako. "Exactly. Sa mata nila Matt, walang ginagawa si Kia... habang tayo... well, tayo iyong kontrabida. Tayo iyong bitches na nang-aaway sa walang kamalay-malay na si Kia," I pointed out. Her nostrils flared because of what I said. Pero totoo naman. Iyon iyong nangyayari. Sa ginagawa ni Kitty, kami iyong nagmumukhang masama at immature kila Matt.
"You're right," Kitty replied after pondering upon what I said. "Sige, iwan na muna kita. Mag-iisip ako ng plano," sabi niya. Napailing na lang ako. Mukhang na-misinterpret pa yata niya iyong sinabi ko.
After a while, bumalik na ako sa classroom. Agad na naabutan ko si Psalm sa classroom. Kausap niya si Kia. Which was weird dahil hindi naman namin ka-year si Kia. In fact, junior pa lang siya.
"Joey," Psalm said upon seeing me.
I smiled, but put my bag on the seat next to Kitty. Kami talaga ni Psalm iyong magkatabi, but seeing that someone's occupying my place, marunong naman ako magbigay. Besides, wala akong plano maki-agaw.
Kinuha ko iyong Physics book sa bag ko. Nagtaka ako nung nasa tabi ko na si Psalm after.
"Bakit ka nandito?" I asked.
"Tuloy mamaya?" he simply asked.
Kumunot iyong noo ko. Bahagyang napaawang iyong labi. "Ah... Tuloy pa ba 'yun?" tanong ko. He was seriously busy the past few days. Sasamahan si Kia sa ganito, sasamahan si Kia sa ganyan. I just thought hindi niya na ako sasamahan sa pagpunta doon sa gusto kong review center dahil sa dami ng Kia-related activities niya.
His forehead creased, too. "Yeah... you planned it," he pointed out.
I shrugged. "I thought cancelled na. Busy mo masyado, e."
Naka-tingin siya sa 'kin. "Are you mad, too?"
"Ha? Bakit naman ako magagalit?"
"Kitty's mad because of Kia. Galit ka rin ba?"
Natawa ako habang umiiling. "Hindi, ah. Bakit naman ako magagalit na busy kayo kay Kia? Na tipong pa-graduate na lang tayo, instead na magbonding, iba iyong bina-bond niyo," sabi ko habang naka-ngiti sa kanya. "Buhay niyo 'yan, e. Ano'ng magagawa ko?"
Psalm looked lost for a moment, but an expression of amazement quickly replaced it. "Hindi ka galit niyan?" medyo natatawa niyang sabi.
Inirapan ko siya. "Bumalik ka na nga 'dun sa boss mo," sabi ko, medyo tinutulak siya dahil naaalibadbaran ako sa itsura niya bigla.
I was seriously trying to push him away, but he wasn't budging. He was even laughing! Walangyang 'to! Hirap na hirap na akong itulak siya, pero siya parang joke lang 'tong ginagawa ko!
Para kaming dalawa na nagtutulakan hanggang sa dumating na iyong professor namin.
"Don't hide from me later," he said, standing up.
Inirapan ko siya. "Ako na lang mag-isa."
He laughed. 'Di talaga ako sini-seryoso nito! "Later, Joey," sabi niya bago bumalik sa upuan niya. At saka ko lang napansin na wala na si White Lady. Tignan mo 'yun, napaka-weird! Nakiki-classroom lang! Bakit ba hindi siya kay Austin dumikit e iyon ang ka-year niya?!
Nung bumalik na si Psalm sa pwesto niya, naupo si Kitty sa tabi ko. "Ano'ng sabi ni Psalm? Nagsorry ba?" she asked.
"Bakit magsosorry?" tanong ko na nagtataka.
Kitty rolled her eyes. "Tsk. Ako lang ba talaga naiinis kay Kia mang-aagaw?" she murmured to herself before we began to listen to our professor. After all, we're still students.
Nang matapos iyong klase namin, nagkita kaming friends sa labas ng classroom. Matt and Simon looked at Kitty weirdly dahil itong baliw na si Kitty, naka-ngiti. But not the usual kind of smile. Iyong smile na alam mong pilit.
