Chapter 15
#ABNQ15 Chapter 15
Ilang beses kong kinurap iyong mata ko.
Once.
Twice.
Thrice.
Inisip ko kung nasobrahan lang ba ako sa pagod dahil sa ginawa ko buong linggo, but no matter how I tried to argue with myself that my mind was just playing tricks on me, hindi naman nababago iyong nakikita ko.
What the actual fuck?!
Seryoso ba?!
"He's just drunk," Matt said, as if it would excuse Psalm's behavior.
Tahimik lang akong naka-tingin sa baba habang nangyayari ang lahat. Huminga ako nang malalim at saka tumango. "Ah..." I said. "Ganito ba nangyayari tuwing puma-party kayo?" I asked.
"Hindi," mabilis niyang sagot. "He's just really drunk this time. 'Di naman 'yan ganyan palagi."
I would have believed him, had I not seen how... wow. Hindi ko alam na ganito pala ka-wild kapag nalasing si Psalm! I had heard stories, sure, pero never kong na-visualize kasi okay naman siya kapag kasama ko. Totoo nga palang party boy si Psalm... totoo nga pala na if there's smoke, there's fire.
Tumango ulit ako, at saka humarap na kay Matt. "Si Kitty?" tanong ko. Kahit medyo madilim sa club, hindi naka-takas sa akin iyong itsura ni Matt. "Bakit ganyan itsura mo?" I asked, laughing a little because it felt like the aura had gone too heavy. "Ayos ka lang?"
"Jo..." sabi niya sa pangalan ko.
"Oh?" sagot ko naman. "Ayos ka lang ba?"
Mukhang magsasalita na si Matt, but decided against it. Instead, he smiled—but not his usual cheeky grin. "Wala," sabi niya. "Tara, hanapin natin si Kitty." Inalalayan ako ni Matt since medyo maraming tao sa party. Not totally unexpected since sobrang dami talagang kaibigan ni Psalm sa school.
Wala si Kitty sa lounge sa second floor kaya napilitan kaming umakyat pa sa taas. There, we saw her sitting by herself.
"Mag-isa ka lang?" I asked, and she nodded. "Sorry, medyo na-late ako," sabi ko pagkaupo ko sa tabi niya.
"Okay lang," she replied. "Okay na si Jax?"
Tumango ako. "Medyo, pero baka sa Sunday na makapagpahinga talaga kasi may exam pa ulit bukas 'yun, e," paliwanag ko. Kitty just nodded, but I knew that she was really worried. Minsan, nagtataka ako kung bakit parang sobrang attached and affected niya kay Jax, e minsan lang naman sila nakakapag-usap... ang weird, no? Kahit hindi mo kakilala masyado, ang daling magustuhan. Pag iyon na, iyon na.
Baka totoo nga.
A heart wants what it wants.
After that, we just talked about things not related to school. Nag-usap kami about our plans after graduation, and even made a silly promise to see each other at least once a week.
"I wanna graduate already, but also I wanna stay in school..." malungkot na sabi niya. "Wag mo kong kakalimutan kahit may bagong friends ka na, ha?"
Natawa ako. "Baliw. Of course, hindi. At saka future sister-in-law kaya kita," I said, causing her to blush too hard kahit na medyo madilim dito sa club.
"Uhm... Nag-usap na ulit kayo ni Marcus?" she asked.
"Hindi," sabi ko. I bit my tongue to stop myself from asking further. Ayoko kasi. Tama na iyong joke-connection naming dalawa. Also, I didn't see the sense since malapit na akong grumaduate. Three months halos na lang. I just didn't want a connection that would get severed soon. Hassle lang.
She nodded. "Ah... bakit? Okay naman siya, ah?"
I eyed her. "You promised na wala kang sasabihin na kahit ano related sa kanya."
She laughed. "I'm not saying anything! Curious lang ako about the progress..." she sheepishly said. "He's a really nice guy, Jo. You should give him a shot."
"Wala naman nga kasi," I said. "Puro jokes lang. 'Di naman kami nag-uusap talaga."
