CHAPTER 2

CHAPTER 2

SARAH DAYANGHIRANG

Mahaba ang nguso ko ng wala sa sariling kinakamot ang braso habang naglalakad kaming dalawa ni Rafael patungo sa pupuntahan namin. Kada kamot ko ay taga tapik naman siya sa kamay ko para pigilan ako.

"Sarah, that's the fifteenth time I've had to stop you from scratching. Magkakasugat ka sa ginagawa mo kung hindi mo 'yang titigilan," saway niya sa akin habang hawak-hawak pa rin ang lampara.

"Sorry," mahina kong sagot.

Hindi na siya nagsalita pa. Naramdaman ko na lang ang kamay niya sa aking balikat habang naglalakad sa medyo mabato at malubak na daanan. Dahil siya lang naman ang may dalang matinong ilaw sa aming dalawa, kailangan na magkadikit kami para makita ko rin ang dinadaanan ko.

Hindi ko rin naman magamit ang flashlight ng cellphone ko dahil useless na 'yon, sobrang luma na kasi. Gusto ko na ngang palitan 'to, pero ang hindi ko naman alam kung saan ako kukuha ng pera para makabili ng bago.

Napailing na lang ako at humawak sa dulo ng damit ni Rafael. Hinayaan niya lang ako at sanay na siya dahil palagi ko namang ginagawa 'to kahit noon pa man.

Tiningala ko siya. "Hindi ka ba papagalitan ng mama mo na lumabas ka ng ganitong oras, Raf?" tanong ko.

Bumaba ang tingin niya sa akin bago umiling. "No. matanda na ako, Sarah. I can go whenever I want as long as I tell them."

Napangiti na lang ako. "Sabagay. Tama ka rin sa sinabi mo, at matanda na rin tayo para mag-isip ng sarili nating desisyon..." humina ang boses ko bago muling nagsalita, "Mabuti ka pa may nagaalala sa 'yo... Sila mama walang gan'yan sa akin." Mapait akong ngumiti at muli siyang tiningnan. "Pero ayos lang. Sanay naman ako."

Tipid niya akong ningitian. Umangat ang kan'yang kamay at hinaplos ang buhok ko. "I care about you, Sarah. Kung hindi sila nagaalala sa 'yo, ako oo."

"Alam ko naman 'yan," natatawa kong sagot. "Thank you so much, Raf."

Agad din kaming nakarating sa lugar kung saan kami palaging tumatambay. Isa 'yong ilog na may maliit na waterfall. Hindi ko nga lang alam kung manmade ba 'yon o hindi. Aksidente naming na diskubre itong lugar noong tumakas kaming dalawa ni Rafael sa mga guard sa mansyon nila. May sakit siya sa mga panahon na 'yon at tumakas siya kahit na hindi pinayagan ng mama niya. Kaya 'yon ang nangyari.

Minsan talaga may pagkamatigas ng ulo si Rafael.

"Tara, dito na tayo maupo," masaya kong ani.

Tahimik lang siyang tumango at nilapitan ako. May nilabas siyang malaking sapin na kinuha niya sa kan'yang bag at nilatag sa lapag. Agad akong naupo at pinagmamasdan siya sa kan'yang ginagawa. Binaba na rin niya ang bag kasama ang lampara na dala niya; ang lampara lang ang nagsisilbing liwanag sa pwesto naming dalawa bukod sa sinag ng buwan sa ibabaw namin.

"What are you doing there? Bakit ang layo mo sa akin? Come here, sit beside me." Umangat ang kan'yang kamay at umakto pa na lumapit sa akin.

"Okay."

Gumapang ako papunta sa kan'ya at tinulungan siyang ilabas lahat ng dala niyang mga kung ano-ano sa loob ng dala niyang bag. Kumunot ang aking noo nang makita ang isang puting box. May maliit na tatak ng isang bakery shop sa gilid ng takip kaya alam ko na agad kung ano 'yon.

Maingat kong kinuha 'yon at napatingin pa kay Rafael. Tinanguan niya lang ako na para bang sinasabi na buksan ko 'yon. Sinunod ko siya. Kaya ngayon, tinanggal ko ang takip ng box at bumungad sa akin ang isang cake.

Napasinghap ako habang nakatingin doon. Mini cake siya na may minimalist design; ito yung mga nauuso na cake na nakikita ko sa social media.

"Bakit ka may cake? Birthday mo ba ngayon?" kunot noo kong tanong.

