Part Two

Author's Note:

May part 2 pa ba ito, oo may part two pa!!!

AHAHAHAHA!!! sapat na ang four votes para sundan ko ang story nina RayMark at Evee... LOL, baka magalit sakin si Jennyvieve... nako nako... ahahahaha...

(c) nanabells ;)

*****

Magiging masaya pa ba ang last two years ko sa highschool? Sa tingin niyo?

Haist.

Classmate nga kami... di naman kami nagkakausap ni Ray Mark. Natapos ang first monthly test namin at eto ako... problemado... BAKIT KAMO???

Ehhhh.. kakahiya eee... pasilip ko sa inyo... ang nakuha kong grade sa Chemistry... 78% UWAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHH lang talaga...

Failed yan!!! Dito sa school namin once na makakuha ka ng line of 7, FAILED KA (all caps at bold para intense.) nakakahiya talaga mga dudes... ahuhuhu lang...

Samantalang yung iba kong classmates ayun... pasado... 80+ ang grade nila... lalo na si Ray Mark, NAKAKAHIYA NAMAN SA GRADE KO NA 78%... sakanya kasi kabaligtaran ng grade ko, 87% lang naman... WOW lang diba?

Haist...eh kasalanan ko naman din... di ako nakikinig... may time din na naabsent ako kasi... kasi... kasi... KASIIIIIIIIIIIIIII ngaaaaaaaaaaaaaaa.... umiiwas lang ako sa mga bully... ayun, pati acadamics at attendace ko, naaapekuhan. HAIST. isa pa, HAAAAAAAAAAAAAAAAAAAIIIIIIIIIIIIIIIIISSSSSSSSSSSSSSSSSTTTTTTTTTT!!!!

Paranoid na ata ako... lalo na ngayon at lumipat na si Jeremi ng school... ay nasabi ko bang naging sila ni Aldred? DIBA DIBA??? Ang landi lang... di joke lang... I mean... oo... naging sila... pero lokong ALDRED yan!!! Akala ko sincere, yun pala hindi...dakilang babaero...

Naging sila ni Jeremi... mga 6months lang... after nun nahuli namin si Aldred... pumoporma sa ibang babae... TSSSS lang talaga... come to think of it, si Andrea pa ang pinalit nia kay Jeremi, yung magaling na cheerleader sa school namin.

OKAY FINE... PSH!!! Ganyan naman kayong mga lalaki eh, mas gusto niyo, pang-display ang JOWA niyo para maganda ang social life niyo... HMPPPFFFF

Nga pala, nagkahiwahiwalay na ang bully four, ever since tumungtong sila ng 3rd year, aba malay ko kung bakit. NO IDEA... as in.

Nagkakabatian naman kami ni Peter, pero mas trip niyang kasama yung mga weirdos tulad nila Marco, Bryan, Gio, Daryl at Leo. Oh well... okay lang... at least diba may tropapips pa din siya.

Tapos si Richard naman, ayun masyadong Don Romantiko kay Lyka, isang transfer student sa school namin na maganda at matalino, alisin niya lang yung nerdy galsses niya, nako nako nako... pipilahan siya ng boys...

Haist. Sana classmate or kahit schoolmate ko man lang si Jeremi... namimiss ko na yun eh. HAIST.

Wala akong friend... I'm so alone... NAKAKAEMO... las las na... JOKE lang...

Break namin ngayon, to be exact LUNCH break namin. So lahat sila ayun, nagsibilihan sa cafeteria... ako naiwan dito sa classroom kasi di ko naman trip bumili ng MALA-GINTONG PRESYO NA PAGKAIN.

Biruin niyo, giniling lang ang ulam na pinaganda tapos kanin, alam niyo kung magkano na??? 60pesos na!! ARAY LANG!!!

Pamasahe ko na yun ng 2 araw noh!!!

Mas masarap pa yung giniling ni Mama dun e... HMPFFFF

Well, adobo ang ulam ko ngayon...with matching quail eggs pa.... ayeeee kinikilig ako sa sarap...

