50 Sacrifice


Patakbong pumunta sina Alexander at Amara papunta silid-pulungan para sa huling pagpupulong bago ang digmaan. Nagkakagulo na ang mga mamamayan dahil unti-unti nang nagiging ginto ang buwan. Lahat sila ay nangangamba para sa kaligtasan ng kanilang mga sarili, mga kaibigan, at mga kapamilya. Walang kasiguraduhan kung mabubuhay pa ba sila pagkatapos ng malagim na digmaang magaganap.


"Dumating na ang kinatatakutan nating lahat, mga prinsipe. Mayamaya lang ay dadanak na ang dugo. Ihanda niyo ang inyong mga sarili. Kayong apat ang pinakainaasahan ng lahat," seryosong saad ng emperor. Nagkatinginan ang apat na prinsipe at makikita ang determinasyon sa kanilang mga mata na wari ba ay handing-handa nang makipagdigmaan. "Para ito sa kapayapaan kaya huwag kayong panghihinaan ng loob. Naniniwala kaming lahat sa inyo. Huwag niyo sana kaming bibiguin. Mag-ingat kayong lahat."


Tumango naman ang apat bilang sagot sa emperor. "Gagawin namin ang lahat, kamahalan," determinadong saad ni Vinn. Bumaling naman si Emperor Lloyd sa kanyang anak at niyakap ito.


"Natara anak, mas mabuting maiwan ka na lamang dito sa palasyo upang matiyak namin ang kaligtasan mo. Anuman ang mangyari, tandaan mong mahal na mahal kita," malamyos na wika niya kabaligtaran ng kanyang istriktong personalidad.


"I love you too, Dad. Everything will be alright," saad ni Amara bago humiwalay na sa yakap nilang mag-ama. Hinarap niya ang apat na prinsipe at nginitian niya sila. Niyakap niya ang sina Phil, Vinn at Josh. "Wag niyong pagagalusan ang gwapo niyong mukha ha?"


"Syempre naman baby girl. Baka sila ang bangasan ko eh," mayabang na saad ni Philippe.


"Ingatan niyo rin sina Jen, Ella at Gail. Wag niyo silang sasaktan. Binabalaan ko kayo!" babala pa niya sa tatlong prinsipe.


"Yes sir!" saludo ni Vinn.


"Ingat kayo. I know you will be a great king someday. Tandaan niyo lahat ng tinuro ko sa inyo ha? I love you three," sinserong saad pa ni Amara na ikinakunot ng noo ni Josh.


"Dongseng, bakit para namang hindi na tayo magkikita sa mga sinasabi mo?" tanong niya pero ngumiti lang uli sa Amara.


"Ano ba Oppa! Imagination mo lang yun. Masama bang mag-I love you?" natatawang saad ni Amara kahit sa loob-loob niya ay gusto na niyang umiyak. Alam niyang malaki ang posibilidad na hindi na nga sila magkita-kita pagkatapos ng gyerang ito.


"Mga Kamahalan! Nandyan na po ang mga kalaban! Nagsisimula na silang umatake sa punong bulwagan ng palasyo!" pahayag ng isang hinihingal na kawal. Naalerto sila sa narinig at agad na pumunta sa punong-bulwagan upang tulungan ang mga kawal sa pakikipaglaban. Samantalang sina Amara at Alexander ay sa kabilang direksyon nagtungo kung nasaan ang kanilang silid.


Nang makarating sila sa isang pasilyo ay tumigil si Amara ka ikinatigil din ni Alexander. "Blaz, mauna ka na, may nakalimutan ko ang sandata ko sa silid-pulungan," saad niya. Tutol man si Alexander ay wala na siyang nagawa kundi sundin ang sinabi ng kanyang asawa.


Nauna siya sa kanilang silid na binalutan nilang dalawa ng isang makapangyarihang pananggalang upang walang kahit sino ang makapasok o makalabas maliban kay Alexander. Napadako ang tingin niya sa nagliliwanag na posas na mayamaya ay ikakabit niya kay Amara. Labag man sa kanyang loob ay kailangan niyang gawin ito para na rin sa kaligtasan ng kanyang asawa at ng buong lupain ng Allaria.


Napalingon siya sa pintuan ng pumasok si Amara, ngunit nagtaka siya sapagkat hindi niya dala ang sandata na kanyang naiwan sa silid-pulungan. Hindi na niya ito pinagtuunan ng pansin at lumapit na kay Amara habang dala ang posas. "I'm sorry, Nate," bulong niya habang inilalagay sa kamay ng dalaga ang posas.


"Ayos lang ako, Blaz." Ngumiti siya. "Sige na. Kailangan ka na nila. Mag-ingat ka ha? I love you." Siniil ni Alexander ng halik si Amara na kababakasan ngayon ng gulat.


"I love you too, baby. Wait for me, huh? I'll come back," saad ng prinsipe. Bago siya lumabas ay nilingon muna niya sa huling pagkakataon ang kanyang asawa. Nilagyan niya ng bisa ang pananggalang na ginawa niya bago tuluyang bumaba sa bulwagan ng palasyo kung saan nagaganap ang pagsalakay.


Lahat ng kalabang lumalapit sa kanya ay nasusunog lamang at nagiging abo. 'They really want to destroy my wife's palace, aren't they? They need to get out of here before the palace collapses.' Isip niya bago ilabas ang kanyang sandata at iwasiwas sa lahat ng kalabang kanyang makakasalubong. Ginamit niya ang kanilang koneksyon para kausapin ang mga kasama.


