Epilogue


"Bilisan niyo ang inyong kilos! Ang mga bulaklak ayusin niyo!" sigaw ng punong-tagapamahala. Ang lahat ay abala sa paghahanda sa pinakamalaking kasalang magaganap sa kaharian ng Phyrania. Ang lahat ng mga mamamayan ay dadalo sa okasyong ito kaya naman pinaghandaan talaga nilang tunay ang okasyon.


Maraming nasasabik sa kasalan ngunit may ilang tutol dito lalo na't hindi pa rin nawawala ang poot nila kay Katelyn, ngunit wala naman silang magagawa sapagkat mismong hari na ng kaharian ang nagdesisyon.


Humatong sa desisyong ito si Haring Xavier sapagkat ilang taon na niyang tinitiis na makita ang kanyang anak na nagpapanggap na masaya kahit sa loob nito ay wasak pa rin ang kanyang puso. Gusto niyang sumaya muli ang kanyang nag-iisang anak at ito na lamang ang paraang kanyang naisip upang matupad ito.


"Pre, ayos ka lang ba?" tanong ni Philippe kay Alexander na malayo ang tingin. Nakasuot ito ng puting tuxedo na may disenyong pula sa kwelyo. Kulay pula rin ang kapang nakasabit sa kanyang leeg at may koronang nakapatong sa ulo niya. Sa loob ng isang buwang pag-iisip ay napagdesisyonan niyang pumayag na sa kasal. Hindi dahil mahal niya si Katelyn, ngunit para sa kanyang tungkulin sa kaharian at sa buong Allaria.


Nagkatinginan na lang sina Phil, Vinn, at Josh sa inasta ni Alexander. Tutol man silang tatlo ay wala na silang nagawa ng pumayag ang prinsipe sa kasal. Alam nilang tatlo na ginagawa lang ito ni Alexander para sa Phyrania. Naawa sila sa lagay ng kanilang kaibigan dahil simula't sapul ay palagi na lang niyang naisasakripisyo ang kanyang pansariling kasiyahan para sa tungkulin.


'Kung nandito lang si dongseng, masaya sana ang lahat.' Isip ni Josh na pormal din ang kasuotan. Napabuntong hininga na lang siya at tahimik na sinamahan ang kanyang kaibigang puno ng lungkot at pangungulila na nakikita sa mga mata. Kahit hindi nito sabihin, alam niyang sabik na sabik na itong makita muli si Amara, ngunit alam din niya na kailanman ay hindi na ito babalik pa.


"Mahal na prinisipe, magsisimula na po ang inyong kasal, maaari na po kayong pumunta sa altar," nakayukong saad ng isang tagapagsilbi ngunit hindi man lang ito nilingon ni Alexander at nanatiling nakatitig sa kawalan.


Sinenyasan na lang ni Vinn ito na siya na ang bahala kaya wala itong nagawa kundi umalis na. Hinawakan niya ang balikat ni Alexander at marahan itong tinapik. "Alexander, sabihin mo lang kung nagbago na ang isip mo, tutulungan ka naming tumakas. Ayaw ko rin namang maging miserable ang buhay mo kasama ang babaeng yun," saad niya ngunit umiling lamang sa kanya si Alexander.


Tuamyo na ito sa pagkakaupo sa hagdan at nilingon silang tatlo. "I need to do this. I need to," pagkumbinsi niya sa mga kaibigan... at sa kanyang sarili. Huminga muna siya ng malalim bago maglakad patungo sa altar kung nasaan ang ministrong magkakasal sa kanya. May humaplos sa kanyang puso ng makita niya ang kanyang mga mamamayan na nakangiti sa kanya. Sila ang rason kung bakit niya gagawin ito. Para sa Allaria.


Noong kinailangan niyang saktan si Amara upang pakasalan ang huwad na prinsesa... para sa Allaria.


Noong iniwan niya si Amara sa mapanganib na bundok na iyon... para sa Allaria.


Noong tinapos niya ang buhay ng mag-ina niya... para sa Allaria.


Ngayong kailangan niyang pakasalan si Katelyn... para sa Allaria.


Nagsimulang tumunog ang musika sa paligid kasabay ng paglitaw ng isang magandang babaeng nakasuot ng puting besitda. Nakatitig siya kay Katelyn ngunit wala man lang kahit katiting na admirasyon ang makikita sa mga mata niya. Blangko ang mga ito kaya hindi mapigilan ni Katelyn na madismaya.