"Kaya nga. Try mo kayang replyan? May sense kausap 'yun," she said na parang campaign manager siya ni Marcus. "At saka masipag, and thoughtful, and maraming pangarap sa buhay."
"What?" natatawa kong sabi. "Crush mo?"
Umiling siya. "Alam mo naman na loyal ako sa kapatid mo," she said with conviction. "But nung nalaman ko na kakilala mo si Marcus, bigla kong na-realize na bagay nga kayo! Promise!" sabi niya na tinaas pa iyong isang kamay. "Promise to tell me kapag nag-usap na kayo, ha? Iyong for real?"
I just nodded para matahimik siya. Nagpatuloy kami sa pag-uusap. Natigil lang kami nung may nagsabi sa mic na 10 mins to midnight na. Tumayo kami ni Kitty sa gilid ng ledge, and nakita namin na may nilabas na cake iyong basketball team na may maliit na figurine na kamukha ni Psalm.
"Baba tayo?" I asked.
Kitty looked up. "Daming tao, e," she said. And true enough, sobrang daming tao nga sa baba kaya wala ring sense if bababa kami. Nagstay na lang kaming dalawa mula sa third floor habang nagsimulang magpatugtog iyong DJ ng kanta. We sang along, and laughed when Psalm had the trouble in blowing the candle.
"He's so fucking drunk," I commented dahil muntik na siyang masubsob sa cake.
Kitty nodded. "Yeah, and who's fault is that?" she said, smiling.
"Aba, malay ko," sagot ko.
Pagkatapos mahipan ni Psalm iyong candle sa cake niya, bumalik na sa pagpaparty iyong mga tao. Pinapanood ko iyong bawat galaw ni Psalm. He got his phone from his pocket, and stared at it for a second before sighing. Birthday na birthday e ang lungkot ng isang 'to.
"May pagkain ba dito?" I asked Kitty. Coffee lang kasi iyong nainom ko sa coffee shop habang hinihintay si Jax sa school kanina. Hindi na rin ako nakakain sa bahay kasi nagmamadali na rin ako kasi alam ko na late na ako.
"Wala dito, try mo outside may mga resto naman," she said.
I nodded. "Okay. May papabili ka ba?" I asked, and she shook her head.
Lumabas na ako in search of a real food. Wala naman kasing pagkain dito sa club maliban sa pica-pica. I needed real, greasy food dahil feel ko deserve ko naman after all the shit I went through this week! Hirap talagang mag-exam!
Habang naglalakad ako pababa, bigla akong napa-hinto dahil nakita ko si Psalm at Kath na naglalakad... or sinusundan ni Kath si Psalm? Hindi ko alam.
Bigla akong napapapasok sa fire escape kasi ewan ko! Wala ako sa mood na makita sila or makipag-usap sa kanila. Pagod lang talaga ako ngayong gabi.
But with my fucking luck, sumunod din sila sa fire escape! Ano naman gagawin nilang kababalaghan dito?! At dito pa talaga sila pumunta?!
"Are you alright?" I heard Kath said. Dahan-dahan akong naglakad pababa dahil ayokong ma-corner nilang dalawa dito. But dahil kulob iyong fire escape, kahit na nasa second floor sila at nasa ground floor na ako, rinig na rinig ko pa rin iyong pag-uusap nilang dalawa.
"Yeah," Psalm said. "My head's just aching."
"Oh. You want me to get you water?" tanong ni Kath.
"No, I'm fine. Just go back to the party," Psalm said.
Ah.
Wala naman pala silang gagawin na kababalaghan dito. Bubuksan ko na sana iyong pinto para makalabas na ako, and makabili na ng food, pero na-shock ang biglang pagkatao ko sa sinabi ni Kath.
"You know I like you, right?"
Literal na napaawang iyong labi ko. She's so... wow! Wala akong masabi sa babae na 'to! Lakas ng loob!
"You know that I'm drunk, right?" rinig kong sagot ni Psalm.