"Ano'ng nakain mo?" nagtataka na tanong ni Matt sa kanya.
Kitty was still smiling weirdly. "Nothing," she innocently said, but there's really a trace of malice in her smile. Iyong parang may gagawing mali? "Aalis ba kayo?"
Matt nodded. "Yeah... pero kung mag-aaway kayo—"
Kitty widened her eyes even more, trying to look innocent. Mas lalong kumunot iyong noo ko. "Hindi kaya ako nang-aaway... Sorry kung medyo moody ako nitong mga nakaraang araw... Nag-away kasi sila Mama..." she said, then began to tell stories about her parents. Itong si Matt at Simon naman, agad na inalo si Kitty.
Baliw na babae! Kakagaling ko lang sa bahay nila nung isang araw kasi nag-aalala ako sa kanya dahil parang anytime aatakihin na siya sa sobrang inis kay Kia, e! Okay naman parents niya. Baliw talaga! Ito yata iyong sinasabi niyang 'plano' niya.
At the end of Kitty's story, Matt and Simon were patting her head. Sabay silang naglakad palabas ng building. Hawak ni Matt iyong bag ni Kitty, while Simon was holding her books. That girl.
"What did just happen?" Anj asked after the three left.
Steele laughed. "Kitty happened," he said. Tumingin siya kay Psalm. "Tuloy kayo?" he asked.
Psalm nodded, then looked at me. He was just looking at me, not saying anything. Nailang ako bigla kasi naka-tingin sa akin si Psalm, Steele, and Anj. Iyong tatlong tao pa na nagka-issue ako! Grabe, nakaka-pressure na naka-tingin sila sa 'kin!
"Oo na!" sabi ko kay Psalm. He was grinning wildly. Baliw din 'to, e! Parang ang saya niya na kasama ako, e siya naman dahilan kaya 'di kami nag-uusap nitong mga nakaraang araw kasi puro siya Kia. Kulang na nga lang lagyan ko ng malaking Kia iyong gitna ng noo niya, e.
"Una na ko," Steele said. He looked at me, then smiled a little. "Alis na ko, Jo."
I smiled a little, too. "Ah... sige."
Nang umalis si Steele, mabilis na nagpaalam din si Anj—na parang ayaw niyang maiwan kasama kami ni Psalm.
"That was weird," I commented nang makaalis na talaga sila sa paningin namin. I was still staring at the direction they disappeared to, when I heard Psalm talking.
"Because of Steele?" he asked.
Agad akong napa-tingin sa kanya. "Steele? Bakit?"
"Because he's your ex?" he asked again. While he was saying the words, seryoso siyang naka-tingin sa mga mata ko kaya naman nakaramdam ako ng konting awkwardness. Bakit ba topic na naman namin si Steele? 'Di na nawala sa uso!
"Ex na nga. Past na. Move forward na tayo," I said. We began walking towards the stairs. 'Di kasi kami mahilig mag-elevator unless sobrang nagmamadali. Una, nakakatakot kapag biglang nawalan ng power tapos na-stuck kami sa elevator. Nangyari na kasi dati, though hindi naman kami iyong na-stuck. Being safe lang. Besides, healthy maghagdan. Exercise na rin.
"At saka masaya naman siya with Andrea, so I'm happy for him," I continued.
Psalm nodded, but he didn't seem convinced with my answer. 'Di ko na pinilit kasi hindi ko naman siya mapipilit na maniwala sa akin kung ayaw niya, e. That's what I learned the hard way about people. Kahit magmakaawa ka pa sa kanila, if ayaw nilang maniwala, wala kang magagawa. Sometimes, they're already contented with whatever story they already formed inside their heads.
Pagdating namin sa baba, dumiretso na kami sa parking since sa sasakyan ni Psalm kami sasakay. After wearing my seatbelt, Psalm asked for the address of the review center. Sinabi ko tapos nilagay niya sa GPS niya.