*munch munch munch....*

"SARAP AH!!!" narinig kong sabi ng isa kong classmate. Oh well di ko lang siya pinapansin kasi talagang busy ako sa date namin ng ADOBO kong ulam. *munch munch*

"SARAP NA SARAP KA EVEEE AH?!? Mamaya niyan mag-evolve ka na..."

XET!!! Nabilaukan ako ng marealize ko na si.... si.... si RAY MARK nasa tapat ko... "Ahhhh... gusto mo?" SHEEEEEEEEEEEET JEN, Ano pumapasok sa utak mo?

Natawa lang siya, ako naman di ko alam ang susunod na gagawin ng utak ko... nag-gli-glitch ata ako...

"AYOKO." mabilis niyang sagot, okay. SO rejected ang offer ko...same as how he rejects my friendship with him... amfufufufu.... pinagsasasabi ko?!?!

"Ah... sige... okay... me baon ka naman siguro di ba? ahehehehehe..." sabi ko sakanya, HAIST sa wakas nakahinga ako ng maluwag.

PERO DI RIN...

BAKIT KAMO???

ABA'Y di pa siya nakuntento at naupo pa sa harapan ko habang nakain ako...

Sabihin niyo nga sa akin, paano ako makakakain ng maayos niyan?

BWESET!!! Nanginginig ang kamay ko... kitang kita ko kung gaano ako kinakabahan... DARN PAKSHET lang... layas nga RAY!!! Para makakain ako...

Uminom ako ng C2 saglit, parang wala na akong gana kumain... haist lang.

"Oh, di mo uubusin yan Evee?" Tanong niya sakin, "Ahehehe... busog pa ako eh... siguro mamaya ko nalang uubusin."

Nakangiti kong sabi...pero bat ganun, di siya nakangiti sakin?

Haist. Sa sobrang lungkot ko...binaling ko nalang ang atensyon ko sa pagtingin sa bintana... katabi kasi ng upuan ko ay bintana, di naman ganun kalaki yung bintana para malaglag ako, at may grills naman yun kaya safe... mejo AWKWARD kasi, kasama ko yung crush ko since...sa tingin ko since nung makilala ko siya...

OO clash kami... pero di ko akalain na...sa pag-aaway namin, pagbabangayan...pagbubugbugan... dun ko marerealize na... special si Ray sakin. Haist lang...

Ni friends nga di ko alam if friends kami e, classmates siguro... but more than being a special friend? Who knew?

Ayoko mag-expect... baka matulad ako kay Jeremi. Ayoko mainlab... nakakatakot masaktan...

"Evee." Tawag nito sakin at napatingin naman ako sa kanya. "Ano yun?"

NANLAKI ANG MATA KO NG MAKITA KO KUNG ANO YUNG HAWAK NIA...

HAWAK NIYA YUNG PIPITSUGIN KONG TEST PAPER SA CHEMISTRY!!! SHEEEEEEEEEEEET!!!!

"Oi, akin na yan..." salamat naman at nakuha ko... tumalikod na siya at paalis na ng classroom, "Ayan kasi, absent ng absent...bumabagsak ka tuloy." di ko alam if sarcastic ang pagkakasabi niya pero talagang nahihiya ako... "Problema ko na to Ray...okay lang ako..." Di ko alam kung bakit naiiyak ako kapag sinasabi ko na... na okay lang ako... haist lang...

Bakit kasi...bakit kasi bumagsak ang tiwala ko sa sarili ko simula ng magka-issue ako sa isa sa star section na transfer student... ako ang naging first friend niya dito... tapos ayun nga nung second year wala siyang friends kasi daw di naman siya ganun ka-sociable...

I give her a helping hand naman, I even thought we are friends... pero ewan ko kung bakit yung naging comment ko sa isa sa Popular Girls eh nauwi sa isang misunderstanding.

