9 Disaster
Amara's POV
"Congratulations Rara! I'm so proud of you!" Aleirana said.
"Akez ren! Mana ka sa aking kagandahan bakla!" Jairo added.
These two are my solid friends, tropa kumbaga. Simula high school ay magkakasama na kaming tatlo, at kita niyo naman, hanggang ngayon magkakasama pa rin kami.
We are here at my office, at nagcecelebrate kami dahil kinuha ang company ko, specifically, me, para mag-design ng gown ng isang British royal princess. Royal.
I remembered them again. Two years have passed since the day they go back to Allaria. Two years have passed since he left. I wonder if they were doing alright. Naaalala pa kaya nila ako?
I sighed.
I hope so.
"Oh ano mukha yan ha? Naalala mo na naman yung lalaki mo?" tanong ni Rana na ikinalaki ng mata ko.
"Lalaki?! Wala akong lalaki ha!" depensa ko.
"Asus naman Rara! Wag ako! Alam ko yang mga galawan mong ganyan. Yung bigla ka na lang matutulala sa kawalan habang nag-uusap tayo, oh kaya naman bigla-bigla ka na lang ngingiti ng walang dahilan. Dalawang taon ka nang ganyan!" Umirap siya na ikinasingkit ng mata ko. Para naman akong baliw sa description niya.
"Oh anong tinitingin-tingin mo diyan? Tch. Kahit noong nasa France tayo ganun ka. Sino ba yang iniisip mo ha?" tanong pa niya.
Napasimangot na lang ako. Hindi kasi talaga siya mawala sa isip ko. Lahat ata ng bagay naikokonekta ko sa kanya. When I'm studying fashion designing in France, at kahit ngayon na may fashion house na ako.
That Fire Prince.
Ano ba self? Hindi mo na uli yun makikita okay. Kaya wag ka ng umasa.
"Ahh, fire prince pala ha?" saad ni Jay na ikinagulat ko. Paano niya nalaman yun?
"Ano? Prinsipe ng apoy? Boba ba kayo? Tch. Restroom nga muna ako." Rana walked away. I glared at Jay suspiciously na ikinataas ng kilay niya.
"What?" he asked innocently.
"You read my mind, didn't you?" He laughed awkwardly dahil sa tanong ko.
"Shonga! Bakla lang akez, I don't have powers duh!" I looked at his eyes for a couple of minutes without blinking at ramdam kong hindi siya mapakali.
"You're not a mortal," I concluded making his eyes wide.
"BAKLAAA! WAG KANG MAINGAY!" sigaw niya.
"Ikaw ang nag-iingay," sagot ko dahilan para dali-dali niyang inilock ang pinto ng office at lumapit sa akin.
"How did you know bakla?!"
"Halata ka kaya," sagot ko na ikinailing niya.
"Hindi mo nga nahalata noon duh! Eight years na tayong magkaibigan, ngayon mo lang nahalata? Paano mo nalaman? Baka mapahamak ka," seryosong saad niya.
"Remember 2 years ago? I was lost in the land called Allaria. Dun ka ba nakatira talaga?" tanong ko pero umiling lang siya.
"I'm a werewolf Rara. I live in Selenia," he said making my eyes wide. Werewolf?! Yung nagtratransform?! Ang cool.
"Sige nga, pakita nga," excited kong sabi na ikinasimangot niya.
"Nasa opisina tayo Amara. Seryoso ka?"
"Fine! Basta pakita ako ha?"
"Hindi ka natatakot?"
"Bakit kakagatin mo ba ako?"
"Gaga!"
I laughed because of his remark. Hindi naman ako natatakot sa kanya. Nakakita na nga ako ng gwapong Fire Prince diba? Syempre meron ding gwapong werewolf. Bakla nga lang hahaha.
"Gwafu?! Ako?! Kyahh! Kadiri!" tili ng bakla na ikinatawa ko. Pero natigil ako ng may maamoy akong usok.
