Part Three
Author's Note:
Promise, eto last part na talaga to ng Almost!!! Haysss bakit kasi natagalan pa bago ko ito tapusin, asar much lang...ganto kasi yan, naaliw kasi ako sa iilang nilalang na katulad ko dito sa watty, need ko ba ispecial mention ang mga nilalang na yun...NAKO, wag na, basta sila yung mga nilalang na nambubulabog sa inbox ko at sa MB ko at dahil dun, nagkakulay ang mundo ng watty ko, share lang naman... AT PROUD ako sa mga nilalang na yun...sige na nga, special mention ko na nga!!!
Si sissy @Ldinglasan, si bebe @GoddessofRomance at si bebe @mcookie013, yan ang top 3 ko. bwahahahaha!!! Mga nakakatuwang nilalang yang mga yan!!!
Pero seryoso, hindi ko alam kung bakit ayaw pa dumaldal ng utak ko para dito sa Almost!!! to think na short story lang siya, haist, super tagal ng update... I hate goodbyes, ayun lang naman, ahehehehe... drama noh? Asar!!! Kayo ba, hindi niyo mamimiss ang mga tao dito sa Almost!!!?
Tama na nga, tatapusin ko na to, pero sana don't expect too much, kasi sa totoo lang, puro kalokohan ko lang ang mga ito. AS IN.
Mua mua mga kapwa at mga kamukha.
(c) nanabells ;)
*****
Dear Ray, anong hiwaga ang meron ka at...at...ewan ko...ewan ko talaga... Sapat na sa'kin ang makasimoy, (hoy, hindi ako manyak ha!!! sabunutan ko kayo!!!)
Haist, hindi naman siya, gwapo, pero bakit ganun, hindi ko mabaling ang attensyon ko sa ibang guys? Kapag tatanungin ako kung sino ang crush ko, hindi ako makasagot, well depende sa taong nagtatanong...nakakatuwa kasi onti onti na bumabalik ang self confidence ko at unti unti na ako nagkakaruon ulit ng friends.
Nakakatuwa kasi ever since naging group mate ko sa History subject namin si Ray, madalas niya ako pinagsasalita, ayaw niya na tumatahimik ako. Kaya ewan ko kung bakit natuwa ang iba kong classmates sa mga suggestions or opinions ko about sa isang topic namin sa History about sa World War 1 and 2.
Nakakahiya kasi about sa Hetalia ang nasabi ko, yung 5minute anime na pinapanuod ko sa Hero TV. Laughtrip ang mga classmates ko, kakaiba daw... so ganun, ang pagkakadescribe ko kasi sa World War 1, nagkita sa isang lugar sina Germany at Italy, dati, nasa isang box si Italy at nagtatago sa gyera. Nahuli ni Germany si Italy ng ganun kadali lang kasi sumuko agad si Italy.
Tapos ang next na nangyari, nagpakasal si France kay England kasi mahina na siyang bansa, at dun naging Allies sila. At grabe pala si China, madaming villa sa iba't ibang bansa...no wonder kaya nakakain sina Germany, Italy at Japan noong nasa isa silang isolated island. WEIRD.
Habang yan ang tumatakbo sa isipan ko, tawa ng tawa ang groupmates ko at si Ray, sabi nila, di daw nila alam kung san galing ang humor ko, pero kung makapagpatawa ako, parang natural lang sakin.
From there...ayun...naging open ako ulit sa tao. :)
Malapit na ang intrams, remember niyo pa ba kung kailan ko siya nakilala.. yang balahurang lalaking yan!!! bwisit talaga si Ray!!! Haissssst lang...
Pero habang pinapanuod ko siya maglaro ng basketball, ayun, ang cool cool niya... pawis na siya, pero kahit di siya ganun ka-gwapo, ewan ko kung bakit ako nagwagwapuhan sakanya. (kakasabi ko lang 'to kanina ah, ang kulit ko ba? PSHHH!!!)
May practice kasi sila. Kaya eto, sa PE class namin, dito siya nagprapractice kasama ng iba pa naming classmates.
