39 Elium
Amara's POV
Hindi ko alam kung ilang oras naglakbay ang kaluluwa ko sa walang hanggang kadiliman. Ramdam kong hindi ako nag-iisa dahil may dalawang presensya pa akong nararamdaman at napakalakas ng mga presensyang ito.
Naramdaman ko na lang na sumasanib ang dalawang kaluluwa sa akin at habang nangyayari yun ay kusang bumabalik ang mga alaalang nalimutan ko, ang mga alaalang nabura sa mortal kong katawan, ang mga alaala ng prinsesa ng Allaria, at pati na rin ang mga alaala ng pinakabatang dyosa ng Elium.
Bumuo ito ng isang nakakasilaw na liwanag at nang maglaho ito ay napagtanto ko na nag-iisa na lang muli ako. Nagsama-sama ang tatlong kaluluwa at naging isa na lamang.
Ano bang nangyayari? Nasaan ako? Hindi ba patay na ako?
Mayamaya ay may nakita uli akong liwanag sa di kalayuan. Sinubukan kong lumapit dito at nagtagumpay naman ako. Unti-unting sumilay sa mga mata ko ang liwanag at ng maging malinaw ang aking paningin ay bumungad sa akin ang bughaw na kalangitan.
Bumangon ako sa kinahihigaan kong malapad na bato na may napakaputing tela na napapalibutan ng iba't ibang uri ng bulaklak. I also saw myself wearing a white flowing dress na lumalapat na sa lupa dahil sa kahabaan. Bumabagay ito sa mga gintong alahas na suot ko pa rin hanggang ngayon. Napangiti ako. I miss wearing this kind of clothing, the clothing of a deity. This means one thing, I'm in Elium. I'm finally home.
"Maligayang pagbabalik, Audrianna, kapatid ko." Itinaas ko ang aking paningin at mas lumawak ang ngiti ko ng makita ang mga kuya ko.
"Mga Kuya," pagbati ko.
"Mabuti naman at naaalala ko na kami bunso," saad ni Kuya Aeolus bago ako yakapin. Kumalma ang buong sistema ko ng yakapin niya ako dahil sa preskong hangin na pumapalibot sa kanya. Napakasarap sa pakiramdam. "Bunso, mukhang miss na miss mo ako ah," natatawang saad niya ng mas hinigpitan ko ang yakap sa kanya. Pwede na akong manatiling nakayakap sa kanya habang panahon. Nakakaantok ang hanging dala niya kaya kumawala na ako bago pa ako makatulog lalo.
"Kuya, ang sarap kasing yakapin ka," I grinned making him smile widely.
"Mga kapatid, panahon na para tanggapin niyo ang katotohanang ako ang pinakamasarap sa ating lahat," pang-aasar na saad ni Kuya Aestus.
"Pagkain ka?" malditong saad ni Kuya Aestus na ikinatawa ko na lang ng mahina at mga dalawa ko pang kuya, samantalang si Kuya Aeolus ay napasimangot na lang.
"Kuya! Halika nga dito," I offered my arms to him at inirapan pa ako bago yakapin. Ang sungit talaga. Kabaligtaran ng mapangkalmang hangin kanina, init naman ang naramdaman ko sa yakap niya. Hindi nakakapaso, but an assuring one. Init na nagpaparamdam na magiging maayos rin ang lahat.
"Hoy, hoy, ako naman." Pinaghiwalay na kami ni Kuya Volos at hinila ako papalapit sa kanya bago yakapin ng mahigpit kasabay ng pagtubo ng mga bulaklak sa paligid. Napakaganda. "Lil' sis, miss na miss na miss na kita sobra. Nung nagkita tayo noon, hindi mo man lang ako naalala. Nagtatampo na tuloy ako sa'yo."
"Sorry na kuya ko. Natatandaan ko na naman kayo ngayon. Ikaw ang pinakagwapo kong kuya, diba?" pangbobola ko.
"Paano ba yan mga kapatid? Ako daw sabi ni Audrianna," nakangising saad niya na ikinailing ni Kuya Oceanus.
"Mukhang hindi mo ata alam ang ibig sabihin ng biro kapatid," saad niya na ikinasama ng tingin ni Kuya Volos. Tumawa na lang ako at ginulo ang buhok niya bago lumapit kay Kuya Cean at niyakap rin siya. Lamig naman ang nadama ko ng yakapin siya. I felt like I am being cleansed by water and I love the feeling of it.
Mayamaya ay nakaramdam ako ng isang napakalakas na presenya. Ito na ata ang pinakamalakas na presensyang nadama ko sa buong buhay ko, at kahit hindi ako lumingon ay kilala ko kung sino ang may-ari ng presensyang iyon.
