CHAPTER 12
CHAPTER 12
SARAH DAYANGHIRANG
"He's my husband."
Nasamid ako sa sarili kong laway nang marinig ang lumabas sa bibig ni Ei. kagigising lang naming dalawa ngayong umaga at kumakain na kami ng niluto kong breakfast. Ako na ang nag-volunteer na magluto dahil alam kong may hangover pa siya.
Maliwanag na maliwanag ang kabuuhan ng unit dahil nakagilid ang dalawang kurtina. Tumatagos sa glass sliding window ang sikat ng araw at sakto 'yon sa mini dining area kung saan kami nagaalmusal ngayon.
Ilang beses akong napaubo habang nakatingin kay Ei dahil sa pagkabigla. Ang buhok niya ay magulo. Nahulog pa sa braso niya ang strap ng pangitaas niyang damit habang pinaglalaruan ang pagkain sa plato.
Napalunok na lang ako at inabot ang mainit na chocolate milk para inumin bago magsalita.
"Sorry... nagulat ako sa sinabi mo," ani ko bago punasan ang bibig.
Tipid niya akong ningitian. "It's okay, don't worry. Naiintindihan ko naman kung bakit gan'yan ang reaksyon mo."
Napatango na lang ako. "Kung okay lang na sagutin mo 'tong tanong ko... secret relationship ba kayo ni Mr. Winslow? Ay hindi, kasal na kayong dalawa, Ei. kaya bakit naman na isesekreto niyo yung relasyon niyong dalawa? Atsaka... hindi mo rin gamit ang apelyido niya."
Isang beses kong nakita ang mga ID's ni Ei at gamit niya ang Marcilla, hindi ang Winslow. Kaya nakakapagtaka rin talaga.
Napabuga na lang siya ng hangin at napahilamos sa mukha. "It's needed, that's why. As long as I don't agree to what they want, kailangan ang relasyon naming dalawa ni Caddel ay tago. Kaya gamit ko ngayon yung Marcilla at hindi Winslow. But it's already stated in our marriage certificate that my surname is different there. Pero sa ngayon... gagamitin ko muna yung Marcilla."
Napatango na lang ako. "Mukhang iniiwasan mo nga si Mr. Winslow pagkatapos ng event sa graduation natin..." humina ang tono ng boses ko at nagdadalawang isip sa susunod na sasabihin.
Umangat ang paningin niya sa akin. "Come on, Sarah. You can ask me anything as long as I can answer it."
"Yung tinutukoy niyang may naghahanap sa 'yo... anak niyong dalawa hindi ba?"
Awtomatikong sumilay ang ngiti sa kan'yang labi. "Yes. they're twins—a girl and a boy..." Pero unti-unting naglaho ang ngiti niya. Muli na naman siyang napabuntong hininga bago magsalita, "I love them, Sarah. Mahal na mahal ko ang kambal ko. That's why I don't want to risk my life because I have them."
"I always keep telling myself that everything will be okay. Na baka may iba pang paraan... it's just that what's happening in our lives now is really complicated and stressful." Napayuko na lang siya at napabuga ng hangin.
Mapait akong ngumiti sa kan'ya at hinawakan ang kamay niya. Mukhang nagulat pa siya sa ginawa ko kaya umangat ang ulo niya para tingnan ako.
"Ei, kung kailangan mo ng kausap tungkol sa mga problema mo nandito lang ako, ah? Makikinig ako... tandaan mo 'yan," malambing kong sabi sa kan'ya.
Lumambot ang ekspresyon ng kan'yang mukha. Ang mga mata niya ay namamasa; alam kong nagpipigil lang siya ng luha kaya ningitian ko ito. Nangungusap ang mga mata niya at parang may gusto siyang sabihin pero hindi puwede.
"Thank you so much, Sarah. I can tell you all my problems but not this problem that we're trying to fix." Hinawakan niya ang kamay ko at mahinang pinisil. "Nakakastress 'tong iniisip ko, and I know you have a lot of problems too. Ayaw ko nang dumagdag pa."
