47 Brave
Amara's POV
"Students, our last Leveling Examination will be held three days from now, so I expect you to prepare and be ready. Train harder and be stronger. Hindi lang para sa pagsusulit, kundi para rin sa nagbabadyang panganib sa ating lupain. Dapat may sapat kayong kakayahan upang protektahan ang inyong mga sarili at ang inyong pamilya. Naiintindihan niyo ba?" saad ni HM sa amin.
"Yes HM!"
"Good. Now, you have the rest of the day to train yourselves. Dismissed." Unti-unti ng nauubos ang mga estudyante sa auditorium at kaunti na lang ang natira. Blaz was just playing with my hand the whole time habang nakasandal sa balikat ko. Hindi ko nga alam kung nakinig ba talaga siya. Parang hindi nga ata niya alam na tapos na yung announcement eh.
It's been weeks since we got married at walang kahit sinong Allarian ang nakakaalam bukod sa aming dalawa. Napagkasunduan kasi namin na wag munang ipaalam sa iba hangga't hindi pa natatapos ang gulo.
Within that short span of time, I felt pure happiness. I felt loved. He even brought me to a mansion built on the boundary of Phyrania and the Allarian Palace. It turns out na pinagawa niya yun para daw kapag kinasal kami ay handa na ang lahat. He's really sweet, isn't he?
"Mauna na ako guys! I'll just meet Jom sa cafeteria," nakangiting saad ni Ella bago umalis. Kita ko ang pagkuyom ng kamao ni Phil dahil sa pagtitimpi.
I used my hairclip to know their thoughts and I can't help but to roll my eyes when I learned that their minds are all occupied by girls! Kahit si Blaz! He is really thinking about me this whole time.
"Ano bang nagustuhan ni Ella sa tarantadong yun? Eh mas lamang naman ako dun sa lahat ng banda!" Phil was gritting his teeth because of anger at hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil nagseselos siya o maiinis dahil sa kayabangan niya.
Napalingon naman ako kay Josh Oppa at napangiwi ako sa mga iniisip niya. "Ang ganda niya." He was smiling widely habang nakatitig kay Gail na abala sa pakikipag-usap kay Jen. "Gusto na talaga kitang ligawan. Kung may lakas lang talaga ako ng loob."
"Ang hirap mong abutin, Shenlie." Muntik pa akong masamid ng marinig ang iniisip ni Chris. Seryoso siya? May gusto pala siya kay Shen. Aba ang lalaking yun talaga. Panakaw tingin pa siya eh.
"Eyes off him, Nate." Napalingon ako kay Blaz at kumunot ang noo ko ng makita ang masama niyang tingin. "I will really kill that fucktard. Chris huh?" Napabuntong hininga naman ako dahil sa kanya.
"Blaz naman. Masama bang tumingin?" saad ko at natawa ako ng mahina ng tumango siya. "Wag na ng magselos hahaha." Inilapit ko ang labi ko sa tenga niya at bumulong. "I love you." Hinalikan ko pa ang tenga niya bago tuluyang lumayo.
"Stop teasing me," nagtitimping saad niya habang nakapikit na ikinatawa ko pa. "I'm having a hard time controlling myself and here you are, laughing at me. You really want to be punished again, huh? Later, Nate. Later," bulong niya.
Agad ko naman siyang hinampas. "Blaz!"
"What? You're my wife. There's nothing wrong with that," natatawang bulong niya bago halikan ang pisngi ko.
"Lester my loves, tayo na lang ang partners ha?" rinig kong sabi ni Chay habang kinukulit na naman si Lester.
"My loves. It feels so great to be called my loves by her." Napangiti ako. I knew it. He also likes Chacey. Well, bata pa naman silang dalawa at alam kong lalalim pa ang nararamdaman nila para sa isa't-isa. And besides, ang cute kaya ni Lester.
I hope I could witness all their love stories, kaso parang malabo na ata yun. Lumaki naman ang ngiti ko ng may maisip. Well, I think I could somehow witness the start of their story. At least I could be part of it.