I mean, mga popular girls sila, pero may napuna lang naman ako na yung isa sa kanila ay ayun nga...ewan ko kung sinisiraan nila ang isa't isa at nag gagamitan lang kasi magaganda sila at popular nga... so I was thinking na iapproach yung isa nilang friend para sabihin na ayun nga, nagkakasiraan sila... ewan ko ba ang impulsive ko kasi... di ko namalayan na after ko sabihin yung opinion ko, bigla nalang ako nagka-issue na AKO DAW AY ATTENTION WHORE.

What the hell lang...ako na nga tong concern, ako pa yung nabaligtad...and guess what kung sino ang gumawa ng issue...si Jessie, yung transfer student na naging friend ko...

AYUN, ngayon member na siya ng Popular Girls...

HAIST...

Kung nung gradeschool ay pinagbababato ako ng boys ng papel na kulay pula at puti, ngayon binabato naman ako ng mga girls ng kani-kanilang judgements.

Nakakatakot magtiwala sa tao. Akala mo kaibigan mo, ahas pala. Haist lang. Nakakadisappoint. Specially LONER nga ako. Pati yung ibang tao na friends ko nung 1st year highschool ako di na ako pinapansin.

MAHIRAP MAGSOLO sa school na malaki.

Nakakaiyak lang talaga.

"Okay lang talaga ako..."

"Jenny..." bulong na tinawag ako ni Ray, sobrang hina ng bulong na yun para marinig ng puso ko...ewan ko... pero eto ang first time na tinawag niya ako sa pangalan ko.

Gusto ko siyang tignan pero di ko magawa kasi anytime babagsak na ang luha ko. Imbis na tignan ko siya umalis nalang ako ng classroom, tumatakbo ako palayo hanggang sa makarating ako sa banyo...dun nalang ako umiyak ng palihim...

Mahirap yun...as in... yung tipong naka-MUTE ka, para walang makarinig... ewan ko, gawain ko na to, ang umiyak ng palihim... minsan nag-eexcuse ako sa teacher ko na masama ang pakiramdam ko para pumunta ng clinic at dun magpahinga mula sa panlalait at paninira ng mga classmates ko.

Specially ngayon, magkakasama ang Popular Girls... classmates ko ulit sila sa pangalawang pagkakataon...at nandun na si Jessie.

Palabas na sana ako ng banyo ng maalala kong umiyak pala ako so inayos ko ang sarili ko, buti nalang may dala akong polbo at lipgloss para naman mukha akong normal, tinignan ko rin ang sarili ko sa aking dalang salamin, maga ang mata ko, KERO KERO lang ang PEG. haist.

Papasok na ako ng classroom ng makita ko ang iilan sa Popular Girls at si Hally, sa pagkakaalam ko, may gusto si Hally kay Ray, actually binibigyan niya ng gifts si Ray...siya pa ata ang nanliligaw dun, come to think of it magkalapit lang ang bahay nila...

Pero according sa gossips... deadma daw si Ray kay Hally, as in ewan ko di naman basted ang tawag dun diba? Pero sa ugali ni Hally, di siya susuko kay Ray.

"Hoy Salvatierra." Sabi ni Gennie, wala naman ako magawa kundi ang lumapit, or else mamaya ano pa ang gawin nila sakin, haist, UTO UTO LANG!!!

"Hey... uhmmm ano po yun?" Hirap magpakabait sa taong di naman mabait sa'yo...haist. Pero wala eh... kailangan ko magpakabait...para naman sana, umaasa pa naman ako na malilinis ko ang pangalan ko. Na si Jennyvieve Salvatierra ay isang simpleng tao na ayaw ng kaaway.

"Sabihin mo, may gusto ka ba kay Ray?" tanong nila sakin.

"HA?" pinagsasabi nila? "Bat niyo naman natanong sakin yan... eh di naman kami close..." sabi ko sakanila.

