CHAPTER 2

CHAPTER 2

SARAH DAYANGHIRANG

Mahaba ang aking nguso habang naglalakad kami patungo sa pupuntahan namin. Hindi ko mapigilan na kamutin ang braso ko kaya si Rafael ay panay tapik sa aking kamay para matigil ang ginagawa ko.

"Sarah, this is the fifteenth time I've had to stop you from scratching. Magkakapeklat talaga 'yang braso mo kung hindi ka titigil," sambit nito habang hawak-hawak ang lampara.

"Sorry," mahina kong tugon.

Hinawakan niya ang braso ko habang naglalakad kami sa mabatong daan. Siya lang ang may dalang lampara sa aming dalawa dahil ang flashlight sa cellphone ko ay walang kwenta sa sobrang hina.

Balak ko na sanang palitan 'yon pero saan naman ako kukuha ng pambili? Napailing na lang ako at mahigpit na humawak sa dulo ng t-shirt ni Rafael. Wala naman siyang pakialam doon dahil sanay naman na siya na gano'n ang ginagawa ko sa tuwing magkasama kaming dalawa.

"Hindi ba magagalit mama mo na lumalabas ka ng ganitong oras?" tanong ko.

Bumaba ang tingin niya sa akin.

"No. I'm old enough now. I can go out whenever I want as long as I tell them," sagot nito at umiling.

Napatango na lang ako. "Sabagay tama ka nga naman, matanda na tayo para magkaroon ng sariling desisyon. But you know..." sambit ko bago siya tinignan. "Sila mama walang pakialam sa 'kin. Pero ayos lang... sanay naman na ako."

Naramdaman ko na pinatong niya ang kanyang palad sa aking ulo bago suklayin ang aking buhok gamit ang kanyang daliri.

"I care about you, Sarah."

"Alam ko naman 'yon," sagot ko at mahinang natawa.

Agad kaming tumigil sa paglalakad nang makarating kami sa lugar na lagi naming pinupuntahan. Isang ilog na may maliit na waterfalls, nakita namin ito noon noong tumakas kaming dalawa ni Rafael sa guard ng kanilang mansion. May sakit kasi ito pero gusto niyang makaalis kahit na hindi pumayag ang mama niya.

"Tara, maupo tayo roon," sambit ko sa kanya.

Tumango lang ito at tahimik na sumunod sa akin. May nilatag siyang malaking blanket at pinatong ang bag niya roon.

Ang lampara na dala nito ay nagsisilbing ilaw sa paligid namin bukod sa sinag ng buwan na nanggagaling sa itaas namin. Hindi ko tuloy maiwasan na mapatingin sa itaas para tignan ang buwan at napangiti na lang ng makita 'yon ng tuluyan.

"Come here, Sarah. Sit next to me," pag-aya ni Rafael.

"Okay."

Naupo ako sa kanyang tabi at tinulungan siyang tanggalin ang mga laman sa bag nito. Kumunot ang aking noo nang makita na may cake siyang dala. Ito yung nauusong minimalist na mini cake.

"Bakit may dala kang cake?" kunot noo kong tanong. "Birthday mo?"

Mahina siyang tumawa at umiling. "No. it's your birthday today, Sarah. Happy 21st birthday."

Umabot pa yata ng ilang segundo bago maproseso sa aking isipan ang kanyang sinabi. Mabilis kong kinuha ang cellphone ko at nang makita ang petsa roon ay nanlaki ang mata ko. March 20!

"Hala!" malakas kong sambit at nilingon si Rafael.

Mahina siyang natawa sa naging reaksyon ko.

"Hindi ko alam na birthday ko ngayon," natatawa kong saad.

Napailing na lang siya at nabigla ako sa sunod nitong ginawa. Hinila niya ang aking kamay at kinulong sa kanyang bisig. Naestatwa ako sa aking kinauupuan at nagsimulang bumilis ang tibok ng aking puso.

Ganito palagi ang aking nararamdaman sa tuwing nagyayakapan kaming dalawa, laging nangunguna ang nakakabinging malakas na tibok ng aking puso.

Mapait akong ngumiti at niyakap din siya pabalik. Bakit ba ang galing mag-pafall nitong kaibigan ko? Sa kalaunan ay mahina kaming natawa at parehas na nahiga sa nakalatag na sapin.