Mahina siyang natawa at umiling. "It's not my birthday, Sarah. It's your birthday today. Happy 21st birthday!"

"H-huh?" naguguluhan kong tanong.

Hindi ma-proseso sa isipan ko ang sinabi niya. Kaya nagmamadali na kinuha ko ang phone ko at tiningnan kung anong petsa na. At nang makita 'yon ay namilog ang mga mata ko dahil totoo nga ang sinabi niya.

March 20!

"Hala!" malakas kong sigaw at napatingin sa kan'ya.

Nangibabaw ang tawa ni Rafael nang makita ang reaksyon ko. Sa kalaunan ay parehas na kaming dalawa na humahalakhak dahil sa nangyari.

"Hindi ko alam na birthday ko pala ngayon," natatawa kong bigkas.

Umaalog pa rin ang kan'yang balikat dahil sa pagtawa. Maya-maya ay nabigla ako sa sunod niyang ginawa. Hinila niya ako para ikulong sa kan'yang bisig. Nagsimulang maghurumentado sa bilis ang tibok ng puso ko. Sobrang ingay. Sobrang nakakabingi. Ramdam na ramdam ko ang mainit niyang braso na sumakop sa katawan ko.

Mapait akong ngumiti at sa kalaunan ay niyakap siya pabalik. Sinandal ko ang ulo sa kan'yang balikat at dinama ang mainit niyang yakap. Bakit ba ang hilig niyang magpa-fall? Alam na alam niya talaga kung paano ako kuni—normal naman na magyakapan ang magkaibigan, Sarah! Ikaw lang nag-iisip ng may malisya 'yon!

"Don't be sad, Sarah. It's your birthday today," aniya sa malumanay na tono.

Napalunok pa ako nang makita kung paano niya tinulak gamit hintuturo ang suot niyang salamin dahil nahuhulog 'yon. Bakit ang guwapo niya sa tuwing ginagawa niya 'yon?

Isang buntong hininga ang aking pinakawalan bago sinandal ang ulo sa matigas niyang braso. Sinimulan niyang suklayin ang buhok ko habang nakatingala ako sa madilim na kalangitan. Kahit na madilim 'yon ay napupuno naman siya ng mga bituin.

"Thank you so much, Raf. masaya ako na naalala mo ang birthday ko." Mahina akong tumawa. "Kung hindi mo pa sinabi sa akin, paniguradong nakaligtaan ko na talaga ang birthday ko."

Maya-maya ang mga ngiti sa aking labi ay naglaho na. Naramdaman ko ang paghapdi ng mga mata ko habang nakatingala pa rin sa kalangitan. Alam ko na iiyak na ako... Inaamin ko na iyakin ako, kahit na sa pagkokontrol ko sa emosyon ko ay nahihirapan ako.

Tuluyan nang tumulo ang pinipigilan kong luha. Para akong bata na lumuluha sa tabi ni Rafael habang inaalala sila mama. Alam ko naman na wala silang pakielam sa birthday ko kaya dapat hindi na ako umasa pa tungkol doon. Pero masakit pa rin pala kahit na sanay na ako.

"Shush, now. Don't cry," pang aalo niya. "Sige, papangit ka n'yan lalo," pambibiro niya.

Napalabi na lang ako at pabirong inirapan siya bago kurutin ang matigas niyang braso. Alam ko naman na walang epekto 'yon sa kan'ya. Nag-gym na kasi siya, kaya habang tumatagal ay mas lalong gumaganda at nadedefined na ang katawan niya.

"Wala nang magbabago dahil matagal na akong gan'yan," sumisinghot kong sagot. "Kaya iiyak na lang ako hangga't gusto ko."

Napailing na lang siya bago hilahin ang kamay ko para muling yakapin. "I'm just joking..."

"Alam ko naman 'yon," tugon ko. "Palagi mo 'kong ginaganyan kapag umiiyak sa harapan mo. Pilyo ka talaga."

"I just want to cheer you up. Hindi ako sanay na umiiyak ka," sagot niya.

Hindi na ako nagsalita at siniksik na lang ang sarili sa kan'yang dibdib. Nagtagal kami sa gano'ng posisyon bago ko naramdaman ang malambot na panyo sa aking ilong. Alam ko na ang gusto nitong ipagawa sa akin. Suminga ako roon at kinalma ang sarili.

"Thank you, Raf. Salamat dahil naging kaibigan kita... I hope you won't leave me..." mahina kong wika.

