CHAPTER 1
Trigger warning: mentioning suicide, rape, and abortion
݁₊ ⊹ . ݁˖ . ݁·ꕤ
CHAPTER 1
SARAH DAYANGHIRANG
Mabilis kong kinuha ang natirang pandesal sa ibabaw ng lamesa at pinasok sa loob ng bag bago dumiretso sa likod ng bahay para magpaalam kay mama na papasok na ako sa eskwelahan.
"Papasok na po ako, 'ma," paalam ko pero wala akong narinig na sagot sa kan'ya.
Napabuntong hininga na lang ako at lumabas na, pero may humarang sa dadaanan ko.
"P'wede ba, Sarah, itigil mo na 'to? Bakit ka pa nag-aaral eh kitang gipit na gipit na tayo? Hindi na nga nakakapagbayad si mama sa mga utang natin, tapos idadagdag mo pa 'yang pesteng tuition fee mo." Nakahalukipkip si Hillary habang matalim ang titig sa akin.
Napalunok na lang ako at tipid siyang ningitian. Nagsisimula na naman akong kamutin ang braso ko.
"Ano ka ba, Hillary. Isang semester na lang ang natitira tapos makaka-graduate na ako. Don't worry, kapag nakatapos na agad ako maghahanap ako ng trabaho para matulungan ko kayo ni mama," sagot ko at binalewala ang init ng ulo niya.
Napaismid siya bago napailing. "Aba'y dapat lang. Alangan naman na pukpukin ka pa namin bago mo gawin 'yon. Buti nga nagkukusa ka. Tandaan mo hindi pa tapos bayaran utang natin. Pero mas inuuna mo pa 'yang pag aaral m—"
"Hillary, mas importante ang pag-aaral—"
Pinanlakihan niya ako ng mga mata bago hiklatin ang braso ko. "Tanga! Sa tingin mo mas importante 'yang pag-aaral mo kung mahirap ka?!" singhal niya sa akin. "Pera! Pera ang kailangan natin ngayon. Isuksok mo sa utak mo 'yan, ha? At siguraduhin mong may mapatutunguhan 'yang pag-aaral na ginagawa mo kung hindi makakatikim ka sa akin!"
Padaskol niyang binitawan ang braso ko. Hinayaan ko na lang siya at hindi na pinansin ang init ng ulo. Dumiretso na agad ako sa labas ng bahay, at nakasalubong ko pa si Hernand.
"Oh, nandito na rin pala ang isang palamunin. Oh ano na, Hernand? Kailan mo ba ako babayaran? Akala ko ba nakasahod ka na? Wala nang gatas yung pamangkin mo!"
"Babayaran kita, Hillary. Masyado kang atat. Umagang-umaga pinapainit mo ulo ko," iritadong sagot ni Hernand.
Hindi na ako nakinig pa sa ibang usapan nila dahil alam kong magsisigawan na naman sila. Lumabas na ako sa gate ng bahay at sinimulan nang ayusin ang buhok kong itim na itim at kulot. Hinahangin 'yon at tumata sa mukha ko.
Hindi pa nga ako nakakarating sa school ay pinagpapawisan na agad ako. Tirik na tirik ang araw ngayon, ramdam na ramdam ko rin ang pamumuo ng pawis sa noo ko.
"Uy, Sarah! Gusto mo ba ng payong?"
Nilingon ko ang nagsalita. Isa ito sa mga schoolmates ko na kapitbahay rin namin sa baryo, at mukhang mga barkada niya ang kasama niya habang naglalakad. Malapit lang naman ang school sa bahay kaya nilalakad ko lang 'yon.
Tipid ko silang ningitian. "Salamat pe—"
"Ito naman assuming agad. Joke lang! Atsaka hindi mo na rin naman na kailangan nito kasi maitim ka na," pagputol niya sa sinabi ko at nagtawanan pa sila.
Napailing na lang ako at hinayaan na lang sila. Sinadya pa talaga nilang banggain ang braso ko nang malagpasan ko. Wala sa sariling bumaba ang akin tingin sa kulay ng aking kutis.
Kaya lang naman ako umitim kasi masyado akong babad sa araw. Hindi naman sobrang itim... more likely mga nasa tan o morena ang kulay ng balat ko. S'yempre kapag nandito ka sa bansa natin na para bang tumatak na sa isipan nila na kapag ganito ang kulay ng balat mo maitim na agad ang tawag sa 'yo. Paano ba naman kasi lumaki na sila na ang beauty standard dito ay pagkakaroon ng maputi at makinis na balat.
