CHAPTER 8

CHAPTER 8

SARAH DAYANGHIRANG

Sobrang higpit ng hawak ko sa dulo ng t-shirt ni Ei habang naglalakad kami papasok sa gymnasium ng university. Halos lahat ay nakakasabayan namin papasok sa loob, mga kasabayan namin na gagraduate rin.

"Do you have social anxiety?" tanong ni Ei sa akin habang nakapila kami.

Mabilis akong umiling. "Wala... wala naman... yata."

Mabilis kong iniwas ang paningin ko nang mapansin na ang tagal niyang nakatitig sa akin. Binalewala ko na lang 'yon, maya-maya ay naramdaman ko na lang ang kamay niya sa akin kaya napalingon ako sa kan'ya. May maliit na ngiti sa kan'yang labi bago inangkla ang kamay sa braso ko.

"Hmm... okay."

Habang tumatagal kami na nakatayo rito ay nangingibabaw ang pagkailang ko. May mga ibang estudyante na napapatingin sa gawi ko. Alam ko naman ang dahilan kung bakit sila napapatingin sa akin.

Higit sa lahat. Hindi pa rin naaalis sa pakiramdam ko na parang may nakatingin sa akin. Parang may nakabantay.

"Are you uncomfortable because they are staring at you?" biglang tanong ni Ei nang makapasok na kami sa loob.

"Oo," mabilis kong sagot.

Nang marinig niya ang tugon ko ay agad siyang naghanap ng mauupuan namin. May tinuro siya na dalawang bakanteng upuan sa bandang dulo. Sabay kaming nagtungo roon at naupo.

"Gusto mo ba nito?" Bumaba ang tingin ko sa hawak niya. "It's a blotting paper. Naabsorb nito ang oiliness sa face natin." Inabot niya sa akin ang manipis at kulay puting papel na nilabas niya sa maliit na pakete.

"School air makes us haggard," reklamo ni Ei bago ako lingunin.

Mahina akong natawa at tinanggap ang binigay niya. Nilapat ko agad 'yon sa noo ko bago binulsa para itapon mamaya pag nakalabas na kami rito.

"Hindi ako maka-relate," ani ko habang tumatawa. "Haggard na ako since birth," biro ko sa kan'ya.

Akala ko ay makikisakay rin siya sa pagbibiro ko pero hindi. Seryoso tuloy ang mukha niya ng lumingon sa akin at napahalukipkip pa.

"Don't be hard on yourself, Sarah. Ayan ka na naman, eh."

"Nagbibiro lang ako, Ei. Ikaw naman." Mahina kong binangga ang braso niya at ningitian. "Masyadong seryoso ang nangyayari sa buhay ko ngayon; bakit hindi tayo magsaya, hindi ba?"

Napanguso na lang siya. "Palagi mo na lang talaga pinagsasalitaan ng gan'yan sarili mo."

Mahina na lang akong natawa at niyakap na lang siya. Habang nasa gano'ng posisyon ay hindi ko tuloy maiwasan na hindi maalala si Rafael kay Ei.

Mabilis kong inisip ang masayang alaala naming dalawa at baka mamaya ay maluha na naman ako. Tama na 'to. Tama na ang puro iyak. Pero kahit na gano'n, may parte pa rin sa akin na hindi ko pa talaga tanggap na wala na siya at siguro normal lang na gano'n ang mararadaman ko dahil mahalaga siya sa akin.

Plano pa naman namin na magpatattoo. Paano na lang 'yon? Paano na lang yung pangako namin sa isa't isa na sabay kaming makakapagtapos sa pag-aaral?

Isang mabigat na buntong hihinga ang pinakawalan ko.

"Hey." Mabilis akong kumalas sa pagkakayakap at napatingin kay Ei nang marinig ang boses.

Marahan niyang pinisil ang balikat ko bago ningitian.

"Magiging okay rin ang lahat, Ei. I know you're brave," aniya sa malumanay na boses.

