44 Brother
Pagmulat ng mga mata ni Amara ay bumungad kaagad sa kanya si Alexander na mahimbing na natutulog. Nakaupo siya sa sahig at nakasandal ang ulo sa gilid ng kama. Nakatulugan na nito ang pagbabantay sa kanilang dalawa ni Ezekiel kaya agad siyang nakaramdam ng awa sa prinsipe.
Napatingin siya sa orasan at napabuntong hininga na lang siya ng makitang alas kwatro na pala ng hapon. Tumayo na siya at gamit ang hangin ay pinalutang niya si Alexander at maingat na ihiniga sa kama upang hindi ito magising.
Napatingin naman siya kay Ezekiel na mahimbing ding natutulog. "I love you, my love." Lumapit siya sa bata at hinalikan ang mala-anghel nitong mukha. Kahit sanggol pa lamang ay kakikitaan na agad ito ng kakaibang kagwapuhan na ikinangiti ni Amara.
Itinaas niya ang kanyang kanang kamay at itinapat ito kay Ezekiel bago magsimulang basbasan ito. "Ipinagkakaloob ko sa'yo ang abilidad na magpawalang-bisa ng kapangyarihan ng kahit na sinong nilalang, liwanag man o kadiliman. Nawa'y maging kalasag mo ito sa bagong mundong iyong kagigisnan, aking kapatid." Lumiwanag ang kamay niya at pumasok ang liwanag kay Ezekiel senyales na epektibo ang kanyang basbas.
Nilingon muna uli ang dalawa sa pinakaimportanteng lalaki sa buhay niya bago siya maglaho papaalis. Pagmulat niya ay bumungad sa kanya ang lugar na naging malaking parte ng kanyang buhay bilang Audrianna. The enchanted garden has a gigantic treehouse situated in the sacred tree of life, where she used to go with her brother, Mattheus. Regalo ito ng kanyang kuya noong ika-limang kaarawan niya.
She climbed up the ladder and she can't stop herself from smiling sadly after seeing the place. Wala itong pinagbago. It was still massive and magical. Aakalain mong ordinaryong treehouse lang ito, pero kapag pumasok ka sa loob, mala-mansyon ito sa laki at ganda. She went to the balcony and sat on the wooden chair where they used to chat about random things with her brother.
"Kuya, alam mo ba, when I went to Allaria to observe the people, may nakita akong handsome prince. Can he be my groom someday?" Kita ang kinang sa mga mata ng batang dyosa habang nagkukwento sa kanyang kuya. Hindi niya napapansin na nakakuyom na pala ang kamao ni Mattheus para pigilan ang inis. "Kasi kuya when I saw his smile, I feel like I'm happy too. What is that feeling ba kuya?" Nilingon niya ang kanyang kuya at muntik na siyang mapasigaw ng makita ang masamang tingin nito sa kanya. "Kuya! Why are you staring me like that! You're scaring me!"
"Who the hell is that guy Audrianna? I will rip his head off his body," madiing tanong ni Mattheus na kahihimigan ng pagbabanta. Napasimangot naman si Audrianna sa sinabi ng kanyang kuyang hanep sa pagka-oa. "You are just seven years old for god's sake! And you're talking to me about a guy? And worst, marriage? No. Not in a lifetime, Audrianna."
Napangiti siya habang inaalala ang pagka-overprotective ng kanyang kuya. Nadako naman ang kanyang tingin sa haridn na punong-puno ng mahahalimuyak na bulaklak. May kumikinang din na mga dust sa paligid na ginagawang mas kaakit-akit ang lugar.
Dahil sa pagka-okupado ni Amara ay hindi niya napansin na may padating na palang ibang nilalang sa lugar. "Hoy! Saan ba talaga tayo pupunta ha? Pagtalaga ikaw may masamang balak, babasagin ko yan pagmumukha mo," banta ni Reina habang hatak-hatak ni Mattheus.
"Wag ka ngang maingay," inis na sambit nito na ikinairap ni Reina. Pagdating nila sa hardin ay napanganga na lang si Reina sa kagandahan ng lugar.
"This is paradise," manghang bulong nito habang inililibot ang paningin sa buong lugar.