'Make them go away. Masisira ang palasyo kapag nagtagal pa sila dito. Dalhin niyo sila sa field para malaya tayong makagalaw," sabi niya gamit ang kanilang mind link na agad namang sinangayunan ng iba pang prinsipe.


Nasa trono naman si Emperor Lloyd ang kanyang traydor na kanang kamay, si Ministro Greg. Kasalukuyan silang nagtatagisan ng lakas gamit ang kanilang mga kapangyarihan. "Itigil mo na ang kahibangan mo Greg! Hinding-hindi ako papayag na maagaw mo ang trono!" madiing saad ng emperor.


"Hindi ka karapat-dapat sa tronong iyan Lloyd. Nararapat lamang na matanggal ka sa pwestong iyan." Muling nagdikit ang kanilang mga espada at doon nila ipinagpatuloy ang mahintong labanan. Noon pa man ay malaki na ang hidwaan nina Lloyd at Greg, ngunit hindi akalain ng emperor na aabot ang lahat sa digmaan.


Sa kabilang banda naman ay doon kinakalaban ni Vinn si Aron, ang kanang kamay ni Mattheus. Makikita ang pagdadalawang-isip sa mata ni Aron sapagkat hindi pa rin naalis sa isip niya ang mga salitang binitawan ni Cita sa kanya dahilan para masugatan siya ni Vinniel. Agad naman siyang nakabawi at tiniis ang sakit na dulot ng kanyang sugat sa braso.


"Napakalaking kahibangan ang ipinaglalaban ng iyong panginoon, Aron," naiiling na saad ni Cita. Kumunot ang noo ni Aron dahil sa kanyang narinig at tiniis ang panlalamig ng kanyang buong katawan. Tila ba tinakasan siya ng init at lakas, ngunit kahit ganoon ay nagawa pa rin niyang magsalita.


"A-anong ibig mong sabihin?" nanghihinang tanong niya.


"Si Audrianna, ang diyosa ng kagandahan, siya ang nais niyong buhayin, hindi ba?" Bagay na lubos na ikinagulat ni Aron. Ang impormasyong ito ay hindi basta-basta nalalaman ng kahit sino kaya nagulat siya na alam ng babaeng ito ang tungkol doon. "Ano na lang gagawin ninyo kung malaman niyong buhay naman pala ang nilalang na matagal na ninyong nais buhayin?"


"Wag mo akong lokohin," galit na sigaw niya. "Kung totoo ang iyong sinasabi ay dapat matagal ng naramdaman ng aking panginoon ang kanyang presensya."


"Alam mo ba kung ano ang kapalit ng hiling niya kay Amthar?" tanong pa ni Cita.


"Ang mga kaluluwa ng mga mamamayan ng isang buong lupain, ng Allaria," sagot niya. "Kaya nga kami nakikipagdigma upang lipulin ang lupaing iyon."


"Tama, ngunit may nakaligtaan ka. Nakalimutan mo na bang tuso si Amthar? Natupad kaagad ang hiling ni Mattheus ng lumapit siya kay Amthar noon. Nabuhay muli si Audrianna, ngunit sa katawan ng isang Allarian, si Natara. Ang totoong kapalit ng kanyang hiling ay kailanman, hindi niya maaaring malaman na buhay ang kanyang kapatid. At kapag dumating ang panahon na malaman niya ang totoo, siya ang maglalaho sa mundong ito."


Umawang ang labi ni Aron sa kanyang nalaman at hindi niya lubos akalain na ang babaeng kanilang pinaslang noon ay siya palang kanilang matagal ng nais buhayin. Nakaramdam siya ng labis na awa sa kanyang panginoon. Kung maaari lamang niyang sabihin ang totoo ay gagawin niya, ngunit hindi maaaring mawala ang diyos na tagapagbalanse ng Elium at Tavira, ang diyos ng paghusga.


Iwinaksi na lamang ni Aron ang isiping iyon at ipinagpatuloy ang pakikipaglaban sa prinsipe ng hangin. Ang kanyang panginoon ang pinaka-importante para sa kanya at lahat ng kanyang ipag-uutos ay susundin niya ng walang pag-aalinlangan.


Lumipas ang ilang oras at hindi pa rin nauubos ang mga kalaban. Nagtagumpay silang palabasin ang mga kalaban sa loob ng palasyo at bago pa sila makapasok muli ay nilagyan na ng prinsipe ng tubig ang palasyo ng tubig-pananggalang. Nagtuloy ang labanan sa pagitan ng mga Allarian at mga Miletrian sa kapatagan. Doon ay hindi na nagdalawang isip pa ang mga prinsipe na gamitin ang kanilang mga kapangyarihan sapagkat walang mapipinsalang kahit ano sa lugar.


Akala nila ay naubos na ang lahat ng mga kalaban ngunit nakita nila ang libo-libong mga kawal-Miletrian na nasa kabilang panig ng kapatagan. Ang iba sa mga ito ay nakasakay sa mga kabayo. Mayroon rin silang mga sasakyang panghimpapawid. Ang mga kawal ay makikita ang kahandaan base sa kanilang mga itim na baluti. Ang kanilang itim na bandera na may sagisag ng Miletria ay matayog na nakataas.


Nasa unahan ng hukbo si Greg na may nakapaskil na nang-uuyam na ngiti. Katabi nito si Aron at ang isang nilalang na lubos nilang ikinagulat.


"No..." bulong ni Alexander. Tatakbuhin sana niya ang pagitan nila ni Amara ngunit agad siyang pinigilan ni Vinn. "Bitawan mo ako. I need to get her out of there!"