Hindi siya sumagot sa sinabi ko. Isang maliit na ngiti lang ang binigay niya sa akin at hindi man lang umabot sa kan'yang mga mata. Nababasa ko sa mata niyang kulay abo ang kalungkutan doon, at sa hindi malamang dahilan ay pakiramdam ko may kumirot sa puso ko.

"Promise me, Rafael. No matter what happens, hindi mo ako iiwan, ah," muling nangilid ang luha ko ng banggitin 'yon at inangat ang hinliliit sa kan'ya.

"I promise. I'll never leave you," aniya sa seryosong boses at pinagkrus ang hinliliit naming dalawa.

Muling namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa hanggang sa tuluyan akong kumalma. Niyakap niya pa ako sa huling pagkakataon at hinaplos ang buhok ko.

"What if magpatattoo tayo sa hinliliit natin?" nakatingin kong tanong. "Yung plain red ring lang, sa tingin mo bagay 'yon sa atin. Ano sa tingin mo?"

Ngumiti siya. "That sounds great. How about we do that after we graduate? Is that okay?"

Sunod-sunod akong tumango sa kan'ya. Halos mapunit ang labi ko habang nakangiti sa kan'ya. Excited na ako na mangyari 'yon. Mahina siyang natawa dahil sa naging reaksyon ko, napapailing na kinuha niya ang maliit na cake sa box at nilagay na roon ang kandila bago sindihan.

Nakaharap na siya sa akin ngayon habang hawak-hawak ang cake. Malawak ang kan'yang ngiti habang nakatingin sa akin. Kitang-kita ko ang repleksyon ng ilaw ng kandila sa kan'yang mukha. Bumabagay 'yon sa paraan kung paano siya ngumiti. Maya-maya ay nagsimula na siyang kumanta habang ako ay mahinang pumapalakpak at ini-isway ang katawan.

"Happy birthday to you. Happy birthday to you. Happy birthday. Happy birthday. Happy birthday to you," malumanay niyang kanta habang nakatingin sa akin.

Nakangiting hinipan ko ang kandila nang matapos siyang kumanta. Binaba na niya ang hawak niyang cake at sinimulan na naming kainin 'yon habang nag-uusap. Marami kaming topic na pinag-usapan hanggang sa mapunta 'yon sa aming dalawa.

Ang totoo niyan, sa aming dalawa ay si Rafael lang ang halos nakakakilala sa akin habang ako ay hindi. May alam naman ako sa kan'ya pero hindi lahat. Kahit kailan hindi niya kinukwento ang tungkol sa pamilya nila unless tatanungin mo. Hindi ko rin magawang magtanong dahil pakiramdam ko para akong nanghihimasok sa lagay na 'yon... At nahihiya rin.

Pa-mysterious si Rafael at ang pamilya nila. Kaya isa na rin siguro 'to sa dahilan kung bakit may nagkakagusto sa kan'ya. May mga ibang babae kasi na gusto ng gano'n. Malakas ang hatak sa kanila tungkol sa mga gano'ng bagay.

Pero sa tingin ko iba 'tong kaibigan ko. Ang Zevallos ay kilala sa baryo namin, at matunog ang kanilang apelyido. Sa isip ko hindi naman siguro sila pa-mysterious; siguro masyado lang silang mahigpit sa privacy nila habang ang iba ay lowkey lang.

Protective lang ang mga Zevallos, 'yon ang kutob ko. Ni hindi ko nga alam kung may kapatid ba si Rafael since wala naman siyang nababanggit sa akin.

Okay lang naman 'yon, may mga araw lang na napapaisip ako tungkol sa kanila.

Agad akong nabalik sa reyalidad mula sa malalim na pag-iisip nang marinig ang boses ni Rafael.

"I have a gift for you," he said.

Mabilis akong napalingon sa kan'ya dahil sa pagkabigla. "Bakit? Sana hindi ka na nag-abala pa."

Umiling siya. "It's okay. You deserve a gift, Sarah."

Napabuntong hininga na lang ako at alam kong wala na akong magagawa. Hindi ko tuloy alam kung ano ang mararamdaman ko. Halo-halo ang emosyon na naglalaro sa dibdib ko ngayon. Parang kinakabahan, nahihiya, at naeexcite ako.

"Here. Open it." May inabot siya sa akin na maliit at pa-rectangle na box.

Ilang beses kong tiningnan ang hawak niya at siya mismo. Nagdadalawang isip pa ako kung kukunin ko 'yon o hindi hanggang sa siya na ang kumuha ng kamay ko at pinahawak sa akin ang regalo niya.