"Huwag ka nang malungkot, Sarah. It's your birthday today," mahinang wika ni Rafael, malambot ang tono ng kanyang boses. Nakita ko na tinaas niya ang sout nitong eyeglasses dahil bahagyang nahuhulog 'yon.

Hinayaan ko na mahiga sa kanyang braso habang ang kanyang daliri ay ramdam ko sa aking buhok na nilalaro niya 'yon. Parehas kami ngayong nakatingala sa madilim na kalangitan na punong puno ng mga bituin.

"Thank you, Raf. Masaya ako na naalala mo ang birthday ko."

Agad na nangilid ang aking luha at sa kalaunan ay hindi ko na napigilan na tumulo 'yon pababa sa aking pisngi. Hindi ko na kontrol ang aking pag-iyak at hinayaan ko na lang na umiyak ako ng parang ewan sa tabi ni Rafael. Kumawala ang iilang hikbi sa 'king labi habang lumuluha sa kanyang braso.

Alam ko na hindi nila inaalala ang birthday ko o kahit na magplano man lang. Pero masakit pa rin sa 'kin kahit na sanay na ako.

"Shh. don't cry. You'll get ugly," pagbibiro nito parang pagaanin ang loob ko. Naramdaman ko ang daliri nitong pinunasan ang aking luha.

Napalabi na lang ako at mahinang kinurot ang matigas nitong biceps. Mukhang nag-wowork out na ito sa gym dahil napapansin ko na rin na mas lalong nadedefine ang muscle nito sa kanyang katawan.

"Panget na nga ako, lalo mo pang papangitin," lumuluha kong wika sa kanya.

"Hey, I'm sorry. I'm just joking. I'm trying to cheer you up. It's your birthday today and you're crying," malambing niyang wika sa 'kin.

Tahimik lang akong tumango at naramdaman na lang ang panyo niya sa aking ilong. Alam ko na agad kung ano ang dapat kong gawin, suminga ako roon habang lumuluha pa rin.

"Thank you, Raf. Sana hindi mo ako iwan, ikaw na lang ang natitira kong kaibigan ngayon," nalulungkot kong saad.

Hindi niya ako sinagot. Ningitian niya lang ako pero kitang-kita ko ang mga lungkot na ekspresyon na nakatago sa mga abo niyang mata. Pakiramdam ko ay kumirot yata ang puso ko dahil do'n.

"Sigurado ka, ah. Promise me, okay? Kahit anong mangyari," muling nangilid ang aking luha at inangat ang kamay ko habang nakataas ang hinliliit ko sa kanyang harapan.

"I promise. I'll never leave you," sagot niya at ginaya rin ang aking ginawa.

Pinunasan ko ang mga luha sa aking pisngi at niyakap siya ng mahigpit. Awtomatikong pumulupot ang kanyang braso sa akin at niyakap din ako pabalik bago humiwalay.

"Paano kung magpatattoo tayo sa hinliliit natin? Sa tingin mo maganda naman kung red ring sa atin, 'no?"

Dahan-dahan siyang tumango at mukhang sang-ayon sa aking sinabi. "That sounds great. How about after we graduate? Okay lang ba?"

Mabilis akong tumango at hindi na napigilang mapangiti sa kanya. Mahina siyang natawa sa naging reaksyon ko bago kunin ang cake sa lalagyanan nito. Siya na ang naglagay ng cute at maliit na kandila sa ibabaw ng cake. Sinindihan niya na rin 'yon at tinapat sa akin.

Sumilay ang ngiti sa kanyang labi at nagsimulang kumanta ng happy birthday. Mahina akong pumalakpak at sinasabayan ang kanyang kanta habang umiisway ang aking katawan.

"Happy birthday to you. Happy birthday to you. Happy birthday. Happy birthday. Happy birthday to you," mababa at malalim ang kanyang boses ng kantahin 'yon, malumanay ang tono ng kanyang boses habang nakatingin sa akin.

Halos mapunit ang labi ko dahil sa pag ngiti. Yumuko ako at hinipan ang kandila. Maya't maya ay pinagsaluhan na namin ang cake habang naguusap sa kung anong bagay hanggang sa mapunta ang usapan tungkol sa amin.