Nagsimula na itong maglakad sa 'red carpet' papunta sa altar habang nakakapit sa kanyang amang si Ministro Nilo. Masaya siya sapagkat abot kamay na niya ang pangarap niyang maikasal sa lalaking kanyang iniibig. Wala na siyang pakialam kung hindi man siya mahal ng prinsipe sapagkat malaki ang kumpyansa niya na mapapaibig din niya ito kalaunan.


Hindi rin mapigilan ni Alexander na maikumpara si Katelyn sa kay Amara noong sila ay ikasal. Walang katumbas ang kagandahan ng prinsesa noong mga panahong iyon at ang kabog ng kanyang puso ay napakalakas na tila ba gusto na nitong sumabog sa sobrang saya. Kabaligtaran ng nararamdaman niya ngayon, lungkot at pangungulila para sa kanyang pinakamamahal.


"Take another step and I will burn you to death." Dumagundong sa buong palasyo ang boses ng isang babae. Malumanay, ngunit mapanganib... nakakakilabot. Natulos si Kate sa kinatatayuan at hindi makahakbang dahil sa takot at galit. Nangingig ang kanyang tuhod, ngunit hindi maipagkakaila na nakaramdam siya ng inis at galit sa babaeng iyon sa panguguglo nito sa kasal nila ng pinakamamahal niyang prinsipe.


Natahimik ang lahat. Pati ang tugtog ay bigla na lang nawala. Kumunot naman ang noo ni Alexander dahil sa pagtataka. Sa hindi maipaliwanag ng dahilan ay nakaramdam siya ng ginhawa ng marinig ang boses na iyon.


Nagpupuyos naman sa galit si Ministro Nilo sa panggugulo ng nilalang na iyon sa kasal ng kanyang anak. "Sino ka? Magpakita ka!" sigaw niya. Hindi mapigilan ni Katelyn na daluhan ang kanyang galit na ama, ngunit napatili na lamang siya ng may bumulusok sa kanyang nagbabagang apoy. Mabuti na lamang at agad niya itong naiwasan at tumama sa lupa dahilan para nagliyab ito, kung hindi ay talagang masusunog siya dahil sa laki at init ng apoy na ipinadala sa kanya.


"Didn't I told you that I will burn you to death if you take another step?" Bumungad sa kanila ang isang babaeng maladiyosa sa kagandahan. Sumisigaw ang awtoridad at kapangyarihan sa mukha ng dalagitang ito at natulala ang lahat ng makita siya. Napasinghap pa ang iba ng makita ang pagkakahawig nito sa tulalang prinsipe na nasa altar ngayon at sa namayapa nilang prinsesa, ngunit mas bata ang itsura nito na waring nasa edad-kinse pa lamang.


Napasingahap muli ang mga tao ng walang pag-aalinlangan nitong batuhin muli si Katelyn ng apoy, at sa pagkakataong ito hindi na ito naiwasan ng dalaga. Napasigaw siya ng unti-unting tupukin ng apoy ang kanyang balat at puting damit. "Itigil mo ang pananakit sa anak ko! Ipakukulong kita!" nanggagalaiting sigaw ni Ministro Nilo.


"Sige. Ititigil ko. Pero sabihin mo rin sa ambisyosa mong anak na gumising na siya sa pangangarap niya na makukuha niya ang papa ko, dahil hinding-hindi ako papayag," madiing saad ng dalagita habang nanlilisik na nakatingin sa mag-amang Nilo at Kate. Pinadalhan muli niya ang mag-ama ng apoy dahilan para muling mapasinghap ang lahat at hindi magkamayaw na umiwas ang dalawa sa apoy.


Unti-unti namang umawang ang labi ni Alexander dahil sa gulat. Nanlalaki ang kanyang mga mata habang nakatitig sa dalagitang walang pakundangan kung batuhin si Katelyn ng apoy. "Papa?" bulong niya sa kawalan. Mabilis ang pagtibok ng kanyang puso at tila nais niyang takbuhin ang pagitan nila at yakapin ng napakahigpit ang kanyang... anak.


Hindi pa man ito kumpirmado ay nararamdaman niyang anak niya ang dalagang iyon. Ngunit tila ba natulos siya sa kanyang kinatatayuan at hindi man lang makahakbang dahil sa matinding gulat at kaba.


