26 Oppa

Amara's POV

"Narinig mo ba?" Josh asked. Nandito kami ngayon sa kwarto ko. I teleported here a while ago para naman hindi siya ma-suffocate sa celebration sa palasyo. Or should I say, kaming dalawa.


I sat beside him bago tumango. He sadly smiled at kita ko ang nagbabadyang luhang muling tumulo sa mga mata niya.


"Kahit anong gawin ko hindi sapat para sa kanila. Kailangan ako ang pinaka sa lahat pero hindi talaga kaya eh. Hindi ako kasinggaling ni Xander. Hindi ako kasingtalino ni Vinn. Hindi ako kasing-charismatic ni Phil. Ako lang kasi to eh," he said while sobbing silently.


"Siguro tama nga si Mama, bobo nga talaga ako, palpak, walang kwenta, mahina, tanga, walang alam, hahaha, lahat na ata ng masasamang katangian nasa akin na eh."


Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at pilit iniharap sa akin. Dirediretso ang pag-agos ng luha niya habang nakatingin sa kawalan. "Josh, look at me," I said but no avail. "Look at me," I repeated. He slowly looked at me with his swollen eyes full of pain and sadness.


"You don't need to be the strongest. As long as you can protect yourself and the people important to you, that is enough," I said while intently looking into his eyes.


"You are enough. Walang kulang sayo. Kung hindi ka nila matanggap, so what? You are you. You are unique. Do not be concerned on what the world thinks about you, sapat na ang sarili mo para mapatunayan na hindi ka mahina. At isa pa, nandito kaya ako. I believe in you!" I smiled making him smile too.


"Bakit nagsisisi ka ba na hindi ikaw ang napili para mapangasawa ng prinsesa?" I raised my brows. "Alam ko namang sa loob-loob mo ay nagpapaparty ka na. Tsk. Alam ko rin ang iniisip mo no. 'Yes! Buti hindi ako ang pinili dahil si Gail ang papakasalan ko, si Gail lang' diba?"


Namula naman ang tenga niya. "P-ano mo nalaman yun?" I mentally smiled. I have my hair clip, aren't I?


"So, inaamin mo na?" pang-aasar ko. Tumungo naman siya at pinigilan pa ang pagngiti.


"Wag mong pagkakalat sa iba Ara ha," he said making me burst out laughing. Napahawak pa ako sa tiyan ko hahaha. Walanghiyang yan. Wag daw ipagkakalat. Pfft.


"Hoy, anong nakakatawa?" he asked.


"Alam naman ng lahat hahaha. Alam nilang lahat na may gusto ka kay Gail. Wag daw ipagkakalat hahaha, kalat na kalat na ho for your information." I laughed. Samantalang siya ay nalaglag ang panga at namula ng todo.


"Ano?! Paano nila malalaman eh hindi ko naman sinasabi?! Gags, ibig sabihin alam din ni Gail?!" he said making my laugh harder. Biglang umurong ang mga luha niya, at ngayon, para na siyang tinakasan ng kulay. Ang putla-putla niya hahaha. "Hoy Ara, ano? Pota."


I tried to stop laughing but after I heard him curse, hindi ko alam na may ilalakas pa pala ang tawa ko. Naiiyak na ako hahaha. After a while, pinilit ko talaga ang sarili ko na tumigil na sa pagtawa pero ng makita ko ang mukha ni Josh, napatakip na lang ako ng bibig dahil sa tuwa. Nakakatawa talaga siya.


"Amara naman eh! Ano nga?!" he frustratedly asked so I tried my best to compose myself.


"Totoong alam ng lahat ng students sa academy kasi sobrang halata ka naman kasi. The way you look at Gail, aba, yun pa lang malalaman na namin eh. Eh paano pa kapag namumula ka kapag kasama mo siya. Tsk. Nauutal ka pa nga eh hahaha. Syempre we concluded na may gusto ka sa kanya." I stifled a smile. Napahawak naman siya sa noo.


"Alam nga niya," he said before burying his face to my pillow and screaming loudly. Nag paikot-ikot pa siya sa kama ko na ikinatawa ko na lang.


"Manhid kaya ang Gailyn na yon. Don't you worry, hindi pa niya alam... sa ngayon. Pero pwede ko namang sabihin diba?" I teased.


"WAG!" Bigla-bigla siyang tumayo at sumigaw na mukha ko.


"Well, depende naman yun sa pakikitungo mo sa'kin, kasi sa pagkakatanda ko, you called me matakaw, right?" I smirked dahilan para umiling-iling siya.