"Xander! Hindi siya si Amara! Nangyari na ito noon diba?! Wag kang magpaloko uli!" sigaw ni Vinniel na ikinatigil ni Alexander.


'Right. Nate is in the palace. I secured that place so it's impossible for her to get out of it. That is just an impostor.' Pagkumbinsi ni Alexander sa kanyang sarili.


"Wag ninyong gamitin ang wangis ng aking anak Greg! Hindi niyo kami maloloko!" dumagundong ang boses ni Emperor Lloyd sa buong kapatagan. Nangunot naman ang noo nila ng malakas na tumawa si Greg, tawa na nagbigay takot sa mga Allarian.


"Prinsesa, pinagdududahan nila ang iyong pagkatao," natatawang saad ni Greg. Dumilim naman ang mukha ni Amara at ngumisi ng nakakatakot. Itinaas niya ang kanyang kamay ay pinabulusukan ng liwanag ang mga kawal-Allarian. Mabuti na lang at mabilis na nakakilos si Josh at nakagawa agad ng pananggalang upang protektahan ang kanilang mga kawal.


Hindi halos sila makapag-isip ng tama ng makita ang kapangyarihan na tanging mga Allarian lamang ang nagtataglay, ang kapangyarihan ng liwanag. "Anong ginawa mo sa anak ko?! Paanong nakuha mo siya?!" nanggagalaiting sigaw ng emperor.


Lingid sa kanilang kaalaman na kaya sumugod sa palasyo ang ilang Miletrian ay upang gumawa ng distraksyon. Ang kanilang tunay na pakay ay ang pagkuha sa prinsesang tutulong sa kanila sa pagpuksa sa sarili niyang lupain.


Dalawang kawal-Miletrian ang naatasang kumuha sa prinsesa, at maswerte sila ng maabutang walang malay si Amara sa isang madilim na pasilyo. Ito ay dahil sa pagdampi ng labi ni Alexander kay Katelyn na kasalukuyang magkasama sa isang silid. Dinakip nila ang ama ni Katelyn na si Ministro Nilo kaya walang nagawa ang dalaga kundi sundin ang kanilang ninanais upang masigurado ang kaligtasan ng kanyang ama. 


Ito ang dahilan kung bakit nakuha nila ng mabilis at walang aberya ang prinsesa. At paggising niya ay tuluyan na siyang nawalang ng control sa kanyang sariling katawan.


"Ang katawan niya ay kinontrol ni Amthar upang patayin ang lahat ng Allarian na kanyang makikita. Napakahusay, hindi ba? Kaya maghanda kayo, ang inyong sariling prinsesa ang tatapos sa mga walang kwenta ninyong buhay!" sigaw na niya. "Patayin lahat ng Allarian at sakupin ang buong lupain ng Allaria!"


Napayukom ng kamao si Alexander dahil sa galit at kaba. Ito na ang kinatatakutan niyang mangyari. Tinitigan niya ang kanyang asawa ngunit walang pagmamahal o pagdadalawang-isip na mababakas sa mga mata nito. Gusto niyang sapakin ang sarili dahil sa katangahan niya. Hindi man lang niya nahalata.


"Mga Phyranian! Mga Saphirian! Mga Ventusian! Mga Telarrian! Magkakaiba man ang ating lahi, huwag ninyong kalilimutan na lahat tayo ang mga Allarian! Huwag nating hayaang masakop ng mga masasamang nilalang ang ating pinakamamahal na lupain! Kapayapaan para sa Allaria!" sigaw ng Emperor.


"Kapayapaan para sa Allaria!" Mababakasan ng determinasyon at tapang ang sigaw ng bawat Allarian. Lahat sila ay minimithing makamit ang kapayapaang kanilang inaasam at ngayong gabi, maisusulat ang kasaysayan. Ngayong gabi, magaganap na ang pinakamalagim at pinakamadugong digmaan sa pagitan ng Allaria at Miletria.


"Sugod!"


Ang tubig galing kay Josh, ang hangin na galing kay Vinn, ang lupa na galing kay Phil, at ang apoy na galing kay Alexander ang namayani sa digmaan. Walang sinumang kaaway ang pinalampas ng mga ito. Seryosong-seryoso ang mga prinsipe sa pakikipagdigma at walang puwang ang awa sa kanila.


Ang kalansing ng kanilang mga sandata, ang mga pagsabog at ang mga sigaw ay maririnig sa anumang dako. Ang mga sasakyang panghimpapawid ay nagbubuga ng apoy sa kapatagan na ikinakasawi ng maraming mga kawal. Ang sagupaan ng dalawang pwersa ay nagbigay lagim sa tahimik na gabi sa ilalim ng gintong buwan.


Hindi na nila alintana ang oras. Hindi nila alam kung ilang oras na ang lumipas ngunit sa kabila nito ay patuloy pa rin sila sa pakikipaglaban para sa kapayapaan ng kanilang lupain, ang lupain ng liwanag, ang lupain ng Allaria.


Marami na ang namatay sa mga Allarian at ito ay dahil kay Amara. Wala niyang awang pinagpapapatay ang lahat ng Allarian na kanyang nakikita. Dehado ang kanyang mga kalaban sapagkat maliban sa napakalakas ng kapangyarihang ginagamit ni Amara kumpara sa kanila ay hindi nila kayang saktan ang kanilang pinakamamahal na prinsesa.