"What nonsense are you talking about?!" sigaw muli ni Ministro Nilo ng makabawi sa gulat.


"Tss. Are you dumb?" insulto nito na mas ipinagngalit ng ministro. "Can you see my face, huh?" Umirap pa ang dalaga bago taas-noong tiningnan ang lahat ng Allarian sa paligid. "I'm Blaire Alexandria, daughter of Prince Alexander Blaz of Phyrania and Princess Natara of Allaria."


Umusbong ang mga bulungan ng mga mamamayan. Samu't-sari ang kanilang mga reaksyon patungkol sa sinabi ni Blaire, pagkagulat, pagtataka, pagkamangha, at tuwa.


"Napakaganda niya. Tunay nga na anak siya ng ating prinsesa."


"Bakit ngayon lamang siya lumabas at nagpakilala? Hindi kaya isa iyang huwad?"


"Paanong nagkaanak ang prinsipe Alexander sa prinsesa Natara?"


"Napakagandang balita nito!"


"Walanghiyang Alexander! May anak pala siya hindi man lang nagsabi! Akala ko pa naman ako ang pinakamagaling sa ating lahat!" gulat na saad ni Phil.


"Gago, kita mo na ngang nakanganga oh!" turo ni Josh kay Alexander a gulat pa rin hanggang ngayon. "Syempre hindi din niya alam!"


"Mga pre, kamukhang-kamukha ni Xander. Walang duda, anak nga niya yan," manghang saad naman ni Vinn na sinang-ayunan naman nina Josh at Phil.


Kakikitaan din ng gulat ang hari't reyna ng Phyrania pati na rin ang emperor at empress habang nakatingin sa kanilang apo. "Jusko, Lloyd, may apo na ako!" Makikita ang kinang sa mga mata ni Empress Nathalie dahil sa kanyang nalaman.


"Abigail, t-totoo ba ang narinig ko? A-anak ni Alexander ang b-batang iyon? Ibig sabihan ba, apo ko siya?" Nauutal na tanong ni Haring Xavier sa kanyang reyna na ngayon ay natatawa na lang sa reaksyon ng kanyang asawa.


Kita naman ang admirasyon sa mga mata ng mga dugong bughaw ng bagong henerasyon, lalong-lalo na ni Joshani, ang anak ng prinsipe ng katubigan. "Vien! Parang magkakaroon tayo ng magandang kaibigan! Tingnan mo oh, kamukha ni Tito Xander," nagniningning ang mga matang saad ni Jellaine, ang anak ni Prinsipe Philippe ng Telarria sa anak ni Prinsipe Vinniel ng Ventusia.


"Psst, Ice, anak daw ni ate oh. Ganda talaga ng lahi namin," tuwang-tuwang saad ni Ezekiel. Napairap na lang ang batang si Ice sa tinuran ng kanyang alaga. Siya ang naging kasama ni Ezekiel habang lumalaki ito dahil iyon ang kahilingan ni Amara noon, at lumipas man ang ilang taon ay hindi pa rin nagbabago ang kanyang anyong bata.


Hindi man halata sa kanyang expression ngunit hindi maipagkakaila ang kanyang kasiyahan. Ramdam na ramdam niya ang dugong dumadaloy sa dalagang ito, at alam niyang anak ng ito ng kanyang master. 


Sa kabilang banda naman ay lalong nagngitngit si Ministro Nilo. Hindi siya makakapayag na ang kanyang pangarap na maging reyna ang isa sa kanyang mga anak ay bigla na lang maglalaho dahil lamang sa isang dalagita. "Isa kang huwad," pahayag ng ministro na ikinatigil ng lahat. Alam ng lahat na seryoso at walang lahong kasinungalingan ang pahayag niya. Ipinitik niya ang kanyang daliri at biglang nagbago ang anyo ng dalagita.


Napanganga muli sila ng makita ang isang napakagandang binata sa harap nila. "It's a prank!" Humalakhak ang binata ng napakalakas na ikinagulat ng lahat. Napahawak pa ito sa kanyang tiyan dahil sa pagtawa at maiyak-iyak na napapalo sa mesa sa tabi niya.


Nang humupa ang kanyang pagtawa ay nakangiti niyang hinarap ang mga mamamayan. Kumaway-kaway pa ito sa iba at kumindat na ikinatili ng mga bababaihan. Hindi makita ng mga dugong-bughaw ang mukha ng lalaki sapagkat nakatalikod ito sa kanila.