"Nate, why the fvck are you smiling at those guys?" Hinawakan ni Blaz ang baba ko at ihinarap sa kanya. "Sa akin ka tumingin. Sa akin lang."
"Oo na, asawa ko," natatawang bulong ko na ikinangiti niya.
"Good." He patted my hair before leaning his head on my shoulder again.
"Guys, ano na?! Tutunganga na lang ba tayo dito? Tayo na sa training area!" sigaw ni Jen bago hilahin si Vinn pero pinigilan ko sila.
"Jen, Gail, Chay, Shen, pwede bang mauna na kayo? Kakausapin ko lang tong mga lalaking to," saad ko at kahit nagtataka ay tumango na lang silang tatlo bago umalis, samantalang si Shen ay inirapan lang ako.
"Whatever," bulong niya bago maglakad papalayo.
"Sumunod kayo ah? Bye!" paalam ni Gail. Ng tuluyan na silang makalabas ay hinarap ko silang lima.
"Ara, ano bang pag-uusapan natin?" takang tanong ni Vinn.
"Hindi naman kayo kasama ni Blaz, pero kung gusto mo, pwede ka namang sumama," I said, "Yang apat kasing yan, ang totorpe."
"Sino?! Ako?!" di makapaniwalang turo ni Phil sa sarili niya. "Kelan pa ako naging torpe? Bulag ka na ba baby girl?"
"Ah, kaya pala lindol lang ang nagagawa mo kapag magkasama si Jom at Ella? Hindi mo nga masabing nagseselos ka eh," saad ko na ikinatahimik niya at ikinaiwas ng tingin. Tsk.
"Amara, pano ako magiging torpe eh wala naman akong nagugustuhan?" maang-maangan ni Chris.
"Ako din Ate," sang-ayon na naman ni Lester na ikinangiti ko na lang. Ang cu-cute.
"Hindi ba may gusto ka kay Shen?" prangkang sabi ko. "Wag kang tatanggi! At ikaw!" turo ko kay Lester. "May gusto ka kay Chacey, pero parang siya pa ata ang lalaki sa inyong dalawa," naiiling na saad ko dahilan para magulat siya at mamula.
"At ang pinakamalala sa lahat, ikaw!" turo ko kay Josh Oppa. "Oppa naman, ilang taon mo na ba yang tinatago? Jusko baka mabulok na yan."
"Dongseng naman! Ano to basura?" angal ni Oppa na ikinatawa namin ng mahina. "Anong nakakatawa? May nakakatawa ba?"
"Ikaw," natatawang saad ni Vinn.
"So ito na nga, I want you to serenade the girls after the leveling exam. Galaw-galaw din naman kayo jusko. Walang mangyayari kung manunuod lang kayo. Ano bang hinihintay niyo? Kapag nakakita na sila ng iba?" saad ko.
"Pwede naman. Ang problema, paano ang mga yan?" natatawang saad ni Oppa, samantalang napakamot na lang ng kanilang mga batok yung apat. "Eh mas malala pa sa palaka ang boses ng mga yan."
"Sumayaw na lang kaya ako?" saad ni Phil dahilan para batukan siya ni Vinn.
"Sige magsayaw ka, ng mawalan ka ng dangal."
"Parinig nga. Kanta kayong apat," utos ko.
"You and I," simula ni Phil pero napapikit agad ako. Tumutula ba siya?
"We don't wanna be like them," dugtong ni Kuya Vinn.
"We can make it 'til the end," pagkanta ni Chris. Rinig ko ang bungisngis ni Oppa at ni Blaz na parang nagpipigil ng tawa. Mga mapanghusga!
"Nothing can come between," – Lester.
"You and—"
"Tumigil na kayo," pigil ko sa kanila. Tinignan nila ako at halatang naghihintay ng sasabihin ko kaya napabuntong-hininga na lang ako. "No comment," saad ko dahilan para hindi na mapigilan ni Oppa at Blaz at pagtawa ng malakas. May papapalo pa sa upuan si Oppa na nalalaman, samatalang si Blaz naman ay pulang-pula na ang mukha sa pagtawa. Mga sira talaga.
