CHAPTER 17
CHAPTER 17
SARAH DAYANGHIRANG
"Akala ko wala ka ng balak umuwi, eh."
'Yon agad ang bungad sa akin ni mama nang makauwi ako sa bahay. Nakasuot siya ng bestida na kulay fuchsia habang naka-bun ang buhok. Nakapamaywang ito at may kinakalikot sa ngipin gamit ang toothpick.
Pagkatapos kong mapirmahan ang kontrata, pinayagan na akong makauwi ni Atlas. Pero may nakasunod sa akin o nagbabantay, isa sa mga tauhan nito.
Tipid ko lang siyang ningitian at pumasok sa loob. Binalewala ko na lang ang sinasabi niya dahil alam kong mapapalitan ng saya ang magiging balita ko sa kan'ya.
"May trabaho na ako, 'ma," masaya kong bigkas.
Gaya nga ng inaasahan ko. Nawala ng parang bula ang ekspresyon ng mukhang niyang parang nakasimangot. Napalitan 'yon ng malawak na ngiti, na akala mo ay ngayon lang nakarinig ng magandang balita sa buong buhay niya.
Mukhang tama lang din ang naging desisyon ko sa pagsali sa organisasyon nila Atlas. Masaya si mama. Malawak ang ngiti niya sa akin.
"E'di maganda! Kailan mo pala makukuha unang sahod niyo? Napagusapan niyo na ba ng boss mo 'yan? Kapag sumahod ka na huwag mong kalilimutan na ibigay 'yon sa akin, ha?"
Tumango na lang ako. "Opo, 'ma."
Alam ko naman na sasabihin niya o itatanong niya sa akin kaya nakahanda na rin ang magiging sagot ko sa kan'ya. Nang makaakyat ako sa taas at pumasok sa loob ng aking kuwarto, doon lang naglaho ng parang bula ang ngiti sa labi ko.
Dinampot ko ang puting tuwalya at kumuha ng mga damit sa drawer para ipatong sa ibabaw ng kama. Ihahanda ko na lahat ng 'yon para mabilis na lang akong makakabihis mamaya pagtapos kong maligo.
"Ano pa lang trabaho mo roon? Magkano pala sahod mo sa buong isang buwan?" tanong ni mama sa akin na ikinatigil ko.
Hindi ko alam na sinundan niya pala ako hanggang dito. Tuluyan na siyang pumasok sa loob at naupo sa kama. Ginagamit niya pa rin ang toothpick sa bibig nito habang nililibot ang paningin sa kabuuhan ng aking kuwarto.
Hindi ko tuloy alam kung ano ang dapat kong sasabihin sa kan'ya. Hindi rin naman puwedeng diretsuhin ko na nagtatrabaho ako sa organisasyon na pinagtatrabahuan ni Atlas.
"Assistant lang ako 'ma," pagsisinungaling ko.
Napatango siya. "Puwede na rin. Masuwerte ka at natanggap ka. Magkano pala ang sahod mo roon? Malaki ba? Mas malaki kapag private assistant. Anong klaseng assistant ba 'yan?" sunod-sunod niyang tanong.
Nagkibit balikat ako. "Hindi ko pa kasi alam, 'ma."
Ang totoo niyan ay hindi pa nasasabi sa akin ni Atlas ang tungkol sa magiging sahod ko roon. Natapos ang usapan namin pagkatapos kong mapirmahan dahil may kailangan pa raw siyang asikasuhin sa Section 2 ng laboratory. Kaya rin nagkaroon din ako ng oras na makauwi sa bahay pero mamaya ay babalik ulit ako roon, 'yon ang utos niya sa akin.
"Paanong hindi mo alam? Bago ka mahire dapat sinabi na 'yan sa 'yo," irita niyang usal sa akin.
Napabuntong hininga na lang ako at hindi na siya sinagot pa. Doon na rin tumayo si mama at napapailing na lumabas ng kuwarto dahil hindi sa naging sagot ko.
"Anong klaseng kumpanya ba 'yan? Ngayon lang ako nakarinig ng gan'yan."