Hindi na nakatiis si Haring Xavier sapagkat pakiramdam niya ay napaglaruan siya ng binatang ito. "Anong kailangan mo at naparito ka upang guluhin ang kasal ng aking anak?" inis na saad nito, ngunit ng humarap sa kanila ang binata ay napasinghap na lamang muli sila.


Kamukhang-kamukha nito si Amara.


"Pakshet Vinniel. Kung may wig lang ang batang yan ay aakalain kong si baby girl yan," tulalang saad ni Phil.


"Hi grandpa! Nate at your service!" hyper na saad ng binata. "Chill lang tayo guys! Masyado kayong serious," natatawang saad niya sa mga tao.


"Nate?" kunot-noong tanong ni Josh.


"Blake Nathaniel!" Napalingon ang lahat sa sumigaw. Doon nila nakita ang totoong Blaire Alexandria na masamang nakatitig sa kanyang kapatid. "Did you just copy my form?!" bulyaw nito na mas ikinatawa ng binata. "What's funny?!"


"Baby, chill ka lang dyan. Smile ka na lang," natatawang sagot ni Blake. "I just stopped papa's wedding to some unimportant girl. What her name again? Kane?" takang tanong niya na ikinairap na lang ng kanyang kapatid.


Tumalikod na lang si Blaire at lumapit kay Katelyn. Tinitigan niya ito ng matalim at tagos sa kalamnan dahilan para mapuno ng takot ang sistema ni Kate. "How dare you steal my dad from my mom, huh? You desperate impostor ambitious bitch." Madiin at mabagal ang pagsasalita niya at ramdam ang galit sa bawat masasakit na salitang binibitawan niya. "Get away from my sight now if you still want to live," banta niya.


Ramdam ni Kate ang panganib sa boses ni Blaire at alam niyang hindi ito ng bibiro. Nagaapoy na ang palad ng dalaga dahil sa galit ngunit kung galit ang ito ay mas galit siya. Sinira niya ang kasal niya at hindi siya papayag na hindi siya makakaganti.


Napasinghap ang lahat ng sampalin ni Kate si Blaire na lumikha na napakalakas na tunog. "Tama na! Umalis ka na dito!" Tumagilid ang mukha ni Blaire at napangisi pa ito sa kabila ng sampal na iginawad sa kanya ni Kate. Pinunasan niya ang dugo sa kanyang labi bago muling harapin si Kate na nanginginig na sa galit.


"Prepare to die," nang-uuyam na saad ni Blaire at wala pang ilang segundo ay dalawang bolang apoy ang tumama kay Katelyn, isa sa harap at isa sa likuran. Isa ay galing sa seryosong si Blake na biglang nawala ang pagkamaloko sa katawan, at ang isa pa ay bigla na lamang sumulpot sa kawalan.


"Wala kang karapatang saktan ang kapatid kong tangina ka," malutong niyang mura kay Katelyn.


Napasalampak naman si Kate sa sahig at impit na napasigaw dahil sa panibagong nakakapasong apoy na tumutupok sa kanyang balat. Kung kanina ay napakaganda ng kanyang ayos at suot, ngayon ay puro lapnos ang kanyang buong katawan at ang kanyang damit ay sunog na sunog na rin.


"Alex! Help me please!" pagtawag niya sa lalaking nanunuod lang habang nakahalukipkip. Walang emosyong nilingon nito si Kate at ikinagulat ng lahat ang mga sumunod na nangyari.


"Don't call me Alex. It's not my name," malamig na sambit nito bago magkulay ginto ang mata nito. Iwinaksi na din niya ang kamay ni Kate na tangkang hahawakan ang kamay niya. "Disgusting," diring saad nito.


"W-what?!" gulat na sambit ni Kate bago ilibot ang paningin sa paligid at doon niya nakita si Alexander na nasa altar pa rin. Gulat na gulat din ito na nakatingin sa lalaking kamuhang-kamukha niya.


"H-how?! W-who are you?!" gulat na sigaw niya sa lalaki.


"Tss. Why would I waste my time telling my name to someone like you? Sino ka ba?" nang-iinsulto nitong saad bago lampasan ang napapahiyang si Kate, at lapitan si Blaire na hawak pa rin ang kanyang kanang pisngi. "Fvck. Your face is too red. I will kill her." Nakakuyom ang kamao niya dahil sa pagpipigil ng galit ng makita ang marka sa mukha ng kanyang kapatid.


