Part One
*****
"Almost!"
A Short ALMOST Story
by
Hannah Redspring
2014
[A/N: This is unedited and jeje just wrote this for fun.]
Panimula muna tayo... :)
Walang nakakakilala sakin, purely commoner ako dito sa school. hindi ako tulad ng girl next door jan or ms popular or ms varsity, ni kahit nga ms. genius hindi.
Kaya itago niyo nalang ako sa pangalang, Jennyvieve Salvatierra. Itatago niyo pa ba ako kung yun ang totoo kong pangalan?
Parang tanga lang noh? OO, tanga nga ako. Hindi naman ako matalino, maganda, sexy, matangkad, cute, wala namang napupuri sakin...panlalait meron pa, di pala meron, madami kaya!!! T___T
My friends calls me "Jen", my family calls me "Jenny", he calls me "Evee", yung tulad ng pangalan ng isang pokemon!!!
Aba, di ko alam kung san niya napulot yan, pero dahil jan, yung mga kaklase ko, binabato ako ng papel na may kulay puti at pula na parang pokemon lang talaga!!! Tss!!! Since then, ayoko ng tinatawag niya akong Evee!!!
Mahilig ako sa mga hindi hilig ng normal na babae. Bata pa lang ako puro boys na ang ka-rambulan ko. Lumaki ako sa Manila, pero biglang napadpad sa Laguna.
Sana nga di nalang ako umalis ng Manila.
Edi sana hindi ko siya nakilala. Ang taong nagpaalala sakin na babae pala ako. Tsss!!!
Para akong tomboy, sana nga lalake nalang ako para dudes tayo!!! Pero, malas eh babae ako.
Aba'y kung tomboy ako edi sana hindi ko siya napapansin... TSSS lang!!!
Nung una, kaaway ko siya, tapos naging crush ko siya, tapos ewan ko kung bakit tumagal at naging ehem, *kadiri* joke, di ko kasi maamin na naging first love ko siya... sana puppy love nalang. Pero pano magiging puppy love yun kung 6 years mo na siya napapansin?
Sabihin niyo nga sakin, crush pa ba yun? Puppy love? Takteng puso yan!!!
Madami akong crush, pero hindi ako malandi... tamang paghanga lang naman yun!!! Bakit, teenager ako!!! Walang aangal!! bwahahaha!!!
Yung totoo... parang I'm almost there na...pero... madami ng nagbago...lalo na nung minahal ko ang pagkain...
OO, lumobo ang tyan ko. Hindi ako nabuntis...tumaba ako!!!
Dahil dun... Hindi na niya ako pinapansin. >__<
.
.
.
.
.
.
.
.
Flashback!!!
Grade 4 ako nung una ko siyang nakilala, Ray Mark Lustre ang pangalan niya. Isang wagas na bully!!!
Pag natripan ka niyan, tiyak mong mapapahiya mo siya or else loser ka at buong tropa niya pagtritripan ka din.
Langyang RayMark yan!!!
(mas gusto ko tawagin ang buo niyang pangalan para intense!!!) >:D
Simula ng magkrus ang landas namin, para kaming aso at pusa!!!
Kailan yun? Nung foundation day sa school namin. Tinaasan niya ako ng palda at nakita niya na Hello Kitty ang undies ko. XET lang!!! Gusto ko siyang paslangin after nun!!!
Since then away kami ng away, to think na laging nagsisimula ang bangayan namin kung sino ang uupo sa front seat ng school service namin.
Mas gusto ko sa unahan umupo kasi masikip sa likod at di ako makakapagbasa ng Harry Potter books.
Mas peaceful sa unahan, kaysa sa likod.
Pero lagi niyang hinahagis yung bag ko sa likod, oh diba ang BAIT!!!
Sa pagkaka-alala ko pa, ever since lumipat ako ng school, dun na ako naupo, As in.
Mang-aagaw!!!
Pasalamat nalang at pang hapon ako, pang umaga siya.
Ganun kasi sa school namin, kapag matalino ka, pang-umaga ka, kapag average lang, pang-hapon ka.
Ayoko sabihing bobo ako dahil hindi naman!!! DUH!!!
Mas pabor pa sakin na pang-hapon ako, tamad ako gumising ng maaga noh!!!
Para, di ko din makita yang RayMark na yan!!! Leshe!!!