"What is that smell?" takang tanong ko. Kita ko ang panic sa mukha ni Jay.
"Fire," he whispered.
Biglang tumunog ang alarm ng building na ikinapag-panic ko. Rinig ko rin ang sigaw ng mga empleyado ko at ramdam ko ang panic sa boses nila.
Dali-dali akong tumakbo sa pintuan pero napaatras ako ng makitang sinasakop na ito ng apoy. We are stuck. Lalong kumapal ang usok na pumapasok sa opisina ko kaya napaubo na lang ako.
"Bakla, come here!" Hinila ako ni Jay papalapit sa kanya kung saan walang apoy. Tiningnan niya ang bintana at napahawak siya sa kanyang noo ng makitang napakataas nito para talunan. We are in the 22th floor.
Bumukas ang pinto ng restroom at doon tumambad si Rana na umuubo na rin.
"Aleirana!" sigaw ko ng mabagsakan siya ng mini chandelier. Mabilis itong nilapitan ni Jay at binuhat papalayo sa apoy. Kung hindi lang ganito ang sitwasyon namin ay baka inasar ko na siya sa walang kahirap-hirap niyang pagbuhat kay Rana.
In a matter of a few minutes, we are caught in thick smoke that grows worse by the second. This is followed by a darkness that makes everything even worse.
"Get the curtains, Rara!" Mabilis kong sinunod ang utos niya at ibinigay ito sa kanya. Tumakbo ito papunta sa CR at paglabas niya ay basa na ang kurtina. Inilagay niya ito kaya Rana. Pinunit niya ito na parang papel at binigyan ako ng isa para pantakip sa ilong.
Nakasiksik lang kaming tatlo sa parte ng opisina na hindi pa natutupok ng apoy. It's very hot. Nakakapaso ang init na nararamdaman ko ngayon. I am also excessively sweating. I'm breathing hard and my heart is beating so fast because of fear. It was very scary. The possibility of not getting out is running in my mind. I don't want to die yet.
Napaigtad ako ng sunod-sunod na magbagsakan ang mga debris dahil sa apoy. Even the glasses are breaking making a shattering sound that brings horror to my whole system. Oh Lord, help us, please. I tried my very best to get my thoughts straight and try to reorient myself in darkness.
Hinanap ko ang phone ko at nakita kong nakapatong ito sa table ko. Hindi ko inalintana ang apoy at mabilis na tumakbo papunta dito. Sinigawan pa ako ni Jay pero hindi ko siya pinakinggan. Ang priority ko lang ngayon ay makahingi ng tulong.
Pilit ko itong inabot at nakahinga ako ng maluwag ng makuha ko ito. Babalik na sana ako kina Jay ng matulala ako ng makita kong may babagsak sa aking kahoy. "Amara!" Isinangga ko ang dalawang kamay ko sa harap na para bang kaya kong salagin ang kahoy na yun at nakapikit ng madiin dahil sa takot.
Seconds passed but I feel nothing hitting me. I tried to open my eyes but my vision was too blurry. Exhaustion filled my system and the last thing I saw is the shocking face of Jairo before darkness consumed my sight.
***
"According to Jairo, the fire stopped when Amara lifted her hand ng may babagsak sanang kahoy sa kanya," I heard someone said.
"Are you telling that Ara stopped the fire?"
I slowly opened my eyes and a white ceiling welcomed me.
"It's a possibi-- Ara, you're awake." I looked at the person who talked and I saw Tita Zelle looking at me.
"Oh god! Anak! Kumusta ka? May masakit ba sa'yo?" sunod-sunod na tanong ni Mama.
"W-water," I said with a hoarse voice. Dali-daling kumuha si Mama ng tubig at iniabot ito sa akin. Mabilis ko itong ininom at ngumiti dito bilang pasasalamat.
Unti-unting bumabalik ang mga alaala ko sa nangyari at nanlaki ang mata ko ng maalala sina Jay at Rana. "Mama! Where's Rana and Jay? Ayos lang ba sila?" I asked. My heart is beating so fast. Wala naman sigurong nangyaring masama diba?