NOTE: ang gym namin este basketball court ay kaharap lang ng canteen namin. Kaya nakakasimoy ako.
May klase ako pero nasa canteen ako... bakit?
EH GUTOM ako eee.. di ako nakakain sa bahay, nagsabi naman ako sa teacher ko kaya, pinayagan ako... pero syempre, dapat yung makikita niya ako... mamaya daw niyan kasi, mag-cutting ako.
HMPPPF!!!
After ng PE class slash breakfast session ko, eto na kami, papuntang computer lab.
Syempre yung boys ayun nagpalit muna ng damit, aba, after nila mapawisan dapat lang magpalit sila ng damit, malamig sa computer lab noh!!! Mamaya niyan magkasakit pa sila. Tsss!!!
Nauna ako sa computer lab kaya nakapag-open ako ng google at gawain ko ng magdownload ng mga anime pics at gagawin kong wallpaper sa computer namin. (xenxa naman ah!!! wala kaming internet sa bahay eh.) Parang shungak lang ako. Hahaha!!!
Dala ko pa nga ang diskette ko eh. *peace*
Sa ngalan ng anime, pati yung mga bagong labas na anime kinikilala ko. hehehe!!!! ^_^
Nung makapasok na yung iba kong classmates, ayun kumpol kumpol silang dinayo kung san ako nakaupo at nagtatatanung nanaman about if may gusto ako kay Ray, ang kukulit din ng mga kumag na 'to eh. "Wala po." syempre deny ako to death. Wala naman ako mapapala if aamin ako. Tska issue yan, eh ayoko nga ng gulo di ba???
Haist!!!
Nung nagsidatingan na yung iba kong classmates, nagsimula na ang lesson. Intro sa HTML. Wow lang, mejo trip ko 'to ah. For the first time, may naabsorb ang utak ko sa computer subject. Nakakatuwa kasi nakatulong ang Microsoft FrontPage. May html codes dun...ah basta, madali lang. Basta sa designing, expect me to learn more and do more. Hohoho!!!
Nung nag-sipasukan na ang mga classmates ko, nagsimula narin magturo ang teacher namin. Di ko alam kung bakit yung samahan nila Hally eh napatingin sa side kung na'san ako. Paglingon ko, adun siya, si Ray.
Haist.
Ayoko na ng gulo. So....Pwede ba...kuntento na ako sa ganito...kahit na sa totoo niyan... pakiramdam ko... anjan na siya eh, ang lapit na niya, pero natatakot parin ako lumapit gawa ng sasabihin ng ibang tao.
Nakakalungkot lang.
"Jenny, tara, balik na tayo sa classroom." Sabi ng isa kong friend na si Camille, yung pinopormahan ni Andrew, kasabay niya lumapit sakin si Trish.
"Okay." sabi ko.
Inimis ko na yung gamit ko at nung makarating na kami sa may pintuan, nandun si Ray at si Peter. Ewan ko kung bakit nandun sila, pero nilagpasan ko lang, akala ko hindi na sila friends, anyway... baka may pinag-uusapan sila, malay ko ba.
"Jen." rinig ko...rinig kong tawag niya, boses ni Ray yun. Kinabahan ako bigla.
"Oh?" sabi ko. "Hmmm... bakit?" ano pa ba ang dapat ko sabihin?
"Uhmm.... ano..." nakatingin siya sakin pero nung tinitigan niya si Peter, bigla nalang ngumisi si Peter sa kanya which ewan ko, nairita ba tong si Ray?
"Bakit?" ulit ko.
"Jen, I love you."
"Ha?" teka, pwede pakiulit? Ano raw?
.
.
.
"Jen, I love you."
.
.
.
"Jen, I love you."
.
.
.
"Jen, I love you."
.
.
.
"Jen, I love you."
.
.
.
.