Hindi ko na binigyang pansin pa ang binubulong ni mama. Bumaba na ako at naligo na rin. Ang mga kapatid ko naman ay wala ngayon sa bahay dahil may pinapamigay na ayuda raw sa city hall dahil birthday ng mayor namin. Namimigay siya ng mga grocery pack, at bali-balita rin ay may kasama rin na cash. Hindi naman malaki pero atlis malaking tulong na rin 'yon sa mga mabibigyan niya.
Nagtagal din ako ng ilang minuto sa loob ng banyo dahil sinigurado ko na malinis na malinis ako. Hindi ako nakaligo kahapon kaya pakiramdam ko ang lagkit-lagkit ng buong katawan ko kahit na malamig sa lugar nila Atlas.
Nang matapos ay isang white fitted shirt na nakatuck in sa black maong pants lang ang sinuot ko. Kinuha ko rin ang puting sneakers na binigay ni Rafael sa akin at sinuot din 'yon.
Ngumiti ako ng makita ang sarili sa harap ng salamin. Inayos ko pa ang puwedeng ayusin sa sarili bago maupo sa kahoy na upuan sa sala. Katatapos ko na rin kumain kaya ngayon ay nagpapahinga na lang ako rito.
Bumuga ako ng hangin at nilibot ang paningin sa kabuuhan ng bahay namin dito sa baba. Ngayon ko na lang din naenjoy ang katahimikan dito sa bahay. Ang sarap sa pakiramdam. Magaan.
Si mama ay wala rito dahil nasa labas na naman siya. Nagbubungkal ng lupa para sa mga tanim niyang halaman at iba pa.
Awtomatikong bumaba ang paningin ko sa hawak kong cellphone ng marinig na tumunog 'yon. Agad kong binuksan ang isang text na nanggaling kay Ei.
From Ei:
Are you okay now? Hindi ka kasi nagreply sa text ko. Nagaalala lang ako na baka mamaya may nangyaring masama na sayo.
To Ei:
Okay na ako, Ei. kumusta ka na dyan?
From Ei:
I'm fine. Just a bit busy with work. Next time, let's hang out, okay? Miss na kasi kita:(
Napangiti na lang ako ng mabasa ang reply niya. Hapon na ako ng makauwi sa bahay kaya hindi ko na rin magawang makapag-reply sa iba niyang text.
Agad na akong tumayo sa kinauupuan ko at kinuha ang black leather tote bag ko at sinakbit sa braso ko. Muli kong tiningnan ang sarili sa harap ng salamin sa huling pagkakataon bago lumabas ng bahay.
Kailangan kong magmukhang presentable kahit papaano kapag pupunta roon. Nakakahiya naman kung maghihitsura akong dugyot doon.
"Aalis lang po ako," paalam ko kay mama ng lumabas ng bahay.
Nanatili pa rin siyang nagbubungkal sa lupa. Nililipat niya ang mga halaman niya at hindi ko na alam ang iba. Tumingala siya sa akin, tiningnan niya ako simula ulo hanggang paa. Ningitian ko siya pero agad din na nawala ng hindi niya ako pinansin.
Tinalikuran niya lang ako at tinuloy ang kan'yang ginagawa.
"Kapag may emergency, 'ma. Tawagan mo lang ako o 'di kaya si Hillary. Pauwi naman na rin siguro sila ngayon."
Sa pangalawang pagkakataon ay wala akong nakuhang sagot sa kan'ya. Tumalikod na rin ako at lumabas ng gate. Tiningnan ko si mama sa huling pagkakataon bago maglakad patungo sa terminal ng mga tricycle.
Nagpababa na lang ako sa labas ng arko ng Rarito at naglakad pa ng kaunti papasok sa loob hanggang sa matanaw ko ang isang lalake na naghihintay sa akin. Nakatayo 'yon sa gilid ng kotse at inaabangan ako.
Isa 'to sa mga tauhan ni Atlas na inutusan niyang magsusundo sa akin pabalik sa warehouse niya.
݁
₊ ⊹ . ݁˖ . ݁·ꕤ
"Sit down there for a while. I'll just go to the laboratory. Feel at home, Sarah..."