"Thank you so much, Ei. Salamat dahil naging kaibigan kita." Mapait akong ngumiti sa kan'ya. "Alam mo ba... gusto kong sabihin sa 'yo na para kang girl version ni Raf."

Pigil na pigil ko ang sarili na huwag tumulo ang pinipigilan kong luha. Alam kong napansin niya 'yon kasi nakatingin na siya sa mga mata ko. Mahina siyang natawa bago kumuha ng tissue sa bag para punasan ang mata ko. Sinunod niya rin ang mukha ko gamit ang blotting paper bago mahinang pisilin ang pisngi ko.

"You're so cute, Sarah."

Napailing na lang ako at mahinang tinapik ang kan'yang braso.

"If you're going to wipe the sweat off your face, huwag mo siyang i-rub sa muhka mo," seryoso niyang wika kaya tumango na lang ako. "Just dab it like this." Agad niyang dinemonstrate sa mukha ko ang sinasabi nitong dab.

"Your face is sensitive, Sarah. Namumula na ang pisngi mo ngayon."

Napangiwi na lang ako. "Sorry."

"Okay lang, ano ka ba. Pero alam mo na ang gagawin mo next time, ha."

Tumango ako at agad kaming napatingin sa harapan nang biglang may nagsalita na. Mabilis kong pinunasan ang aking luha at huminga ng malalim.

݁₊ ⊹ . ݁˖ . ݁·ꕤ

Nakangiting tumayo ako at pinaglandas ang palad sa suot kong plain silk white dress. Dumating na ang araw na pinakahihintay ko. Ngayong araw na ang graduation namin.

Ang totoo niyan mas nakatipid pa ako sa suot ko ngayon dahil itong dress ay wedding dress ni mama noong kinasal siya kay papa. Nakita ko na tinapon ni mama 'to pero patago kong kinuha 'yon at ngayon ay mukhang mapapakinabangan ko na siya.

Saktong-sakto lang ang size nitong dress sa aking katawan. Hapit na hapit siya kaya kahit papaano ay nahuhulma no'n ang katawan ko. Sa huling pagkakataon ay pinasadahan ko ng tingin ang sarili sa salamin bago lumabas ng kuwarto.

Importante ang araw na 'to para sa akin... pero expected ko na hindi dadalo sila mama sa graduation day ko.

"Sa wakas, Sarah. Gagraduate ka na," sabi ko sa sarili at mahinang natawa nang maradaman ang pangingilid ng aking luha.

Bumaba ang tingin ko sa hawak kong cellphone, kung saan ginawa kong wallpaper ang picture naming dalawa ni Rafael. Isa 'yong picture naming dalawa na kinuha sa paboritong lugar namin sa ilog.

"Gagraduate na tayo, Raf." Mapait akong ngumiti at wala sa sarili na hinaplos ang screen ng cellphone.

Hindi ko alam kung ilang segundo ako nakatingin sa cellphone ko bago mapagdesisyunan na tingnan ang sarili sa harap ng salamin sa huling pagkakataon. Ang buhok ko ay nakatali lang sa low bun dahil nang subukan kong suklayin 'to para maging maayos man ay bumuhaghag lang siya.

Nakakainis.

From Ei:

Hey, girly pop! Where are you? Daan ka muna sa condo ko, ah. I sent my driver to pick you up so you don't have to take a cab. He's on his way now. Ingat ka!

Biglang nag-pop up ang text sa akin ni Ei. Nang mabasa 'yon lahat ay awtomatikong nanlaki ang mga mata ko. Huh!? Bakit ang bilis niya naman mag desisyon? Nagkanda ugaga tuloy ako at walang choice kundi bilisan ulit kilos ko. Dinampot ko agad ang itim na doll shoes bago bumaba sa bahay.

Isang tahimik na sala ang sumalubong sa akin. Ako lang ang nandito dahil sila mama kasama ang mga kapatid ko ay wala. Pumunta sila sa isang kamag-anak namin na nakatira sa kabilang baryo.