Hindi ata magsink in sa utak ko ang sinabi nito ni Ray, although na sa loob ko, parang may...parang may nagwawalang fireworks...matagal ko na gusto marinig iyan sa kanya, eh...kung tutuusin...para akong nanalo sa lotto, kaya lang---
"AHAHAHAHAHA!!! loko ka talaga Ray" hinampas hampas ko siya habang nakapikit, ano ba ang pinagagagawa ko. "Joke time ka din eh noh?" Nung tapos na ako magpanggap nakita ko ang mukha niya, seryoso siya at mas lalo akong natakot. "Baka malate tayo" sabi ko, "tara na. :)"
Inintay ako nila Camille at Trish, "Jen...ang pula mo." sabi nila. Eh bakit hindi ako mamumula?!?! ABER!?!?!
SURPRISE ATTACK YUN!!!
O////////////////O
Nakakainis. nakakainis. NAKAKAINIS TALAGA!!!!
Ilang araw ako hindi nakakaen, I mean yung appetite ko hindi ganun ka-active. bakit kasi!!!! T//////T
.
.
.
.
.
"Jen, I love you."
.
.
.
.
.
"Jen, I love you."
.
.
.
.
"Jen, I love you."
OO NA OO NA RAY!! TAMA NA!! ALAM MO BA YUNG WORD NA ENOUGH?!?!?! HINDI KA BA NAPAPAGOD?!?! TAKBO KA NG TAKBO SA UTAK KO!!!! LAYASSSSSS!!!!!
Shet!!!
Shet lang talaga!!!
Bakit ako pa?
Hindi naman ako maganda, matalino, sexy, wala akong talent kundi ang magdrawing...boyish ako, laman ng utak ko puro anime at si Ray... XET!!!!
Lakas ng kaba ng dibdib ko!!!! Pwede bang saksakin ko ang sarili ko?!?! HAYSSSSS...
Pwede bang maging lalaki nalang ako?!
PE class ulit.
Kung nung nakaraan boys ang naglaro, this time girls naman.
Okay na eh! Nakakalamang na ang team ko, ka-team ko pala sina Camille at Trish, na kasalukuyang mga tao lang na nakakaalam ng pinagdadaanan ko about kay Ray, sabi nila, go with the flow lang... AJA lang...
Hindi ko alam, marunong pala ako magbasketball... ahahaha... kaso puro 2 points lang, minsan 1 point na shots lang ang kaya ko...
Salamat at magaling ako sa basketball sa tom's world XD
"Jenny, I love you!!!"
SHET!!! Sinigaw niya ba yun?!
"Jenny, I love you!!!"
At inulit pa!!!
Shet, Jennyvieve Salvatierra, FOCUS FOCUS FOCUS!!!
After PE class, ayun. nanalo ang team nila Hally.
Bigat sa pakiramdam, pero bakit ganun, parang may nagawa akong mali sa kanya?
ISSUE ba'to?!
Since tipid mode ako at malapit lang naman ang bahay ko, nilalakad ko nalang, di na rin ako nasabay sa service, pwera nalang kung naulan.
Lumipas ang intrams, di ko feel umattend kaya tambay lang ako sa bahay.
Since wala kaming internet, hindi narin ako nakakapag-online. Tinatamad ako magpaload, alam kong madaming oras ang sinasayang ko...pero kasi... mamaya niyan, kapag pinursue ko si Ray, masaktan lang ako.
Natatakot ako masaktan. Although at the back of my mind, gusto ko siya...as in gusto ko si Ray.
Anjan na siya eh, malapit na siya, pero ako naman ang nalayo... gaano ba siya kaseryoso sa'kin?
Humihingi ako ng sign...pag sinabi niya ulit sakin ang mga salitang iyon, aamin narin ako.
I love you too Ray Mark Lustre.
Kaya lang matagal na buwan ng lumipas bago ulit niya ako kinausap, this time hindi ko alam ang ibig niya sabihin, "Sa tingin mo ba, lahat ng sinasabi ko, joke lang?"
Promise, hindi ko talaga alam. Hindi naman kami lagi nagkakausap, pwera nalang nung nagkaroon ng comics making regarding sa Christmas, project yun ng bawat isa samin, kami daw bahala if gagawin namin by groups iyon.