Lalapitan na sana niyang muli si Katelyn ngunit natigil siya ng may pumigil sa kanya. "Blaze brother! Stop! Mom is coming!" saad ng isang babae bigla na lamang lumitaw sa harap niya, si Blaine Alyzandra. Mas maamo ang mukha niya kaysa kay Blaire na nakakaintimida ang presensya.


"Wag niyong sabihing apat sila?" nakangangang saad ni Josh.


"Don't fool us from your lies! Matagal ng patay si Amara at hinding-hindi na siya babalik! Akin na si Alex! Akin na siya!" naiiyak na sigaw ni Katelyn na sumabog na dahil sa galit.


Isang liwanag ang lumitaw at bumulag sa lahat ng Allarian at ng humupa ito ay sa hindi mabilang na pagkakataon, napasinghap muli ang lahat dahil sa gulat. Si Alexander naman ay napalunok ng sunod-sunod. Tumulo ang luha mula sa kanyang mga mata dahil ang babaeng matagal na niyang inaasam na makitang muli ay nasa harap na niya. "Baby," garalgal na bulong niya.


"So, you're owning my Blaz now, hmm?" Sa kabila ng kanyang malamyos na tinig ay kababakasan ito ng awtoridad at paghahamon. Kung nakakatakot na ang presensya ng kanyang mga anak, ay triple ang naramdaman ni Kate sa presensya ni Amara na nagpapakita kung gaano ka-makapangyarihan at ka-taas ang prinsesa kumpara sa kanya. Ng makita siya ni Kate ay nanlaki ang mata nito at napaatras dahil sa takot.


"Princess..." walang sa sariling pahayag ni Katelyn, samantalang ang kanyang ama ay namumutla na dahil sa takot. "I'm sorry! I didn't mean to! I thought it was okay because you're already dead. I'm really sorry," nanginginig na saad niya. Ang kaninang galit niya ay bigla na lamang nawala at napalitan ng kaba at takot. Gamit ang kanyang natitirang lakas ay tumayo siya at hinila ang kanyang ama para tumakbo papaalis.


Napangisi na lamang si Blaire sa pagtakbo ng mag-ama. "Weaklings," bulong niya bago lapitan ang kanyang kapatid.


"Ang bangis talaga ng mama ko!" may pagmamalaking saad ni Blake bago lapitan ang kanyang ina. Hinalikan naman ito ni Amara sa sentido bago guluhin ang buhok nito.


"Baby, are you okay? Does it hurt?" nag-aalalang tanong ni Amara kay Blaire na hanggang ngayon ay makikita pa rin ang bakas ng sampal ni Kate sa mukha.


"I'm fine Mom. It just stings a little bit," balewalang sagot nito. Hinaplos naman agad ni Amara ang pisngi ng anak niya at mayamaya ay unti-unti na itong gumaling. Habang nag-uusap silang dalawa ay hindi nila napansin na lumapit na pala si Blaine kay Alexander.


"Dad?" Sunod-sunod na palunok si Alexander dahil sa pagtawag sa kanya ng kanyang anak. He was caught off guard when Blaine suddenly embraced him tightly. "Dad, you're so handsome," puri niya sa kanyang ama. Niyakap rin niya si Blaine ng mahigpit kasabay ng pagbagsak ng kanyang mga luha.


"My baby? I'm sorry. I'm so sorry." Humiwalay naman si Blaine sa yakap ang hinarap si Alexander.


"Dad, you should really say sorry to Mom," natatawang saad niya," You're marrying that girl? Seriously?" Tumabi muna siya para bigyan ng pagkakataon ang mga kapatid na makausap ang kanilang papa.


Lumingon si Alexander kay Blaze at ilang segundong walang nagsalita sa kanilang dalawa. Para silang nananalamin sa isa't-sa dahil sa sobrang pagkakahawig ng kanilang mukha, at pati personalidad ay masasabing magkatulad din ang mag-ama. Kulay lamang ng mata ang pinagkaiba nila, sapagkat ginto ang mata ni Blaze na namana niya kay Amara.


Namumulang napaiwas na lang ng tingin si Blaze dahil sa hiya at awkwardness na nararamdaman. "Are you serious guys? Oh my gosh! This is so stressful! Talk, will yah?" irap ni Blaine.