Hindi ako tanga para hindi malaman na sinadya nila 'yon para hindi makapunta sa graduation ko. Alam nila 'yon. Matagal ko na silang sinabihan tungkol doon pero mas pinili pa rin nilang pumunta roon.

Malakas akong napabuga ng hangin bago mag-reply sa text ni Ei.

To Ei:

Okay. Thank you, Ei.

From Ei:

You're welcome, babygirl! See ya. My room is on the third floor, and the room number is 310.

To Ei:

Sige.

Napantig tainga ko nang marinig ang isang pamilyar na busina ng kotse sa labas ng bahay. Mabilis akong lumabas at nakita ang puting fortuner. Ito na 'yon dahil isang beses na nagamit 'to ng driver ni Ei kapag sinusundo siya.

Sinigurado ko muna na naka-lock ang bahay at gate bago ako tuluyang pumunta sa kotse. Pumasok na ako sa backseat at inayos ang sarili.

"Goodmorning po, kuya. Salamat po sa pagsundo," nakangiti kong bati.

"You're welcome po, Ma'am," tugon niya at ningitian din ako.

Namilog ang mga mata ko nang makita ang kinuha nito sa passenger seat at binigay sa akin.

"Congratulations nga po pala sa inyo ni Ma'am Ei."

Napaawang ang aking labi ng kunin 'yon sa kan'ya.

"Kuya, maraming salamat po," masaya kong sabi habang nanatiling nakatingin pa rin sa bulaklak na hawak ko.

"You're welcome po. Kay Ma'am Ei rin po kayo mag thank you dahil siya rin po ang plano tungkol d'yan."

Dahan-dahan akong tumango at hindi pa rin maalis ang ngiti sa aking labi dahil sa bulaklak na yakap ko na ngayon. Tuluyan nang umandar ang kotse at papunta na kami sa condo unit ni Ei.

Masaya ako dahil dito. Pero may isang malaking katanungan lang sa isipan ko ang tumatakbo dahil sa isang bouquet ng peonies na binigay sa akin.

Wala akong ibang pinagsabihan bukod kay Rafael na ganitong bulaklak ang paborito ko. Pero baka nagkataon lang naman. Agad kong inalis sa aking isipan ang tungkol doon at kinabit na lang ang seatbelt.

Hindi rin naman malayo ang condo ni Ei kaya makalipas ng halos ilang minuto ay nakarating na kami. Nagtagal pa ako sa harapan ng nakasaradong pintuan ng unit ni Ei nang mahanap 'yon. Umangat na ang kamay ko at kakatok na sana ng biglang bumukas 'yon.

"Omg! There you are!" masaya niyang ani.

"Hi," bati ko pabalik sa kan'ya at kumaway pa.

Sobrang lawak ng ngiti niya. Higit sa lahat, sobrang ganda niya ngayon. Malinis na malinis ang pagkakaayos ng buhok niya. Naka-clean bun 'yon at may iilang strands lang ng buhok niya ang nakahulog sa mukha.

Isang sleeveless lavender dress na may design na ribbon sa bandang v-neckline ang suot niya ngayon.

Pinakita ko sa kan'ya ang hawak kong bulaklak. "Maraming salamat nga pala sa ganito."

Isang hagikhik lang ang narinig ko sa kan'ya bago ko maramdaman ang kamay niya sa akin at hinila ako papasok sa loob. Agad akong niyakap ng malamig na hangin sa buong unit nito. Sobrang lamig dahil sa aircon. Nakakafresh siya.

"I'm glad that you like it," sagot niya at inayos ang mga makeup sa vanity table nito.

Sumenyas siya sa akin na lumapit at tinuro ang isang malambot na upuan. Tahimik lang akong sumunod sa kan'ya at hinayaan siya sa gustong gawin nito sa akin.

"Salamat ulit. Nagustuhan ko siya... paborito ko kasi 'tong bulaklak," mahina kong sambit at mabilis na tiningnan ang isang bouquet ng peonies na hawak ko.

"Oh my... really?" tanong niya sa akin.