Advantage ko ito para sa subject ko, "Jen, makikigrupo ako sa'yo ha." Sabi ni Ray, "Okie, sige ba..." ngumiti siya nung sabi ko yun, "Peram ako ballpen, nakalimutan ko yung ballpen ko eh."
Inabot ko sakanya yung maliit ko na sign pen, since wala akong mapahiram na iba, before I knew it, lumapit si Hally sakin kasama si Carla, "hey, Jen, mind if we add you sa group namin?"
"Marunong ka naman magdrawing di ba?" dagdag ni Carla.
Ewan ko kung bakit sa una naghehesitate ako, pero... "Okay." pumayag parin ako. This time, umalis na si Ray sa likod ko at narinig ko sina Warren, "Hey dude, group tayo sa pagawa sa comics ah."
"Sige pre!" Sabi niya.
Akala ko ba...magkagroup kami?
HAYSSSS!!! Sabi na nga ba at trip lang ang lahat eh, pinagtritripan mo lang ako Ray. *sighs*
Dumaan ang Christmas vacation ang new year, walang nagbago... progress ba ang iniintay niyo samin ni Ray? Wala eh, nadisappoint ba kayo?
Sorry naman guys.
Eh, ayun eh.
Ayoko naman mag-assume, masakit yun. hindi naman kami lagi nag-uusap, minsan kapag may time at nagoonline ako, nagkakamustahan lang kami, no more, no less.
Hindi naman ako tulad ng ibang girl na friends niya na open sa kanya...seryoso siya sa ibang tao, pero pagdating sa'kin lokohan lang ang lahat. I mean, he plays pranks, jokes, at alam ko na dun niya lang ako naaalala kapag niloloko niya ako.
For that thought, contented na ako.
May dapat pa ba ako hilingin?
Eh alam ko naman na, masasaktan lang ako kapag pinilit ko ang isang bagay na hindi naman pwede.
Dumaan ang JS prom.
Lahat kami ayun, naka-gown at nasa hotel, 5 star hotel.
HInihintay ko sana na yayain niya ako makipagsayaw, pero no avail. NGA NGAH.
I scanned the area pero wala siya sa loob, nandun siya sa labas, sa may terrace, nakita ko siya, pero I pretend na hindi, mamaya niyan sabihin niya, iniistalk ko siya. Ako pa ang naghahabol eh si Hally nga nililigawan siya ayaw niya....ayaw niya sa mga babaeng ganun... baka ma-turn off siya kapag nagmove ako.
Haist.
Walang progress...laging Almost there na. Parang tanga lang.
Umuwi akong lasheng...dreaming about that day, nung sinabi niya na "Jen, I love you."
Sarap irewind sa utak ko yung scene na yun, pero nasa panaginip ko lang ang lahat ng iyon.
Haist Ray...bakit kasi, ikaw pa?
Nasabi ko ba sa inyo na hindi na niya sinoli yung ballpen na pinahiram ko sakanya? At nasabi ko ba sa inyo na lagi niyang gamit yon? Ewan ko ba kung matotouch ako, pero pasalamat nalang ako at ginagamit niya...para kahit this year, may remembrance ako sakanya.
Clearance na. Patapos na ang taon, wala halos kami ginagawa, kaya eto, hinahabol ang teachers, nagpapasa ng requirements, habol dito, habol doon, may mga teachers pa na paimportante. Anyway, wala kami magagawa kasi kami ang may kailangan.
Across the building, according sa peripheral vision ko, nakatingin si Ray kung nasaan ako. Pero pag titignan ko siya, parang tanga lang ako, nag-aassume lang ako na nakatingin siya.
Natapos ang taon at wala na talagang nangyari.
Almost there na, laging ganun, at kung pokemon man ako, nahuli mo na ako Ray, nahuli mo na ang puso ko..matagal na...ang lakas ng impluwensya mo sa'kin.