Sa kabilang banda ay makikita ang gigil sa bawat pagwasiwas ng sandata ng prinsipe ng apoy. Itinarak niya ito sa lupa na naging dahilan ng pagkasunog ng lahat ng Miletrian na malapit sa kanya. Nagawi ang tingin niya kay Greg kaya pinabulusukan niya ito ng apoy ngunit nagulat niya ng may bumanggang tubig dito na ikinagunaw ng kanyang apoy.


Galit niyang nilingon ang gumawa nito ngunit natigil siya ng makita ang blangkong mukha ng kanyang asawa. "Nate, baby..." Gulat at takot ang naramdaman ni Alexander ng makita si Amara sa kanyang harapan. Ito na ang kinatatakutan niya, ang makaharap at makalaban ang babaeng mahal niya.


Walang sinayang na oras si Amara at agad na pinabulusukan ng apoy si Alexander. Apoy laban sa apoy. Walang ginawa ang prinsipe kundi salagin ang mga atake ng prinsesa sapagkat hindi niya kayang saktan si Amara. Sinaktan na niya noon si Amara at sobrang pinagsisihan niya ang kanyang ginawa, at nangako siya sa sarili niyang hindi na niya ulit uulitin iyon.


"Nate, remember me. I'm your husband, your best friend, please baby," pagsusumamo niya ngunit tinutukan lamang siya ni Amara ng espada. Walang pagdadalawang-isip niyang iwinasiwas iyon at iniamba kay Alexander na walang magawa kundi salagin ito gamit ang sariling espada. "Natara! Wake up! They're controlling you!" sigaw niya.


Kumunot naman ang noo ni Amara dahil sa pagtataka na nagbigay ng pag-asa kay Alexander. "You're my husband?" takang tanong niya. Napangiti ang prinsipe at agad na nabitawan ang espada para lapitan si Amara. "Blaz?" Hindi napigilan ni Alexander na yakapin ang kanyang asawa dahil sa tuwa.


"Yes baby. I am---" Napasinghap si Alexander dahil sa gulat ng naramdaman ang metal na sandatang sumaksak sa tagiliran niya. Walang pagdadalawang isip na binunot si Amara ang espada niya na mas ikinangiwi ni Alexander.


"Xander!" napasigaw si Philippe sa di kalayuan ng makita ang ginawa ni Amara. Agad niyang tinapos ang kanyang kalaban gamit ang mga ugat sa lupa bago takbuhin ang distansya nila ni Alexander. "Amara anong ginagawa mo?!"


Hindi siya makapaniwalang magagawa iyon ni Amara at ang mas ikinagulat pa niya ay wala man lang pagsisisi o awa sa mukha nito. Napangisi pa si Amara ng makita si Phil at nagulat na lang ang prinsipe sa walang pasabing atake ng prinsesa. Mabuti na lang at mabilis siyang nakakilos at nasalag ang atake.


Napamura na lang si Philippe ng iwasiwas ni Amara ang kanyang espada sa direksyon niya. Naglaban sila gamit ang kanilang mga espada at ng makakuha ng tyempo ay nagpalabas siya ng ugat sa lupa at hinuli ang mga paa ni Amara upang patigilin ito. "Pakawalan mo ako!" Nagpumiglas pa si Amara ngunit matibay ang mga ugat na ginamit ni Phil dahilan para hindi ito agad masira.


"Josh pre, kailangan kita dito. Bilisan mo." Hindi na muna niya pinansin ang nagwawalang prinsesa at lumapit kay Alexander na patuloy pa rin ang pagdurugo ng sugat. Ginamit niya ang kanyang kapangyarihan para bigyan ng paunang lunas ang sugat para kahit papano ay tumigil ang pagdurugo nito.


Tinanguan lang siya ni Alexander bilang pasasalamat ay agad na tumayo na para harapin si Amara na masama ang tingin sa kanilang dalawa ni Phil. Sakto namang dumating na si Josh kaya agad niyang nilapitan si Amara. "Pre, kaya mo bang linawin ang pag-iisip niya para maalala na niya tayo?" tanong ni Phil.


"Susubukan ko." Agad na hinawakan ni Josh ang sintido ni Amara ngunit nahirapan siya dahil patuloy pa rin ito sa pagpupumiglas. Gamit ang tubig na kanyang kapangyarihan ay nilinis niya ang puso at isip ni Amara. Nagtagal pa ito dahil may itim na kapangyarihang bumabalot dito, ngunit sa huli ay nagtagumpay siyang gawin ito.


"Oppa?" Napangiti si Josh at tumango kay Amara.


"Dongseng, ako nga." Sumaludo muna siya sa mga kaibigan bago tumakbong muli upang tulungan si Gail na pinagtutulungan ng apat na miletrian.


Inilibot ni Amara ang paningin niya at nanlaki ang mata niya ng makita ang kalagayan ni Alexander. "Blaz! Anong nangyari sa'yo?" Napaiwas na lang ito ng tingin at natigil si Amara ng mapagtanto ang kalagayan niya ngayon. May nakapalibot sa kanyang mga ugat at may hawak siyang espadang may bahid ng dugo. "Ako ba?" naiiyak niyang tanong.


"It doesn't matter, baby." Ngumiti si Alexander para pagaanin ang loob ni Amara ngunit nabigo siya sapagkat mas tumulo ang luha ng kanyang asawa.


"I'm sorry. I'm sorry. I'm sorry," paulit-ulit niyang paghingi ng tawad.


"Shh, I'm fine. It's alright---"


Natigil ang lahat ng may itim na usok na kumalat sa buong paligid. Ng humupa ito ay nakita ng lahat ang kinatatakutang hari ng Miletria, ang diyos ng paghusga. Kitang-kita ang tikas ng pangangatawan nito sa suot nitong itim na baluti na wari ba'y handing-handa ng sumabak sa gyera. "Allaria. Allaria. Allaria." Ang kanyang malalim at nakakakilabot na boses ay nagbigay ng takot sa lahat. "This land will banish. I will make sure of that," madiing sambit nito.