Napapalakpak pa siya sa sobrang tuwa nang makita ko siya sa salamin nitong vanity table. Tinanggal niya muna ang tali ko sa buhok pagkatapos ay kumuha siya nang maliit na suklay na may matulis sa dulo para hatiin sa tatlong parte ang makapal at kulot kong buhok.

"I'm glad I chose well. Actually, 'yan lang ang magandang bulaklak na nakita namin sa flower shop. Balak pa sana namin na dumiretso sa dangwa ang kaso wala na kaming oras para sa mahaba-habang byahe."

Ningitian ko na lang siya sa repleksyon ng salamin.

"Ang ganda mo, Ei," wala sa sarili kong sabi.

Naramdaman ko ang paghaplos niya sa aking ulo. "Thank you. You too! You're so pretty, Sarah. We're both pretty!"

Parehas kaming napahalakhak dahil doon. Ang dami niya pang kinakalikot sa buhok ko. May tinitingnan pa roon at hindi ko na alam ang mga sunod niyang ginawa.

"I'm going to straighten your hair, okay? Marami pa naman tayong oras ngayon, don't worry."

"O-okay..." nanginginig ang boses ko ng sagutin siya.

Sobrang bilis ng pintig ng puso ko. Iniisip ko na agad kung ano ang magiging hitsura ko kapag straight na ang buhok ko.

Ala una pa ang simula ng graduation ceremony namin sa school. Maaga lang akong nag-asikaso dahil 'yon ang sabi ni Ei; may gagawin pa raw kami kaya maaga akong pinakilos.

Hindi ko naman alam na aayusin niya pala ako. Kaya hinayaan ko na lang siya sa gusto niyang gawin sa akin. Lalo na sa buhok ko.

"I'm going to put some makeup on you, okay? So you'll look beautiful when we go up on stage," nakangiti niyang sambit sa akin habang pinaplantsa na ang buhok ko.

"Sige. Ikaw ang bahala."

Agad siyang nag-thank you sa akin bago ulit tinuon ang pansin sa pagpaplantsa ng buhok ko. Samantala ako ay tahimik lang sa aking kinauupuan at pinapanood siya.

Hindi ko alam kung ilang minuto kami natapos o baka nga halos ilang oras na rin. Expected ko rin naman na matatagalan kami dahil sa kapal ng buhok ko, para lang ma-straight niya 'yon lahat.

Kaya ngayon, nang matapos ay abala na siya sa paglalagay ng make-up sa aking mukha.

"Umm, Ei?" tawag ko sa kan'yang ngalan habang nakapikit.

"What?"

"Baka hindi bagay sa akin," kinakabahan kong sagot.

Mahina siyang natawa. "Trust me. Ang ganda mo na ngayon, Sarah."

Ang ganda mo na ngayon, Sarah.

Napalunok na lang ako sa sinabi niya. Ang daming emosyon na naglalaro sa dibdib ko ngayon. Kaba at excitement ang nangingibabaw. Hindi na ako nagsalita pa at may tiwala naman ako kay Ei. Alam ko naman na siya yung tipong tao na hindi nangsasabotahe ng kaibigan.

Bahagya akong nagulat nang maramdaman na may nilagay si Ei sa labi ko; medyo malagkit 'yon, at mukhang lip gloss ang nilagay niya. Pagkatapos ay napakislot pa nang maramdaman ang malamig na bagay na inispray niya sa akin bago ipahawak ang portable fan niya.

"And we're done!"

Dahan-dahan kong minulat ang aking mata. Alam kong ang overreacting ng naramdaman ko, pero parang bumagal yata ang ikot ng mundo nang makita ko ang sarili sa harap ng salamin.

Halos hindi ko makilala ang sarili ko dahil sa simpleng nude glam makeup look na ginawa sa akin ni Ei. Bagay na bagay siya sa morena kong kutis. Naka-contour din ang aking ilong kaya medyo nagkaroon 'yon ng illusion na matangos siya. Ang kilay ko naman ay nagkaroon ng arko dahil inahitan niya 'yon gamit ang shaping razor para tanggalin ang mga kalat na buhok sa kilay ko.