Bully ka, thoughtful, joker...madami pa ako gusto malaman about you, pero alam kong hindi sapat ang mga panahong magkasama tayo, mas mabuti pa nung bata pa tayo eh. Nakakamiss ang samahan natin.
Pero alam kong matagal na panahon na yun.
Naging kaibigan mo ba ako? Kasi ikaw...hindi lang kita naging kaibigan...naging special kang tao sakin.
Lumipat ako ng school nung fourth year kasi lumipat din si papa ng work, kaya isang taon din kami di nagkita ni Ray.
Walang balita about sa kanya.
Hanggang sa natripan ko bumisita sa dati kong school. Kasi Christmas party nila, napaka-nostalgic lang, nakakamiss yung school mismo, yung buildings, yung open field, yung canteen, lahat ng magagandang alaala ko dito namiss ko, pati yung bad memories. Kung pwede ko lang ibalik ang lahat ng iyon...madami na rin ang nagbago, nagkaruon na ng swimming pool, ng tennis court at hiwalay na volleyball court, yung gym naging auditorium na, in short asensado na ang school na'to.
Parang kailan lang.
Gusto ko makita si Ray, kamusta na kaya siya.
"Jen!!!" nakita ko sina Camille, Trish at yung iba ko pang naging friends and classmates, nakakatuwa namang isipin na nagkaprogress na si Camille at Andrew...nakikipagkwentuhan ako sakanila nung magbukas ang pintuan ng kabilang classroom.
.
.
.
.
.
At nakita ko siya...Si Ray Mark Lustre. Mas nangitim siya ngayon, pumayat din siya, at nakasalamin na rin siya, nagkatitigan kami, pero di niya ata ako napansin and he just passed by, may nagbago nanaman ba sakin?
Or sadyang hindi lang talaga ako ganun nakaapekto sa buhay niya kaya madali niya ako nakalimutan.
Alam mo ba Ray, madami ako gusto sabihin sa'yo...gusto ko lumapit sayo pero hanggang abot kamay lang kita.
Habang naaalala ko yung moments natin nung third year tayo, nakakatuwa ka kapag kumakanta ka ng kanta ng Orange and Lemons, kaboses mo si Eli Buendia.
Favorite kong kinakanta mo yung Heaven Knows, Abot Kamay at Hanggang Kailan.
Inaalayan mo ba ako ng kanta? Sa mga taong nagkasama tayo...dama mo ba ang bilis ng tibok ng puso ko kapag nanjan ka? Alam mo ba, makita lang kita, masaya na ako.
Makita lang kitang masaya...masaya na ako...
Pero bakit ganun, itong last moment na nakita kita bago ulit ako umalis, wala ng ngiti sa labi mo?
Kung may rights lang ako malaman...inalam ko na... Am I your friend? Not even close for being your lover...I'm just your classmate watching you from afar...
You're almost at my reach, pero bakit pakiramdam ko...pakiramdam ko hanggang dito lang ako?
[Present Time]
Maybe I'm not matured enough...maybe this is just a crush, an infatuation, maybe...but is it love?
To think na after all these years...kahit sa panaginip ko lang ikaw makita, nandun parin ang feelings ko sa'yo...
Nakakatawa ka talaga, ang lakas ng impluwensya mo sa'kin.
Siguro nga Ray...Malalim pa sa crush to, pero hindi ko man madistinguish, siguro, love na kita...masaya ako at minahal ko ang isang tulad mo.
Malayo ka man sa'kin ngayon...kapag naaalala kita... hindi parin nagbabago ang memories ko na kasama ka, napapangiti mo pa rin ako.
Where ever you are...I wish happy ka...
"You will be my first love..." I whispered to the wind. After all these years...memories of me and you was vivid, kahit na laging 'almost' there ang lahat...masaya ako at naging part ka ng buhay ko.
I'm on my way sa office ko ngayon, oo working na ako, aba't kailangan ko kumayod, lalo na at pumanaw na si papa. Kami nalang ni mama.