"Ikaw naman, hindi ka na rin bago sa akin, Ei. Pero naiitindihan ko naman kung ayaw mo. Hindi ko rin naman ugaling manghimasok sa buhay ng ibang tao. Kung ano ang sinabi mo sa akin ngayon, okay na 'yon. Atsaka, alam ko ang pakiramdam na tinatago lang ang problema at walang mapagsabihan." Ningitian ko siya. "Mahirap at sobrang bigat sa dibdib no'n."
"Thank you so much, Sarah." Sinundan ko siya ng tingin ng bigla itong tumayo at naglakad papunta sa akin para ikulong sa mainit niyang bisig. "Ikaw din, ah. Kapag may problema ka huwag kang mahihiyang mag-open up sa akin. Palagi akong free para sa 'yo. Magkaibigan na tayong dalawa kaya tulong-tulong na lang 'to."
Mahina akong natawa at tumango. Niyakap ko rin siya pabalik at nagtagal pa kami sa gano'ng posisyon ng ilang segundo.
Matapos ng seryosong usapan ay bumalik na rin siya sa kan'yang kinauupuan at tinuloy ang kinakain. Sinulit namin ang mga oras habang nagaalmusal at nagkukuwentuhan tungkol sa ibang bagay.
Grabe... sana ganito na lang ang buhay. Masaya at walang iniisip na problema. Pero alam kong imposible na mangyari 'yon.
Dahil sa lahat ng buhay ng tao ay may problema talagang haharapin.
݁₊ ⊹ . ݁˖ . ݁·ꕤ
A months later...
Nakatulala lang ako sa isang nakasinding puting kandila na nakapatong sa study table ko. Ito lang ang tanging nagsisilbing ilaw sa buong kuwarto ko bukod sa isang maliit na ilaw sa gilid ng aking kamay.
60 days na ang nakalipas simula ng mamatay si Rafael kaya nagsindi ako ng kandila.
Ang bilis lumipas ng oras. Pakiramdam ko parang kahapon lang ang araw kung kailan ko nalaman na namatay siya. Sa totoo lang ay nasa denial stage pa ako. Iniisip na baka biro lang ang lahat pero ngayon... ngayong lumipas na ng 60 days siguro kailangan ko ng tanggapin na wala na talaga siya.
Wala akong choice kundi tanggapin na talaga ang pagkamatay niya pero ang hirap pa rin talaga. Wala sa sariling nilapat ko ang aking kamay sa dibdib nang maramdaman ang kirot sa aking puso. Nandito pa rin ang sakit sa tuwing naalala ko siya.
"Miss na kita, Raf," bulong ko.
Napabuntong hininga na lang ako at hinipan ang kandila habang naguunahan na ang mga luha ko pababa sa aking pisngi. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong umiiyak ngayon araw. Ramdam ko na ang pananakit, pamamaga, at hapdi sa mga mata ko.
Gusto ko na lang magpahinga ngayon.
Pabagsak akong nahiga sa kama at hindi rin nagtagal ay agad din akong nakatulog dahil sa pagod. Hanggang sa pagtulog ko ay siya pa rin ang nasa isip ko.
Habang tumatagal mas lalo akong nilalamon ng mga what if ko... What if umamin ako sa kan'ya? What if sinabi ko sa kan'ya na mahal na mahal ko siya hindi bilang kaibigan... siguro kung inamin ko 'yon sa kan'ya baka hindi ako nagsisisi ngayon dahil nasabi ko ang tunay kong nararamdaman.
"Hoy! Gumising ka!"
Napablikwas ako ng bangon ng marinig ang malakas na boses ni mama sa labas ng kuwarto ko. Patuloy pa rin siya sa pagkalampag sa pintuan habang sumisigaw. Nagmamadaling bumangon ako at pinagbuksan siya ng pintuan.
"'M-ma..." nauutal kong usal.
Mariin akong napapakit nang sinampal niya sa noo ko ang hawak niyang diyaryo. Napahawak ako roon at napatingin sa kan'ya.
"Ano? Habang buhay ka na lang magiging gan'yan pagkatapos mong makapag-aral? " iritable niyang tanong sa akin.
Nakapamaywang siya ngayon sa harapan ko habang nakakunot ang noo sa akin.