Nakangising tumabi dito si Ministro Greg at ang kanang kamay nitong si Aron, habang nasa likod ng mga ito ang panibagong hukbo ng mga Miletrian. Napamura na lang ang emperor ng makita ang dagdag na hukbo ng mga kalaban. Hinihiling niya na sana ay may dumating din para tulungan sila.


Ilang sandali pa ay isa namang liwanag ang bumulag sa kanilang lahat at tumahimik ang lahat ng makita ang Diyos ng Apoy, si Aestus. Mararamdaman ang matinding awtoridad at malakas na presensya sa magkapatid na diyos. Parehas silang nakatitig sa isa't-isa at walang sinuman ang nais pagpatalo. "Fight me first, brother," nakangising saad ng diyos ng apoy bago ito dinala sa kalawakan at doon nagtagisan ng lakas.


Ang nahintong digmaan ay muling nagpatuloy. Hindi na nila inalintana ang pagod at sakit na nararamdaman muna sa ilang oras na pakikipaglaban at patuloy na lumalaban para sa kapayapaan. Ng tuluyan ng matanggal ang ugat na nasa paa ni Amara ay nagulat si Alexander ng atakehin muli siya ng prinsesa. "Nate, what's happening?" gulat na tanong niya.


"I can't... I can't control my body," pahayag ni Amara na ikinalaki ng mata ng prinsipe. Bigla namang may umatake sa kanyang mga Miletrian kaya tuluyan na silang nagkahiwalay ni Amara. Gigil na winakasan niya ang buhay ng kanyang mga kalaban at susundan na dapat niya si Amara ngunit may humarang na naman sa kanyang mga miletrian. Sa tantya niya ay labing-lima ang nakapalibot sa kanya ngayon dahil para mapamura na lamang siya.


Sa kabilang banda, nagtagpo ang landas nina Amara at Jennica. "Jen, lumayo ka sa'kin please. Ayaw kong saktan ka," naiiyak na saad ni Amara. Kahit anong gawin niya ay hindi niya mabawi ang control sa kanyang katawan. Tila ba isa itong makina na walang pinapakinggan at sinusunod.


Hindi pa man nakakabawi ng gulat si Jen ay inatake na kaagad siya ni Amara. Pinadalhan niya ito ng matutulis na hangin at kahit anong pilit ni Jennica na iwasan ang lahat ng ito ay natamaan pa rin siya ng ilan. Napasigaw na lamang si Jen dahil sa sakit na kanyang tinamo. Puro galos at sugat na ang kanyang buong katawan dahil sa atake at hindi maiwasan ni Amara na mapaluha dahil sa kalagayan ng kanyang kaibigan na siya mismo ang may gawa.


"I'm sorry. I'm sorry." Hindi man niya gusto ay nakita na lamang niya ang kanyang sarili na gumagawa ng isang sibat na gawa sa hangin at iniamba sa puso ni Jennica na ngayon ay nakasalampak sa lupa at nanghihina na.


"Vinniel!" nanginginig na sigaw ni Jen. Napalingon naman si Vinn kay Jen at nanlaki ang mata niya ng makita ang kalagayan niya ngayon.


"Hindi..." bulong niya. Agad niyang tinanggalan ng hininga ang kanyang kalaban at dali-daling tumakbo papunta sa direksyon nina Amara. Kaba ang bumalot sa buong sistema niya ng makitang pinabulusok na ni Amara ang sibat papunta sa kinaroroonan ng kanyang kasintahan. "Jen!"


Naglaho siya papunta sa kinaroroonan ni Jennica at niyakap ito ng mahigpit. Ramdam niya ang panginginig ng dalaga dahil sa takot. Pumikit na lamang siya at hinintay na tumama ang sibat sa kanyang likod. Wala na siyang pakialam sa kanyang kaligtasan sapagkat mas mahalaga sa kanya ang buhay ng babaeng kanyang mahal.


Ngunit nagtaka siya ng lumipas ang ilang segundo ay wala pa rin siyang nararamdamang kahit ano. Nagmulat siya ng mata at lumingon sa likod. Ganoon na lamang ang gulat niya ng makita si Reina na unti-unting bumabagsak sa kanyang harapan.


"Rein..." gulat na tawag niya. Agad niya itong nilapitan at kinandong. Nanginginig ang kanyang mga kamay at nararamdaman na niya ang unti-unting pagsikip ng kanyang dibdib.


"Reina?!" sigaw ni Jennica at agad bumuhos ang luha niya ng makita ang kalagayan ng kaibigan. Umuubo na ito ng dugo at ang sibat ay tumagos mula sa kanyang likod papunta sa harap. "No, Rein, please, please," pagmamakaawa niya.


Natigil naman si Amara at tulalang pinagmamasdan ang kanyang naghihingalong kaibigan. Hindi siya makagalaw sa kanyang kinatatayuan dahil sa gulat at pighati. Alam niya sa sarili niya na siya ang may kasalanan. At hindi niya mapatawad ang sarili niya dahil sa kanyang nagawa.


"Ate? Ate, I'm sorry," hagulgol niya. Napaluhod siya sa harap ni Reina na nahihirapan ng huminga. "Patawarin mo ako. Please. Hindi ko sinasadya. Sorry. Sorry," nanginginig na saad niya. Nanghihinang napangiti naman si Reina.