Pasakay na ako ng bus papuntang Makati, nagmamadali ako sobra...hanggang sa muntik na ako maaksidente at may kotseng humaharurot sa daan, "What the hell is your problem?!" bumaba ang lalaki na naka red polo at nakasalamin, ako naman...napatunganga.
"Uhmmm...sorry..." sabi ko.
Pasakay na ako ng bus ng higitin niya ako, "Do I know you?"
"Uhmmm... do you?" sabi ko, baka mali lang ako ng pagkakatingin or baka malabo na ang mata ko, "I'm sorry malalate na ako..." sabi ko sa lalaki.
"Pretty nice white dress kung madudumihan lang." Sabi nito, napatingin naman ako sakanya at muli siya ay lumapit sa'kin, "Pokemon ka ba?" sabi niya?
"Ha? Ano ba ang pinagsasabi mo? At bakit mo naman sinasabi yan?! LAOS na yan pre!!!"
Ngumiti lang siya sakin at dagdag niya, "Tanungin mo nalang kung bakit?"
"BAKIT!?!" inis kong sabi habang pumapara ulit ng bus, asar na kumag to, imposibleng si Ray ito kasi sa pagkakaalam ko, umalis na siya papuntang Austria. Sa huling balita ko, nandun na sila nakatira...PSH!!! This guy here is wasting my time.
"Kasi---" lumapit ulit siya at hinigit ako papasok sa kotse niyang BMW na black, "HOY san mo ako dadalhin?"
"---I got to catch you."
Sa sinabi niya, namula ako...ang lapit niya sa'kin nung sinabi niya iyon, SHET.
*click*
Narealize ko na nakaseatbelt nalang ako. Nakangiti siya sakin ng nakakaloko, "HOY!!! SINO KA?!? KIDNAPPER!!!"
"Sa gwapo kong 'to, ako kidnapper, nahiya naman ako sa'yo..."
"Pababain mo ako dito!!!" Ni hindi ko nga siya kilala!!!!
Hindi niya ako pinakinggan at binuksan niya ang radyo niya, ewan ko kung niloloko ako ng tadhana, pero, nagplay ang isang awitin na matagal ng LAOS sa pandinig ko.
There are times when Im lying in my bed
Hug my pillow and cry from this stupid game
And my eyes are like windshields on a rainy day
Almost rubbed down, swelling, as I keep on
Dipping my face in these cold hands of mine
Heaven knows how bitter I am
Cause this angel has flown away from me
Leaving me in drunken misery
I should have clipped her wings and made her mine
For all eternity
Now this angel has flown away from me
Thought I had the strength to set her free
Did what I did because I love her so
Will she ever find her way back home to me
Tumugtog ang Heaven Knows ng Orange and Lemons, nadinig kong sinabayan niya yung awitin na yun...
"Kaboses mo si Eli Buendia" Sabi ko, at napangiti naman siya.
"I know." Sambit niya.
Hindi ko alam ang susunod na nangyari, pero isa lang ang nakikita ko ngayon, "Evee, wag kang tumitig sakin ng ganyan, kapag tayo, naaksidente, kasalanan mo."
.
.
.
.
.
Nananaginip ba ako?
.
.
.
.
.
After all these years...
.
.
.
.
.
.
.
.
"SABING HINDI AKO SI EVEEEEEEEEE EHHHH!!!!"
.
.
.
.
.
[The End]
Author's Note:
Sana po nagustuhan niyo... mua mua mua...
Sa wakas natapos ko na rin ito.
This is just a short story, depende po sa votes at comments, tentative pa na masundan pa ang Almost!!! :) Salamat po sa pagtangkilik sa story ni Jen at Ray :)
Via request, sana po after ninyo mabasa ang Almost!!! tangkilikin niyo rin po sana ang iba kong gawa <3
I love you dear reader, oo ikaw nga..salamat at natapos mo na basahin ang kaunaunahan kong short yet memorable story...
I thank you with all my heart. <3
Theme Song: Heaven Knows by Orange and Lemons.
(c) nanabells ;)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top