So, ang tanong, pano kami nagkakilala pa ng maigi???
Ha!!!
Tanong niyo dun sa bestfriend kong si Jeremi. Jeremiah talaga ang name niya, boyish din tulad ko, pero nung grade 4 kami, nagka-crush siya dun sa tropa ni RayMark. Si Aldred.
Lima sila sa tropahan, ay isali natin yung kuya ni RayMark, si Mark Antoni na mas isip bata kaysa kay RayMark, kaya napagkakamalan kong bata yun eh.
Bale, si RayMark, si Antoni, si Peter alias Pedro, si Richard at si Aldred.
Lima silang bully. What would you expect? Birds with the same sh*t, sh*t together. HMPF!!!
Tolerable pa yung lima eh, actually bati kami nina Aldred, Antoni, Richard at Peter pwera kay Ray.
Ayan, Ray nalang nga. Baka naman kasi mainis nanaman sakin yun kapag narinig niya na tinatawag ko siyang Ray. Hahaha!!! Mapikon ka!!! >:P
Actually, ang tawag sa kanya ng tropa niya, Raymond. Ewan ko kung san nila napulot yun, baka imbis na RayMark, ginawa nalang nila nag Raymond.
Para daw cool!!!
Hanep!!!
Meanwhile, Ray ang tawag sakanya sa bahay nila. Kaya, Ray nalang ang itatawag ko sa kanya.
Okay, so pano kami MAS nagkakilala ni Ray?
Simple lang, nagpalit ng principal ang school namin, kaya pinatupad na niya na wala ng pang-umaga at pang-hapon pagtungtong namin ng grade five.
Eh nagkataong, grade five na ako nun, kakaenroll ko lang.
At kapit bahay ng classroom ko, ay classroom nila.
Bweset!!!
"Oi, Evee!!!"
Tinignan ko siya ng masama, pero nakakaloko yung ngiti niya, "Ano?!"
Wag mo akong lolokohin, tsk!!! Makita lang kita umiinit na ang dugo ko.
"Kamusta na si Hello Kitty?! AHAHAHAHAHA!!!"
Langyang to!!! Dahil sakanya di ko na sinusuot yun, tama bang taasan ka ng palda? Nga pala, yun ang unang pagkakataon na nag-clash kami.
ASAR!!!!
Walang kupas ang pag-aasar niya, as in!!!
Di niya ako titigilan hanggat di nasisira ang araw ko.
ARAW ARAW akong nagdudusa sa pantritrip niya.
Hanggang sa isang araw.
Uwian na nun, pero cleaners ako, kaya di pa ako makalabas ng classroom, iniwanan kasi ako ng mga kapwa ko cleaners.
HMPF!!!
Madami dami pa naman akong dala.
Palabas na ako ng classroom nung makasalubong ko si Ray.
"Oi, pagong ka ba?"
"Baket?" Problema nito?
"Dahil sa'yo naiwan ako ng service!!!"
Ay lanjong yan!!! "Bakit daw? Namaaan!!!"
"Pinapahanap ka kasi saken ni Kuya Alvin, kapag daw wala ka pa, aalis na kami, eh pinilit ako ni Miah na puntahan ka, kaya eto!!!"
Si kuya Alvin, yung driver ng service namin. Miah ang tawag niya kay Jeremi. Jeremiah nga yung name niya diba? Hmpf!!!
"So, kasalanan ko na naiwan tayo? Ganun ganun?"
Tinignan niya ako ng masama, "Aber, wala kang utang na loob ano?"
"Pinagsasasabi mo?"
"Naiwan ako dahil sayo, magpasalamat ka nalang at may kasama ka!!! Psh!!!"
Naguluhan ako, di ko magets.
Di pa siya nakuntento, kinuha niya yung mga gamit ko sa kamay ko nung nagtext na si kuya Alvin, "Tara, nanjan na sila, nagdrive tru lang pala sila sa Mcdo. Bweset, nagutom tuloy ako..."
"Ah ganun, tara, kaw naman, kala ko matagal nila tayong babalikan." ^__^ relief.
"Oi, pakainin mu ako. Inintay kita!!!"
"Oi ka din, di naman sila nawala ng ilang oras, exage mo!!!"
Tinignan niya ako ng masama, at pagkatapat ng pagkatapat ng service namin, binuksan niya ang pinto at hinagis niya ang gamit ko sa harapan ko, then naupo siya sa front seat.