"T-thank you," nauutal kong pasasalamat.

Dahan-dahan ko 'yong binuksan. Napasinghap ako sa gulat at muntikan pa ngang nahulog dahil sa pagkabigla. Mahigpit kong niyakap 'yon habang nanlalaki pa rin ang mga mata na tiningnan si Rafael.

"C-cellphone?" kinakabahan kong tanong.

"Uh-huh," tumatawa niyang sagot dahil sa naging reaksyon ko.

"A-anong... Bakit?" nauutal kong ani. Palipat-lipat ang tingin ko sa hawak kong cellphone at sa kan'ya. "Hindi ko 'to matatanggap, Raf. This is too much."

Umiling lang siya. "Mas lalong hindi ko tatanggapin 'yan kung ibabalik mo sa akin. I brought that for you, kaya tanggapin mo na."

Namamanghang pinagmasdan ko ulit ang magiging bagong cellphone ko ngayon. Maganda at elegante ang kulay. May tatlong camera sa likod at medyo malaki rin 'yon.

Hindi na ako nakapag hintay at binuksan ko na agad ang cellphone. Nagpatulong na lang ako kay Rafael kung paano ayusin ang cellphone sa settings. Nang matapos ay agad kaming nag-picture para magkalaman agad ang album.

Nang matapos na kami, siya na ang nag-aya na maligo kami sa ilog. Nauna na siyang tumayo mula sa kinauupuan namin. Pinanood ko siyang maghubad sa harapan ko at tanging itim na boxer shorts lang ang iniwan niya. Tumalon na agad siya sa ilog at nakangiting pinagmasdan ako.

"Come on, let's swim," aya niya habang nakalahad ang kan'yang kamay sa akin.

Mahina akong natawa at tumayo. Tinanggap ko ang kamay niya at malakas na napasigaw ng hilahin niya ang kamay ko. Agad na bumalot sa aking katawan ang malamig na tubig. Sinubukan kong lumangoy para makaahon pero naunahan na ako ni Rafael. Pinulupot niya ang kan'yang braso sa aking baywang para makaahon ako.

"It's cold," natatawa niyang sambit.

Napanguso ako. "Ngayon mo lang napansin? Natural malamig talaga gabing-gabi na."

Ningitian niya lang ako bago magsalita, "I really like your birthmark. It's beautiful."

Wala sa sarili na hinawakan ko ang tinutukoy niya. Isang heart-shaped na birthmark sa likod ng kaliwa kong tainga.

"Talaga lang, ah. Baka mamaya inaasar mo lang ako, wala pa naman akong mabibigay na pera sa 'yo," panunudyo ko.

Tinawanan niya ako at napapailing na lumangoy sa gilid habang nakahawak pa rin sa aking baywang para makapag-usap kami nang maayos. Wala sa sarili na bumaba ang paningin ko sa suot kong damit. Ang suot kong puting dress ay naging see-through na dahil basa na siya ngayon, kitang-kita na tuloy roon ang sout kong itim na bra at cycling.

Napayakap na lang ako sa aking sarili at naramdaman ang pamumula ng aking pisngi.

"Don't worry, it's just us here," malumanay niyang sabi bago laruin ang buhok ko; mukhang napansin niya ang pagkailang ko bigla. "And if anyone tries to touch you, I'll kill them."

Nanlaki ang mata ko nang lingunin siya. "Huwag ka ngang magsalita ng gan'yan, Raf. Masamang pumatay ng tao. Ang seryoso mo pa namang pakinggan d'yan."

Nagkibit balikat lang siya at patuloy pa rin sa paglalaro sa buhok ko.

"I'm serious, Sarah."

"Baliw ka talaga."

Nagtagal kami sa gilid ng mga ilang minuto; paminsan-minsan ay pabiro ko siyang sinasabuyan ng tubig kapag napapansin ko na tulala o malalim ang iniisip niya, at gano'n din siya sa akin. Hanggang sa mauwi na 'yon sa paghahabulan sa ilog, napuno ng halakhak ang puwesto namin habang siya ay nahihirapan na habulin ako.

"T-teka... ayaw ko na!" hinihingal at tumatawa kong sambit.

Nahawa na siya dahil sa tawa ko habang nanatiling nakapirmi ang kan'yang kamay sa baywang ko. May mahihinang tawa pa rin ang namumutawi sa aking labi, pero naglaho lang din 'yon nang sandaling nagtagpo ang paningin naming dalawa nang lingunin ko siya.

