CHAPTER 23

CHAPTER 23

SARAH DAYANGHIRANG

Nanatili lang akong nakatulala sa madilim na karagatan habang nakadungaw sa railings ng balkonahe ng aking kuwarto. Hindi ko alam na sa likod ng bahay ni Atlas ay may malapit na cliff at sa ibaba no'n ay dagat na.

Sa tingin ko maganda ang naging desisyon niya na ito ang magiging kuwarto ko. Dahil una sa lahat, maganda ang mag muni-muni. Maganda rin magpahinga at mag-meditate.

Makakapagpahinga pa ako hanggang bukas bago ang magiging actual training ko kasama si Oceanus. Hindi ko tuloy maiwasan na hindi kabahan. Uminom na kaya ako ng sandamakmak na enervon? Para naman maging energetic ako hanggang sa kinabukasan pa nito.

Napailing na lang ako sa mga pumapasok sa aking utak. Wala na akong ibang maisip pa na puwedeng gawin bukas bukod sa magpahinga o matulog; ramdam na ramdam ko pa rin kasi ang pagod sa buong katawan ko. Malalim na ang gabi ngayon at dapat nagpapahinga na ako pero hindi ako makatulog ng maayos.

Parang naninibago pa yata ang katawan ko rito.

Napaupo na lang ako sa upuan habang nakamasid pa rin sa madilim na karagatan. Malakas ng kaunti ang amoy dagat na hangin na tumatama sa mukha ko. Bumaling ang paningin ko sa kaliwang bahagi, nandoon ang dalampasigan. Medyo may kalayuan lang 'yon dito sa puwesto ng balkonahe ko. May mga maliliit na ilaw ang nandoon. Parang mga fairylights, pero hindi ako makasigurado dahil malayo 'yon sa akin.

Abot hanggang dito ang mga hiyawan ng mga tao. Halatang nag-eenjoy sa party na nangyayari roon.

Tumayo ako at naupo ulit habang pinagmamasdan ang kinuhaan kong picture. Nakalandscape 'yon at mukhang maganda naman ang kuha ko. Nasa gilid ang dalampasigan at ang iba ay puro karagatan na. Madilim pero dahil may mga fairylights sa dalampasigan, mas bumagay 'yon sa picture.

Napangit na lang ako dahil doon. Binuksan ko ang iMessage at dumiretso sa conversation namin ni Raf. baliw na siguro ako kung minsan nagagawa kong magtext sa kan'ya kahit na alam kong hindi siya magrereply.

Natigilan ako sa pag-type nang may maalala. Bagsak ang aking balikat nang marealize na patay na pala ang identity ko. Na wala na si Sarah.

"Paano na kita ma-te-text n'yan?"

Ang huli kong text sa kan'ya ay noong huling araw bago ako maibalita na patay na ako.

Isang mabigat na buntonghininga na lang aking pinakawalan. Bumaba ang tingin ko sa cellphone ko at binasa ang mga ibang text ko roon. As usual, walang reply. Alam ko naman. Nagmistulang diary ko tuloy ang conversation namin ngayon.

Lumipas din ng ilang minuto bago ko napagdesisyunan na pumasok na sa loob ng kuwarto. Sinigurado ko muna na na-i-lock ko ang sliding door bago huliin sa kabilang side ang black na kurtina para mas lalong madilim bago nahiga sa kama.

Nararamdaman ko na ang pamimigat ng talukap ng aking mga mata. Kailangan ko na talagang matulog. Nakatulog naman ako ng maayos sa biyahe pero pakiramdam ko parang namamahay ang katawan ko ngayon.

Bago tuluyang pumikit ang aking mga mata, nanatili akong nakatingin sa text ko sa kan'ya nang biglang gumalaw 'yon.

Read.

݁₊ ⊹ . ݁˖ . ݁·ꕤ

"Are you okay, Sarah?"

Napakurap ako ng marinig ang boses ni Oceanys. Parehas kaming nandito ngayon sa front yard ng bahay ni Atlas. Nakababa ang ulo ko kay Oceanus habang pinagmamasdan siyang nagbubungkal ng lupa sa mga halaman ni Atlas.

Siguro kung hindi ko kilala si Oceanus at nakikita ko siyang nag gaganito lang. Hindi ko maiisip na nagtatrabaho rin siya sa organisasyon nila. Ang simple lang nila manamit, or baka gano'n lang talaga sila?