"A-ara baby," nanghihinang tawag niya, "It's not your fault k-kaya... wag mong sisisihin ang sarili mo, hmm?" Nararamdaman niya na ang matinding antok na pilit niyang nilalabanan. Isang ngiti ang muling sumilay sa labi ng dalaga bago ito tuluyang magpahinga na.


Napatakip na lang ng bibig si Jen upang pigilan ang paghikbi. Si Amara naman ay sumigaw ng napakalakas kasabay ng pagkulog at pagkidlat ng kalangitan ng nagbigay kilabot sa lahat Miletrian man o Allarian.


Nakuha ang atensyon ng dalawang diyos na naglalaban sa kalawakan ang sigaw ni Amara ng punong-punong ng pighati at galit. Natigil naman silang dalawa sa paglalaban dahil sa malakas na kidlat at kulog na tumama sa lupa. Naramdaman nila ang galit ng kalikasan na minsan lang mangyari.


"Naganap na," saad ni Aestus sa kanyang kapatid na ngayon ay galit pa ring nakatingin sa kanya.


"Aestus! Bakit hindi mo na lang ako tulungan? Kapatid mo din si Audrianna ngunit wala kang ginagawa para makasama uli siya!" sigaw ni Mattheus.


"Hindi na ikaw ang kapatid na aking kilala," naiiling na sambit ni Aestus. Hindi na pinagtuunan ng pansin ni Mattheus ang sinabi ng kanyang kapatid dahil sa kabang bumundol sa kanyang puso. Hindi niya maipaliwanag ang kanyang nararamdaman ngunit tila sumisikip ang kanyang dibdib at takot ang bumalot sa kanyang sistema.


Agad siyang bumaba sa lupa at natigil siya ng makita ang babaeng nagparamdam sa kanya ng kakaibang damdamin na naliligo sa kanyang sariling dugo at hindi na humihinga pa.


"Anak ko!" gulantang na sigaw naman ni Ministro Greg ng makita ang walang buhay na katawan ng kanyang pinakamamahal na anak. "Pinatay mo ang anak ko! Hayop ka!" nanggagalaiting sigaw niya kay Amara. Sasaksakin na sana niya ang prinsesa ngunit sinangga ni Emperor Lloyd ang kanyang espada.


"Wag na wag mong sasaktan ang anak ko," madiing sambit ng emperor. Gigil na nilabanan ng ministro ang emperor at makikita ang galit sa kanyang nanlilisik na mata. Ang kanyang anak na inspirasyon niya sa lahat ay nawala lamang sa isang iglap, at hindi siya papayag na hindi niya maipaghihiganti ang kanyang pagkamatay.


Si Mattheus naman ay blangkong nakatingin kay Reina at walang mababakas na emosyon sa mga mata niya. Kabaligtaran ng kakilakilabot na presensyang lumalabas mula sa kanya. "Sino ang pumatay sa kanya?" malamig na tanong niya.


"I'm s-sorry. H-hindi ko sinasadya," lumuluhang saad ni Amara. Marahas naman siyang nilingon ni Mattheus at humigpit ang kapit niya sa espada ng narinig ang tinuran ng dalaga.


"I will kill you." Lumapit siya kay Amara at iwinasiwas ang kanyang espada upang saktan ito ngunit pinigilan siya ni Aestus.


"Subukan mo. Kakalimutan kong magkapatid tayo," madiing babala ni Aestus.


"Itatakwil mo ako para sa walanghiyang babaeng yan?!" galit na sigaw niya. Gigil na pinabulusukan ni Aesuts ng apoy ang kanyang kapatid dahil sa galit. Hindi naman alam nina Vinniel at Jennica ang kanilang gagawin dahil sa takot at intimidasyon dahil sa dalawang diyos na nasa harapan nila ngayon.


"Huwag mong pagsasalitaan ng ganyan ang kapatid ko." Nanlaki naman ang mata ni Amara at agad na tumayo.


"Kuya! Wag!" pigil niya. Hindi pwedeng malaman ni Mattheus ang totoo kaya naman hindi niya maintindihan ang kanyang Kuya Aesuts kung bakit niya sinasambit ang ganoong mga bagay.


"Anong pinagsasasabi mo?" kunot noong tanong ni Mattheus.


"Master." Nagawi ang tingin niya kay Ice na bagong dating pa lamang at mas lalo siyang naguluhan ng tawaging Master ng tagapagbantay ng kanyang kapatid si Amara.


"Ice! Si Audrianna ang iyong dapat pagsilbihan. Did you change your master?" inis na tanong ni Mattheus.


"I'm loyal to my one and only master, your grace. I will never serve anyone but her," magalang na sagot niya.


"Hindi mo pa rin ba naiintindihan Mattheus? Hindi ko alam na humina na pala ang iyong pag-iisip kapatid ko," puna ng diyos ng apoy. Ang nakakunot na noo ni Mattheus ay unti-unting nawala at napalitan ng gulat at panggigilalas. Umawang ang kanyang labi at gulat na tiningnan ang umiiyak na si Amara.


"Audrianna?" Lumuhod siya sa harapan ni Amara at itininaas ang kanyang nanginginig na kamay upang hawakan ang pisngi nito. Marahas na umiliing si Amara kahit patuloy pa rin ang pag-agos ng kanyang mga luha.


"Hindi. Hindi ako si Audrianna! Nagkakamali ka lang!" desperadang saad niya. Ngunit tuluyan ng bumuhos ang luha ni Mattheus ng makita ang gintong mga mata ni Amara na kumikinang sa tuwing natatamaan ng liwanag ng buwan.