"I know," Kath said. "Sorry, but ngayon ko lang nakita iyong chance to confess. Sorry if I seem to exploit you being drunk... but whenever you're sober, you always seem to find a way to avoid me when you know where what I'm saying is leading to."
Oh, my God. Bakit ko naririnig 'to?! Gusto ko lang naman kumain! At bakit ba ang chismosa ko?! Hindi naman locked iyong pinto, pwedeng-pwede na ako umalis!
"That's me being nice," Psalm said.
"Do you like someone else?" Kath asked.
"That's really none of your business, Kath."
"You're harsh."
"Because I'm drunk, and I don't have the patience to be nice to you right now," mahinahon na sabi ni Psalm. Even when he's drunk, he's still kinda nice. "Stop asking Saint to drag me every time. It's getting annoying already."
Napaawang iyong labi ko.
"Shit," I heard Psalm cursing. "Wag kang umiyak," he said.
"You're being mean!" rinig kong sigaw ni Kath. "Gusto lang naman kita, bakit ang sama mo?!"
Ilang segundo ng katahimikan.
"I'm sorry," Psalm said.
I looked up, and saw Psalm hugging Kath, and gently patting her head. Bakit nga ba tumingin pa ako sa taas? Dapat umalis na ako, e.
"But stop wasting your time on me."
"May iba ka bang gusto?" Kath asked. I stayed. And waited, but I heard no answer from Psalm.
* * *
"San ka?" Matt asked after I answered my phone. Dumiretso ako sa isang burger joint, and got myself a big-ass burger with greasy fries and large cup of soda to accompany it. Kung nandito lang si Papa, I knew he'd throw a disapproving look by my unhealthy choices. But I'd argue that I deserve this.
"BK lang," I said. "Why? Also, pwede na ba umuwi? Antok na ko," sabi ko. 1:30am na kasi. Ilang oras na lang, 24 hours na akong gising. Antok and pagod na talaga ako.
"Nabati mo na ba si Psalm?"
"Hindi pa. Later na lang. Lasing na rin 'yun, I doubt if he'd remember anything," I said, then stuffed my mouth with a big bite of burger.
"Batiin mo na," Matt urged.
"Mamaya na nga. Birthday pa rin naman niya mamaya."
He groaned na parang frustrated siya sa akin. "Fine. E regalo mo?" Bigla akong natigilan. "Grabe, Jo? Wala ka ring regalo?"
"Meron naman!" sabi ko, defensive.
"San na? Bigay mo na lang."
"Mamaya na nga. Kulit mo. Magwalwal ka na lang dyan; ako na bahala mamaya, okay?"
He mumbled something incoherent. I asked him about it, but he just dismissed my question. Weirdo nito ngayong gabi, e. Parang agit na agit sa akin, e wala naman akong ginagawa!
After that, I sent a text to Kitty asking if sasabay na siya pauwi kasi uuwi na ako. Sabi niya, mamaya na raw siya. So, nagpasundo na ako kay Manong dahil sa totoo lang, it had been a fucking long day, and I just wanted to rest already.
* * *
It was already 12noon when I woke up. Pagbaba ko, nakita ko si Jax na nag-aaral na naman. Dahil hindi pa siya nagla-lunch, sabay na kaming dalawa.
"Dumaan si Matt kanina," sabi niya.
"Huh? Bakit daw?"
He shrugged. "Sabi ko tulog ka."
I nodded. Bakit kaya? Hindi ko muna inisip, and naglunch muna kaming dalawa. After that, I wanted to back to sleep again since I was feeling really, really tired from everything that happened this week. But before I descended to sleep, my phone vibrated.
Matty: Regalo mo?
Me: Mamamatay ba si Psalm kapag di ko nabigay regalo ko???
Matty: Nagpromise ka
Me: Parang bata, ha. Mamaya nga. Tulog muna ako. Hanggang 11:59pm naman birthday nun.
