38 Best friend
Nanghihinang bumalik si Alexander sa kanyang silid at pagod na humiga sa kanyang kama. Tulala lamang siyang nakatingin sa kisame habang iniisip ang mga naganap sa kanya ngayong araw. Mahigit isang linggo rin silang nagtagal sa gubat para lamang makausap ang diyos ng kaguhuhan at humiling na mabuhay muli ang pinakamamahal niyang prinsesa. Ngunit nawalan lahat ito ng saysay dahil hindi niya naibigay ang kapalit na nais ni Amthar para mabuhay si Amara, ang kaluluwa ni Katelyn.
"You can't fool me anymore. You are not Amara, and you will never be," malamig na saad ni Xander matapos niyang matalo ang babaeng nagpapanggap na Amara. Nagbago ang anyo nito at naging isang babaeng may sungay at buntot. Nakangisi itong tumungo sa prinsipe bago ibalik ang tingin dito.
"Binabati kita prinsipe. Ikaw ang kaunaunahang nagtagumpay na makapasok sa kweba ni Amthar. Natutuwa ako at hindi ka napagaya sa mga bangkay na inyong nakasagupa. Dati rin silang mga nabubuhay na nilalang na sumubok humiling sa aking panginoon, ngunit hindi nagtagumpay," saad ng babae. "Sumunod ka sa akin."
Walang sali-salitang sumunod si Alexander sa babae at mayamaya ay narating nila ang dulong bahagi ng kweba kung saan matatagpuan ang kulungan ng diyos ng kaguluhan. Ramdam na ramdam ng prinsipe ang lakas ng presensya at awtoridad ni Amthar dahilan para manikip ang dibdib niya.
"Panginoon, may bisita kayo," saad ng babae. Dahan-dahang lumingon si Amthar at napahigpit ang hawak ni Alexander sa kanyang espada dahil sa matinding intimidasyon.
"Maligayang pagdating sa aking kweba, Prinsipe Alexander Blaz ng Phyrania," tumaas ang balahibo ni Xander dahil sa lamig at panganib ng boses nito. "Ano ang dahilan ng iyong pagparito? O mas tama bang sabihing... ano ang iyong nais hilingin?" ngumisi ito ng dahan-dahan at sinalubong ang nagbabagang tingin ni Xander. "Nais mo bang buhayin ang iyong sinisinta? Amara, hindi ba?"
Natigilan siya sa narinig dahil wala na pala siyang dapat ipaliwanag pa dahil alam nang lahat ni Amthar ang kanyang nais hilingin. "Resurrect her." Nagulat pa siya ng hindi man lang kahihimigan ng takot ang kanyang boses at buo pa niyang nasabi ito sa kabila ng katotohanang kaharap niya ang isa sa mga kataas-taasang diyos.
"Bubuhayin ko siya gaya ng nais mo, ngunit hindi ako gumagawa ng isang bagay na walang kapalit, prinsipe," nakangising saad na ni Amthar na ikinapagngalit ni Alexander. Sa isip-isip niya ay ito na ba ang kapalit na sinabi sa kanya ng kanyang propesor? Ngunit wala na siyang pakialam kung ano man iyon. Ang mahalaga ay makasama niyang muli si Amara. Tapos ang usapan.
"What do you want?" tiim bagang na tanong niya.
"Kaluluwa, prinsipe. Kaluluwa ng babaeng niloko ka at nagnakaw ng katauhan ng prinsesang iyong sinisinta. Napakadali lamang, hindi ba? Hindi ka na mahihirapang patayin ang babaeng iyon dahil alam kong galit ka sa kanya dahil sa panlolokong ginawa niya."
Natigilan si Alexander at umawang pa ang kanyang labi dahil sa kapalit na ninanais ng diyos ng gulo. Buhay kapalit ng buhay. Makakaya kaya niyang kumikil ng isang inosenteng buhay para lamang sa kanyang pansariling kagustuhang buhayin si Amara?
"Kita ko ang pagdadalawang-isip mo Alexander. Hindi mo ba kaya ang ipinapagawa ko? Kung gayon ay habang-buhay mo ng hindi makikita si Amara," nag-uuyam na saad na nito bago tumalikod sa prinsipe. "Maaari ka ng umalis kung wala ka ng pakay. Ginagambala mo ang aking pagpapahinga."
"If I kill her, Nate will live. Make sure of that," madiing saad ni Alexander bago maglakad papalabas sa kwebang iyon. Napangisi na lamang si Amthar sa ikinilos ng batang prinsipe.
"Tingnan natin prinsipe, tingnan natin."
Napabalikwas ng bangon si Alexander ng mapanaginipan ang pinag-usapan nila ng diyos ng kaguluhan. Nakahawak na lamang siya sa kanyang sintido dahil sa pagsakit ng kanyang ulo... at puso. Pumikit na lamang siyang muli para kahit man lang sa paraang ito ay makita niya ang maamong mukha ni Amara. "Nate, I wish I can hold you again," bulong niya sa hangin.