Bumitaw na ako sa pagkakayakap kay Kuya Cean at paglingon ko ay kusang tumulo ang mga luha sa mga mata ko ng makita ang aking ama. Wala pa rin talagang makakatalo sa kakisigan at kagwapuhan niya at namana naman yun ng mga kuya ko, lalo na't manipis na telang puti lamang ang tumatakip sa makikisig nilang katawan.
"Hindi mo ba yayakapin ang iyong ama, anak ko?" agad akong tumakbo papunta sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. Pagmamahal at kaligtasan, iyan ang nadama ko sa yakap niya.
"Amaaa..." Napahalakhak naman siya ng mahina dahil sa inakto ko.
"Ang bunso ko talaga, iyakin pa rin," saad niya na mas ikinahagulgol ko. "Ssh, tahan na anak, nandito na uli si Ama." Bahagya niya akong inilayo at hinawakan ang magkabilang pisngi ko habang pinupunsan ang mga luha ko. "Nagbago man ang iyong anyo ay napakaganda mo pa rin, anak."
Muli ko siyang niyakap at ibinaon ang mukha ko sa dibdib niya. "Ama, patawarin mo ako. Hindi kita sinunod kaya namatay ako. Parusahan mo ako, tatanggapin ko Ama." Hinagod niya ang buhok ko tulad ng ginagawa niya sa akin noon.
"Anak, hindi naman kita sinisisi sa nangyari noon. Siguro ay iyon talaga ang itinakdang mangyari, at hindi natin iyon mapipigilan," saad niya.
"Pero Ama, kung hindi ko iniwan si Kuya Mattheus sa hardin at hindi ako pumunta sa border ng Tavira at Elium ay hindi yun mangyayari. Alam kong si Amthar ang may-ari ng teritoryong iyon pero pumunta pa rin ako. Kasalanan ko Ama," naluluhang saad ko pero umiling lang siya.
"Walang may kasalanan, anak. Ang mahalaga ay nandito ka ng muli at makakasama ka na uli namin. Naikulong na naman namin siya sa isang kweba kaya hindi na mauulit iyon," saad niya na ikinatango ko na lang.
"Pero Ama, paano niyo ako nabuhay? Paano ako napunta sa katawan ng mortal na ito?" tanong ko sa kanya. Iginiya niya ako sa batong kinahihigaan ko kanina at iniupo ako doon katabi niya. Nakaharap naman sa amin ang apat na kuya ko. Nagkatinginan silang lima at tumango sa isa't-isa.
"Hindi ka nailigtas ni Mattheus noon sapagkat gumawa si Amthar ng isang huwad na kamukha mo. Ang huwag na iyon ang nailigtas niya. Alam kong napakasakit noon para sa iyong kapatid, sapagkat alam nating lahat na siya ang pinakamalapit mong kuya---" naputol ang pagsasalita ni Ama ng umangal ang tatlo.
"Anong pinakamalapit?! Ako ang pinakamalapit kay Audrianna!"
"Ako kaya!"
"Asa kayo! Ako diba lil' sis?"
"Tch. It's Mattheus, obviously." masungit na pahayag ni Kuya Aestus na ikinasinghal ng tatlo.
"Mga Kuya, mahal ko naman kayo," natatawang saad ko na patuloy pa rin sa pagtatalo kung sino ang pinakamalapit kong kuya.
"Tumahimik kayo," nagbabantang utos ni Ama. Sa isang iglap ay tumahimik silang lahat at tumayo ng tindig. Napailing na lang ako. Hindi pa rin talaga sila nagbabago. Napakakulit pa rin talaga nila. Ibang-iba kapag kaharap ang ibang nilalang dahil mala-yelo pa sila sa lamig at awtoridad.
"Dinamdam ng iyong kuya ang iyong pagkamatay. Halos araw-araw na may sakuna sa lahat ng lupain dahil sa pagluluksa namin sa iyo. Umalis siya sa Elium dahil hindi daw niya kayang manirahan pa dito dahil kahit saan siya tumingin ay ikaw ang naaalala niya." May tumulong luha sa pisngi ko. Ang kuya ko.
"Nang makaalis siya ay nakaisip ako ng paraan upang ikaw ay muling mabuhay. Kinakailangan naming ilipat ang iyong kaluluwa sa katawan ng isang nilalang na kasabay mong ipanganak at nagtagumpay naman kaming maisakatuparan iyon. Ikaw ay napapunta sa katawan ng prinsesa ng Allaria, si Natara." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Ama, hindi ba't napakakomplikado ng ginawa niyo?" tanong ko na ikinaiwas ng tingin ng mga kapatid ko at ikinabuntong hininga na lang niya. "Ama ano ang kapalit?"