"Araaa! Hindi ka matakaw! Ang ganda-ganda mo! Ikaw ang pinakamagandang babaeng nakilala ko kasunod ni Gail! Ang sexy mo pa nga eh! Pramis! Cross my heart!" he said making me laugh again. Parehas na parehas sila ni Gail ng reaksyon.


"Hahahaha, let's see," I smirked.


"Amara naman eh!"


"Ah so, sinisigawan mo ako?"


"Hindi! Sori na! Please namannn, wag mo ng sabihin!"


"Fine, hindi ko sasabihin... sa ngayon. Pero pag ako nainip talaga, pasensyahan na lang tayo," I said making him pout. "Choose, ako ang magsasabi, o ikaw?"


"Paano kung ayaw niya sa akin?" he said.


"Paano kung gusto ka niya?" I asked making his eyes lit up. "Hindi mo malalaman kung hindi mo susubukan. Take the risk, Josh."


Nangunot naman bigla ang noo niya. "Matagal ko ng napapansin Amara, bakit hindi mo ako tinatawag na kuya? Mas matanda kaya ako sa'yo! Hindi porket baby face ako ay Jo-josh-joshin mo na lang ako! Call me kuya," he said making me stifle a smile. Babyface hahaha. Self-proclaimed siya ha.


"Eh kasi nga, tinawag ko kasi si Blaz na kuya noon, tapos nagalit siya sa akin. Minura pa nga ako eh hahaha. Kaya naisip ko baka ayaw niyo ring magpatawag sa'kin ng kuya," I laughed.


"Syempre magagalit yun, eh magkaedad lang naman kasi kayo, at sino namang tao ang magugustuhang tawaging kuya ng taong gusto niya tsk." He whispered the last part to himself. It was too faint to hear pero dahil suot ko ang clip ay narinig ko din. I bitterly smiled.


"Hindi niya ako gusto hahaha, mga iniisip mo naman eh. Ikakasal na yun ano ba," I smiled. "So, back to topic, marami na kasi akong kuya. Can I call you Oppa instead? It means brother din naman."


"Oppa? Hmm, parang ang sosyal pakinggan, pang gwapo. Sige, gusto ko yan," He smiled evilly making me laugh.


"Pero ikaw, you should call me dongseng ha? Ibig sabihin nun little sister, ano gusto mo ba?" I said making him thumbs up.


"Oo naman, dongseng," he said making me laugh slightly.


"Oppa," I called.


"Ano?"


"Wala lang." I laughed so hard when he pouts like a duck. Childish na prinsipe talaga.


***


"Ara, pwede bang manligaw?"


"Can I court you, Amara?"


"Ara, sagutin mo na ako please!"


"Ara, please accept this,"


"Ako na lang baby ko."


"You are my love Ara, please give me a chance."


Natigalgal ako ng palibutan ako ng maraming lalaki. What the hell is happening?! They were asking me to let them court me for goodness's sake! They were even giving me stuff like flowers and chocolates! Normal naman ang mga araw ko noong first 3 weeks ko dito. Isa lang ang nagtangkang manligaw sa akin.


But now?! It was tons of them! Nasiksik na nila ako at hindi ko alam kung paano ako makakaalis dito. So, the first thing I think was to teleport on the top of the stairs. Their gazes then followed me. I awkwardly smiled at them.


"Hi," I said at umawang ang labi ko ng magsabay-abay uli silang magsalita sa puntong hindi ko na sila mainitindihan pa. "Ahm guys? I want to thank you for your admiration and for all your gifts for me. Pero sana sa susunod, instead of buying something for me, use it to buy something for yourself. I will be happier if you do, okay?" I said and they all nod and smile in response.


"Pero if you insist naman, pwede niyo naman ako ilibre na lang ng pagkain hahaha." I smiled and accepted their gifts for me lalong-lalo na yung chocolates. Syempre naman. Bawal tanggihan ang grasya no! After that, I waved my hand to say goodbye before going to the Dining Hall for lunch.


Pero hindi pa ako nakakapasok ng may humila sa akin. Kinaladkad pa ako sa isang hallway na walang tao. "Blaz," I whispered. I was shocked to see him frustrated and angry right now. Nag-away ba sila ng prinsesa? This is the first time na nakausap ko siya simula ng dumating si Natara.


"Are you okay? May problema ba?" I asked him. Kahit gaano ako ka-curious sa iniisip niya, I didn't dare to use my hairclip on him. Natatakot ako sa malalaman ko. I'm so scared to know the truth. I was so hypocritical. I know I told Josh to take risks, but I can't do it myself. Masisisi niyo ba ako? Natatakot akong masaktan.


"Damn it! I hate to see those fucktards lingering at you! I hate to see you smiling at them! You are my problem, Amara! Fvck! You're confusing me, big time!"


______mistyrhynn______

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top