Habang papalabas na kami ng gate ng school, naghanap ako ng tissue sa dashboard ni Psalm. Dahil wala doon, binuksan ko iyong glove compartment. Agad na kumunot iyong noo ko nung may makita ako na Cartier bangle.
"Kay Ate Maggie?" I asked. I didn't want to assume na kay White Lady itong bangle.
Psalm turned a little to look at what I was holding. He fucking swerved! Muntik na kaming mabangga sa gate!
I frowned, tapos binalik ko iyong bangle sa compartment. Yaman ni White Lady! Nag-iiwan na lang ng Cartier na bangle sa glove compartment ng ibang tao! Siya na talaga!
"She probably just left it," he said.
"Okay."
"I'll return it immediately," he continued.
"Okay."
"Joey..."
"Oh?"
"Are you mad?"
"Bakit ako magagalit? Ano naman kung nag-iwan siya ng bangle dito sa sasakyan mo?" sabi ko. Doon lang ako naka-tingin sa labas. Binibilang ko iyong mga sasakyan na nalalagpasan kami dahil sa kabagalan magdrive ni Psalm dahil naka-tingin siya sa akin. Kapag talaga kami nabangga, makikipagmultuhan ako sa White Lady na 'yun!
"I didn't even know she left it here."
"Bakit ka nag-eexplain?" naka-taas ang kilay na tanong ko kahit 'di naman niya nakikita. Ugh! Nahahawa na ako sa kamalditahan ni Kitty! Dapat ba kwentuhan ko na rin si Psalm tungkol sa problema ko sa bahay?
"Right," Psalm uttered under his breath. Hindi na siya nagsalita pagkatapos nun, which annoyed me even more! At talagang 'di na nag-explain!
Tahimik na lang ako na nanood sa mga nangyayari sa kalsada. Nawala lang ako sa focus sa panonood nung sabihin ng GPS na nag-iba na kami ng way.
"Saan tayo pupunta?" I asked kasi 'di na talaga ito iyong daan papunta sa review center. But Psalm, the annoying broccoli, didn't answer me! At siya pa talaga may ganang magalit!
I was killing him with my glares nang mapansin ko na sa bahay nila kami papunta. Great! Bwisit na nga ako kay Psalm, mukhang makikita ko pa iyong mga taksil na bibe! Napapaligiran na talaga ako ng mga nilalang na nabiktima ng White Lady!
Kakasabi ko lang kay Kitty na 'wag mang-badmouth kay Kia kasi sa amin lang babalik, but what was I doing?! Bakit ang daling magpayo sa iba, pero ang hirap gawin sa sarili?!
"Magpapa-sundo na ba ako kay Manong?" I asked him when we pulled over. "Ang sungit!" I shouted nung iwan ako sa sasakyan. 'Di niya naman ako narinig kasi lumabas na siya.
Lumabas na rin ako sa sasakyan. Pumasok si Psalm sa loob ng bahay nila, but not a minute later, lumabas na rin siya. Naka-kunot lang ang noo ko dahil 'di ko na gets kung ano ang nangyayari.
My forehead creased when he clicked the key fob, and a black Everest roared. "Let's go," Psalm said, opening the door to the driver's seat. Pumasok na siya sa loob nun habang ako, naiwan pa rin sa labas na nagtataka. Did we really go here para magpalit siya ng sasakyan? Nasiraan ba iyong Range Rover niya ng 'di ko namamalayan? Kaya ba kami nagswerve kanina?
"Nasira ba iyong sasakyan kanina?" I asked, still weirded out.
Psalm wore his seatbelt. The car was brand new. May plastic pa nga iyong salamin. Amoy brand new din. At nung sinilip ko iyong sa side niya, ni wala pang ten kilometers tinatakbo nito! Bago nga.
"No," he simply replied. He already revved the engine, at palabas na ulit kami ng bahay nila.
"E bakit ka nagpalit ng sasakyan?"
"Because I don't want to hear you nag about some girl leaving something in my car," sabi niya kaya biglang umawang iyong labi ko. "This car's brand new. No one left anything here. Ikaw pa lang nakaka-sakay na babae," seryosong sabi niya kaya mas lalong umawang ang labi ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top