"Ikaw nga, kapatid ko." Saya ang bumalot sa kanyang sistema dahil sa dinami-rami ng kanyang pinagdaaanan, nakaharap na muli niya ang kanyang pinakamamahal na kapatid. Ramdam niya ang panghihina ng kanyang katawan ngunit binalewala niya ito at niyakap ng mahigpit si Amara.


"Kuya..." hikbi ni Amara.


"Patawarin mo ang kuya ha? Patawarin mo ako kung nasaktan kita noon. Hindi ko alam. I'm sorry, my love." Hinalikan niya ang sentido ng kanyang kapatid.


"Kuya! Hindi! Hindi pwede!" Mas napahagulgol si Amara ng makita ang unti-unting paglalaho ng kanyang kuya. "Wag mo akong iwanan. Please. Kuya naman," pagmamakaawa niya. Napaiwas na lang ng tingin si Aestus sapagkat hindi niya kayang makita ang kalagayan ng dalawa niyang kapatid. Samantalang si Aron ay tulalang nakatingin sa kanyang panginoon at hindi alam kung ano ang kanyang dapat gawin.


"T-that girl." Napatingin siya kay Reina. "I c-can't let her go alone." Nalalasahan na ni Amara ang alat ng kanyang sariling luha ngunit hindi niya iyon alintana. Pilit hinarap ni Mattheus ang kanyang kapatid kahit nanlalabo na ang kanyang paningin. "Mahal kita."


"Mahal din kita kuya ko," garalgal na saad ni Amara. Tulad ni Reina ay isang sinserong ngiti ang gumihit na labi ni Mattheus bago ito maglaho ng tuluyan. Mas lumakas ang kulog at kidlat sa buong paligid at pati hangin ay tumitindi na.


Naglaho na rin pabalik ng Elium si Aestus na may mabigat na damdamin sapagkat hindi na siya maaaring makialam sa laban. Pinahintulutan lamang siya ng kanyang Ama na bumaba sapagkat nandoon pa si Mattheus at kailangan nito ng katapat.


Tumayo na si Amara at mahigpit na hinawakan ang kanyang sandata. Hindi man niya gusto ay kusang gumagalaw ang kanyang katawan na kalabanin ang kanyang sariling lahi. Paghingi na lamang ng tawad ang kanyang magawa sa tuwing may masasaktan siyang Allarian at ang mas umusig pa sa kanyang konsensya ay hindi man lang kakikitaan ng galit o pagkamuhi ang mga mata ng mga Allarian na kanyang sinasaktan.


Nakita ng kanyang mga mata si Ella na kasaluyuyang nakikipaglaban at naisin man niyang tumakbo papalayo ay hindi sumunod sa kanya ang kanyang mga paa at patuloy na lumalapit papaunta sa kaibigan.


Ayaw niyang maulit ang nangyari kay Reina. Ayaw niyang pumatay ng kaibigan. Ayaw niyang makontrol. Tama na ang mga namatay dahil sa digmaan. Hindi na pwedeng madagdagan pa ang bilang ng mga nasawi. Hindi na niya mapapatawad ang sarili niya kapag nakapatay pa siyang muli.


"Blaz!" naiiyak na sigaw niya. Agad namang tumakbo papalapit sa kanya si Alexander at nag-aalalang tiningnan siya.


"Nate? Are you alright? Are you hurt—"


"Blaz, save me please," putol niya sa sinasabi ng prinsipe. Natigilan naman si Alexander at napakuyom ng kamao dahil sa galit. "Tulungan mo naman ako, kasi Blaz, hindi ko na kaya, ayaw ko na," lumuluhang sambit niya. Labag man sa loob ay iwinasiwas ni Amara ang sandata niya sa direksyon ni Alexander na agad naman niyang nasalag.


"If killing you is the saving you're talking about, then I can't," madiing sambit niya.


Umikot si Amara at walang-awang iwinasiwas ang espada sa kawal-Allarian na nasa likod at ang dugo nito ay sumirit sa kanyang makinis na mukha. Agad itong natumba at tuluyan ng nalagutan ng hininga.


"Hindi... hindi... ayoko na... please... please," desperadang sambit ni Amara. Nasasakan si Alexander ng makita ang asawa niyang umiiyak at nagmamakaawang tapusin na ang kanyang buhay. Hindi niya alam kung ano ba ang dapat niyang gawin. Bumibilis na at mas bumibigat ang paghinga niya. Pinipigilan niya ang sariling umiyak dahil ayaw niyang maging mahina sa paningin ni Amara.


Naalerto naman niya ng makitang bumubuo may binubuo si Amara sa kanyang palad. Pinagsamasama niya ang lahat ng kanyang mga kapangyarihan at nakabuo ito ng isang nakapalaking puting bolang enerhiya. Itinaas niya ito at napasigaw siya dahil sa lakas at tindi ng kapangyarihang ito. "Blaz! Just kill me! Allaria will banish if this magic is released!" naiiyak na sigaw niya.


"No! I will never do that!" pagtangis ni Alexander. Hindi na niya napigilan pa ang luha niya. Alam niyang dapat, ngunit hindi niya alam kung kaya ba niyang gawin.


"Blaz naman," pagsusumamo ni Amara. Patuloy pa rin sa paglaki ang enerhiyang nasa kamay niya at maaaring madamay din ang mga karatig na lupain ng Allaria kapag nagpatuloy pa ito.


"Nate, I can't! Hindi ko kaya." Napahilamos na lamang siya sa kanyang mukha.