"Porket maganda ang boses mo tinatawanan mo na ako? Bugbugan ano?" hamon ni Phil na mas ikinatawa ni Oppa.
"Wag na kayong sumimangot dyan. Akong bahala, I'll help you," natatawang saad ko. "Sumama kayong lima sa akin. Practice tayo."
"Nate? Anong lima? We're six," Blaz said, "Don't tell me you're leaving me here?" Tumango naman ako na ikinasimangot niya ng todo.
"Anong gagawin mo dun? Alangang tulungan kitang haranahin ako? Anong kahangalan yun?" nakapamaeywang na saad ko. "Kaya dito ka lang." Hinarap ko yung lima at inilahad ang kamay ko. "Kapit kayo."
Tangkang kakapitan na nila ang kamay ko ng tabigin yun ni Blaz. "Don't you dare!" Pinaningkitan ko siya ng mata dahilan para mapasinghal siya. "Fine. Just... just hold her on her shoulders, fvckers." Hindi nakaligtas sa akin ang huli niyang sinabi kaya naman nakatanggap siya sa akin ng kurot sa pisngi na ikinaangal pa niya. "Be fast, okay?" Tumango na lang ako sa kanya bago siya halikan sa pisngi dahilan para kantyawan pa siya nina Josh at Phil.
Natatawang naglaho ako papunta sa Elium. Medyo nagtagal pa dahil marami akong kasama. Pagdating ko ay nakita kong nakatulala at nakanganga silang lima na nakatingin sa paligid.
"Hey, tara sa loob." Aya ko pero hindi pa rin sila gumagalaw. "Hoy! Pumasok na tayo! Tutunganga na lang ba kayo dyan?!" sigaw ko dahilan para matauhan sila.
"Sigurado ka ba dito Amara? This place looks so surreal. Nasaan ba tayo?" starstruck na tanong ni Chris.
"Nasa Elium tayo ngayon," casual na saad ko na ikinaawang ng labi niya. "Oh bakit?"
"Elium?" Tumango ako.
"Afterlife?" tumango uli ako.
"Home of the deities?"
"Oo nga! Ano ba kayo!" inis na saad ko.
"Holy! Ara, this is a sacred place. Hindi kami pwedeng pumasok diyan!" namumutlang saad ni Vinn.
"But I gave you the permission to enter, kaya pwede na," sagot ko bago sila hatakin sa golden gate ng Elium kung saan nakabantay si Guardian Uriel. Nagbigay galang naman ito sa akin dahilan para magtaka ang mga kasama ko.
"Welcome back, your grace. God Oceanus is waiting for you inside the palace," magalang niyang sabi kaya tumango na lang ako at pumasok na sa loob pero nagulat ako ng maramdamang walang sumusunod sa akin. Napangiti naman ako ng makitang hinarangan ni guardian yung mga boys.
"Guardian, kasama ko sila," sabi ko dahilan para magbow ito sa akin at inalis na ang sibat na nakaharang sa kanila. Nanlalaki ang mata nilang nakatitig kay guardian na wala man lang emosyon sa mukha at tuwid na nakatayo.
Sumunod na ang mga lalaki sa akin at nakakanganga pa rin na inililibot ang paningin sa kabuuan ng lugar. Elium really looks like a paradise. Well, it really is paradise.
"Nandito ba talaga tayo?" tanong ni Oppa.
"Oo nga! Paulit ulit?!" natatawang sabi ko. Kanina pa sila tanong ng tanong eh. Nangunguna akong pumasok sa loob ng palasyo dahil saulo ko na naman ang pasikot-sikot dito. Pagdating namin sa loob ay nakita kong naghihintay na si Kuya Cean doon.
"Kuya!" bati ko dahilan para lingunin niya ako at ngitian.
"Audrianna, namiss ka ng kuya," malambing na bati niya sa akin bago ako yakapin, pero nag-iba ang aura niya ng humarap dun sa limang lalaki dahilan para mapayuko sila at mapaatras.
"G-good day po, God Oceanus," utal na sambit ni Oppa.