Nililipat na ni Oceanus ang mga malalaking bulaklak sa malaking vase para mas lalo pa silang mamulaklak.

"Oo naman, bakit?" tanong ko, pero ang utak ko ay nalulutang pa rin sa nakita ko kagabi.

Naka read pa rin 'yon hanggang ngayon.

Baka naman siguro may iba na nagbukas ng cellphone niya? Pero ang questionable pa rin naman dahil paniguradong wasak na ang cellphone nito dahil sa aksidente.

Nanatili lang akong nakatayo sa gilid ni Oceanus at pinapanood lang siya sa ginagawa niya. Si Atlas ay wala na rito sa bahay niya kanina pang umaga kaya kaming dalawa na ni Oceanus ang nandito.

"Sigurado ka? It looks like you're not okay today," sagot niya habang nagbubungkal pa rin ng lupa.

"Oo naman. May namimiss lang," pagsisinungaling ko at natigilan. Mukhang hindi nga pagsisinungaling 'yon dahil may namimiss talaga ako.

Mahinang natawa si Oceanus at napailing na lang. Muling namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa bago siya muling magsalita. 

"Alam kong hinahanap mo si Atlas. He's just downtown because he needs to see Ismael there."

Kumunot ang noo ko. "Bakit?"

Dahan-dahang umangat ang paningin ko nang tumayo siya at tinanggal ang suot na garden gloves. Tipid niya akong ningitian bago magsalita.

"Nanghihingi siya ng update sa mga pinadala niyang drugs kay Ismael. He can't be at ease if he only reads it in his email; he wants it to come directly from Ismael."

Napatango na lang ako. "Ah, gano'n ba."

"Yes." Sumenyas siyang sundan ko ito ng matapos siyang maglipit. Naging mabilis na rin 'yon dahil tinulungan ko na rin siya. "Let's get inside. Gagawa na muna ako ng makakain natin."

Tango ang aking tugon bago siya sinundan. Nakarating kami sa open area kitchen ng bahay ni Atlas. Nanatili akong nakapalumbaba sa counter ng kitchen island habang nakaupo sa bar stool. Si Oceanus ay busy na ngayon sa paggawa ng quesadillas.

"Gano'n ka hands-on si Atlas sa trabaho niya?" tanong ko.

Nakagawa siya agad ng quesadillas dahil may shredded beef na nakaready at natimplahan na. Kaya ang ginawa nalang niya ay ininit 'yon at sinunod ang tortilla sa flat pan. Pagkatapos ay siya na ang naglagay ng mga laman sa tortilla.

Pinatong niya sa counter ng kitchen island ang pagkain bago maupo sa isang bakanteng upuan sa tapat ko.

"Yes. And I know there are new drugs coming in; that's why Atlas needs to be there with Ismael. Sabi may malaking distribution daw ang mangyayari sa Tepito kaya kailangan nilang masigurado na maayos 'yon para makaiwas sa mga delays at ibang problema," sagot niya at kinagatan ang pagkain.

Kumunot ang noo ko. "Tepito?"

Tumango siya. Bumaba ang paningin ko ng tinuro niya ang pagkain sa harapan. Para bang inuutusan na kunin na 'yon para makakain na ako. Hindi na rin ako nagdalawang isip na kunin 'yon dahil nararamdaman ko na rin na nagrereklamo na ang t'yan ko.

"Sorry," natatawa niyang sabi. "I didn't mention that Tepito is a very infamous place for black markets." Dumukwang pa siya papalapit sa akin na para bang may makakarinig sa sasabihin niya kahit na kaming dalawa lang naman ang nandito. "May drug cartel sila Ismael at Atlas dito sa Mexico. They call it Guzcazo Cartel, or Cartel De Guzcazo. Some people also know their cartel as the Guzman-Collazo Organization; it's like a Federation or Blood Alliance. Their cartel is a large and international organized crime syndicate based in the city of Culiacán, Sinaloa, Mexico.

Mas lalong kumunot ang noo ko. Ibig sabihin dalawa na ang pinapasukang organisasyon ni Atlas? Itong El Orden Del Abismo at ang cartel nilang dalawa ni Ismale na Cartel De Guzcazo?

"Hindi ko alam na puwede pa lang magtrabaho si Atlas sa dalawang organisasyon."