Ang totoo niyan ay sa tingin ko alam na ni Rafael ang mga bagay-bagay tungkol sa akin, habang ako naman ay wala gaanong alam sa kanya.  Hindi rin naman siya pala-kwento tungkol sa pamilya niya, at nahihiya rin ako na tanungin siya tungkol doon kahit na nilalamon ako ng kuryusidad.

'Yon na rin siguro ang isa sa mga dahilan kung bakit naiinis at nagseselos ang mga ibang babaeng estudyante sa University namin, dahil magkaibigan kaming dalawa ni Rafael. 

Ang pamilyang Zevallos ay kilala sa buong baryo namin. Masyadong strikto ang mga Zevallos sa kanilang privacy. Samantala, ang iba naman ay low-key, ang pamilya ni Rafael ay protective sa kanilang background. Hindi ko nga alam kung may kapatid ba ito o wala dahil hindi niya rin naman 'yon nabanggit sa akin, pero ayos lang.

"I have a gift for you."

Nanlaki ang aking mata nang marinig ang kanyang sinabi. "Sana hindi ka na nag-abala pa."

Umiling siya sa akin. "You deserve a gift, Sarah."

Nagkibit balikat na lang ako at hinintay siya na ibigay sa akin ang regalo nito. Hindi ko naitago ang excitement sa aking sarili sa kabila ng nararamdaman na hiya dahil ito pa lang ang unang beses ko na makatanggap ng regalo.

"Here. open it," saad nito bago nya nilahad sa akin ang rectangle na box.

"Thank you," nakangiti kong pagpapasalamat.

Nang tuluyang mabuksan ang box ay mahina akong napasigaw at kamuntikan ko nang mahulog iyon. Niyakap ko sa aking dibdib ang box at nanlalaki ang mga mata na tinignan si Rafael.

"I-iphone?" tanong ko sa kanya sa nanginginig na boses.

"Uh-huh," tugon niya at habang natatawa dahil sa naging reaksyon ko.

"Bakit ganito? Hindi ko matatanggap 'to, Raf."

Umiling siya. "Hindi ko rin tatanggapin 'yan kapag binalik mo sa 'kin."

Bumaba ang tingin ko sa bagong kong cellphone. Kulay puti 'yon at ang ganda tignan, nang mahawakan 'yon ay agad akong nagpatulong kay Rafael para ayusin ang settings no'n. Bininyagan din namin ang photos, nagtake kami ng mga pictures at nasave na 'yon agad doon.

Nang matapos na ang lahat ay niyaya niya akong maligo sa ilog. Pinanood ko siya kung paano hubarin nito ang sout niyang tshirt at ang short nito, nakita ko tuloy ang itim niyang boxer pagkatapos ay nilingon ako.

"Come on, let's swim," pag-aya nito at nilahad ang kamay sa akin.

Mahina akong natawa bago tinanggap 'yon. Malakas akong napasigaw nang basta niya lang hinila ang aking kamay at sabay kaming tumalon sa ilog. Naramdaman ko ang kanyang braso na pumulupot sa aking beywang at sabay kaming umahon.

"It's cold," natatawa niyang wika.

"Ngayon mo lang napansin 'yan? Malamang malamig talaga. Gabi na ngayon, oh," tugon ko.

"I really like your birthmark," mahina niyang sambit sa akin.

Wala sa sarili na hinawakan ko ang birthmark kong maliit at hugis puso sa likod ng kaliwa kong tenga.

"Talaga ba? Baka mamaya ay binobola mo lang ako, ah. Wala pa naman akong pera na mabibigay sa 'yo," pagbibiro ko.

Napairap na lang siya sa ere bago kami magtungo sa gilid para mag-usap pa. Awtomatiko namang bumaba ang aking tingin sa sout kong puting dress na ngayon ay naging see-through na dahil nabasa, kitang kita na tuloy roon ang sout kong itim na bra at cycling.

Niyakap ko ang aking sarili at naupo sa kanyang tabi.

"Don't worry, it's just us here," malumanay niyang wika bago suklayin ang aking buhok dahil mukhang napansin niya ang pagkailang ko bigla.