"Hay naku, sinungaling ka noh? Eh nakita lang namin na kasama mo si Ray kanina dito sa classroom...ang sweet nga eh, para kayong nag-dadate, nakaupo pa siya sa harapan mo..."

"Hey... ano... wala yun...promise..." di ko alam kung papaano ko sila mapapaniwala pero talagang wala lang yun.

"Layuan mo si Ray ha...please lang..." Sabi ni Hally sakin, napatingin naman ako sakanya at nalulungkot ang expression ng mukha niya, "Wala lang talaga yun Hally..."

"Jenny, gusto ko si Ray...kahit iniiwasan niya ako...kahit masakit yun para sakin di ko siya isusuko..."

"Hally..." bulong kong sabi habang ramdam ko ang bigat sa dibdib ko. Ako...lalayo kay Ray? Bakit masakit ata ang dibdib ko. Lalo na kanina...na halos magkausap kami... parang kanina lang...tapos ngayon iiwas ako? HAIST

Anong gagawin ko... iiwas ba ako kay Ray para naman wala akong maging kaaway? I mean, he's just a guy... just a guy....

Diba?

Lalaki lang yan...

Ang hirap kumbinsihin ang sarili... lalo na ngayon... ngayon at nakaupo siya sa likuran ko...

AGAIN, may quiz kami sa Chemistry, about sa atomic chorva na dapat magbond bond sila... para maging stable ang isang element... OH MY LANG... di ako makapagfocus.

"Pssst.." alam kong siya yun, si Ray, "Ui, kopya ka dito... ahehehe di ka nanaman nag-aral noh? puro ka kasi Anime Evee..."

Ilang parin ako sakanya lalo na nung about sa confrontation na naganap sa akin with the girls, HAIST. "Okay lang ako Ray...masamang mangopya di ba?"

Di na niya ako kinulit after nun.

HAIST ang bigat ng loob ko talaga. nakakaasar ka JEN!!!

Ayan, bagsak ka tuloy. HAIST lang.

Kinabukasan...

Adobo ulit ang ulam ko for lunch, at tulad kahapon, lumapit si Ray sa akin, "SARAP naman niyan... ahehehe---" di ko sana siya papansinin kaya lang hindi ko inaasahan yung susunod niyang sinabi para mapansin ko siya, "---Eveeee pehingi ah?"

"Ha?" bago pa man ako makapagreact, ayun, sumubo na siya sa ulam ko at sarap na sarap. "No wonder kung bakit ka tumaba."

HMPFFF nag-aasar ba siya... HAIST, di ko nalang siya pinansin... "Masarap kasi magluto ang mama mo..."

Compliment ba yun? Bakit ako natuwa? Pagtingin ko sa kanya gusto niya pa sumubo ng isa... pinayagan ko naman siya... "Wala ka bang baon?" tanong ko dito.

"Wala eh, tinatamad ako magbaon. Besides, share nalang tayo. BUWAHAHAHAA!!!!"

Napangiti naman ako sa sinabi niya...bigla tuloy may pumasok sa isipan ko... ipagluto ko kaya siya? Di ako magaling sa kusina, at oo puro ako lamon...pero ewan ko...

Pati si mama nawirduhan nung sinabi ko na magluluto ako ng ulam, pero di ko sinabi na ipagtatabi ko si Ray.

Beefsteak ang ulam ko ngayon, magustuhan niya kaya?

Pinagtabi ko din siya ng pagkain... di ko nga lang alam kung bakit di ko maibigay ng normal... HAIST, kinakabahan ako na ewan...

"WOW BEEFSTEAK naman ngayon Evee.. umaasenso na ah?" Sabi ni Ray

"Ah.. ehehehe oo... natripan lang..."

"Syempre luto yan ni tita..." ABA KAILAN PA NIYA TINAWAG SI MAMA NA TITA? O__________O

"Uhm... sa katunayan, ako ang nagluto..." oh bakit, ako naman talaga ah? kahit na ako yung nag hiwa hiwa ng kung ano ano tapos ako din naglagay ng toyo... aba aba...effort ko to... pero oo tinuruan at tinulungan din ako ni mama...