Nabigla ako sa sunod niyang ginawa. Naramdaman ko na lang ang kamay niya sa aking braso at hinila ang kamay ko palabas ng kuwarto. Kinaladkad niya ako pababa ng bahay at nang makarating sa banyo ay tinulak niya ako sa loob kasama ang dinampot niyang tuwalya.
"Panahon na para maghanap ka ng trabaho ngayon at ng matulungan mo ako sa mga gastusin dito. Ano? Tambay ka na lang ba habang buhay at walang plano?"
Napalunok ako. "'Ma, plano ko naman mag hanap. Magpapahinga lang po ako ng ilang araw. Alam niyo rin naman po na wala pang tumatanggap sa akin kahit na ilang buwan na akong naghahanap."
"Bobita ka rin talaga 'no? Bakit sa tingin mo makakakain tayo d'yan sa sinasabi mong pahinga? Baka mamatay pa tayong lahat sa gutom bago ka makahanap ng trabaho! Pag walang tumatawag o nag-eemail sa 'yo, huwag kang titigil maghanap!"
Tumango na lang ako at hindi na nangatwiran pa. "Opo. Maghahanap na po ako."
Narinig ko ang paglintak ng dila niya bago ako talikuran. Naririnig ko pa ang mahihina niyang bulong. Mga masasakit na salita na binalewala ko na lang.
Maingat kong sinara ang pintuan ng banyo. Naging mabilis lang din ang kilos ko. Agad akong natapos dahil sa tuwing tumatagal ako ay naririnig ko na ang mga reklamo ni mama.
Gustong gusto na niyang makaalis ako rito sa bahay.
"Huwag kang babalik dito hangga't hindi ka nakakahanap ng trabaho, Sarah. Nakakaintindi ka ba?"
Nanatili akong tahimik habang yakap-yakap ang brown envelope na pinasok ko rin sa plastic envelope. Proteksyon na rin 'yon kung sakaling umulan ay hindi mababasa.
Simple lang ang suot ko ngayon, white shirt na naka-tucked in sa itim na slacks. Nakaputing rubber shoes lang din ako para komportable ako kapag may lakaran dahil 'yon naman ang ganap ko mamaya.
Paalis na sana ako pero humabol pa talaga si mama ng mga sasabihin nito sa akin.
"Hindi gano'n kadali maghanap ng trabaho, 'ma," sagot ko.
Awtomatiko akong napapikit ng umangat ang kamay niya para sana sampalin ako pero hindi niya tinuloy. Ginawa niya lang 'yon para takutin ako.
"Hindi ko na problema 'yan. Lumayas ka na nga! Layas!" singhal niya.
Tinalikuran ko na siya at lumabas ng bahay. Napabuntonghininga na lang ako ng makalabas ng gate bago ngumiti. Ayaw kong masira ang araw ko ngayon.
Nakabudget na ang pera ko ngayong araw dahil kung hindi ko gagawin 'yon ay saan naman ako kukuha kung mauubusan ako, hindi ba?
Ang plano ko ngayon ay maghanap ng mga hiring sa Austria Mega Mall.
݁₊ ⊹ . ݁˖ . ݁·ꕤ
"Pasensya ka na, hija. Hindi kami hiring ngayon."
Bumagsak ang balikat ko nang marinig 'yon. Nakapaskil na sa department nila na hiring sila, pero bakit sabi niya hindi raw?
"Nakita ko po kasi na hiring po kayo ng sales lady. Baka naman po may bakante pa. Kailangan na kailangan ko lang po talaga ng trabaho ngayon. Kung gusto niyo po ibibigay ko na lang 'tong resume ko—"
"Hindi ka ba nakakaintindi? Hindi nga kami hiring..." Nanikip ang dibdib ko ng makitang tiningnan niya ako simula ulo hanggang paa. "...para sayo. Kaya umalis ka na, puwede ba? Marami pa akong kailangang asikasuhin na customer."
Naitikom ko ang aking bibig sa kabila ng pangingilid ng aking luha. Naghahanap lang naman ako ng trabaho ngayon at nainsulto pa nga. Nag-ayos naman ako, eh. Ginawa ko yung mga turo ni Ei sa akin pero mukhang hindi pa yata 'yon sapat.