"What's good in this day?" maotoridad na sagot naman si Kuya. Tinatakot naman niya eh.
"Ah, n-nakita ko po kasi kayo, it's a great opportunity," sagot uli niya.
"Bakit may gusto ka sa akin? Bakla ka ba?" tanong uli ni Kuya Cean dahilan para manlaki ang mata ni Oppa, samantalang yung apat naman ay nakabungisngis na at pinipigilan ang kanilang tawa. Napatungo na lang is Oppa sa kahihiyan at hindi na sumagot pa.
"Tara na! We need to fix your voice. Time is running!" aya ko sa kanila. Pumunta na kami sa Elium garden para doon magpractice. Maganda kasi dito at nakakarelax. Amaze na amaze na naman ang mga kasama ko.
"Kuya! Paayos naman ng boses nila please?" I pouted my lips and blink numerous times. Hindi kasi nila matatanggihan kapag nagganito ako eh.
"Why would I?" malamig niyang tanong habang nakatingin sa limang boys.
"Para sakin please?" sabi ko dahilan para mag-iwas siya ng tingin.
"Wag mo akong daanin sa ganyan Audrianna. Sila dapat ang magpatunay sa akin na karapat-dapat sila," sabi niya dahilan para bumagsak ang balikat ko.
Sinenyasan ko sila sa sila na ang magpersuade kay kuya pero pinanlakihan nila ako ng mata. "Bilis na! Ang aarte niyo naman! Just tell him why!" sigaw ko.
Huminga muna ng malalim si Chris bago magsalita. "Gusto ko po sanang ipakita sa babaeng gusto ko na karapat-dapat po ako para sa kanya. Matagal ko na po siyang gusto at ngayon lang po ako nagkalakas ng loob para ipakita yun, kaya sana po matulungan niyo kami," sinserong sabi niya.
Napangiti ako. Na-impress ako sa kanya ah! May tinatago pala siyang ganyan! Akala ko puro biro lang ang lalaking yan, serious din pala.
Tumango-tango naman si Kuya at parang nasiyahan sa sagot nito. Humarap na siya dun sa apat pa at itinaas ang kanilang kilay. "Kayo may sasabihin kayo?" maotoridad niyang sabi.
"Ano po, ahh, tulungan niyo po sana kami, kasi gusto ko pong sanang mapasaya ang girlfriend ko dahil mahal na mahal ko po talaga siya," saad ni Vinn.
"Ako naman ho, alam ko po bata pa kami at marami pang pwedeng mangyari, basta ang alam ko lang po, gusto ko siya at masaya ako kapag kasama ko siya. Gusto ko pong malaman niya na parehas kami ng nararamdaman. Na kahit hindi ako palasalita ay gusto ko siya. Gustong-gusto," saad ni Lester. Ay bet! Nanggigigil talaga ako sa ka-cute-an niya.
"Alam ko pong gago ako, sinaktan ko siya, binalewala, pero gusto ko po sanang bumawi kay El. Gusto ko na malaman niya na nagbago na ako, na hindi ako yung bestfriend niyang babaero, na handa na akong mahalin siya. Sana lang hindi pa ako huli," salaysay ni Phil. I can feel his sincerity and I'm so happy for him. Mwahahaha! Should I prepare a razor now? Kala niyo nakalimutan ko na no?
"Ako nama---"
"Huwag mo ng ituloy, hindi ako pumapatol sa bakla," putol ni Kuya Cean sa sasabihin ni Oppa. Pulang pula na ang mukha ni Josh pero hindi na siya umangal. Takot lang niya kay kuya eh. Maasar nga sa ibang araw.
"Now four of you, sing," utos ni Kuya Cean. Umubo-ubo naman yung apat para ihanda ang sarili.
"You and I," simula ni Phil. Nanlaki ang mata ko at maging siya rin. Holy! His voice!
"We don't wanna be like them," dugtong ni Kuya Vinn. Napakurap kurap ako. I'm not hearing things, right?
"We can make it 'til the end" kanta ni Chris. Isang malaking kababalaghan!
"Nothing can come between," kanta naman ni Lester. Totoo ang himala!