Pero isang bagay lang ang pinakanagustuhan ko sa lahat. Bagsak na bagsak at straight na ang buhok ko. Napangiti ako dahil doon. Ang ganda ko... ang ganda ko ngayon. May nilagay rin pala siyang white headband na may mga design na iba't ibang size na mga pearls.

Ang malagkit kanina na naramdaman ko sa labi ay isang nude lip gloss pala nang bumaba ang tingin ko sa sariling labi. At ang pinaka huli, pinasuot niya sa akin ang pearl earrings. Bumagay 'yon sa headband ko.

"Wow... ang ganda ako," hindi ko makapaniwalang saad.

Napalingon ako kay Ei nang maramdaman ang dalawang kamay niya sa aking balikat.

"See? I will make you very pretty, Sarah," nakangiti niyang sambit. "Nakalimutan ko pa lang sabihin na after ng graduation ceremony magkakaroon ng night party malapit sa isang club. Huwag kang mag-alala, bayad naman na raw 'yon."

Huh? Night party? May gano'n ba?

"Night party?"

"Uh-huh. We can drink there and also party!"

Kumunot ang noo ko. "Sigurado ka ba na bayad 'yon?"

Tumango siya nang maraming beses at alanganin na ngumiti sa akin. "Yes and yes. Ayaw mo ba no'n? Parang reward na rin natin sa sarili natin 'yon kasi nakatapos na tayo ng college!"

Pinaningkitan ko siya ng mga mata. "Ei..." tawag ko sa kan'yang ngalan.

Alanganin siyang tumawa. "Sarah?"

"Sabihin mo sa akin ang totoo," seryoso kong sambit.

Bumagsak ang kan'yang balikat. "Okay, fine... nilibre kita."

Nanlaki ang mata ko. "Ei! Bakit naman? Sobrang sobra na nga yung naitulong mo sa akin ngayon."

Napaungot siya. "Hindi ko naman binibilang lahat ng tinutulong ko, Sarah. I just want you to be happy, atsaka icelebrate nating dalawa ang mangyayari ngayon. Kaya sumama kana, please," pagmamamakaaawa niya.

Ang tagal niyang nakatingin sa akin at kulang na lang ay mag-puppy eyes. Nagkanda haba pa ang nguso niya habang magkadikit ang dalawang palad.

"Please, Sarah?" mahina niyang sabi.

Napabuntong hininga na lang ako. "Okay... sasama na nga ako."

"Perfect!" Mahina akong natawa nang magaan niya akong niyakap. "Thank you so much, Sarah!"

Agad siyang kumalas sa pagkakayakap naming dalawa at tinalikuran ako para may kunin sa puting closet nito. May kinuha siyang box at binigay sa akin habang nakangiti.

"This is my graduation gift for you."

Bumaba ang tingin ko sa hawak niya nang buksan niya ang hawak nitong box sa harapan ko.

"Ei, hindi ko matatanggap 'yan."

Dalawang pares na puting sandal na sa tingin ko ay 2 inch ang heels no'n. Maraming mga rhinestone na design sa gitna kaya kumikintab 'yon sa tuwing natatamaan ng ilaw. Halatang halata rin na brand new.

Bumagsak ang kanyang balikat. "Oh, come on, Sarah. Tanggapin mo na please? Promise last na 'to."

Agad na pinamulahan ang pisngi ko dahil sa hiya. Hindi ako sanay na binibigyan ng mga ganitong bagay. Kaya ganito siguro ang nagiging reaksyon ko, at higit sa lahat alam kong hindi biro ang presyo dahil sa hitsura pa lang ng heels ay mukhang mamahalin na.

"Huwag mo ng isipin lahat ng mga ginawa ko sa 'yo. Kaya sige na, tanggapin mo na 'to, please."

Sa dulo ay wala akong nagawa kundi tanggapin 'yon. Ang dami niya pang inexplain sa akin na deserve ko raw 'yon kaya tanggapin ko na.