Tinutulungan ko si mama na magbuhat ng mga panggatong niya na nakuha sa bukid. Hindi naman siya nanghihingi ng tulong sa amin pero nagkusa na ako dahil hindi na bata si mama. Si Hillary naman ay hindi rin nakakatulong dahil may anak na binabantayan habang nakahawak sa gadgets. Habang ang nag-iisang lalaki naman sa pamilya namin na si Hernand ayon, puro sugal ang inatupag sa kabilang baryo.
Kaya 'yan ang naging dahilan kung bakit mas lalong naging tan ang balat ko. Si mama lang din naman ang sumusuporta sa amin sa pagbebenta ng mga panggatong. May trabaho naman si Hernand pero bihira na lang din magbigay kay mama. Kadalasan nauuwi sa sugal at pinangiinom sa barkada ang sariling pera.
'Yan na rin ang dahilan kaya gustong-gusto na ni Hillary na patigilin ako sa pag-aaral para makapaghanap na ng trabaho. Alam niya na hindi ko matitiis si mama at tutulungan ko sila kaya gano'n na lang siya kaatat na paghanapin ako ng trabaho. Eh, hindi niya naman alam. Sa panahon ngayon, hindi rin madali makahanap ng trabaho.
Tungkol naman kay papa... Si papa ay tatlong taon ng namayapa. Maayos pa ang pamumuhay namin noong buhay pa siya. Masaya siya sa trabaho niya, napapansin ko 'yon at halatang nag-eenjoy naman. Kaya ang isa sa pinakamalaking kuwestyon ko lang sa aking sarili ay ang dahilan ng pagkamatay niya.
He took his own life. Nagpakamatay si papa. Healthy naman siya... Hindi naman napapansin na may kakaiba o problema sa kan'ya kaya malaking gulat pa rin sa amin ang tungkol doon.
Natagpuan na lang siyang nakabigti sa storage room ng pinagtatrabahuan niya. Wala kaming ginastos sa funeral at burial expenses niya dahil ang sumagot no'n ay ang boss niya. Higit sa lahat si mama na lang din ang nag-asikaso no'n kasama ang boss ni papa.
"Thank you po! Sorry po rin sa abala kung palagi kong iniiwan yung paninda ko rito. Baka po kasi kainin ng mga kapatid ko at wala akong maibenta."
"Ay nako kang bata ka. Okay lang kung iwan mo palagi ang paninda mo rito, hindi ka abala."
"Okay po, thank you po!"
Bitbit ko ang medyo kalakihan na tupperware na naglalaman ng suman. Balak ko sana na ibenta 'to sa loob ng school, kaso ang bestfriend ko ay binili na niya lahat.
Hindi mawala ang ngiti sa labi ko habang naglalakad papasok sa university. At mas lalo lang 'yon lumawak nang makita si Rafael. Mahigpit kong hinawakan 'yon at mahinang binangga ang kan'yang braso para kunin ang atensyon niya.
"Rafael! Hello!" I greeted cheerfully.
Mahina akong natawa at hindi napigilan na matawa nang makita ang gulat sa ekspresyon sa kan'yang mga mata. Lalo ko tuloy nakita ang maganda niyang mga mata. Kulay abo 'yon at medyo natatakpan lang ng buhok niyang itim at bagsak na bagsak.
Napahagikhik ako at inangat ang isang kamay para ayusin ang buhok na nakaharang sa mata niya. Hinawi ko 'yon at doon nagkasalubong ang paningin naming dalawa. Titig na titig siya sa akin na akala mo ay kinakabisado ang mukha ko.
"H-hi..." nauutal niyang bati at inadjust ang suot na eye glasses.
"Hello! Sorry, nagulat ka ba kita?" masaya kong sagot.
Umiling siya. "Sakto lang," tipid niyang sagot.
Hindi na ako nakareklamo nang basta niya na lang kunin ang tupperware na dala ko at binitbit. Okay lang naman. Sa kan'ya na rin naman 'yon.
"Mainit sa labas, ah. Why didn't you use an umbrella?" he asked.
Nakangiting napakamot ako sa aking braso bago magsalita, "Hindi ko nadala yung akin kakamadali, eh. Atsaka wala na ring talab yung init sa akin. Maitim na ako, remember? Kaya wala ng use 'yon."