Pagtingin ko sakanya nagulat siya... "Gusto mo?" sabi ko? Well siguro kasi inaasahan kong gusto niya kaya lang...

"Busog pa ako eh... next time nalang." Umalis siya ng classroom kasama si Allen.

Haist... bakit ganun? Nasayang effort ko... baka nga talagang busog siya. Haist.

Cleaners ako for today, kasama ko den si Ray sa listahan ng cleaners, so ayun nag-aayos kami ng gamit sa classroom...unti unti na ding umuuwi yung iba naming classmates ng makita ko si Andrew, yung isa kong friend na hiniraman na notes... "Yow Drew..." bati ko dito at kinuha yung notebook sa bag ko para isoli sa kanya...

"Salamat Jen ah..."

"La yun... salamat din...kahit papano nakatulong yung notes mo sa pagretake ko ng quiz sa Chem. Ahehehehe..."

"Buti naman at ganun..." sabi ni Andrew.

"SALVATIERRA!!!" sigaw ni Ray pero di ko lang siya pinapansin... kasi napansin ko na malungkot si Andrew "Ano me problema ba?" tanong ko sakanya.

"HOY SALVATIERRA!!!" Istorbong tawag ni Ray...pero di ko parin siya pinapansin... bahala siya, kailangan ako ng kaibigan ko noh!!!

"Ano kasi Jen...si Camille kasi...ayaw niya ako kausapin... pwede mo ba ako tulungan kay Camille?"

"Nyaaay, may tampuhan kayo noh? sige sige... tulungan kita." hawak ko sa pulso niya... "Lam mo naman di ko matitiis yun eh... haist..."

"Oo.. sige kausapin ko siya one of these days... aja lang Drew... :)"

Paglingon ko sa classroom, maayos na ang lahat tapos umalis si Ray at dinabog ang pinto sa likuran... PROBLEMA NUN?

Ang weird ha?

One time nagkaruon ng event sa school, about sa Latin Dance competition. Sabi ng teacher namin sa PE required daw kami sumali kasi dun nya kami bibigyan ng grade para sa periodical test. OH MY!!!

Nagpartner partner na silang lahat. Ang kapartner ko ngayon ay si Peter. OO CLASSMATE ko tong kumag na to. LOLS.

Si Ray, ayun, partner nia si Hally.

Tinignan kami ng teacher namin if may dapat pa ayusin sa mga steps namin... at the same time nag decide din siya na dapat mag-mag-aasikaso sa props, nag volunteer ako kasi di naman talaga ako marunong sumayaw. Kaya ayun, ngah ngah si Peter, pero nagvolunteer narin siya para tulungan ako.

May iilan din sa classmates ko ang nag-ayos ng props, kaya kahit papaano naging friends kami...

Nung panahon na ng competition, may binulong sakin si Peter, "Hoy...may gusto ka pa rin ba kay Ray?"

"Aba...ewan ko sa'yo..." sabi ko dito. Masyado kasing echusero. "Jen naman...parang di tayo friends..." sabi nito sabay pout.

"Haist... oo nga...meron... teka bakit ba ang kulit mo Pedro? Ano naman sa'yo?" napa-amin tuloy ako... kasi naman wag gagamitin ang salitang 'friends naman tayo diba' kasi alam kong totoo at lumalambot ang puso ko...

Napangiti si Peter, "Sabi na eh...hehehehe at last umamin ka na rin."

"Eh ano naman ba sa'yo?"

"La lang...sabihin mo, kailan mo narealize na gusto mo siya?"

Napatingin ako kay Ray na kasalukuyan na nakikinig sa choreographer nilang si Cindy. Isa sa classmate ko na magaling sumayaw.

"Since...since nung grade 5...sa tingin ko..."

"Wow Jen ha, ang tagal na nun... pero talo ka kay Hally... ahahahaha!!!"