Mahina akong napasinghap... Kaunti na lang ay magdidikit na ang labi naming dalawa. Kaunting galaw na lang ay mararamdaman ko ang labi niya sa akin.

Wala ni isa sa aming dalawa ang sumubok na magbigay ng distansya sa isa't isa. Tinititigan niya pa lang ako, pero bakit parang ang init na sa puwesto namin?

Hindi ko inaasahan ang sunod niyang ginawa. Naramdaman ko na lang ang daliri niya sa aking baba at inangkin niya na agad ang aking labi. Mahigpit akong napahawak sa kan'yang balikat dahil sa pagkabigla. Napapapisil pa ako roon sa tuwing nararamdaman ang malambot niyang labi na gumagalaw sa labi ko.

Nakakaliyo ang halik niya. Unti-unti na akong nadadala sa mga halik niya. Awtomatikong pinikit ko ang aking mga mata. Pakiramdam ko bumigat at nakaramdam ng kakaibang sensasyon ang katawan ko.

Parang kinikiliti ang t'yan ko sa tuwing kinakagat ni Rafael ang ibaba kong labi. Hindi ko alam na ganito pala kasarap pag nahalikan ka. Parang may paru-paro na nagsiliparan sa loob ng t'yan ko habang sinusubukan kong tugunin ang halik niya.

Mas lalo akong napakapit at humigpit ang hawak ko sa kan'ya nang maramdaman ang kan'yang palad na nagsimulang maglakbay sa katawan ko. Hanggang sa umangat na 'yon at natagpuan ang aking leeg, at mas lalong pinalalim ang pinagsaluhang halik naming dalawa.

Hindi ako mapakali. Parang may kakaiba sa katawan ko. Habang nanatiling magkahugpong ang labi naming dalawa ay dinidikit ko ang sarili ko sa kan'ya. Dahil doon, hindi ko napigilan ang sarili na lumabas ang pinipigilan kong halingling habang magkahalikan pa rin kaming dalawa.

Ramdam na ramdam ko ang mainit niyang haplos sa aking katawan. Mas lalo lang dumudoble ang pagiinit ng aking katawan dahil sa ginagawa niya. Magaan ang bawat paghaplos niya sa katawan ko, may pagpisil. Panggigigil. Pero kahit na gano'n ay nandoon pa rin ang pagiingat niya na hindi ako masaktan.

Unti-unti na akong nilalamon ng kakaibang init at hinayaan ko na lang 'yon. Hinayaan ko na lang kung saan kaming dalawa dalhin sa pinaggagawa namin; sumasabay pa roon ang pagtaas ng balahibo ko dahil lahat ng ito ay bago sa akin. Habang tumatagal, ang mabagal na halikan ay nauwi na sa agresibo nang makuha ko na ang ritmo kung paano siya humalik.

Sinasabayan ko ang bawat galaw ng kan'yang labi sa akin. Lumalalim na at ang kamay ng isa't isa ay kung saan-saan na napupunta. Mas lalong uminit ang pagitan sa aming dalawa. Bumalik na ulit sa mabagal, pero nakakaliyo ang halikan naming dalawa ni Rafael.

"Open your mouth," hinihingal na bulong ni Rafael sa aking labi ng sandaling maghiwalay 'yon.

Natauhan ako nang marinig ang kan'yang boses. Malakas ko siyang naitulak at napahawak sa sariling labi na ngayon ay hindi ko na maramdaman. Parang namamaga siya!?

Bakit hindi ko alam na may lahing vacuum pala ang labi niya?!

"I-I'm sorry..." nauutal kong sabi at hindi ko alam kung bakit 'yon lumabas sa bibig ko.

Nagmamadaling umahon ako sa ilog at dumiretso sa puwesto kung saan nakalatag ang mga gamit namin. Kinuha ko ang sa akin at tumakbo papalayo sa kan'ya. Hindi ko na nagawang tingnan siya pabalik dahil ngayon lang ako tinamaan ng hiya!

"Sarah! Come back here!"

Binalewala ko ang sigaw ni Rafael habang nangiinit ang pisngi na tumatakbo papalayo sa kan'ya. Hinihingal na napahawak ako sa aking labi nang makarating sa likod ng bahay. Pilit kong kinakalimutan ang nangyari kanina pero pakiramdam ko ramdam na ramdam ko pa rin ang labi niya sa akin.

Bakit marunong siya humalik?! Alam na alam niya kung paano humalik!

SHANGPU

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top