He scoffed. Malakas ang buntong hininga ang pinakawalan niya bago iabot sa akin ang kinuha niyang payong sa gilid ng bag.
"If you do that always, you can get skin cancer. Gusto mo ba no'n?"
Napahalakhak ako. "OA, ah. Okay nga lang, Raf. Ikaw dapat ang gumamit niya dahil sa ating dalawa mas maselan ang balat mo. Baka pagalitan ka ng mama mo n'yan."
Nagkakarashes ang balat niya kapag sobrang tagal na nabilad sa araw kaya palagi siyang may dala na payong. Rafael—my best friend—isa siyang nag-iisang anak ng kilalang Zevallos family sa baryo namin. Rafael Zevallos, my one and only best friend at pinaka close friend. Malaking pasasalamat ko lang talaga at masuwerte na akong tao dahil naging kaibigan ko siya simula nang nag-aral ako rito sa university.
"No, it's fine. We're almost at our building," sagot niya. Inabot niya ulit sa akin. "Ikaw na lang gumamit."
Pabirong ko siyang inirapan bago kinuha ang payong. Kaya habang naglalakad kami papasok sa building ay pinapayungan ko na lang siya. At dumiretso na sa upuan namin nang makapasok na sa classroom.
݁
₊ ⊹ . ݁˖ . ݁·ꕤ
"Here, take this. Bayad ko 'yan sa paninda mo. Keep the change," aniya at biglang nilahad sa akin ang pera.
Wala sa sarili na tinanggap ko 'yon dahil sa pagkabigla. Dalawang libo!?
"T-teka..." nauutal kong sabi. "Dalawang libo? Sigurado ka ba? Ang laki nito?"
Tipid niya lang akong ningitian. "Yes, I'm one hundred percent sure that's yours now. Masarap yung nagawa mong suman; even my mom and dad liked what you made."
Pakiramdam ko nanginit ang dalawa kong pisngi dahil sa sinabi niya. Hindi niya ba alam kung anong epekto sa akin ang sinasabi niya?! Kumalma ka, Sarah!
"Thank you," mahina kong sagot.
"May nagbebenta ng suman dito, eh. Natikman ko na 'yon isang beses."
"Yung pango 'tsaka maitim?"
"Oo yata? Hindi ko sure. Sa paninda kasi ako nakatingin, hindi sa nagbebenta. Baliw ka yata, eh."
Mabilis na nakuha ng atensyon ko ang kanilang pinaguusapan. Alam ko na agad na ako ang tinutukoy nila dahil ako lang naman ang nagbebenta ng kakanin sa school.
"Hello! Ubos na po yung suman. Don't worry, maglalako na lang ako sa room niyo next time para makabili kayo," nakangiti kong saad.
Mukhang hindi nila inaasahan ang pagsingit ko. Nagkatinginan pa silang dalawa bago tahimik na tumango at naglakad papalayo.
"What was that? That's rude, you know. Do you want me to kick them out of our school?" seryosong tanong ni Rafael sa akin.
Napailing na lang ako. "'Yan ang rude, Raf. Hayaan na lang natin sila. Atsaka sanay na rin ako sa sinasabi nila sa akin kaya parang wala na rin 'yon sa akin," sagot ko at mahinang natawa.
Umiling siya habang nakatingin pa rin sa akin. Halatang hindi nya nagustuhan ang sinabi ko.
"They didn't have to attack your physical appearance because I know that's your number one insecurity."
Napalabi na lang ako at wala sa sariling napakamot sa braso pero natigil lang din 'yon ng tapikin niya ang kamay ko.
"Stop doing that. You'll end up hurting yourself."
Mahina akong natawa. "Kapag yumaman ako. Papatanggalin ko lahat ng peklat sa katawan ko tapos magpapaputi ako." Pinaglandas ko ang daliri sa aking ilong at tinuro. "At itong ilong ko, ipapaayos ko rin 'to para perfect na lahat."
Nanatili lang siyang nakatingin sa akin at dahan-dahang tumango. "Hmm. Kung 'yan ang gusto mo, then go for it."
I smiled. "Okay lang naman 'no?"
Tumango siya. "Of course, Sarah, if that will make you happy, I'll support you."
Lumawak ang ngiti sa aking labi at impit na napatili. Parang may sariling utak ang mga kamay ko. Awtomatikong niyakap ko siya ng mahigpit. Hindi alintana na makita kami ng ibang estudyante sa pagyakap ko sa kan'ya.