"Okay, po. Salamat," 'yon na lang ang naging tugon ko at umalis na agad.
Nagawa ko pang maglibot ulit sa buong mega mall makapaghanap lang. Pero sa tuwing sinusubukan kong magpasa nauuwi sa ibang treatment ang natatanggap ko. Naupo na lang ako sa isang bench dahil sa pagod. Yumuko ako at hinilot ang binti ko dahil nararamdaman ko na medyo nananakit na 'yon kakalakad ko.
Habang hinihilot ang binti ay mapait akong ngumiti ng pumasok sa isipan ko ang sinabi ng babae kanina. Sa totoo lang... sobrang hirap kapag hindi ka maganda. Totoo ang pretty privilege... kapag maganda ka, iba ang trato ng tao sayo. Hindi ko rin naman mararanasan 'yon dahil hindi naman ako maganda at 'yon ang isa sa mga kinaiinggitan ko.
"Hindi bale, Sarah. Kapag yumaman ako, magpaparetoke tayo. Magpapaputi rin ng balat at papakinisin 'yon," usap ko sa sarili. Napahaplos ako sa kulot kong buhok. "At itong buhok natin? Ipapaayos ko rin para mas lalong gumanda. Ipapastraight natin 'to kaya wait ka lang, ah."
Nagpahinga ako ng ilang minuto bago mapagdesisyunan na maghanap ulit. Pero nang bumaba ang paningin ko sa wristwatch ko, namilog ang mga mata ko na makitang maggagabi na!
Nakalimutan ko pang kumain maski meryenda man lang. Lumipat pa kasi ako sa ibang mega mall, pero hindi man lang din ako sinuwerte rito kaya bumalik na ulit ako rito.
Kinuha ko ang cellphone sa maliit na bag at tinext na si mama na uuwi na ako.
To Mama:
Uuwi na po ako.
'Huwag kang babalik dito hangga't hindi ka nakakahanap ng trabaho, Sarah. Nakakaintindi ka ba?'
Natigilan ako ng umalingawngaw sa isipan ko ang sinabi ni mama. Anong magagawa ko kung hindi ako makahanap ng trabaho ngayon? Sobrang sakit na ng paa ko at pagod na ako kakalibot sa malaking mall dito pero hanggang ngayon wala pa rin.
Napabuntong hininga na lang ako at dinelete ang text kay mama bago ibalik sa bag ang cellphone ko.
Bahala na nga.
Lumabas na ako sa mall at pumila sa terminal ng jeep pauwi sa amin. Maski rito ay sobrang hirap pang makasakay. Pahirapan. Pawis na pawis na ako sa sobrang daming tao. Siksikan pa.
Nagkakaroon ng siksikan kahit na nakapila. Ang iba ay sumisingit pa kaya nagkakagulo na rin. Maya-maya... kung minamalas ka ba naman, bumuhos pa ang malakas na ulan bago ako makapasok sa loob.
Pagbaba ko ng jeep ay kailangan ko pang sumakay ng tricycle, ang kaso ay walang mga nakapila sa terminalan no'n kaya tumakbo na lang ako pauwi ng bahay. Sobrang basang-basa na ako sa ulan at mabuti na lang, safe ang lalagyanan ng mga resume ko at nakapasok pa sa loob ng leather bag ko.
Nangangatal na ang labi ko sa sobrang lamig at sumasabay pa ang ihip ng hangin. Sarado na ang bahay nang makapasok ako sa gate pero rinig na rinig ko na naman ang pagtatalo ni mama at ng mga kapatid ko. Bagsak ang balikat na naglakad na ako papunta roon.
Sumasakit ang ulo ko sa tuwing naririnig ko ang nagtataasang boses nila. Kailan ba 'to matatapos? Gusto ko lang naman ng masaya at mapayapang pamily—
"Oh, ang prinsesa pala ay nandito na. Ano? Nakahanap ka na ba ng trabaho mo?"
Napatingin ako kay mama ng siya ang bumungad sa pintuan.
"Hindi pa po ako nakakahanap—"
'Yon na lang ang lumabas sa bibig ko bago niya hiklatin ang braso ko para dalhin sa loob ng bahay dahil sa galit.
SHANGPU
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top