"Dito kami palaging pumupunta ng aking kapatid noon, at kapag nagtagumpay akong lipulin ang Allaria, makaksama ko na uli siyang pumunta sa lugar na ito," saad ni Mattheus na ikinatigil ni Reina. Sa isip-isip nito ay napakaswerte naman ang kanyang nakababatang kapatid, sapagkat mahal na mahal siya ng kanyang kuya.
"May treehouse oh!" masayang turo ni Reina para ibahin ang usapan. "Tara, bilis!" Hinatak niya si Mattheus papalapit dito at nakangiting napailing na lang ang lalaki dahil sa kakulitan ni Reina.
Pero natigil silang dalawa, at nawala ang kanyang ngiti ng makita ang babaeng napaupo sa balkonahe. Nakapikit ito habang tahimik na tumatangis. "Ara..." bulong ni Reina na gulat ding makita ang kanyang kaibigan.
Sa hindi malamang dahilan ay tila sumakit ang dibdib ni Mattheus ng makita ang kalagayan ni Amara. Para bang nasasaktan siyang makita itong umiiyak, samantalang, kaaway ang babaeng iyon. Gusto niya itong patahanin at yakapin na ikinagulo ng kanyang isip. 'Bakit?' Iyon ang nangingibabaw sa kanyang isipan.
Ng magmulat si Amara ay nagulat si Mattheus ng makita ang ginto nitong mata. Si Amara ay nagulat din ng makita ang kanyang kuya at ate na nakatingin sa kanya. Agad siyang naglaho upang lumapit sa kanilang dalawa at ng magkaharap na sila ay hindi niya napigilan ang sarili na yakapin ang kanyang kuya at mapahagulgol ng malakas.
Hindi inaasahan ni Mattheus ang naging kilos ni Amara kaya natulala na lamang ito at nanatiling gulat sa kanyang kinatatayuan habang yakap-yakap ng umiiyak na dalaga. "Kuya..." Tila may bumukol na kung ano sa kanyang lalamunan at hindi siya makapagsalita ng marinig ang napakalambing na boses nito na tinatawag siyang kuya. Napakasarap sa pakiramdam, at hindi niya alam kung bakit ganito ang kanyang nararamdaman.
Ng matauhan ay agad niya itong itinulak papalayo. "Gusto mo bang mamatay uli? Hindi kita kapatid kaya wag mo akong tawaging kuya," malamig na saad niya pero lumambot agad ang kanyang ekspresyon ng makita ang pamumula ng pisngi ni Amara dahil sa matinding pag-iyak.
"Theus! Wag mong namang pagsalitaan si Ara ng ganyan," saad ni Reina bago yakapin si Amara. "Shh, don't cry Ara. Wag mong pansinin ang lalaking yan ha? Hindi ko hahayaang saktan ka uli niya." Napairap naman si Mattheus sa sinabi ni Reina.
Naiinis siya sa kanyang sarili dahil hinahayaan niyang sigawan, hawakan, pagbantaan, at malapitan siya ni Reina na hamak na anak lang naman ng kanyang alagad. Dahil sa totoo lang, kung ibang tao ang gagawa noon sa kanya, kanina pa silang pugot ang ulo.
"Anong ginagawa mo dito?" madiing sambit niya ng makitang tumahan na si Amara.
"Pasensya na. Naligaw lang ako at napadpad dito. Aalis na rin ako," garalgal na saad ni Amara. Nanatiling tahimik si Mattheus kahit nagdududa pa rin siya. Nakakubli ang lugar na ito kaya hindi basta-bastang makikita ito ng sinuman maliban sa kanya at sa kanyang mga kapatid. "Ate, mabuti naman at maayos ka lang. Nag-alala ako sa'yo."
"I'm doing fine, Ara baby," nakangiting saad ni Reina, "But I thought you died? How?"
"Amthar, Ate," maikiling sagot ni Amara na ikinagulat ng dalawa. Lalong-lalo na ni Mattheus. Alam niyang hindi ito basta-bastang mahihilingan, maliban na lamang kung may masama itong hangarin, dahil kahit siya ay hindi pa rin nagagawa ang kapalit na ibinigay ni Amthar para mabuhay ang kanyang kapatid- ang lipulin ang Allaria.