"You and--"
"I'm so great right?" pigil ni Kuya Cean sa kanila. Gulat na gulat sila sa sarili nilang boses, habang si Kuya Cean naman ay nakangisi at mayabang na nakatingin sa amin. Natawa na lang ako habang umiiling dahil sa kayabangan niya.
"Salamat kuya. I owe you one," pasasalamat ko at ginulo lang niya ang buhok ko bilang sagot. Nagpasalamat na din yung lima sa kanya pero itinaas ni kuya ang kamay niya para pigilan sila.
"Wag kayong masyadong magsaya. It's only temporary. One-week lang ang itatagal niyan," bagot na saad niya, "Wag na kayong mag-aksaya ng oras dahil hindi kayo pwedeng magtagal dito. Let's meet again, kaso sa susunod na punta niyo dito, baka kaluluwa na lang kayo," casual na saad niya na ikinaputla nilang lima.
"Kuya! Tinatakot mo naman sila eh!" natatawang sigaw ko pero hindi na siya sumagot at tumalikod na lang bago magsimulang maglakad papalayo. Kumaway pa ito sa akin bago tuluyang mawala sa paningin ko. Ng makaalis na siya ay hinarap ko na sila.
"Let's begin?" aya ko dahilan para masaya silang tumango.
***
In just a couple of hours ay masterado na nila ang piece na kakantahin nila. I will really stand up at clap on Kuya Cean for this. Ang galing niya. Nilagyan na rin ata niya ng confidence and mastery ang mga lalaking to eh.
"Ang galing galing ko talaga!" nakangising saad ni Phil.
"Ano pa ako ha?" saad naman ni Chris.
"Ang yayabang niyo! Umayos nga kayo," suway ni Vinn bago ako harapin. "Ara, uuwi na ba tayo? masterado na naman namin yung pyesa." Kumunot naman ang noo nila ng umiling ako. "May gagawin pa ba tayo?"
"I promised you na tutulungan ko kayo sa kapangyarihan niyo, diba? Tutal nandito na rin tayo, magtraining na din tayo," saad ko na ikina-ningning na mga mata nila.
"Talaga?" Natatwang tumango na lang ako kay Oppa.
"Now guys let's form a circle," utos ko na sinunod naman nila agad. Umupo na kami at hinarap ko silang lahat. "Unang-una sa lahat, do not underestimate yourself. Naiintindihan niyo ba? Kapag inisip niyong mahina kayo, magiging mahina talaga kayo. Trust yourself, okay? Pero wag din naman kayong sobrang kampante. Don't underestimate your opponent as well. Baka akala niyo malamya at mahina, tapos may itinatago palang galing. Patay kayo diyan."
Isa-isa ko silang tiningnan. "So, are you all ready? Alam kong nasabi ko na ito kay Oppa, pero sasabihin ko na rin sa inyo, at sana tandaan niyo ito ng mabuti," saad ko at tumango naman sila. "You don't need to be the strongest. As long as you can protect yourself and the people you love, that is enough. You are enough." I saw the determination on their faces, so I smiled. "Now let's start the training," saad ko kasabay ng paglabas ng liwanag sa mga kamay ko.
***
<JOSH>
Kumunot ang noo ko ng makita na wala na ako sa Elium garden at nasa palasyo na ng Saphirius. Nasaan na sina dongseng? Ano bang nangyari?
Naglakad na lang ako papunta sa throne room at bumungad sa akin si Mama na galit na galit. Nagulat ako ng duruin niya ako at sigaw-sigawan. "Wala ka talagang kwenta! Puro kahihiyan na lang ang dinadala mo sa kaharian natin! Kailan ka ba magiging kasinlakas ng ibang prinispe, Josh?! Ang hina-hina mo!" sigaw ni Mama sa akin. Hindi ko mapigilang masaktan sa mga salita niya. Hindi ito ang unang beses pero hindi ko pa rin talaga magawang sanayin ang sarili ko.