Matty: Ewan ko sa yo, Joey. Bahala ka
Problema nun? Nakulangan yata sa inom kagabi kaya ako naman binu-bwisit. Bumalik na ako ulit sa tulog. Feeling ko sobrang pagod na talaga ako kaya 9pm na nung nagising ako. Nagtaka rin ako kasi puro text ni Matt 'yung phone ko. Kulit 'din nung isang 'yun, e! May message din si Marcus, pero mas lamang iyong gutom ko kaya bumaba muna ako, at saka kumain. Mag-isa lang akong kumain since wala si Jax.
Since wala si Manong dahil pinagdrive ata si Jax, napilitan ako na magdrive papunta kila Psalm. Medyo weird lang sa akin pumunta sa kanila kasi daming security na kailangan mong lusutan. I mean, kahit ilang beses na akong nakapunta sa kanila, mahigpit pa rin security. Akala mo naman magpupuslit ako ng bomba sa bahay nila.
Ayoko na sana pumunta kasi feeling ko gabi na masyado, but I made a promise to Matt na bibigay ko 'yung regalo ko ngayong gabi kay Psalm. Kung wala siya or tulog, iiwanan ko na lang. At least sumunod ako sa sinabi ko.
"Si Psalm?" sabi ko nung swerte na gising pa si Austin. He was looking at me weirdly since I was in my pajamas and jacket. Matutulog na kasi dapat talaga ako!
"His room," sabi niya.
"Tulog?"
He shrugged. "Go check," sabi niya.
"Babae kaya ako," sabi ko sa kanya.
"So? It's not as if you'd rape him," masungit na sabi ni Austin tapos iniwan ako. Tignan mo 'to! Pinaglihi talaga sa sama ng loob!
Nagtry ako na maghanap ng isa sa mga GDL brothers, pero mukhang wala na sila. Huminga ako nang malalim. Ida-drop off ko lang naman iyong regalo ko tapos aalis na ako.
Umakyat ako sa loob, and dumiretso sa kwarto ni Psalm. Alam ko naman kung san 'yun since ilang beses na akong nandito. Though, ngayon lang ako papasok kasi hindi naman ako pumapasok kapag nandito kami.
I gently knocked.
Walang sumasagot.
Tulog siguro.
I sighed.
Binaba ko iyong box na dala ko sa harap ng pinto niya. I also retrieved a sticky note from my bag and a pen.
Happy birthday, Eldest Broccoli!
–Joey
Pagkatapos kong isulat iyon, dinikit ko na iyon sa pinto. Hindi na ako kumatok ulit since iniisip ko na baka sobrang hung over si Psalm dahil sa dami ng ininom niya.
Pababa na ako ng hagdan nung bigla kong marinig iyong pagbukas ng pintuan niya. Bigla akong natigilan, at napa-pihit patalikod. There, I saw a very hung over looking Psalm. He was wearing only his boxer shorts and his hair was a mess. Nanlaki iyong mga mata ko. Halos hubad na siya, e!
"Joey?" sabi niya na parang hindi siya sure sa nakikita niya.
I awkwardly smiled, and nodded. "Uh... I just dropped off your gift," sabi ko sabay turo sa box sa harap ng pinto niya.
Umawang iyong labi niya. "I thought—"
"That I forgot?" tanong ko. "Of course not," sabi ko. I smiled. "Happy birthday, Psalm," sabi ko habang naka-tingin at naka-ngiti pa rin. "I'd hug you, but you're topless."
Natawa siya, habang naiiling. "Wait here, I'll get a shirt," sabi niya.
"Ha? Uwi na ko. Tulog ka na lang ulit."
"Nah," he said. "Wait here, alright?"
"Bakit?"
He looked at his phone. "It's only 10:30. Celebrate the rest of my birthday with me?" he asked, as if he was unsure of what my answered would be.
I stared at him. "Sure ka?" tanong ko kasi ako ba talaga gusto niyang makasama sa birthday niya?
"Who else would it be?" he replied while looking at me. Bigla akong napa-hugot ng hangin dahil sa sagot niya. Iba epekto yata talaga ng hungover sa mga friends ko! Lahat sila nagiging weird!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top