DARN lang!!!
Pasalamat siya at puro books lang yun. Bweset!!!
After nung araw na yun, balik kami sa asaran.
Pinagkadiskitahan pa akong pokemon talaga. Kada magpapalit ako ng pang-ipit sa buhok, kung ano daw kulay nun, yun daw ang kulay ng evolution ko as Evee.
Bale kapag nakasuot ako ng:
Red - Flareon
Yellow - Jolteon
Blue - Vaporeon
Purple - Espeon
Black - Umbreon
Green - Leafeon
Whatever, alam ko madami pang evolution si Evee. Lanjong yan.
Wala na akong pake.
Pero kada binabato nila ako ng papel na parang pokeball, dun na ako naiinis!!!
Grade 4 ako nung una ko siyang makilala. Grade 5 niya ginawa niyang impyerno ang buhay ko.
Exage ba yung term? Eh kaasar eh!!!
Bago ako mag-grade 6 nakahiligan ko ang pagkain, sarap na sarap ako sa bulalo, plus halo halo kasi mainit nung summer, madalas din ako maglaro ng dota, dakilang tambay ako sa bahay.
Nung pasukan na di ako nakilala ni Jeremi.
Anyare daw sakin?
Bakit?
"Hoy Jenny, napabayaan ka ba sa kusina? Ang laki ng tinaba mo ah!!!"
"Wow ha, ganun?" Nung una di talaga ako naniniwala...
Pero nung tinignan ko yung picture ko nung grade 4 at kinumpara ko ngayon, isa lang angmasasabi ko...
DAMN!!! Who is that girl in my mirror?!
Before I knew it, nilagpasan ako ni Ray.
Himala, di niya ako inasar, ni pinansin.
WOW!!! Bagong buhay?
Edi maganda, para bago man kami gumraduate ng elementary wala ng sakit ang ulo ko sa kanya. Hahahaha.
Pero...
Is it me or sadyang may saltik lang ang ulo ko?
Bottomline, it was just me.
Di ko alam kung bakit, pero, bakit namimiss ko yung mga pang-aasar niya saken?
Di na niya ako talaga inaasar.
Kapag mauuna ako sa front seat, wala na siyang pake.
Anyare sa mundo? So di na niya ako kilala? Ganun?!
Para pa san at naging dudes kami?!
Teka? Naging kaibigan niya ba ako?
Bakit di ko naisip yun?
Di kaya? Gusto ko maging friends kami talaga kaya ako nagtatampo kasi di na niya ako pinapansin?
Oo na, aaminin ko na, namimiss ko yung kumag na yun!!! Di na niya ako pinapansin.
Parang di na niya ako kilala...
Or dahil sa tumaba ako?
So ganun? Ang basehan ng friendship eh size? Nak ng!!!
"Jen, okay ka lang ba?" tanong ni Jeremi
"Ewan..." Matipid kong sagot, eh di ko naman talaga alam eh!!!
"Namimiss mo si Raymond noh?"
Tsss!!! Anung nakaen ni Jeremi? Lanjo!!!
"Ewan ko sa'yo Jeremi. Gumawa nalang tayo ng assignment para bukas."
"Kay..."
Biglang sumabit sa isipan ko, "Buti pa kayo ni Aldred nakakapag-usap...tropa tropa..."
Natawa naman si Jeremi, "So namimiss mo nga si Raymond?"
"Anong Raymond?! Eh RayMark ang pangalan nun!!! Bakit ko siya mamimiss ABER?!" pagtataray ko, "Di naman niya ako tinuring na kaibigan...ni di na ata ako kilala nun..."
Pagtingin ko kay Jeremi, natulala siya, paglingon ko, ayun, sakto, nagpakita ang bully five!!!
"What the!?"
"Ayeee!!!!" Panimula ni Pedro.
"Parang may nadarama ako ah, may naligaw na damo ata..." sambit ni Antoni
"Naliligaw nga ba?" sabi ni Aldred
"Hoy, wag nga kayo ganyan...mga denial sila eh. ahahahaha!!!" nakakalokong sabi ni Richard.
For some reasons, dineadma ulit ako ni Ray.
"Oi kuya, wait lang." sabi ni Antoni habang sumasakay sa service.