"Alam kong tropa mo sina Hally...pero sana wag mo nalang sabihin..."

"Bakit ano meron Jen?"

Napahinga ako ng malalim at inopen ko kay Peter, "Alam kong gustong gusto ni Hally si Ray, kaya hanggat maari, naiwas ako...para in respect of Hally..."

"Tanga mo noh?" sabi ni Peter at tinignan ko siya ng masaman "Eh, bakit naman? Sabihin mo nga Peter...buti pa nga ikaw, kinakausap at sinasabi mong friends tayo eh...di ka nagbago ng pakikitungo sakin...pwera sa kanya..." tumingin ako ulit kay Ray at biglang nagsalubong ang mga mata namin kaya tuningin nalang ako sa pintuan ng classroom namin.

"Haist Jen..." huminga ng malalim si Peter, "Eh paano kung gusto ka ni Ray?"

Bigla akong kinabahan, "Ano ka ba? Imposible noh...di naman ako tulad ng ibang girls na friends niya...come to think of it, simula nung tumaba ako di na niya ako kinakausap..."

Natawa nalang si Peter at bumulong sa akin, "Kapag tumingin si Ray dito at tinignan ka ng masama, ibig sabihin nun, nagseselos yun..."

Pagkalayo ni Peter sa tenga ko... di ko alam kung bakit umakyat ang dugo ko sa ulo...

TUMINGIN SI RAY...at nakita ko sa mata niya ang inis nakakunot pa nga ang noo niya... Tumingin ako kay Peter at nginitian niya ako, "Ano, pustahan?" sabi niya.

Napalunok nalang ako at kinakabahan. "Ewan sa'yo Pedro." I simply ignored him nalang at bumalik sa pag-aayos at pagsesetup ng props.

Bago magsimula ang competition, kagagaling ko lang sa CR kasi naghilamos ako. Tapos pumunta narin ako ng gym. Nakita ko si Ray at nilapitan niya ako... ABA BAKIT? O______O

"Paki hawakan nga ito para sakin." sabi niya, inabot niya sakin ang cellphone niya, ang wallet niya at ang polo niya.

Hindi ko alam kung bakit tinaggap ko nalang lahat ng yun. EH PERSONAL NIYANG GAMIT TONG MGA TO AH!?!

"Wag mong gugusutin ang Polo ko ah!!! T_________T"

"Okay po...ako ng bahala..." propsmen na nga ako, PA pa. HAIST. Pero bakit ganun... pakiramdam ko... isa tong ACT na...di ko mapaliwanag... na dapat ginagawa ng isang guy sa isang girl na special sa kanya...

Di ba ganun ang mag JOWA?!

AY EWAAAAAAAAAANNNNNN!!!

After ng pagsayaw ng classmates ko hinanap ng mata ko si Ray, nagulat nalang ako at tinapik niya ako, "Salamat dito ah?" sabi niya.

"Wala yun...ayos lang..." sabi ko na kinakabahan na ewan... so masarap ang maging katulong ganun ba? Ang pagserbisyohan ang taong... mahal mo?

"Wala ka naman sigurong kinuha sa wallet ko ah?" grabe nambintang ba daw?

"Sige maghanap ka ng mga nawawala sa loob ng wallet mo. HMPF" ni picture ng jowa niya wala... picture ng sexy na character sa High School DXD meron. Ang laki pa kamo ng boobs. T__________T mga lalaki talaga!!!!

Tinignan niya at napangiti naman siya, "Tara, bili kitang pagkain..." sabi niya... nahiya naman ako kaya tumaggi na lang ako... "Di okay lang, busog pa ako..."

"Ah ganun..trip ko pa naman ang manlibre ngayon... mwahahaha..."

"Okay, kaw na may pera..." sabi ko sakanya...

"Ray, ako gusto ko ng makakain..." paglingon namin nakita namin si Hally...

"Uhmmm... sige alis na ako ah... hehehe". Pagkatingin ko kay Hally, nakatingin din siya... HAIST lang...