Nagkatinginan silang dalawa at kita ko ang lungkot sa mata nila. This is frustrating me! "Anak, Jairo is fine," Mama said, "but Aleirana is not yet waking up. The doctor said that her head was damaged."
Mabilis akong bumaba sa kama at lumabas ng kwarto. Hindi ko na pinansin ang sigaw ni Mama at tumakbo sa hallway. Nakita ko si Jairo sa dulo kaya mabilis akong lumapit sa kanya.
I ended up in the ICU looking at Aleirana with wires and tubes all over her body. My tears flowed. She looked so fragile. I asked if I could go inside at pinapasok naman nila ako.
I carefully hold her hand and cried silently.
"Hey Rana, gumising ka na ha? Ang weak mo naman! Akala ko ba mataray ka? Pwes mukha kang lantang gulay ngayon! Kainis ka naman eh. Wake up. Wake up, please." I closed my eyes and silently prayed.
Lord, please heal my friend.
This girl is a strong person. She may be bitchy on the outside, but she is really kind and sweet when she gets comfortable with you. Ipagtatanggol ka niya kapag may kaaway ka. She is really a great friend to me. And I hope she recovers fast.
Nagmulat ako ng mata ng naramdaman kong gumalaw ang kamay niya. Nataranta naman ako. I immediately called for help at mabilis namang pumasok ang mga doctor. Lumabas muna ako ng ICU at doon ko nakita si Jairo na seryosong nakatingin sa akin.
"Did you heal her?" he asked making me creased my brows.
"Huh?"
"Your hand glowed," he said making me looked at my hands. "I guess I'm not the only non-mortal here," he said while shaking his head.
"Anong pinagsasasabi mo bakla?" natatawang tanong ko.
"You stopped the fire," dagdag pa niya.
"Ako?!"
"Yes, you. Pero bakla, I'm so happy! May karamay na ako sa mga weird na bagay. Hindi na ako nag-iisa wahahaha!" tili niya. Napailing na lang ako sa biglang change of mood niya.
"Hindi ako naniniwala," I said while shaking my head.
"He's right Ara." Nilingon ko ang nagsalita at nakitang si Tita Zelle pala yun.
"What do you mean Tita?"
"You really did stop the fire, and healed Aleirana." I looked at her with wide eyes. I did?!
"H-how did that happen?! Are my parents not mortal too?" I asked but she shook her head.
"Rose and Shawn are mortals," she answered.
"Oh God! Wag mong sabihing ampon ako?!" sigaw ko na ikinatawa niya.
"You're not. You are just blessed to be special Ara," sagot niya na ikinahinga ko ng maluwag. Akala ko ampon ako jusko.
"Bakit ako?" I asked. Marami namang iba diyan diba?
"Wag ka ng tanong ng tanong. All you need to know is that you're special. After you recover, sasama ka sa akin. You need to be trained," she said. Hindi pa rin nagsisink in sa akin na may powers daw ako. Seryoso ba sila? O baka pina-prank lang nila ako.
"What do you mean Zelle?" Nandito na rin pala si Mama.
"We need to bring her to Allaria. She needs training dahil kung hindi ay baka mapahamak siya, pati na rin ang mga tao sa paligid niya," she said to Mama na ikinalaki ng mata ko.
Allaria?! Oh my god.
"Allaria? What is that place? Ngayon ko lang yun narinig."
"That is the land where I was born, Rose. The place where magic exists. I told you that story before, right? Doon makakapagsanay si Amara ng kapangyarihan niya," Tita Zelle answered making Mama shocked.
"Are you really serious? Aren't magic for kids only? Totoo ba talagang may kapangyarihan ang anak ko? Paano yun nangyari?" Mama asked with confusion.
"I can't answer that question too. All I know is that she is special. Huwag kang mag-alala, gagabayan ko ang anak mo." Mama smiled because of what Tita said and murmured thank you.