Nga pala, since nung araw na sinabi ko kay Antoni na mas bata siya tignan kaysa kay RayMark, ayun kuya na ang tawag niya dito. Dati inis na inis yang kumag na yan, ngayon parang wala na. HMPF!!!
Sabay akbay ni Pedro sakin, "Oi, me gusto ka ba kay Lustre?"
"Ha?!" O___O
"Ahahahaha!!! Denial nga!!!" tawa ng tawa si Pedro nung sumakay ng service.
Nak ng kamote, bakit ang inet ata ngayon?! Pinagpapawisan ako?
HMPF!!! di yan, nasa pinas ata ako, kaya mainit. Magtataka pa ako kung nagkasnow hahahaha!!!
Pauwi na kami, malapit na iliko ni kuya Alvin yung service nung masiraan kami sa tapat ng bahay namin.
"Malas!!! Anu ba yan." Sabi ni kuya Alvin.
"Hala, anyare kuya?" Tanong ni Aldred.
"Mukhang nasiraan tayo, check ko lang yung makina...tss!!! Kapapagawa lang nito ah!!!"
"Buti nalang nandito na tayo kina Jen." Sambit ni Jeremi.
Nagbabaan silang lahat. Pinaalam ko din kay papa yung nangyari sa service namin kaya ayun, tinulungan niya mag-ayos si Kuya Alvin.
Si Mama naman, nagluto ng meryenda.
Niyaya ko sila kumain, pati yung highschool naming ka-service. Malamang mga pagod at gutom na rin sila.
Sina ate Valerie, ate Sam at ate Lyn bumili ng chicha at drinks, samantalang yung bully five, ayun, bumili ng isaw at kwek kwek.
Niyaya ko sila pumasok sa loob ng bahay para dun na kumain, lahat sila pumasok, pwera kay RayMark at Antoni.
Aba, malay ko kung bakit!!!?
I'm trying to be nice naman, sinundo ko pa nga sila sa may bilihan ng isaw, pero si Antoni lang ang bumati sakin. Deadma pa din si Ray. HMPF!!!
Nagawan naman ng paraan nila kuya Alvin at papa yung service, kaya nakauwi nadin sila...
Ewan ko kung bakit, pero pagka-alis nila, nag-gm ako, sabi ko: "Ingat kayo sa paguwi. :)"
Lahat naman sila nagreply, pati yung bully five...except kay Ray.
Si Antoni pa nga ang nagtext sakin, sabi niya: "Salamat Jen, hehehe. Pinapasabi ni kuya salamat din daw, sayang di niya nakita si hello kitty. :P"
Anak ng!!! O/////O Pati ba naman si Antoni alam yun? I mean, di naman ako tinutukso ni Antoni about dun, until now. Tska, matagal na panahon na si Hello Kitty. Si Domo na ang bida ngayon, yung mukhang tae. LoL!!! Sorry naman sa mga nagmamahal kay domo, eh di ko din naman trip yun.
Boring ang mga panahon na di niya ako inaasar, pero bakit ganun, tignan niya lang ako, buo na ang araw ko?
"Jen!!!!" Sigaw ni Jeremi, "Bakit?"
"Tumingin si Ray dito...ahehehehe...tulala ka nanaman."
"Psh, eh ano naman?"
"Amin, amin din kasi, crush mo siya noh?"
Naiinis ako na ewan, "La la la la la..."
"Wag mo na ideny sakin Jennyvieve, halata ka!!!"
"Di ko naman kasi talaga alam eh!!! Pero aaminin ko, namimiss ko nga yung bangayan moments namin. Boring pag di niya ako inaaway...pero ngayon, tignan niya lang ako, okay na."
Tinapik ako ni Jeremi, "Congrats Best!!! Inlababo ka na. Sabi na nga ba eh!!! Di lang ako ang nagiging girl, pati ikaw. Kaya diet, diet na tayo ha?"
"Psh, Che!!!!" La ako masabi.
Inlababo na ba ang tawag dito?
Yung hinahanaphanap mo siya...Then kulang ang araw mo kapag wala siya...weird ha?!!!
Haist...
Araw araw ko siyang pinagmamasdan, lalo na kapag sumasali siya sa basketball...ang cool niya tignan...
I think, he grew up already... I mean, madami dami nading nagkaka-crush sa kanya.
Matalino siya eh, friendly, suplado at pervy nga lang. Minsan naaabutan ko silang magtrotropa, at ang usapan nila, ayun about sa hentai. Xet lang!!!