HAIST... ANG BIGAT SA PAKIRAMDAM....

Pero kahit ganun, sa sandaling nakausap at nakasama ko si Ray... masaya na ako...sapat na sakin yun.

Naalala niyo ba ng pinagluto ko si Ray ng BEEFSTEAK?

Ewan ko kung ano tumama sa ulo ko at ngayon barbeque naman ang niluto ko. Well actually ihaw... ako ang nagtimpla... thankfully masarap siya...

SINCE alam ko sa sarili ko na hindi ko kaya ipaabot kay Ray ito, pinakiusap ko nalang ito kay Kuya Alvin para iabot kay Ray.

OO alam ng lahat sa service na may gusto ako kay Ray, PWERA LANG SIYA.

Tanga lang noh? HMPPPF EWAN!!!!

Nung palapit na si Ray at Peter kinabahan ako na ewan.

"Oi Jen..." tawag ni Peter sakin. "Oh..bakit?" sabi ko sakanya... "Tara Mcdo tayo..."

"Eh?"

"Ray may nagpapabigay sa'yo nito... kumain ka na ba?" Sabi ni Kuya Alvin.... ABA SABI KO IBIGAY KAPAG WALA NA AKO, kasi pakiramdam ko kakainin na ako ng lupa sa hiya.

Lumapit si Ray kay Kuya Alvin at napatingin naman sakin si Peter na nakangising ewan. "LOL lang." bulong nito at naki-echos kina kuya Alvin.

"Wow Ray ang sarap naman niyan, pahingi!!!" Sabi ni Peter, "CHE!!!! AKIN TO NOH!!! kumuha ka ng iyo..."

For some reasons natuwa naman ako...salamat at naappreciate niya...pumasok na ako sa service ng tinawag ako ni Ray, "OI!!!!"

"Bakit?" tanong ko.

"Gusto mo?"

Natameme lang ako... lanjo, "Ha??"

"Oi bakit si Jen niyayaya mo kumain, ako na kaibigan mo dinedeadma mo lang... grabe ka Ray... ganyanan.. katampo ka pre!!!"

Nakita kong natawa lang si Ray habang sinusubo yung binigay ko na di niya alam na sakin galing yun. "LOKO KA..lolokohin ko din sa na si Evee,,, kaso binuko mo ako... aba bakit ko sya yayayain... eh akin to?"

Binelatan niya ako...same goes here, binelatan ko din siya...

Adik lang...para kaming mga bata...

Nakakamiss maging bata...

Lalo na nung naglalaro kami ng bully five at ni Jeremi ng 'Langit Lupa', 'Ice-ice water' at 'Moro-moro' kahit ako lagi yung taya at napipikon... nakakamiss...

Kasi ngayon ko lang narealize at napansin... Akala ko dati hinahabol ko siya para mapikon ko siya kasi siya ang magiging taya at iiwasan ng lahat... yun pala, hinahabol ko siya kasi alam kong...habulin din niya ako para makaganti... come to think of it, kahit nakakainis na ako ang taya, siya parin ang tinataya ko... nagbabago lang ang sitwasyon kapag malapit si Ray kina Antoni, Peter Richard at Aldred. Ahahaha... nakakamiss maging bata...

Siya ang gusto kong laging tayain...si Ray Mark Lustre.

Author's Note:

May part 3 pa ba ito, haist too bad may part 3 pa... nakakatamad magtype sa CP noh!!! lalo na ang laki ng daliri ko... Salamat sa mga sumoporta sa part 1 at dito din sa part 2.

Para po ito sa unang nag-comment sa part 1, si @MICHAELAANTONIO.

Comment lang po kayo at mag like... guluhin niyo rin ang buhay ko... mag PM lang kayo sakin. LOLS. :)

Mua mua tsup tsup...<3

Theme Song: Hanggang Kailan by Orange and Lemons.

(c) nanabells ;)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top