Pagkalabas ko agad sa elevator ay nakita ko na si Atlas na naghihintay sa akin dito sa lounge ng basement niya. Tinuro niya ang black leather L-shaped sofa na nakapuwesto sa living area para maupo ako roon. Nakaharap 'yon sa isang malaking flat-screen TV na may nakaplay na movie na hindi pamilyar sa akin.
Sinunod ko na lang siya at naupo roon. Sumunod din siya sa akin at tinuloy ang susunod niyang sasabihin sa akin.
"...Because after I process the contract at our headquarters, this place will be your new home."
Ano raw?
"Huh?" kunot noo kong tanong sa kan'ya.
Ningitian niya lang ako at tinalikuran, halatang nagmamadali. Para akong tanga ngayon na pilit na iniintindi ang sinabi niya kanina. Pumasok na siya sa Section 1 ng laboratory; 'yon ang nakita ko sa isang maliit na signboard na nakadikit sa isang pintuan. Nakapuwesto 'yon sa gilid ng maliit na glass window ng pinto.
Hindi ko alam kung ilang minuto rin akong nagtagal kakahintay sa kan'ya. Doon ko na rin napagdesisyunan na tumayo at magtingin-tingin sa mga nakalagay rito sa buong lounge area. Malinis at maganda. Parang araw-araw na nililinisan, wala akong nakikitang ni isang alikabok.
Pero isang bagay lang ang nakakuha ng aking atensyon. Black display board na nakasabit sa pader. Sa pinakataas no'n, sa kaliwang bahagi ay nandoon ang pangalan ng organisasyon nila.
"El Orden Del Abismo..." mahina kong basa.
Doon ko na-realize na ang buong display board na 'yon ay ang chart ng kanilang organisasyon. May isang pangalan lang ang nasa tuktok; mukhang 'yon ang kanilang pinaka leader. Hindi ko alam kung tama ba 'tong mga hula ko pero kutob ko lang naman dahil siya lang ang mag-isa sa taas at ang iba ay nasa ibaba na.
"That's Cronus." Mabilis akong napalingon sa gilid nang marinig ko ang boses ni Atlas.
"Atlas," tawag ko sa kan'yang ngalan.
Akala ko siya lang mag-isa. May kasama siyang isang babae, siya 'yong nakita ko sa laboratory kahapon. Parehas silang dalawa na may suot na lab gowns pero wala nang suot na face mask.
"Let's go to my office. I need to tell you about the Abyss Order. I'm sorry it took so long and kept getting interrupted. There was a problem with the drug production in section 2 of the laboratory."
Mahina akong napasinghap nang marinig ang kan'yang sinabi.
"D-drugs?"
Sabay silang dalawa na tumango sa akin. Nauna na si Atlas at sumunod ang babae sa paglalakad. Napalunok na lang ako at tahimik silang sinundan hanggang sa makarating kami sa office niya.
"Congratulations again, Sarah," ani Atlas nang maupo sa swivel chair.
Naupo ako sa sydney chair sa harapan ng office table niya, at gano'n din ang babae na kasama ni Atlas. Kaya ngayon ay magkatapat kaming dalawa.
"I already sent the contract that you signed at the headquarters and it's still being processed there." May kinakalikot pa siya o hinahanap sa ilalim ng drawer ng office table nito habang nagsasalita pa rin.
"But I'll tell you what our organization is all about. As you can see, El Orden Del Abismo is a secret organization, not just secret but an illegal organization," panimula niya.
Palihim kong kinuyom ang aking kamao nang marinig ang sinabi ni Atla. Tama nga ang hinala ko. May hindi tama talaga akong nararamdaman sa organisasyon nila.
Pero ano pa ba ang magagawa ko? S'yempre wala dahil nandito na ako. Nakapasok na ako.
Hindi na puwedeng mag-back out dahil nakapirma na ako sa kontrata. At kung gugustuhin ko mang umalis ay wala rin akong mahahanap na replacement ko para rito.
"Aside from that, there's also a faction of El Orden Del Abismo. We called them Faction Uno, Dos, and Tres. We're in Faction Uno."
Kumunot ang noo ko. "Bakit hindi na lang sinasama ang lahat ng miyembro sa iisang faction?"