Malapit na uli siyang dalawin ng antok ng magising ang buong diwa niya ng may pumulupot sa baywang niya. Isiniksik pa nito ang kanyang mukha sa dibdib ni Alexander na mas ikinalaki ng mata ng prinsipe. Agad niya itong nilingon para paratangan at paalisin, ngunit tumigil ang mundo niya ng makita ang babaeng payapang natutulog, nakayakap sa kanya... at humihinga.
"Pagbati, prinsipe. Napagtagumpayan mo ang huling pagsubok. Gaya ng iyong hinihiling ay muling mabubuhay ang iyong itinatangi, ngunit ihanda mo sana ang iyong puso sa bagsik ng kapalit na haharapin mo."
Umawang ang labi niya at nanginginig na inilapit ang kanyang kamay upang hawakan ang dalaga, ngunit natigilan siya at umusbong ang takot na baka imahinasyon lamang niya ito at maglaho na lang itong bigla kapag kayang hinawakan.
Mabilis ang pagpintig ng kanyang puso at hindi na niya napigilan ang bugso ng emosyon at napaluha na lamang habang pinagmamasdan ang dalagang payapang natutulog sa kanyang mga bisig. Sa isip-isip niya ay kung panaginip lang ito, ay ayaw na niyang magising.
Muntik pa niyang hindi makilala si Amara dahil sa pagbabago ng anyo nito. Mas naging maputi ang kanyang balat, at ang kanyang buhok ay naging kulay ginto na kumikinang sa tuwing tinatamaan ng sinag ng araw. Kung napakaganda niya noon, ay mas lalo pa itong gumanda na tipong wala ng makakahigit pa sa kagandahan niya. Well, afterall, she is the deity of beauty.
"Hmm." Humigpit pa ang yakap ng dalaga kay Alexander kaya ramdam na ramdam niya ang banayad na paghinga ng babaeng kanyang katabi. Unti-unting umusbong ang pag-asa sa kanyang puso na baka totoong nandito na muli ang babaeng kanyang itinatangi at hindi ito gawa lamang ng kanyang imahinasyon.
"N-nate? Can I... hold you?" Hindi niya alam kung karapat-dapat pa ba siyang hawakan ang dalaga sa kabila ng lahat ng katarntaduhang ginawa niya. Isang ungol lang ang pinakawalan ng dalaga at muling sumiksik sa dibdib niya dahilan para lumitaw ang isang maliit na ngiti sa kanyang labi.
Dahan-dahan niyang idinampi ang kanyang mga kamay sa makinis nitong pisngi at laking pasasalamat niya na hindi ito naglaho at nanatili sa tabi niya. Hindi na niya napigilan ang sarili at agad na hinapit papalapit ang dalaga at hinalikan sa noo dahil sa sobrang saya.
"I'm sorry... I'm sorry for leaving you alone." Niyakap niya ito ng mahigpit at paulit-ulit na hinalikan ang tuktok ng buhok ng dalaga. Dahil dito ay nagising si Amara at pupungas-pungas na tiningnan ang lalaking kayakap niya. Umawang pa ang labi ni Alexander dahil sa pagkamangha ng makita ang gintong mata ni Amara.
"Blaz?" paos niyang pagtawag. Inilapit niya ang kanyang kamay sa pisngi ng prinsipe at marahang pinunasan ang luhang umaagos mula sa mga mata nito. "Bakit ka umiiyak?"
Hinawakan ni Alexander ang kamay ni Amara na nasa pisngi niya at marahan itong pinisil. "I'm just... so happy. Thank you, Nate. Thank you for coming back." Hinalikan niya ang kamay ni Amara na ikinangiti lamang ng dalaga.
Pinagdikit niya ang kanilang mga noo at mayamaya ay muli ng nakatulog ang prinsesa. Lumipas ang ilang oras ngunit hindi man lang bumalik sa pagkakaidlip ang prinsipe at nanatiling pinagmamasdan ang dalagang kanyang itinatangi. Patuloy lamang niyang hinahagod ang buhok nito at niyayakap ng mahigpit.
Ipinangako niya sa kanyang sarili na hinding-hindi na niya muling sasaktan ang damdamin ni Amara. Hindi na niya itong muling papakawalan. Ipaglalaban na niya ito sa kahit sino, kahit pa sa kanyang ama. Hindi na niya muling uulitin ang pagkakamaling ginawa niya noon.
Natuto na siya sa kanyang mga pagkakamali, at napagtanto niya na mas mahirap palang mabuhay ng wala si Amara sa buhay niya. Hindi niya kakayanin. Kaya hindi na niya sasayangin pa ang ikalawang pagkakataong ibinigay sa kanya. Itatama na niya lahat ng maling nagawa niya at hindi na muling magpapaloko sa iba.
***
Sa kabilang banda, ay nag-aalala ang tatlong prinsipe para sa kalagayan ng kanilang kaibigan. Pagkatapos kasi nitong pagtangkaan ang buhay ni Katelyn ay walang buhay itong dumiresto sa kanyang silid.