Masaya niyang nilabas ang sandals sa labas ng box at binigay sa akin. Agad kong namang sinuot 'yon at sakto lang ang size niya sa paa ko. Atsaka secured naman na hindi siya basta-basta matatanggal dahil may strap din 'yon.

"Very perfect!"

Napangiti na lang ako at tiningnan ang sarili sa isang malaking salamin ni Ei. hindi ko rin talaga maitatanggi na ang ganda ng ayos ko ngayon. Salamat sa kan'ya at sa talent niya kung paano ako ayusin.

"Maraming salamat talaga, Ei," nakangiti kong sambit.

"You're always welcome, Sarah," sagot niya. "Let's take a picture now."

Kumuha siya ng tripod at doon nilagay ang cellphone. Inadjust niya ang timer sa 3 seconds bago tiningnan ang sarili sa salamin bago ipagpag ang suot na dress. Medyo may paka-flowy ang style ng dulo ng dress niya kaya nagmumukha siyang manika.

"Say cheese!" masaya niyang sabi nang umabot sa 1 second ang timer, pagkatapos no'n ay agad na kaming napicture-ran.

Kumuha pa kami nang maraming litrato bago niya kuhain ang instant camera nito sa drawer. May kinakalikot pa siya roon bago niya ako harapin.

"Go stand near the window, Sarah. Let me take a picture of you. Your skin is literally glowing under the sun. Para kang gold bar," natatawa niyang saad.

Mahina akong natawa bago sundin ang sinabi niya. Agad akong pumwesto malapit sa bintana, hawak-hawak ko ang handle ng bag na dala ko sa aking harapan at matuwid lang na tumayo habang may maliit na ngiti sa labi. Pagkatapos niya akong kuhaan ng litrato ay kaming dalawa ulit ang nag-picture.

"You're so beautiful!"

"Ei, tama na. Nahihiya na ako." Pakiramdam ko namumula na ang pisngi ko dahil nanginit 'yon sa mga sunod-sunod na compliment niya sa akin; hindi talaga ako sanay na makarinig ng ganito.

Tinawanan niya lang ako bago damputin ang maliit niya ring bag. "Let's go?"

"Tara."

݁₊ ⊹ . ݁˖ . ݁·ꕤ

Pumila agad kaming dalawa nang makarating sa university. Dito rin kasi ang venue namin kaya malapit na lang din sa amin. Maganda ang disenyo sa loob ng gymnasium. Halatang pinaghandaan at pinag-isipan ang mga ilalagay roon.

Kitang-kita ko ang mga iba't ibang estudyante kasama ang kanilang mga magulang. Hindi mawala sa mga labi nila ang ngiti. Habang pinagmamasdan sila hindi ko tuloy maiwasan na mainggit. May kirot sa dibdib ko habang nakatingin sa kanila.

Sana nandito rin si mama.

Kahit hindi na siya umakyat ng stage. Basta makita niya lang na nakagraduate na ako at may medal ay ayos lang.

Nang tuluyang makapasok sa loob ay naupo na agad kami ni Ei sa designated na upuan namin. Nagsimula na rin naman agad ang ceremony kaya nakinig na lang ako sa nagsasalita sa harap ng stage.

Hanggang sa dumating na sa section namin ay nag tatawag na ng mga pangalan at mga honors.

"Dayanghirang, Sarah. With high honor."

Agad akong tumayo at naglakad paakyat sa stage para tanggapin ang medal ko. Isa sa mga professors ang nagsabit ng medal sa leeg ko at kinamayan siya pagkatapos.

"Congratulations, dear."

"Thank you po," nanginginig ang aking boses nang magpasalamat. Hindi ko na rin napigilan ang sarili nang umapaw ang luha ko.

Sana nandito si mama. Sana nandito siya para isabit ko sa kan'ya 'tong medal ko. Para sa kanila naman 'tong ginagawa ko dahil gusto ko na bigyan sila nang maginhawang buhay.