"Ma, sorry... Sorry kung ganito lang ako, kung hindi ko magawang pantayan ang mga expectations mo para sa akin. Pero Ma, ginagawa ko naman ang lahat," garalgal na saad ko, "Ma, kalian ba ako magiging sapat para sa'yo?"
"Ginagawa mo ang lahat?! Pwes kulang pa Josh! Kulang na kulang pa! Dahil hinding-hindi ka magiging karapat-dapat sa trono kung mahina ka!"
Mahina. Mahina. Mahina.
Napatakip na lang ako ng magkabilang tainga ko dahil paulit-ulit sa isip ko ang salitang iyon. "Tama na," bulong ko.
Mahina ka prinsipe.
"Tama na!"
Napakahina mo!
Napasigaw na lang ako dahil sa puot at galit. Bakit ba palagi niyo na lang akong pinukumpara sa iba?! Ayoko na! Ayoko na sa inyo!
Nagulat ako ng biglang may umalingawngaw na isang napakalakas na ungol. Nakita ko ang unti-unting pagguho ng palasyo na agad kong ikina-alerto. Mabilis akong lumapit kay Mama ng makitang natamaan siya ng malaking tipak ng bato. "Ma!"
Natulala ako ng makita ang isang napakalaking dragon na may tatlong ulo na lumilipad sa wasak naming kaharian. Lahat ng nadadaanan niya ay natutupok dahil sa ibinubugang niyang apoy. "K-ung n-naging m-malakas ka lang s-sana, m-maililigtas mo sana... k-ami," saad ni Mama bago tuluyang mawalan ng hininga.
Natulala ako at ang tanging nasa isip ko lamang ay ang sinabi ni Mama. Malakas. Dahan-dahan akong tumayo at hinarap ang dragong iyon. Tapos na ako sa pagiging mahina, kaya humanda ka sa akin.
<PHILIPPE>
Napalingon ako sa paligid at doon ka napagtanto na nasa isang hindi pamilyar na bahay. "Jom! Halika dito, pinaghanda kita ng pagkain." Nakita ko si Ella na may buhat-buhat na bata na tinatawag si Jom. Kumunot ang noo ko. Magkasama na naman sila? At sino ang batang iyon?
"Kaya mahal kita eh. Ang sweet sweet talaga ng asawa kong maganda." Naikuyom ko ang kamao ko ng marinig ang sinabi ng bastardong iyon. Asawa?! Kailan pa niya naging asawa ang bestfriend kong tangina siya?!
"Ma! Pa! Tara na po, gutom na ako eh," saad nung bata na ikinangiti ng dalawa.
"Hmm, gutom na pala ang baby namin. O siya sige, tara na at papakainin ko ang dalawa kong baby," nakangiting saad ni Ella.
Kung bangungot ito, gisingin niyo na ako. Bakit may anak sila?! Hindi ito totoo. Hindi.
"Ella!" tawag ko pero hindi nila ako naririnig at tuloy-tuloy pa rin sa pagkukulitan. Hindi ako nakapagpigil ng makita kong hinalikan ng gagong yun si Ella pero nagulat ako ng tumagos lang ang katawan ko sa kanila.
"Anong nangyayari?" bulong ko sa sarili ko.
"Ganito ang mangyayari sa hinaharap, Philippe. Tuluyan ng mawawala sa iyo ang babaeng iyon at maiiwan kang mag-isa." May bigla na lang lumataw na boses na hindi ko alam kung saan nagmula. Mangyayari ito? Magiging sila ni Jom, at magkakaanak sila. Tangna. "Ngunit may pagkakataon ka pa para baguhin ito, kung iyong nanaisin. Sana ay maging tama ang desisyon mo, prinsipe."
Napapikit ako ng mariin. Hindi ako papayag, Ella. Hindi pwede.
<CHRIS>
"Ikaw ang susunod na magiging tagapamahala ng akademya, anak. Alam kong kaya mong gampanan ang tungkuling iyon." Napalingon ako ng maginig si Papa na nagsalita. Nandito kami sa lugar kung saan makikita mo ang kabuuan ng akademya. Nakita ko ang mga estudyante na may iba't-ibang ginagawa sa baba. They look so alive and happy. Kaya ko nga bang maging headmaster ng lugar na ito pagdating ng panahon?