Nagkibit balikat si Oceanus. "I guess it's possible. Besides, Atlas is more focused on El Orde Del Abismo than on their drug cartel with Ismael. As far as I know, Ismael met Atlas here in Mexico; well, hindi ko rin naman alam kung bakit at paano napunta si Atlas dito. Atsaka narinig ko rin na may malaking potensyal si Atlas sa pag gagawa ng drugs kaya kinuha na rin siya ni Ismael. Atlas is a graduate of BSC, summa cum laude."

Bachelor of Science in Chemistry? Hindi ko rin maiwasan na 'di mamangha kay Atlas. Kaya naman pala ganito ang ginagawa. Magaling siyang gumawa ng mga gamot. Ang kaso parang sa maling paraan naman ngayon.

"Mukhang na-attached na rin si Atlas sa cartel ni ismael kaya hindi niya rin mabitawan. Doon na rin nabuo yung Guzcaco Cartel dahil sa kanilang dalawa. Silang dalawa na ang may hawak no'n."

Napatango na lang ako sa kuwento niya. Inabot ko ang orange juice na binigay niya sa akin at ininom. Mas lalo lang tuloy akong naging curious tungkol kay Atlas. Parang ang dami niyang kasing tinatago. Ang misteryoso niyang tao at malihim din.

"Saan mo narinig 'yan? Sinabi ba ni Atlas?"

Siya ang right-hand man ni Atlas; may malaking chance na close sila sa isa't isa. Mukha kasing matagal na rin na nagtatrabaho si Oceanus kay Atlas dahil parang siya na rin ang may-ari rito sa bahay ni Atlas kung kumilos.

"Hindi. Narinig ko lang sa mga ibang tauhan doon sa cartel. I also visit them sometimes, because Atlas tells me to check new drug packages," sagot niya at mahinang natawa.

"Hindi ko alam na gan'yan ka ka-chismoso."

"Huh? Did you say something?"

"Wala."

݁₊ ⊹ . ݁˖ . ݁·ꕤ

Halos nakarami na rin ako ng quesadillas ngayon. Masarap siya sa totoo lang, mukhang ito na ang magiging paborito kong pagkain habang nandito ako sa Mexico. Hawak-hawak ko ang pinaka last na quesadilla na gawa ni Oceanus sa kanan kong kamay habang naglalakad kami sa dalampasigan.

Itong ang beach na nakita ko habang nakatambay sa balkonahe ng kuwarto ko kagabi. Napangiti na lang ako ng maramdaman ang paa na lumulubog sa buhangin habang naglalakad kami.

Kung ano-ano pa ang pinaguusapan naming dalawa hanggang sa maupo sa isang malaking punong kahoy na mukhang inanod ng dagat dito at naging tuyo't na dahil sa pagkakabilad ng araw.

Mukhang matibay pa naman kaya naupo na kami roon ni Oceanus.

Napagdesisyunan naming dalawa na tumambay muna rito at makapag-relax. Ilang minuto na rin kami na palakad-lakad sa dalampasigan. Minsan naman tinutour niya ako. Nadadala niya pa lang ako sa mga lugar na medyo malapit sa bahay ni Atlas.

"If I were you, I would think of code name while they're processing my data," biglang ani Oceanus

Medyo pasigaw pa ang pagkakasabi niya no'n dahil may malakas na tugtugan sa likuran namin. May open club kasi rito at nagkakasiyahan na ang mga ibang tao.

"Huh? Bakit naman?" tanong ko at kinagatan ang pagkain. "Kailangan ko rin no'n?"

Tumango siya sa huli kong sagot. Lumunok muna siya bago magsalita. "Kailangan mo no'n, Sarah. You're not allowed to tell your name. That's why you need to make your code name. Mas maganda habang maaga pa lang alam mo na kung anong code name mo, so if Atlas asks you for it, you'll have something ready to give."

Napabuntong hininga na lang ako at inubos ang kinain. Nagpaalam naman siya sa akin na aalis na muna para bumili ng maiinom namin kaya ang nagawa ko na lang ngayon ay panoorin ang araw na unti-unting bumababa. Nagiging kulay orange na ang karagatan, nag rereflect 'yon. Pinaghalong orange at yellow na. Ang ganda sa mga mata. Ang kalmado pa ng dagat kaya mas lalong nakakakalma kapag tinitingnan.