"Audrianna, wag mo ng alamin pa. Wala ng saysay pa kung malalaman mo," saad ni Kuya Aestus.
"Kuya, gusto ko pa ring malaman. Wala namang masama hindi ba? Gusto ko kayong pasalamatan ng naaayon sa sakripisyong ginawa niyo," saad ko.
"One-fourth of our power was transferred to you," walang pasakalyeng sabi niya na ikinalaki ng mata ko.
"Kuya..." naiiyak na tawag ko pero umiwas lang sila uli ng tingin. "Hindi niyo naman kailangang gawin yun eh."
"Bunso, wala naman kaming pinagsisisihan. Hindi naman nasayang ang sakripisyo namin diba?" nakangiting saad ni Kuya Cean dahilan para yakapin ko uli silang apat.
"Asus naman ang bunso namin, naglambing pa," nakangiting saad ni Kuya Aeolus.
"Pero mga kuya naman, napakalaki ng nawalang kapangyarihan sa inyo. Patawad."
"Sa kalaban ba napapunta? Hindi ba sa'yo? Paano naman nasayang?" bagot na saad ni Kuya Aestus na ikinasimangot ko na lang.
"Sungit," bulong ko na ikinasama ng tingin niya.
"Lil' sis, alam naman namin na magagamit mo rin ng maayos yan kaya hindi na kami nagdalawang isip pa na gawin ang ritwal na yun," saad ni Kuya Volos na ikinatango ko na lang.
"Promise mga kuya, gagamitin ko ng maayos. Kaya pala sinanay niyong gamitin ang apat na elemento bago ako pumunta ng Allaria. Binura niyo pa talaga ang alaala ko, so para saan yung training na yun kung hindi ko naaalala?" sarkastikong tanong ko dahilan para makatanggap ako ng kutos kay Kuya Aestus. "Kuya naman! Joke lang!" natatawang angal ko.
"Napakasarap sa pakiramdam na makita kayong ganyan mga anak ko," saad ni Ama na ikinangiti ko.
"Ama, tuloy mo na," natatawang saad ko.
"Ang ipinanganak na sanggol ng emperatris ng Allaria ay mahina at anumang sandali at babawian na ng buhay, kaya inilipat namin ang kaluluwa mo sa katawan niya, upang kayong dalawa ay kapwa mabuhay. Ngunit namatay din ang prinsesa, ikaw, ng iyong ika-walong kaarawan," tumango na lang bilang sagot. That day was called Lumiere Night. Most dreadful night in Allaria. Naaalala ko na kung paano ako namatay ng mga oras na yun. Kasama ko si Blaz. Pinatay nila ako sa harap niya.
"Lingid sa aming kaalaman na lumapit pala si Mattheus kay Amthar upang humingi ng tulong. Bagama't ang alam ng lahat ay siya ang diyos ng kaguluhan, ang totoo ay siya ang diyos ng buhay at kamatayan. Hiniling niyang mabuhay kang muli at nagkaroon iyon ng napakalaking kapalit. Hindi alam ng kuya mo na buhay ka namang talaga noong mga panahong iyon bilang si Natara. Sumugod siya sa palasyo ng Allaria para kunin ang prinsesa upang ilipat ang akala niya kaluluwa mo at doon ka namatay muli."
"Gustong-gusto talaga yata ako ni Kamatayan, Ama," mapait kong saad.
"Baka nga anak, napakaganda mo kasi at pati kamatayan ay naakit mo." Hindi ko napigilan ang ngiti sa mga labi ko dahil sa sinabi niya. Jusko. Baka nga.
"Ngunit Ama, bakit hindi niyo sinabi kay Kuya na buhay talaga ako?"
"Mamamatay siya kapag nalaman niyang buhay ka. Iyon ang kapalit na ibinigay ni Amthar. Wala kaming magawa ng mga kapatid mo kung di ang ikulong siya sa isang kweba at hayaan ang kapatid mo na maghanap ng katawan na maaaring panahanan ng kaluluwa mo. Kahit ang totoo ay pinapatay ka na niyang muli. Patawarin mo sana siya, anak. Nagawa lamang niya iyon dahil sa matinding pagmamahal niya sa iyo."
"Hindi ako galit kay Kuya, Ama. Hindi ko lang lubos maisip na ganoon ang kaya niyang isakripisyo para mabuhay ako," naiiyak na saad ko. Kaya pala ganoon na lamang siya kapursigidong makuha ang prinsesa, para buhayin ako. "Namatay din ako bilang si Natara hindi ba? Wag niyong sabihing...?!" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng tumango sila.