Ngunit sa isang iglap, ang mga halakhak ng mga estudyante ay napalitan ng malalakas na sigaw. Napuno ng takot ang lahat at nagkakagulo na sa baba dahil sa pagsugod ng mga kalaban sa akademya. Nataranta ako at agad na bumaba para tulungan silang ipagtanggol ang akademya, ngunit natigil ako ng pagdating ko ay mga walang buhay na katawan na lang nila na puno ng dugo ang nakikita ko.
Wala kang talento sa pamumuno Christopher. Hindi mo man lang sila naipagtanggol. Kasalanan mo ang pagkamatay nila. Kasalanan mo!
Natigalgal ako. K-kasalanan ko?
"Anak, huwag mong hahayaang gumuho ang matagal na nating iniingatang akademya. Ipagtanggol mo ito." Tumango ako. Mananatiling matatag at nakatayo ang akademyang ito. Ipinapangako ko.
<LESTER>
"Mahal ko ang anak ko, Lester, at ayaw kong masasaktan siya," saad ni HM Jaycee, "Gusto kong makakita siya ng lalaking kaya siyang protektahan at ipagtanggol." Nilingon niya ako at napayuko na lang ako dahil sa talim ng titig niya. "Kaya mo ba iyon?" tanong niya na ikinatigil ko. Hindi ko alam.
Napabuntong hininga si HM. "Kung hindi mo kaya ay layuan mo na siya. Alam kong may gusto sa'yo ang anak ko, ngunit kung hindi mo iyon masusuklian ay wag mo na siyang paasahin," dagdag niya bago ako tuluyang iwanan. Napasuklay ako sa buhok ko dahil sa frustration.
Hindi ko kasi alam kung seryoso ba si Chacey o hindi sa mga sinasabi niya. Tuwing sinasabi niyang gusto niya ako, hindi ko alam kung nagbibiro ba siya o hindi. Naguguluhan ako, kaya hindi ko alam kung ano bang dapat kong ikilos tuwing magkasama kami.
Natatakot ako. Paano kung nagbibiro lang siya? Paano kung hindi totoo? Paano kung masaktan lang ako? Kasi totoong nagugustuhan ko na siya.
"Lester my loves! Tara kain tayo?!" nakita ko ang pagkaway ni Chacey sa malayo habang sinisigawan ako. Napakaganda ng ngiti niya, at hinding-hindi ako magsasawang titigan iyon.
Pumikit ako. I will take the risk. Hindi ko malalaman, kung hindi ko susubukan. Pagdilat ko ay nginitian ko siya. Handa na ako.
<AMARA>
Napangiti ako ng makita ang limang lalaking nagkaroon na ng malaking puwang sa puso ko. Kasalukuyan silang nakapikit at nilalabanan ang ilusyong ginawa ko maliban kay Vinn na ka-duel ko ngayon. The training I did to the four of them is not the typical training na gagamitin ang lakas at kapangyarihan, kasi alam kong gamay na gamay na nila ang kapangyarihan nila. Ilang taon na silang nagsasanay sa akademya kaya hindi na iyon ang problema.
Ang pinagtuunan ko ng pansin ay ang kanilang damdamin. Kailangang magkaroon silang tiwala sa sarili at matibay na loob. Iyon ang kailangan nilang hasain dahil doon sila nagkukulang. Isa iyon sa pinakamahalagang parte ng pakikipaglaban. We also need to be mentally and emotionally stable during battles.
Si Vinn naman ay wala ng problema sa emotional state niya kaya inaya ko na lang siyang mag-duel. "Ngayon napatunayan ko na Ara. Isa ka ngang dyosa. Maaari kang maglabas pasok sa isang banal na lugar at maaari ka pang magsama ng iba," saad niya na ikinangiti ko na lang.
"Wag ka ng maingay dyan. Labanan mo na lang ako," saad ko bago iya padalahan ng matutulis na hangin. Air vs. Air ang labanan namin ngayon kaya exciting.