"And if anyone tries to touch you, I'll kill them," mahina niyang sambit na halos siya na lang din ang nakarinig no'n.

"Huwag ka ngang magsalita ng ganyan, Raf," nabibigla kong sambit sa kanya. "Masamang pumatay ng tao. Ang seryoso mo pakinggan d'yan."

Nagkibit balikat lang ito at pinagpatuloy ang paghaplos sa aking buhok.

"I'm serious, Sarah."

"Baliw ka."

Nagtagal kami sa gilid ng mga ilang minuto, paminsan-minsan naman ay sinasabuyan ko siya ng tubig kapag napapansin kong tulala ito o malalim ang kanyang iniisip. Hanggang sa mapunta kami sa paghahabulan sa tubig, napuno ng tawanan at halakhak ang aming pwesto habang siya ay nahihirapan na habulin ako.

Malakas akong napasigaw nang maramdaman ang kanyang braso sa aking beywang at hinapit papalapit sa kanya.

"Ayaw ko na," natatawa kong sambit sa kanya.

Natawa rin siya at nanatiling nakapirmi ang kamay nito sa beywang ko. Nang sandaling magtagpo ang aming tingin ng lingunin ko ito ay agad na naglaho ang ngiti sa aking labi dahil halos magdikit na ang labi naming dalawa. Mahina akong napasinghap dahil doon.

Wala man lang sa aming dalawa ang sumubok na magbigay ng distansya sa isa't isa. Hindi ko inaasahan ang sunod nitong ginawa, naramdaman ko ang kanyang daliri sa aking baba, at sumunod naman ang kanyang mainit at malambot na labi sa akin.

Napahawak ako sa kanyang balikat sa pagkabigla at napapisil pa nang maramdaman ang paggalaw ng kanyang labi. Awtomatikong pinikit ko ang aking mga mata na nagsimulang bumigat at nakaramdam ng kakaibang sensasyong lumukob sa katawan ko.

Pakiramdam ko ay parang may mga paru-parong nagsiliparan sa loob ng aking tyan, nakikiliti ako habang patuloy sa aming ginagawa. Mas lalo pa yatang humigpit ang pagkakahawak ko sa kanya ng maramdaman ang mainit nitong kamay na unti-unting naglalakbay sa katawan ko, hanggang sa matagpuan nito ang aking leeg at mas lalong pinalalim ang pinagsaluhang halik naming dalawa.

Hindi ko napigilan ang sarili na lumabas ang ungol sa aking labi ng marahan niyang kagatin ang ibaba kong labi. Damang-dama ko ang mainit niyang haplos sa katawan ko na kakapagpahatid ng kakaibang pakiramdam.
Mahina akong napasinghap, at hinayaan na unti-unting lamunin ng kakaibang init ang buo kong katawan.

Agad na nagsitaasan ang balahibo sa aking katawan habang nilalasap ang bawat haplos at halik nito sa akin. Habang tumatagal kami sa aming ginagawa ay natagpuan ko na lang ang aking sarili na sinasabayan at ginagaya na rin ang bawat galaw ng kanyang labi sa akin.

Mas lalong lumalim ang halik naming dalawa, mas lalong umiinit ang pagitan sa aming dalawa. Nauwi sa mabagal ngunit nakakaliyo ang halikan naming dalawa ni Rafael.

"Open your mouth," dinig kong bulong nito sa aking mga labi ng sandaling maghiwalay 'yon sa kanya.

Dahil doon ay para akong natauhan ng marinig ang kanyang boses. Malakas ko siyang naitulak at napahawak sa sariling labi na ngayon ay parang hindi ko na ramdam.

Bakit hindi ko alam na vacuum pala ang labi niya!?

"I-i'm sorry," nauutal kong wika.

Tinalikuran ko siya at nagmamadaling tumakbo sa pwesto kung saan nakalatag lahat ng gamit namin para kunin ang mga dala ko. Tumakbo na ako papalayo sa kanya at hindi na nagawang tignan dahil nilalamon na ako ng hiya!

"Sarah! Come back here!"

Bakit marunong siya humalik?! Alam na alam niya kung paano humalik!

SHANGPU

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top