"Hindi nila gagawin 'yon. If they do that, it will be a disaster. Some of the factions in our organization had a stubborn boss and underboss. If we combine everyone into one faction, it could cause chaos," sagot niya. "Maraming mangyayari na hindi pagkakaintindihan."
"Since I already said that we had three factions. The big boss is responsible for everything in every faction and his name is Cronus. 'Yon ang nakita mo sa lounge kanina. Hawak niya ang tatlong faction na 'yon."
Tama nga ako. Si Cronus ang leader nila. Malaki ang sakop ni Cronus dahil tatlong faction ang hawak niya.
"Every faction had three sections. Under Cronus, there are three bosses that oversee their assigned countries to manage operations. We have Hyperion from Faction Uno; he was assigned to Mexico. Pallas from Faction Dos; he was assigned in Japan and the last country is Iraq. It was Theus who was assigned to that country."
Pakiramdam ko parang mawawalan ako ng ulirat sa sobrang daming pangalan na sinabi. Parang tumitibok ang ugat sa utak ko dahil doon. Kahit na gano'n ay pilit ko pa rin na iniintindi at pinapakinggan ang mga sinasabi niya.
"After the boss, we have three underbosses. Every boss had their own underboss. Hyperion underboss is me. Pallas' underboss is Lapetus and for Theus, his underboss is Perses."
Seryoso ang kan'yang mukha habang patuloy pa rin sa pagsasalita.
"Every boss and their underboss has a specialty in their work. Hyperion and I were designated to produce and make drugs. We produce it in every country, mainly in Mexico. For Pallas and Lapetus, their specialty was related to high-tech gadgets; some of their associates were the admins of the website and the system in our organization. They make high-tech tools and things that can help us."
Drugs... hindi ko alam na dadating ako sa punto ng buhay ko na makakatrabaho ko ang mga gumagawa ng mga ganito.
"Theus and Perses specialty is making bombs and arms trafficking in Iraq. Everything under faction Uno has a specialty, and they've been working very well until now."
Ang organization chart na nakita ko sa black display board sa lounge ay sakto lang naman ang kalakihan. Pero pakiramdam ko ay parang sobrang daming tao ang mga nagtatrabaho sa kanila. Sa tingin ko ay mga matataas na ranggo lang ang mga nakalagay roon at ang iba ay hindi na.
"Alam ko na nakita mo na ang organization chart namin. Lahat ng section sa faction natin ay malaki at malawak ang hawak sa frontliners at associates. Mga matataas ng ranggo lang ng El Orden Del Abismo ang mga nailagay roon dahil 'yon ang importante."
Mabilis akong napalingon sa gilid ko ng magsalita ang babae. Mukhang nasagot niya na rin ang iniisip ko kani-kanina lang. Nakatingin na pala siya sa akin.
"Isa ako sa mga frontliners at associates ni Atlas, Ms. Sarah," aniya.
"Kung gano'n, ano ang magiging trabaho ko rito? Magiging kagaya rin niya ba ako, Atlas?" tukoy ko sa babae sa harapan ko ng lingunin ko si Atlas. "Wala akong alam tungkol sa mga gan'yan. Ni hindi ko nga alam kung paano gumawa ng... drugs," mahina kong sabi.
"We know, Sarah. That's why we have a plan for you," sagot niya. "After you finish your first mission. At least give me one and a half years or more than that to train you."
"Train? Para saan?" naguguluhan kong tanong.
"You're working under a secret and illegal organization, Sarah. Expect that there will be chaos sometimes in every mission that you have. Kapag nangyari 'yon, anong gagawin mo?"
Natigilan ako sa kan'yang tanong. "H-hindi ko alam... magtago?"
Mahina siyang natawa at umiling. Sumandal siya sa kan'yang kinauupuan bago humalukipkip.
"You need to defend yourself just in case you're trapped in that situation."
Tumikhim siya at tinuwid ang likod at dumukwang papalapit sa akin. Nakapatong ang dalawang siko niya sa ibabaw ng lamesa habang magkasalikop ang dalawa niyang palad. Doon nakapatong ang kan'yang baba habang nakatingin sa akin.
"I'll train you to defend yourself. I'll train you on how to use a gun and knife. Everything that can be used to kill people."
SHANGPU
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top