"Napapansin ko na medyo related sa greek gods yung mga code names niyo, ah," ani ko ng makaupo sa tabi ko si Oceanus.

Kinuha ko sa kan'yang kamay ang coconut shake na inabot niya sa akin. Agad ko namang tinikman 'yon dahil nauuhaw na rin ako.

"It was Cronus' idea. So that we can have a trademark in headquarters. For example, if one of our code names is mentioned in their meeting agenda, they will immediately think of our factions. Ang galing niya, 'di ba?"

Napangiti na lang ako at tumango.

"Maarte kasi 'yon kaya gusto niya naiiba kami."

Mabilis akong napatingin sa kan'ya sa pagkabigla. Nilibot ko pa ang paningin sa kapaligiran dahil doon, baka kasi may makarinig. Mahirap na at baka mapahamak siya.

Atsaka, hindi ba siya natatakot? Paano kung may mga tauhan pala si Cronus na nanood sa amin? O nagbabantay? Tapos grabe siya... kung ano talagang pumapasok sa utak niyo, sinasabi niya talaga ng hindi nagdadalawang isip.

"Wala talagang filter bibig mo 'no? Paano kung may nagmamasid pala sa atin? Yung mga tauhan ni Cronus... paano kung naririnig nila tayo?" bulong ko sa kan'ya ng lapitan siya.

Kumunot ang kan'yang noo. "Huh? Why would Cronus do that?" tanong niya at biglang tumawa. Napapailing pa siya bago muling magsalita, "Totoo naman na maarte siya. Maniwala ka sa akin."

Hindi na ako nakapagsalita at uminom na lang sa coconut shake. Parang mas mainam na manahimik na lang ako at baka madamay pa ako sa kan'ya kung sakaling totoo ang tumatakbo sa isipan ko.

Muling namayani ang katahimikan bago siya magsalita.

"We share a similar fate with Atlas, Sarah," bigla niyang sambit.

Awtomatiko akong napatingin sa kan'ya ng marinig ang sinabi nito. Nakamasid na siya ngayon sa malawak na karagatan. Tuluyan ng lumubog ang araw... at unti-unti na rin dumidilim sa aming puwesto. Mabuti na lang at may mga nakasabit na fairylights na nakasabit sa puno malapit sa amin.

"He's the one who pays my tuition fee until I graduate from college. After that, inalok niya ako kung gusto ko bang magtrabaho sa kan'ya," kuwento niya bago uminom sa coconut shake nito. "And because I wanted to get away from my abusive father, I agreed. Pero bago pa mangyari 'yon, I did a horrible thing..." aniya bago ako lingunin nito. "I killed my father and Atlas helped me to turn the story around. Bilang pasasalamat, I agreed to him and started working here at El Orden Del Abismo."

Mukhang matino namang boss si Atlas dahil ang tagal na rin pa lang nagtatrabaho ni Oceanus, o baka naman wala lang siyang mahanap na replacement para sa kan'ya kaya wala siyang choice kundi magtrabaho pa rin sa kan'ya? Natigilan ako sa aking pinag-iisip. Bakit ko ba iniisip 'yon? Napailing na lang ako bago tumikhim.

"Mabuti bang boss si Atlas?" tanong ko.

Agad siyang tumango. Tinapon niya sa basurahan ang lalagyanan ng coconut shake at napasok naman 'yon.

"Yes. He's hands-on with his employees, kahit na minsan siraulo 'yon."

Halos malaglag ang panga ko sa sinabi niya. Nanlalaki ang mga mata nang napatingin ako sa kan'ya bago magsalita.

"Ano ba 'yang pinagsasabi mo. huwag kang magsalita ng gan'yan, ako natatakot para sa 'yo, eh. Paano kung marinig ka ni Atlas at basta ka na lang barilin niya?"

Mahina siyang tumawa at umiling. "Bakit naman? Totoo naman sinasabi ko, ah. Akala mo magme-menopause na sa sobrang bilis uminit ng ulo. Palaging galit, pero s'yempre kahit naman na gano'n siya mabait 'yon."

"Can you say it again, Oceanus?"

Parehas kaming naestatwa ni Oceanus sa aming kinauupuan ng marinig ang boses ni Atlas. Nagkatinginan kaming dalawa ni Oceanus na parehas ng namilog ang mga mata bago lingunin si Atlas sa likuran namin.