"Kayanin mo, please. Kayanin mo... para sa akin... para sa Allaria," malamyos na saad ni Amara.


"Is this the only way?" Ang kanyang boses ay basag na dahil sa pag-iyak at mas lalong sumakit ang kanyang dibdib ng tumango ang prinsesa. "You're so unfair. Ang daya-daya mo," hikbi niya.


"Blaz, hindi ko na kaya... mawawalan na ng control ang katawan ko sa kapangyarihan ko. Please... do it now." Pikitmatang pinagningas niya ang kanyang espada. His sword was now coated with blazing fire. With trembling hands, he pointed it to his wife. "I'm alright," nakangiting saad ni Amara kahit walang tigil ang pag-agos ng kanyang mga luha.


"Talaga bang papatayin mo ang prinsesang iyan, Alexander Blaz?" Gigil niyang nilingon si Ministro Greg. "Papatayin mo ang babaeng mahal mo, pati na ang anak mo?" Natigalgal si Alexander sa narinig, samantalang si Amara ay lalong napahagulgol.


"A-anak ko?" gulat na tanong niya.


"Hindi ba sinabi ni Amara sa'yo? Buntis siya, hindi ba, prinsesa?" May bahid ng pang-aasar ang boses ng ministro. Ramdam niya ang buhay na nasa loob ni Amara kaya naman hindi naging mahirap sa kanyang malaman ito.


Nilingon naman ni Alexander si Amara gamit ang kanyang nagsusumamong mga mata. "Nate... why..." Hindi siya makabuo ng sasabihin dahil sa paninikip ng dibdib.


"Blaz, please. Y-you need to do this."


"How could I kill you and our child?!" sigaw niya, "How could I kill my own family?! Tell me Nate! How could I do that?!" Galit at takot ang nararamdaman ngayon ni Alexander. Gulong-gulo na ang kanyang isipan. Hindi na niya alam kung ano ang dapat at hindi dapat gawin. Lalo na ngayon at nalaman niyang magkakaanak na pala sila ni Amara. Hindi niya kakayanin na mawala silang dalawa sa kanya.


Napasigaw naman si Amara dahil sa pilit niyang pagkontrol sa kanyang kapangyarihang nais kumawala. Hindi maaaring mawalan siya ng kontrol. Hindi maaaring maglaho ang Allaria. Hindi maaari. "Blaz! Gawin mo na ngayon!" sigaw niya. Pigil hininga niyang kinontrol ang kapangyarihan niya sapagkat isang maling galawa lamang ay tuluyan na niya itong mabibitawan.


Isang sigaw rin na puno ng sakit at pighati ang pinakawalan ni Alexander bago isaksak sa kanyang prinsesa ang espadang nababalot ng nagbabagang apoy. Unti-unting naglaho ang kapangyarihan ni Amara sa kalawakan. Panghihina ang naramdaman ni Amara at agad na nanlambot ang kanyang mga tuhod, ngunit agad siyang nasalo ni Alexander bago pa ito natumba sa lupa.


"Thank you, Blaz," nanghihinang saad niya ngunit sa kabila noon ay may ngiti sa kanyang mga labi. Niyakap siya ng prinsipe ng napakahigpit.


"I'm sorry, baby. I'm so sorry," hagulgol niya.


"Don't be... You did the right thing." Patuloy sa pag-agos ang kanyang dugo mula sa kanyang tiyan at ang kanyang paghinga ay unti-unti ng humihirap. "Keep your fire burning, hmm?" pinilit niyang abutin ang pisngi ng kanyang asawa. Kinuha na ni Alexander ang kamay ni Amara at tinulungan ito dalhin sa pisngi niya.


Gamit ang kanyang pang-ipit ay kinontrol niya ang utak ng lahat ng Miletrian. Tinanggal niya ang galit, inggit, at takot sa kanilang mga puso at isip upang mawala na ang kanilang kagustuhang makapaghiganti o manakit ng ibang tao. Ginawa rin niyang kalmado ang kanilang mga isipan at nilinaw ang kanilang kakayahang unawain kung ano ang tama at mali.


"I will," garalgal na sagot ng prinsipe. Pinunasan pa ni Amara ang mga luhang lumalandas sa pisngi ni Alexander bago tuluyang bumagsak ang kanyang kamay sa lupa. "Nate?" Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ni Amara at pilit itong ginigising, ngunit nanatiling nakapikit ang prinsesa.


Kasabay nito ang pagbuhos ng malakas na ulan na may kasamang malakas na hangin. Yumanig din ang lupa at ang bawat tamaan ng kidlat ay nag-aapoy. Ang pasikat na araw ay bigla na lang natabunan ng dilim. Mararamdaman ang pakikiramay ng kalikasan sa pagkawala ng natatanging prinsesa ng Allaria.


Makikita ang epekto ng digmaan sa buong paligid. Mga dugo, mga sugatan, mga katawang walang buhay, at mga sandatang may bahid ng dugo ang makikita sa buong paligid. The smell of blood and sweat are perspiring on the battlefield. Makalipas ang ilang sandali ay tumayo na ang mga prinsipe at pinilit na tulungan ang mga mamamayan.


Si Alexander naman ay tulala pa rin at hindi umaalis na kayang kinauupuan habang kandong ang walang buhay na katawan ng kanyang pinakamatalik na kaibigan, ng kanyang prinsesa, ng kanyang asawa, ni Amara.


The war ended well.


Well, for them, it does. But for the Fire Prince, it doesn't, because she left again. She left him again... broken.


______mistyrhynn______

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top