"Umalis ka na kung ayaw mong mamatay uli. Masyado ka yatang kampante. Baka nakakalimutan mo, kaharap mo ang kaaway ng lahi niyo, prinsesa."
"Kaya ba pinatay niyo ang mga magulang ko sa mundo ng mga mortal?" naiiyak na saad ni Amara na ikinagulat muli ni Mattheus at Reina. Wala siyang ipinagutos na ganoon kaya nagtataka siya kung sino ang gumawa noon. "Wala naman silang kasalanan. Bakit dinamay niyo pa sila?"
"Hindi ako mag-aaksaya ng oras para sa kanila dahil wala naman akong mapapala," bagot na saad niya na ikinangiti ni Amara.
"I'm glad that you didn't do it," saad ni Amara habang nagpupunas ng luha. 'Dahil hindi ko alam kung anong mararamdaman ko kung ikaw nga ang gumawa, kuya' isip niya.
Kaba naman ang bumalot sa sistema ni Reina dahil malaki ang posibilidad na ang kanyang ama ang may gawa noon. Ayaw niyang isipin ngunit iyon na lamang ang tanging posibilidad na naiisip niya.
"Bakit kailangan ng digmaan? Yun na lang ba ang tanging paraan?" tanong nito.
"I will do everything to resurrect my sister, princess," madiing saad ni Mattheus.
"Hindi niya magugustuhan ang ginagawa mo. Alam kong nagpapasalamat siya dahil ginagawa mo ang lahat para makasama lang siya, pero sobra na, sobra sobra na. Tumigil ka na, kuya."
"Anong alam mo sa nararamdaman niya? Ikaw ba siya?" inis na saad ni Mattheus na ikinangiti ni Amara. 'Oo kuya, ako ito.' Kung pwede lang niyang sabihin ay kanina pa niyang ginawa, para matigil na ang lahat, pero hindi pwede. Maglalaho ang kanyang kuya kapag malaman niya ang totoo. Ito ang kabayaran ng hiling niya kay Amthar. Hindi maaaring mawala si Mattheus dahil siya ang tagapangalaga ng balanse ng Elium at Tavira. Malaking kaguluhan ang magaganap kapag siya ay naglaho lalo na't wala naman itong tagapangalaga na papalit sa kanyang pwesto.
"Sa susunod nating pagkikita, siguro nasa gitna na tayo ng digmaan," malungkot na saad ni Amara. "Nais ko lang sabihin na mahal ka ng iyong kapatid. Mahal na mahal ka niya," saad na niya bago siya tuluyang maglaho papaalis sa lugar at pabalik sa academya.
Naiwan namang tulala si Mattheus dahil sa narinig. 'Mahal din kita, Audrianna'
Ng magmulat si Amara ay natigil siya ng makita si Katelyn at Alexander na nag-uusap. Kita niya ang mga luha na naglalandas mula sa mga mata ni Kate at magkahalong awa at galit naman ang mababakas sa mukha ni Alexander. "Alex, hindi kayo pwede, ayaw niya sa'yo. Sa'kin ka na lang please. Ako na lang. Parang-awa mo na," naiiyak na saad ni Kate.
"I don't care if she doesn't like me. I can and I will make her fall in love with me. So please, stop pushing yourself to me. I will never love you the way I love Nate. Lahat ng sinabi ko sa'yo noon, para yun kay Nate. I just thought you were her kaya ko nasabi yun, and I'm sorry kung pinaasa kita. I don't intend to," saad ni Alexander na mas ikinahagulgol ni Kate.
Itinikom naman ni Amara ang kanyang nakaawang na labi. Para siyang nabato sa kanyang kinatatayuan at kahit gustuhin niyang umalis na at wag pakinggan ang kanilang pinag-uusapan ay hindi niya magawa.
Akmang aalis na sana si Alexander ng hatakin si ni Kate at biglang halikan na ikinagulat niya ng lubos. Kasabay ng paglapat ng kanilang labi ay ang walang katumbas na sakit at init na naramdaman ni Amara sa kanyang buong katawan, lalong-lalo na ng kanyang puso... literal.
______mistyrhynn______
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top