Walang nagbago sa pakikisalamuha niya sa tao, pero bakit pag dating sakin, kailangan niyang magbago?
Naman Ray!!! Oo, gusto kita, crush kita. Nakakainis, ni friends ayaw mo sakin. Kasi ba dahil tumaba na ako?
Kung pwede ko lang talaga sabihin yun, pero wala akong lakas ng loob.
1st year highschool, napagdesisyunan ko ng magdiet. Effective naman, nagloose ako ng weight.
Pagdating ng pasukan, di na naman ako nakilala ni Jeremi, "Wow, nadiet, mukhang nagpapapansin kay Ray."
"Loka ka. Di noh!!!"
Biglang nakita namin ang bully four, lumipat kasi si Antoni ng school, namiss ko tuloy yung batang iyon. Wala kasi akong kapatid, kaya para ko ng kapatid si Antoni. Kuya to be exact. LOL.
"Wow, namayat ka ata Jen!!!" Bati ni Peter, este ni Pedro.
"In fareness bagay sayo, nice!!!" sabi ni Richard.
"Ilang buwan ka di kumain? Buong summer ba?" panunukso ni Aldred.
"At least di na siya baboy." pagkasara niya ng locker, tinignan ako ni Ray at bigla akong kinilabutan.
Wow ha, so napansin na niya ako ganun? TEKA, BAT ANG SAYA KO?
Balik na naman ba kami sa dati?!?!
HINDI NOH!!!
Deadma lang siya, eh one time, papunta ako ng classroom nung makita ko siyang palabas ng pintuan ng room nila, gusto ko siyang iwasan, pero di ko magawa, kailangan ko bumalik ng classroom, or else ma-lalate ako sa next subject ko.
Dali dali akong naglakad.
Nung magkasalubong ang mata namin, inirapan ko siya, bwisit eh!!!
Pagkaliko ko, bigla akong nadulas!!!
XET!!! NADULAS AKO, SA HARAPAN NG CRUSH KO!!!
Di na ako lumingon, pero nadinig ko siyang tumawa. WTF lang men!!!
After nun, ako naman ang todo iwas. Kaya lang, the more na iniiwasan mo siya, the more na lalo siyang nagpapakita.
Lumipas ang 2nd year, ganun pa din, walang nagbago... Pero, naging magkakaklase ang bully four at si Jeremi.
Napag-iwanan na ako.
Darn!!!
Mukhang nagkakaprogress sina Aldred at Jeremi ah. NICE, buti pa siya.
Boring na nga ang lablyp ko, boring pa pati yung klase na kinabilangan ko nung 2nd Year.
Pano ba naman kasi, mga bully, tapos kapag sinagot sagot mo, ikaw pa ang mapapasama.
Tss!!!
Nakakaemo lang.
Loner ako nung 2nd Year. At ayaw ko nalang pagusapan ang mga nangyari, basta, bumaba ang confidence ko nung taong yun.
Lumipas ang taong yun at araw araw kong hinihiling na sana bumilis ang oras, kasi nalulungkot talaga ako.
Lalong nakakalungkot kasi, di naman kami nagpapansinan ni RayMark.
Teka, bakit ko ba biglang naisip ang kumag na yun?!
Mejo pasado naman ang grades ko kaya pwede na.
Haist.
3rd Year High School.
Nung 3rd Year High School ako di ako makapaniwala...
Kaklase ko si RayMark!!!
I mean, nasa iisang classroom kami, ang totoo kinakabahan ako...di ko alam kung anong approach ang gagawin ko...teka, bakit ba iniisip ko yun?
Haist naman!!!
Nung nagpapakilala na kami sa isa't isa...tulad ng nakagawian every year...ayun... ginawa ko naman ang best ko, pero wala naman nakinig sakin. Well sino ba naman ako diba?
I'm nobody.
Ang bigat lang sa pakiramdam, siguro kasi di pa ako ganun ka-confident...
Nahihiya pa din ako...
Masyadong affected sa sasabihin ng ibang tao...
Haist...magiging masaya pa ba ako?
*****
Author's Note:
May part 2 pa ba ito, oo may part two pa!!!
Hihingi nga lang ako ng votes and comment din naman po kayo. ^___^
Theme Song: Abot Kamay by Orange and Lemons :)
©️ nanabells ;)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top