Lumipas ang ilan pang oras at isa-isa na silang nagising. Inilibot pa nilang ang paningin sa paligid dahil sa pagtataka. "Anong nangyari?" tanong ni Chris?
"Congratulations! Napagtagumpayan niyo ang training. I'm so proud of you!" masayang saad ko na ikinakunot ng noo nila.
"Hindi yun totoo?" saad ni Oppa na ikinatango ko na lang. Nakahinga naman sila ng maluwag dahil sa narinig.
"Sobrang natakot ako tangna," bulong ni Phil.
"Ano pa ako. Akala ko namatay talaga silang lahat." Kita ko ang pamumutla ni Chris.
"Seryoso ako guys, proud na proud ako sa inyong lahat," sinserong saad ko na ikinangiti nila.
"Nagdrama ka pa eh! Pero Salamat, baby girl. Pangako hindi na ako magiging duwag."
"Ako rin syempre," sang-ayon ni Oppa.
"Now guys, pagbalik natin sa academy, hindi na kayo ang dating mahina at may pangamba sa sarili. Iwanan niyo na lahat yan dito at babalik tayo ng malakas, may tiwala sa sarili at matapang. Alright?" saad ko bago ilahalad ang kamay ko. Naghawak-hawak kami ng kamay bago maglaho at bumalik na sa akademya.
Hindi na sila ang mga torpeng lalaking kilala ko, because now, they are strong and confident. Wala na ang takot. Ang natira lang ay tiwala sa sarili. And I am proud to say na parte ako ng pagbabagong iyon.
Nang maihatid ko sila ay nagpaalam na rin ako sa kanila bago pumunta sa bahay namin ni Blaz, gabi na rin kasi. Pagpasok ko ay patay na ang mga ilaw kaya akala ko ay tulog na sila. Nandito rin kasi si Ice at si Ezekiel, pero napaigtad ako ng makita ang masamang titig sa akin ni Blaz na nakaupo sa sofa.
"Blaz..." tawag ko sa kanya bago ito lapitan. Umupo ako sa tabi niya at akmang hahalikan pero umiwas siya ng tingin. Pinigilan ko ang pagtawa, tampo na yarn? "Uy, galit ka ba? Sorry na." paglalambing ko bago siya yakapin, pero hindi pa rin siya nagsasalita.
"Baby naman. Wag ka ng magtampo. Mahal kita." Nakita ko ang pagtaas ng sulok ng labi niya na ikinatawa ko ng mahina. Gigil kong pinaulanan ng halik ang buong mukha niya na ikinatawa na rin niya.
"Nate, stop, stop," natatawang saad niya dahil sa kiliti. Ng tigilan ko siya ay sinamaan uli siya ako ng tingin. "Kanina pa kitang hinihintay."
"How's your day?" tanong ko na lang sa kanya.
"Boring," saad niya na ikinasimangot ko. "I missed you, that's why." Bago pa ako makasagot ay siniil na niya ako ng halik na agad ko namang tinugunan.
"Are you seriously doing that every day?" bumitaw ako sa halik ng marinig ang iritang boses ni Ice. Natawa ako ng makita siyang buhat si Ezekiel na humhagikhik rin na para bang naiintindihan ang nangyayari.
Natandaan ko noong kinasal kami. Naiwanan pala ni Blaz si Ezekiel sa kwarto ko, mabuti na lang at dumating si Ezekiel at siya ang nagbantay sa kapatid ko. Nagulat pa nga si Blaz ng makita ang batang yun, lalo na nung tinawag niya akong Mom. Nakakatawa ng ang reaksyon niya noon. Tinanong ba naman ako kung niloko ko daw siya.
"You're always ruining the moment kiddo," inis na saad ni Blaz na mas ikinatawa ko pa. Lumapit na sa amin si Ice at tumabi sa amin. Ako na ang bumuhat kay Ezekiel at hinalikan siya. Niyakap naman kami ni Blaz at hinalikan kami isa-isa.
"Gross," bulong pa ni Ice na narinig ko rin naman. Laughter filled our home and this makes me contented.
This feels... great.
______mistyrhynn______
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top