"Tss," bulong ni Blaze dahil sa inis.


"Son, you really look like me a lot," nagmamalaking saad ni Alexander bago yakapin si Blaze.


"I do hear that comment every single day of my life, dad," saad pa ni Blaze na ikinatawa ng mahina ni Alexander habang patuloy pa rin sa pagluha. "I missed you. I really do, dad."


"Me too, son. I missed you too, so much."


"By the way, dad, that girl who hurt my sister, she needs to be punished or else, I will do it myself," seryosong saad ni Blaze na ikinangiti ng kanyang ama. Masaya si Alexander na pinoprotektahan ng kanyang mga anak ang isa't-isa.


"Ehem, baka naman," parinig ni Blake sa ikinailing na lamang ni Blaze bago lumayo sa kanyang ama. "Pa! Yakapin mo ang pinakagwapo mong anak!" Muntik pang matumba si Alexander ng dambahin siya ng yakap ni Blake. "Buti na lang talaga dumating ako, papa. Paano na lang kapag kinasal ka sa babaeng yun? Hindi. Hindi pwede," naiiling na saad niya.


"Buti na lang dumating ka, anak. Thank you," sinserong saad ni Alexander ng humiwalay siya sa yakap.


"Pero Pa, naastigan ka sa akin kanina ano? Aminin," natatawang pang-aasar ni Blake na ikinatawa ni Alexander.


"You're definitely awesome earlier, my son," naiiling na saad ni Alexander habang nakangiti. Sa isip-isip niya ay manang-mana nga ang anak niyang ito kay Amara, makulit at pala tawa. Napalingon naman siya kay Blaire na masama ang titig sa kanya.


"I hate you." Nagulat siya ng marinig ang sinabi ni Blaire. "What if Blake didn't come to stop that fvcking wedding?! And you wed to that bitch?! I will forever hate you to the depths of hell!" Umawang pa ang kanyang labi ng makita ang mga luhang bumabagsak sa mga mata ng kanyang anak. "I hate you," ulit pa nito.


"I'm sorry, anak." Hindi niya maiwasang masaktan habang nakikita ang luha ni Blaire. Nilapitan niya ito para punasan ang mga luha nito ngunit nagulat siya ng mahigpit siyang yakapin nito. Natulos siya sa kinatatayuan ng humagulgol sa balikat niya ang anak niya. "I'm sorry, my baby. I'm sorry." Paulit-ulit lamang siyang humingi dito at maging siya ay naluluha na rin dahil sa nagsikip ng kanyang dibdib.


"Dad, don't please," pagmamakaawa ni Blaire at paulit-ulit na tumango si Alexander habang pinupunasan ang luha sa mga mata ng anak. Nang tumahan ito ay hinalikan muna ng prinsipe sa noo ni Blaire bago lumayo sa kanya ito at tumabi sa mga kapatid.


Ngayon ay malaya na niyang kaharap ang babaeng bumaliktad sa kanyang malungkot na buhay. Ang babaeng dahilan ng pagngiti niya. Ang babaeng nagpapabilis ng tibok ng puso niya. Ang babaeng dahilan ng pag-iyak niya gabi-gabi. Ang babaeng dahilan kung bakit niya ipinagpapatuloy ang buhay niya. Si Amara.


"Blaz," nakangiting tawag nito.


"Nate," naiiyak na tawag din ni Alexander. Malalaki ang mga hakbang niya patungo kay Amara at nanlaki ang mata ng mga tao ng hilahin ng prinsipe ang braso ni Amara papalapit at walang pasabing siilin ito ng halik. Hindi nila alintana ang mga sumisigaw at pumapalakpak na mga mamamayan sa paligid. Ang ilan pa ang naiiyak dahil sa tuwa tulad na lamang ni Empress Nathalie, Gail, Jen, at Ella.


Ang kanang kamay ni Alexander ay nakahawak sa ilalim ng tainga ni Amara at ang kanyang hinlalaki ay hinahaplos ang pisngi ng prinsesa. Gamit ang kanyang kaliwang kamay ay hinapit niya si Amara papalapit sa kanya hanggang wala ng espasyong natitira sa kanilang dalawa, kaya naman ramdam na ramdam ni Amara ang bilis at lakas ng pagtibok ng kanyang puso.