Mahinang natawa si Rafael bago ako yakapin pabalik.
Nagtagal kami sa gano'ng posisyon bago ko naisipan na kumalas sa pagkakayakap. Tuluyan kong nakita ang kan'yang mukha sa malapitan. Sa tagal ng pagkakaibigan namin ni Rafael, o kahit na noong hindi pa tumagal, alam ko na sa sarili ko na guwapo siya kahit na medyo pa-nerdy ang style niya. Halatang tinatago niya lang 'yon sa pagiging nerd niya.
My best friends had soft features. Maamo ang mukha, hindi harsh ang pagkakadefine sa panga niya. Ang makapal niyang kilay at pilikmata ay isa sa pinaka-stand out sa lahat bukod sa mata niyang kulay abo. Mas lalo lang kapansin-pansin ang maganda niyang mata kapag hindi niya suot ang eyeglasses niya.
Kaya hindi na rin ako nagtataka kung maraming nagkakagusto sa kan'ya at isa na ako roon. Pero alam ko sa sarili ko kung hanggang saan lang ako... kahit kailan hindi ko aaminin sa kan'ya na gusto ko siya dahil alam kong masisira ang pagkakaibigan namin. Higit sa lahat, alam kong sobrang mahirap din para sa aming dalawa dahil sa estado ng buhay naming dalawa.
He's rich... I'm poor.
"Sana huwag mo akong iwan, Raf. Alam mo naman na ikaw na lang ang nagiisa kong tunay na kaibigan," nakangiti kong saad.
Mahina siyang natawa at hinaplos ang ulo ko bago tumango. "Yes, of course. I'll never leave you."
݁₊ ⊹ . ݁˖ . ݁·ꕤ
Lumagapak ang mabigat na palad ni mama sa kanan kong pisngi nang inabot ko ang dalawang libo sa kan'ya. Nanlalaki ang mga mata ko ng dahan-dahan siyang tingnan.
"M-ma..."
"Bobita ka ba? Oh, anong gagawin ko rito sa dalawang libo!?" singhal niya sa akin at muling sinampal ang pera sa mukha ko. "Hindi pa 'to sapat sa pambayad ng utang at pambili ng pagkain natin. Para namang hindi ka nag-iisip!" Hinampas niya ang pera sa lamesa bago lumabas ng bahay. "Punyetang buhay na 'to!"
Napabuntong hininga na lang ako at kinuha ang pera. Akmang ipapasok ko na sana ang pera sa loob ng bulsa nang biglang hablutin ni Hillary 'yon sa akin.
"Hillary!" wika ko dahil sa pagkabigla.
"Sa akin na lang 'to kung ayaw tanggapin ni mama, Sarah. Sabihin na lang natin na ang pera na 'to pambayad ng utang ni Hernand sa akin. Kaya kapag sumahod siya sa kinsenas, siya na lang ang singiliin mo, ha?"
"Hindi puwede, Hillary—"
Kumaripas na agad siya ng takbo pabalik sa sariling kuwarto ng talikuran ako. Hindi man lang ako pinatapos sa sasabihin ko. Dismayadong napahilamos na lang ako sa aking mukha at napatingin sa bunso kong kapatid na si Hitsy na dumaan sa harapan ko. Nagkatinginan lang kaming dalawa bago walang imik na naglakad papunta sa kan'yang kuwarto.
Para akong nanlulumo. Nanghihina. Mabilis kong kinusot ang mata ko bago pa tuluyang tumulo ang mga luha ko bago tumayo. Dumiretso agad ako sa aking kuwarto para magbihis.
Habang abala sa pagbibihis ay hindi ko maiwasan na lumalayo na naman ang lipad ng utak ko.
Alam ko naman ang dahilan kung bakit gano'n ang trato ni mama sa akin. Na sa tuwing nakikita niya ako parang lagi siyang minamalas. Na para bang nakikita siya palagi ng bagay na alam niyang ikakasira ng araw niya. Kaya gano'n ang trato ni mama sa akin dahil anak ako ng lalaking nanggahasa sa kan'ya. Sinubukan niya rin akong ipalaglag... ang kaso malakas daw ang kapit ko.
Sa sobrang tagal na ganito ang trato niya sa akin, nasanay na lang ako at hindi ko alam pero parang naging parte na rin sa buhay ko ang pagiging gano'n niya. Manhid na ako sa mga masasamang salita niya sa akin pero minsan... kapag sobra na hindi ko rin maiwasan na hindi masaktan.