***
3 days have passed at naging mabilis ang recovery in Rana. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na pinagaling ko siya. As in? Seriously? Totoo ba?
"Alam mo ba Rana, tinawag kang lantang gulay ni Amara nung nasa ICU ka," pang-aasar ng baklang Jairo na ikinasama ng tingin ni Rana sa akin.
"Totoo naman eh! Mukha ka naman talagang lantang gulay dun! Tapos may nakapasak pang mga tubo at wire, oh san ka pa? Pwede ka ng poste. Actually, posteng nakahiga." Jay laughed so hard because of what I said. Natigil lang ng batuhin siya ng unan ni Rana.
"Wag niyo akong pagtawanan mga gaga! Aba naman! Malay ko bang sa sobrang hot ko ay nagkasunog?"
"Fine. Kung diyan ka masaya. Hindi naman siguro masamang magsinungaling paminsan-minsan right?" sagot ni Jairo na ikinatawa ko.
"Nga pala Rana, I need to go somewhere. Kaya hindi mo muna ako makikita sa mga susunod na araw or buwan or taon. Well, it depends. I'm just saying in case na mamiss mo ako," I said. She rolled her eyes and I chuckled because of her reaction.
"As if I care. Bahala ka sa buhay mo. Lumayas na nga kayong dalawa! Kakausapin ko lang ang baby ko," she said. Inasar-asar pa siya ni Jay dahil dun bago kami lumabas.
Paglabas namin ay dumiretso kami sa bahay. "Hoy bakla! Ang balita ko maraming gwafu dun sa Allaria hihihi. Dalhan mo naman ako pagbalik mo," malanding saad niya na ikinatawa ko na lang. Tama siya diyan. Marami nga.
"Asa ka! Umuwi ka na nga! Ikaw na bahala sa fashion house ha? Pag yun nalugi, kakalbuhin kita. Ikaw na rin ang bahala dun sa deal natin dun sa royal princess. Galingan mo ha! Ready na yung design. Nasa table ko," sabi ko na ikinairap niya.
"Of course, I will! Like duh! Magaling akong mag-manage no! Mag-ingat ka duh bakla ha. Bumalik ka kaagad," he said before leaving. I smiled. I really have great friends.
Pagpasok ko ay nakita kong nandoon sina Mama at Papa. "Pa, Ma, nandito na ako," I informed them na ikinalingon nila.
"Anak, sigurado ka na ba sa desisyon mo? Will you really go to Allaria? Pwede ka pa namang umatras." Papa said. "Ah, it really feels so weird talking about stuff like magic," nakangiwing saad na pa niya na ikinatawa ko ng mahina.
"I need to, Pa. Pano kapag biglang lumabas ang kapangyarihan ko tapos masaktan ko kayo? Syempre hindi ako papayag! Kailangan mamaster ko to ng mabuti. Kapag kaya ko na, babalik ako promise," I said making them sigh.
"It's just that I will miss you, baby," Mama said before hugging me.
"Me too Mama. I'll miss you too. Kayong dalawa."
"Anak may isa pa pala kaming sasabihin sa iyo" Hindi ako umimik at hinintay ko lang silang magsalita.
"Your mom is pregnant."
Ah pregnant lang pala eh- WHAT?!
PREGNANT?!
AS IN BUNTIS?!
Nagpabalik-balik ang tingin ko kay Mama at sa tiyan niya.
"Talaga?!" Nakangiti naman silang tumango dahilan para magtatalon ako sa saya. "Congrats Ma, Pa! I'm so happy!" I hugged them both tight because of the happiness I'm feeling right now. Magkakaroon na ako ng kapatid! Sa wakas!
"Ingat ka dun anak ha? Kung nahihirapan ka na, bumalik ka kaagad dito," paalala ni Papa at tumango ako bilang tugon. All I know is that I'm so happy dahil makikita ko na uli sila. Makikita ko na uli siya.
See you soon, Fire Prince.
______mistyrhynn______
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top