Nang humarap ako sa harapan ng stage ay nakita ko sa malayo si Ei. Nakangiti habang nakataas ang kamay at nakaangat ang thumbs up. Ningitian ko lang siya at kinawayan pero agad din na naglaho ang ngiti sa aking labi nang may maramdaman na parang may nagmamasid sa akin.

Sinubukan kong hanapin ang taong 'yon pero alam kong napaka-impossible na mangyari 'yon sa dami ng tao rito. Pinagsawalang bahala ko na lang agad ang bagay na 'yon at sumunod sa isang babae na nag-aassist sa mga estudyante na bumaba na sa stage.

Mga bandang gabi na natapos ang graduation dahil anong oras na rin sila nagsimula. Hindi na rin maiiwasan na magkaroon ng error sa sound system kaya natagalan pa.

"Congratulations to us!" masayang bati ni Ei.

Ningitian ko siya at niyakap nang mahigpit. "Thank you, Ei! Congratulations din sa 'yo."

"Iylla."

Parehas kaming napalingon sa gilid nang may nagsalita.

"Mr. Winslow. Good evening po," magalang kong bati sa kan'ya.

Si Mr. Winslow ay isa sa mga professor ko sa isang subject. Medyo matanda nga lang siya ng ilang taon.

Ngumiti siya sa akin. "Good evening, Ms. Dayanghirang."

Napalingon ako kay Ei nang maramdaman ang kamay niya sa aking braso para hilain. Parang nagmamadali pa siya sa lagay na 'yon para lang makalayo kami kay Mr. Winslow.

"Let's go, Sarah. Kailangan pa nating mag-retouch sa condo bago pumunta sa night party," anyaya ni Ei.

"Iylla, I'm talking to you," pagpigil ni Sir Winslow kay Ei.

Kumunot ang noo ko sa kanilang dalawa. Palipat-lipat pa ang tingin dahil naguguluhan ako sa nangyayari ngayon. Anong meron sa kanilang dalawa? Para akong nanood ng drama.

"What?" seryosong tanong ni Ei.

Alanganin akong ngumiti. "Umm... sa tingin ko mukhang kailangan niyong mag-usap ng kayong dalawa lang—"

"No. Dito ka lang, Sarah."

"The twins are looking for you..." mahinahon at mahinang sagot ni Mr. Winslow. Sapat na 'yon na kaming tatlo lang ang makakarinig.

Twins? May anak sila? Nanlaki ang mata ko at napatingin kay Ei. Mukhang pati siya ay natigilan sa sinabi ni Mr. Winslow. Tipid ko lang siyang ningitian para iparating na makakaasa siyang walang ibang makakaalam tungkol doon.

Naiintindihan ko naman kung baka ayaw niya pang ipaalam sa iba. Baka hindi pa siya handa o baka may malalim na rason pa kung bakit gano'n ang desisyon niya.

Tumikhim si Ei. "Next week. I'll be going to your house. Don't worry," mabilis niyang sagot at biglang lumambot ang tono ng kan'yang boses, lalo na rin ang ekspresyon sa kan'yang mukha.

"You can just stay there. Don't live alone in your unit; it's too dangerous..."

Pasimple akong naglakad papalayo sa kanila para naman magkaroon sila nang maayos na usapan. Hindi ko rin naman gustong makinig sa usapan nila dahil nirerespeto ko pa rin ang privacy nilang dalawa.

"Naiihi ako... naiihi ako..." mahina kong bulong sa sarili habang nagmamadali na naghanap ng banyo.

Dahil lahat ng ibang mga tao ay busy sa venue, medyo kaunti lang ang tao rito sa hallway. Agad akong napabuga ng hangin dahil sa ginhawa nang makakita ng banyo. Pumasok agad ako roon at bumungad sa akin ang malawak, malinis, at walang tao na restroom.

"Salamat nama—Ah!"

Malakas akong napasigaw at naudlot pa ng biglang may humila sa akin. Hinila ako no'n sa gilid at biglang namatay ang ilaw sa buong banyo. 

SHANGPU

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top