Tanghali ng tapat at pinatawag pa sila ni Headmaster Jaycee upang kamustahin, ngunit hindi nila masabi ang kalagayan ni Alexander, dahil kahit sila ay hindi rin alam ang konndisyon ngayon ng kaibigan. Isinalaysay na lang nila ang kanilang pinagdaanan sa Headmaster at ang kapalit ng pagkabuhay muli ni Amara.
Sinabi rin nila ang pagtatangkang ginawa ni Xander sa buhay ni Katelyn na lubos na ikinabahala nito. Maaaring ulitin ito ni Alexander kaya nagpadala na ng kawal si Jaycee upang mabantayang mabuti ang estudyante. Kahit nais din niyang mabuhay si Amara, ay hindi nararapat na kikilin ang buhay ng iba.
***
Ng tuluyan ng magising si Amara ay bumungad kaagad sa kanya ng gwapong mukha ni Alexander na titig na titig sa kanya ngayon. Bumangon siya pero hinigit siyang muli ng prinsipe papahiga at niyakap siyang muli ng mahigpit.
"You are real, right baby?" kahihimigan ng takot at lambing ang boses ni Alexander na bahagyang ikinangiti ni Amara bago tumango.
"I'm sorry," bulong ni Xander na ikinatigil ni Amara. Bakas ang pagsisisi at sinseridad sa boses niya. Lumayo si Amara sa kanya at umupo na sa kama na ikinakaba ng prinsipe. "Nate..." pagsusumamong saad niya ng makita ang lungkot sa mga mata ni Amara.
"I know you're mad. Hurt me. Curse me. You can kill me! I know I'm an asshole for hurting you, for leaving you. I also know that you can't forgive me. I will work hard to gain your forgiveness and trust again, Nate. Even if it takes forever. Just please, say something." Pagmamaka-awa ni Alexander habang hawak ang kamay ni Amara.
Ang malungkot na mga mata ni Amara ay napalitan ng ngiting punong-puno ng sinseridad. "I'm not mad at you, Blaz. I'm just..." Napatigil pa ang dalaga upang titigan ang mga nagsusumamong mga mata ng prinisipe. "...broken." Bumalatay ay sari-saring emosyon sa mukha ni Alexander sa pahayag ng dalagang kanyang minamahal. Nataranta pa siya ng makita ang mga luhang tumutulo mula sa gintong mga mata ni Amara.
"I will be a hypocrite if I say I didn't hope that you will choose me. I know you will not, but I just can't stop myself from hoping that maybe... just maybe," garalgal na saad ni Amara, "you will."
Napaiwas na lang ng tingin si Alexander. Ramdam niya ang pagsikip ng kanyang dibdib. Alam niyang nasaktan niya ng sobra si Amara at sobrang pagsisisi ang naramdaman niya dahil doon. Ngunit, mas masakit palang marinig mula mismo sa kanya na nadurog niya ang kanyang puso. Mas lalo pa siyang nagalit sa sarili ng malamang hindi galit sa kanya ang dalaga. Itinatanong niya sa kanyang sarili kung ano ang karapatan niyang saktan ang isang babaeng napakabusilak ng puso.
"So please, wait for me to heal," malamyos na saad ni Amara habang hawak ang pisngi ni Alexander.
"I will," sagot niya habang tumatango. Tuluyan ng umalis na sa kama si Amara at naglakad papunta sa pinto para lumabas ng matigilan siya sa mga salitang lumabas sa bibig ng prinsipe.
"I love you." Gulat niyang nilingon si Alexander at nanlaki pa ang mata niya ng makitang nakalapit na pala siya sa kanya at ilang dangkal na lang ang pagitan. "I'm so scared, Nate. I thought I can't say those words to you anymore. I'm so sorry if it takes too long to realize my feelings for you. Please, let me prove myself to you."
Lumabas naman ang isang maliit na ngiti sa labi ni Amara na nagbigay ng pag-asa kay Alexander, ngunit naglaho ang lahat ng ito ng marahang umiling ang dalaga sa kanya. "Manatili na lang tayo kung ano tayo ngayon, Blaz, para hindi na uli tayo magkasakitan," saad niya.
Inabot niya ang buhok ni Alexander at marahang ginulo. "Mauuna na ako, best friend ko." Isang matamis na ngiti ang iniwan ni Amara bago tuluyang lumabas sa silid at iniwan ang tulalang prinsipe.
"Best friend," sarkastikong bulong ni Alexander na kahihimigan ng sakit at pagsisisi. "Kasalanan mo lahat, pagdusahan mo," bulong niya sa sarili bago ituon ang sakit na nararamdaman sa pagsuntok ng pader. Nagiwan ito ng bitak na marka ng kanyang pagsisisi at galit sa sarili.
Malaki ang sugat na naiwan niya sa puso ni Amara, kaya naiintindihan niya ang desisyon ng dalaga. Ngunit hindi pa rin niya mapigilang umasa na baka balang-araw kapag naghilom na ang sugat sa puso niya, ay buksan na niya muli ito para sa kanya.
______mistyrhynn______
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top