Kahit na malamig ang simoy ng hangin dito sa puwesto namin pakiramdam ko namamawis ang palad ko sa sobrang kaba. Ang bilis pa ng pintig ng puso ko!

"A-Atlas. You're already here, akala ko bukas ka pa makakauwi kasi may kailangan pa kayong asikasuhin ni Ismael," nauutal na saad ni Oceanus imbis na sagutin ang tanong ni Atlas.

Nakahalukipkip ngayon si Atlas habang nakababa ang tingin sa aming dalawa ni Oceanus. Nang dumako ang paningin ni Atlas sa akin ay tinaas ko ang aking dalawang kamay na para bang sumusuko. Tinuro ko si Oceanus bago ang sarili ko at umiling, para sabihin na labas ako sa mga pinagsasabi ni Oceanus.

Bakit ba kasi ang daldal ni Oceanus!?

"I said, Can you say it again?" paguulit ni Atlas sa tanong niya. Hindi naman sumagot si Oceanus dahil alanganin niya lang na ningitian si Atlas.

"Oceanus..." mariin na tawag ni Atlas sa kan'ya.

Palipat-lipat tuloy ang tingin ko sa kanilang dalawa. 

Napabuntong hininga na lang si Oceanus at walang nagawa kundi sagutin ng marinig na tinawag siya sa code name niya na may seryosong tono.

"Yeah, yeah, siraulo ka."

Tipid na ngumiti si Atlas sa amin... parang hindi maganda ang kutob ko rito. Bakit pati ako ningitian niya? Bakit nakatingin din siya sa akin!? Huwag niyang sabihin pati ako madadamay!?

"That's good. Let's go home. We need a lot of rest," ani Atlas. Talagang may diin ang huli niyang sinabi bago kami talikuran at naglakad papalayo sa amin.

"Shit," dinig kong mura ni Oceanus.

Anong meron?

݁₊ ⊹ . ݁˖ . ݁·ꕤ

Alas kwatro pa lang ng madaling araw ay nandito na kaming tatlo sa dalampasigan, itong dagat yung pinuntahan namin ni Oceanus kagabi at yung nakikita ko sa labas ng balkonahe ng aking kuwarto. Katabi ko ngayon si Oceanus, nakasuot ng black compressed shirt at black gym shorts. Samantala, si Atlas naman ay white tank top at black gym shorts lang din.

Habang sa akin naman ay oversized black shirt na pinartner-an ng black biker short. Maluwag ang pang-itaas ko para makakalagaw ako ng maayos.

Medyo naguguluhan lang ako sa nangyayari ngayon dahil akala ko ba ay si Oceanus ang trainer ko ngayon? Bakit si Atlas na ang pumalit?

"Start your jogging now. 10 laps for you, Sarah, and 25 laps for Oceanus."

Huh? Sampung laps!?

Nanlaki ang mga mata ko ng tingnan si Atlas. Hindi ko na rin natiis ang sarili at nilingon si Oceanus na parang inaasahan niya na gano'n na ang ipapagawa sa kan'ya ni Atlas.

"Atlas—" Akmang magsasalita na sana si Oceanus ng maunahan siya ni Atlas.

"Siraulo ako, hindi ba? Now go ahead. Simulan niyo na 'yang pinagawa ko sainyo at baka dagdagan ko pa 'yan."

Mahinang natawa si Oceanus. "Hindi naman ako magrereklamo, Atlas. Ano ka ba, nakakamiss din magpapawis. Thank you."

Mukhang madali lang kay Oceanus ang ganitong gawain kaya siguro patawa-tawa lang siya. Paano naman ako!?

Bumaba ang tingin ko sa buhanginan at napalunok na lang. Mas mahihirapan kami sa pagjojogging lalo na at nandito kami sa may dalampasigan. Pinagdadasal ko na lang sana na makaabot man lang ako sa sampung laps kahit sobrang tagal.

Habang iniisip ko pa lang 'yon, parang napapagod na ako.

Ang daldal naman kasi ni Oceanus kagabi. 'Yan tuloy nadamay pa yata ako sa init ng ulo ni Atlas.

"Start now," ani Atlas sa seryosong tono.

Wala na akong choice kundi sundin si Ocenus nang magsimula siyang mag-jogging pagkatapos ng sinabi ni Atlas.

SHANGPU

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top