Parehas silang habol hininga ng maghiwalay sa halik. Pinagdikit ni Amara ang kanilang noo at agad niyang pinunasan ang mga luhang pumapatak mula sa mata ng asawa. Ngayon, wala ng makakapaghiwalay sa kanilang dalawa.


Wala na.


***


<Amara>

"Thank you for coming back, my wife," malambing na saad ni Blaz habang paulit-ulit na hinahalikan ang sentido ko. Nakahiga kami sa kama namin at yakap-yakap niya ako ngayon.


"Pailang sabi mo na yan Alexander Blaz?" natatawang sambit ko.


"You can't blame me, Nate. I just can't believe that you're back again," sagot niya. "But how did you survive? I saw your lifeless body clearly before... I killed you." Bakas ang pagsisisi sa boses niya dahilan para mas isiksik ko pa ang sarili ko sa dibdib niya.


"Because of Amthar," I answered dahilan para mapamura siya.


"What is the consequence?! I can't kill you again. No. Fvck. I can't do that again." Natawa naman ako dahil sa pagkabalisa niya.


"Blaz, that will never happen again," natatawang saad ko.


"Then what?" takang tanong niya.


"He bargained his freedom from the cave of chaos in exchange for my life and our children. Alam ni Ama na mapanganib kapag nakalaya siya pero mas matimbang para sa kanya ang buhay ko kaya wala siyang nagawa kundi pumayag," paliwanag ko sa kanya kaya naman nakahinga siya ng maluwag.


"Thank God! I thought I'm killing you again," naiiling na saad niya kaya natatwang niyakap ko siyang muli. "Don't worry, Nate. I know God Kyros will never let Amthar spread evilness to our land. I trust him." Tumango naman ako bilang pagsang-ayon. Alam kong kayang labanan ni Ama si Amthar, at kapag dumating ang panahon na guluhin niya kaming muli, hindi namin siya aatrasan.


"But if you are alive, why didn't you come back earlier? Do you know how devastated I am for the past years? I missed you so bad." Kinain naman ako ng guilt ng makita ang sakit sa mga mata niya. Alam kong napakahirap ng pinagdaanan niya habang wala ako.


"I'm sorry, Blaz. I was prohibited to go here. Masyadong natakot si Ama na may mangyaring masama uli sa akin at sa mga anak natin kaya sa Elium kami nanirahan. But when our kids heard the news that you're going to get married, they really persuaded Ama. Hindi nila tinigilan hangga't hindi pumapayag, kaya sa huli ay wala rin siyang nagawa. Sa kulit ba naman ni Blake," natatawang kwento ko.


"I guess that wedding was a blessing in disguise. Now, I want to thank my dad for forcing me into that marriage," nakangiting saad niya na ikinasngkit ng mga mata ko.


"Ahh, so masaya ka? Sige, magpakasal ka sa babaeng yun. Aalis na lang kami ng mga anak mo!" inis na saad ko at umalis na sa tabi niya pero nagulat ako ng higitin niya muli ako papalapit.


"Hmm, my baby si jealous," natatawang pang-aasar niya na ikinairap ko na lang. "I'm happy. Because of that marriage, you came back to me. Kung alam ko lang na yun ang makapagpapabalik sa'yo, sana matagal ko ng ginawa." He hugged me tightly.


"Last question," he said. "Did the balance of the afterlife destroyed because of the death of God Mattheus?" Napangiti ako sa tanong na iyon. Kuya is really unpredictable. Handa ata talaga siya eh. His soul was also returned by Amthar kaya kahit hindi na siya buhay ay nanatili siya sa Elium kasama si Ate Rein.


"Let's just say he has someone to replace him, so the balance was not destroyed," matalinhaga kong sagot.


"That's good to hear. Now, nobody will take you away from me anymore. I love you, Nate," malamyos na saad niya.


"I love you, too, Blaz." I smiled before closing my eyes and drifting to sleep beside the man I love the most.


I am Natara of Allaria, Audrianna of Elium, and Amara of Mortal World, thank you all for taking part in my journey here in Allaria. Thank you for coming with me to Allarian Academy. Thank you for laughing with me during happy times. Thank you for crying with me during tough times, and most especially, thank you for screaming with me during those 'kilig moments' of my life.


Finally, I'm with him again, my husband, my prince, my fire, my Blaz.


Always keep your fire burning.

THE END













Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top