"Pinilit naming ilipat muli ang kaluluwa mo sa isang mortal, kay Amara. Nasa bingit siya ng kamatayan noong mga panahong iyon, at milagro na lang ang makakapagpagising sa kanya, ngunit nabuhay siyang muli ng mailipat namin ang kaluluwa mo sa katawan niya. Hindi lang namin inaasahan na masasama ang kaluluwa ng prinsesa ng Allaria. Kaya tatlo ang kaluluwa sa loob mo noon. Ikaw si Amara, at nananahan ang dalawa pang kaluluwa sa katawan mo, ngunit hindi mo naaalala ang kanilang mga memorya," saad niya.
"Ngunit noong ikaw ay mamatay sa bundok ng Banawa, nagsanib ang tatlong kaluluwa at tuluyan ng naging isa. Ang abo nina Amara, Natara, at Audrianna ang ginamit upang muling mabuo ang iyong katawan. Kung noon ay nananahan lang ang kanilang kaluluwa sa iyo, ngayon ay masasabi mong ikaw ay sila, at sila ay ikaw. Tatlo na ang katauhan mo, anak," paliwanag ni Ama.
"3 in 1 na pala ako ngayon," naiiling na sabi ko.
"Kape ka na." Sinamaan ko na lang ng tingin si Kuya Aestus. Tsk. Magsasalita na lang siya, para pa mangbara. Ibang klase.
"Namuhay kang normal sa mundo ng mga mortal ng mahigit dalawang dekada sa patnubay ni Gerzelle. Siya ang naatasan kong magbantay sa iyo habang ikaw ay lumalaki upang kapag dumating ang tamang panahon ay maging handa ka sa iyong pagbabalik." Si Tita Zelle? Ngayon ko lang narealize ang mga bagay-bagay. Kaya pala.
"Ako rin ang dahilan kung bakit nagising ka sa Allaria noong iyong ika-labingwalong kaarawan. Iyon ang senyales na kailangan mo ng bumalik," saad niya dahilan para titigan ko siya ng maigi.
"Ama, naiintindihan ko naman yun, pero kailangan ba talagang sa kwarto ni Blaz?! Ibang klase talaga," saad ko na ikinatawa niya.
"Ang prinsipe kasing iyon ang gusto ni Ama para sa iyo. Hindi naman gwapo," saad ni Kuya Aeolus na ikinalaki ng mata ko. Ano?!
"Ama?! Totoo?! Anong gusto?!" gulat na tanong ko.
"Hindi naman ganoon. Nais kong tulungan mo siyang maging isang mas malakas, mas mabuti, at mas magaling na prinsipe dahil siya naman ang magiging emperador ng Allaria sa hinaharap kaya sa kanya kita ipinadala," natatawang saad niya na mas ikinalaki ng mata ko.
"Ama! Eh ako ang anak ng emperor diba?! Edi magiging asawa ko yun?!" sigaw ko pero natigil ako ng may mapagtanto. "Patay na nga pala ako. Paano ko naman siya mapapangasawa? Tsk. Mga iniisip mo talaga Amara," bulong ko sa sarili ko, pero nangunot ang noo ko ng tumawa muli si Ama.
"Baka mangyari nga iyan anak. Ikaw pa rin naman ang magdedesisyon, dahil gumawa siya ng paraan upang makabalik ka," saad niya na ikinalaking muli ng mata ko.
"Bi-binuhay niya... a-ako?" hindi makapaniwalang saad ko at nagimbal ang buong pagkatao ko ng tumango si Ama.
"Oo anak, malaki man ang naging kasalanan niya sa iyo ay alam kong pinagsisihan niya ng lubos-lubos iyon. Segu-segundo nga ata siyang nagdadasal sa akin na mabuhay ka uli o kahit daw makita ka lang niya sa panaginip. Batang iyon talaga," natatawang saad niya na ikinapula ng pisngi ko. Tsk. "Malaki ang isinakripisyo niya para sa'yo anak, at wala namang problema sa akin kung siya ang pakasalan mo."
"Ama!"
"Hindi ako papayag! Pinagpalit ka niya diba?!"
"Humanda ang lalaking yun sa akin."
"Wag na wag mong subukan, Audrianna."
Diba dapat ako ang aangal?! Inunahan pa ako ng apat na yan ah!
"Gusto ko man na manatili ka na lamang dito ay hindi maaari. Kailangan ka nila at alam kong kailangan mo rin sila. Wag ka ng malungkot anak, maaari ka naming bumalik dito kahit kalian mo gustuhin. Ito pa rin ang iyong unang tahanan." Nginitian ko silang lima. Ito na nga siguro ang panahon para bumalik sa Allaria.
This is my second life... third life rather, and I sincerely wish for it to be meaningful and full of joy. Sana naman maging masaya na ako sa buhay ko ito. Sana wala ng manakit sa akin uli. Sana.
______mistyrhynn______
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top