Doon na rin pumapasok ang ibang mga bagay sa isipan ko, na minsan iniisip ko kung bakit kumapit pa ako. Na bakit lumaban pa rin ako kung magiging ganito lang din ang mararanasan ko sa kan'ya.
Na sana tuluyan na akong nawala kay mama para hindi ko na maranasan lahat ng 'to.
Si Hillary ang panganay na anak ni mama sa asawa niya. Pangalawa si Hernand, at ang bunso ay si Hitsy. Malakas lang ang loob ni Hillary na awayin at sagot-sagutin ako dahil hindi naman malaki ang agwat ng edad namin sa isa't isa.
Kung nabubuhay lang si papa alam kong siya ang magiging kakampi ko ngayon bukod kay Rafael. Kahit na alam ni papa na isa lang akong bunga sa isang aksidente, tinanggap niya pa rin ako ng parang anak niya.
Tahimik kong sinusuklay ang buhok habang pinagmamasdan ang sarili sa repleksyon ng salamin. Mapait akong ngumiti ng makita ang sarili. Mainit. Pango. Manipis na labi at makapal, kulot, at itim na buhok. Hindi man lang biniyayaan ng kagandahan kahit karampot lang.
"Bakit ba kasi hindi mo na lang ibenta 'yang si Sarah sa mga matatandang mayaman, 'ma? Maganda naman katawan niya kahit pangit, eh. Hindi naman mukha ang titingnan nila kundi katawan. Mas malaki pa kikitain mo d'yan dahil virgin pa." Para akong naestatwa sa kinauupuan ko nang marinig si Hillary.
Naibagsak ko ang hawak kong suklay dahil sa panghihina. Napahawak ako sa dibdib nang maramdaman na naninikip 'yon. Ramdam na ramdam ko na parang tinutusok ng ilang beses ang puso ko.
Bakit gano'n siya mag-isip? Na para bang hindi nila ako pamily—alam mo na ang rason, Sarah. Kaya huwag ka nang magtataka kung gan'yan sila. Hindi nga nila pinagamit sa akin ang apelyido ni papa. Parajilla ang sa kanila, samantala sa akin ay Dayanghirang. Kahit hindi ko tanungin si mama ay alam ko naman kung kaninong apelyido ang gamit ko.
Napalunok na lang ako at pilit na nilulunok ang bigik na nakaharang sa aking lalamunan. Mabilis kong pinalis ang mga luhang naglandas pababa sa pisngi ko bago tumakas. Dumaan ako sa likod ng bahay at sinuong ang mga hindi kataasan na talahiban.
Habang naglalakad ay kinuha ko ang cellphone at nag-send ng text kay Rafael.
To Rafael:
Good evening raf. Pwede ka ba ngayong gabi? Papunta ako sa pinagtatambayan natin.
Pinatay ko agad ang cellphone at naglakad pa. Gamit-gamit ko ang flashlight ng cellphone ko na alam kong hindi na rin 'yon nakakatulong ng maayos dahil luma na.
Makalipas ng ilang minuto ay natigilan ako saglit nang makita si Rafael na naglalakad patungo sa akin. Sinalubong niya ako habang may dalang lampara.
Hindi ko alam pero naramdaman ko na namang ang pangingilid ng aking luha ng tumakbo ako papunta sa kan'ya.
"H-hello..." nanginginig ang aking labi ng batiin siya. Hanggang ngayon ay pinipigilan ko pa rin ang sarili na huwag tuluyang lumuha sa harapan niya.
Ang seryosong abong mga mata niya ay nanatiling nakatingin sa akin. Tipid niya akong ningitian bago haplusin ang mukha ko at pinunasan ang luha kong tuluyan ng tumulo nang maramdaman ang palad niya sa akin.
"Let's go? Nagdala ako ng pagkain," malambing niyang sagot at tinuro ang bag na nakasakbit sa kan'yang balikat.
Tumango ako. "Tara..."
Sabay kaming dalawa na naglakad papunta sa lugar kung saan kami palaging tumatambay. Kailangan ko lang na makalimutan ang narinig ko kanina. At natatakot na baka mamaya ay sundin ni mama ang sinabi ni Hillary.
Pero sana ay huwag niyang gawin 'yon. Sana...
SHANGPU
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top